You are on page 1of 2

Elemento ng Kuwento

Pamagat:

Ang Bukal sa Mabato

Tagpuan/Panahon:

Ang Bukal sa Mabato

Mga Tauhan:

Lloyd

Alyssa

Kim

Cindy

Guro

Pangyayari:

Natagpuan at nakarating ang mga bata sa Bukal.

Problema:

Natangay ng agos ng tubig ang bola hanggang sa makarating ito sa bukal.

Solusyon:

Hinabol nila pero hindi na nila kinuha at sila ay bumalik nalang sa kanilang paaralan.
Buod ng Kuwento:

Isang umaga, sina Cindy, Alyssa, Kim at Lloyd ay masayang naglalaro ng bola sa gilid ng
paaralan. Nagpapasahan sila ng bola at bigla itong napunta sa labas at gumulong papuntang
sapa. Hinabol nila ito pero hindi na naabutan dahil inagos ng inagos ng tubig papalayo. Sabi ni
Alyssa ay huwag na nilang kunin ang bola at bumalik na lamang kina Kim at Lloyd.

Nakita nila ang bukal at gusto nilang maghugas ng paa sa bukal dahil may taglay na gamot
ang tubig. At ayon sa lolo ni Lloyd ay may diwatang umaaligid-ligid dito at ang paliwang ni Cindy
ang bukal ay may taglay na kakaibang init. Ayon kay Kim, sa tuwing may okasyon ay dinadala nila
ang mga kinatay na hayop tulad ng baboy at kambing upang linisan ang kanilang mga balahibo.
Napagtanto nila na napakasuwerte nila na may ganung bukal sa kanilang lugar. Napansin ng mga
bata na alas 10:00 na ng umaga at kailangan na nilang bumalik sa kanilang sild-aralan.

Tamang-tama ang dating nila sa paaralan dahil kakatunog palang ng batingaw. Binati nila
ang kanilang guro at tinanong sila kung saan sila galing. Sinagot ni Alyssa na nanggaling sila sa
bukal. Tinanong sila ng guro kung anong ginawa nila doon. Hinabol kasi nila yung bola na inagos
ng tubig.

Humingi sila ng patawad sa kanilang guro at hindi na uulitin ang pagpunta sa bukal ng
walang kasama. Sinabi ng kanilang guro na basta huwag na uulitin at puntahan nalang nila ang
bukal upang linisin.

Natutunan sa Kuwento:

Sa kwentong ito, nakapagbigay ng aral kung paano matutunan ang paghingi ng tawad sa
mga maling nagawa. Matutong sumunod sa mga alituntunin upang makaiwas sa kapahamakan.

You might also like