You are on page 1of 6

Frianeza, Emalyn M.

BSED- Filipino II

PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO, TULA AT DULA

Pagsusuri ng Maikling Kwento


I. URI NG KWENTO
Kwentong Katatakutan
- pinag-uusapan ang mga salaysaying kasindak-sindak.

II. PAMAGAT
Ang 'Aswang' sa Baryo Dekada Sitenta
Isang matandang ‘di umano’y aswang, pinahirapan ng taong bayan.

III. NILALAMAN

A. TAUHAN
Mang Boy - isang matandang tahimik na naninirahan, ulila sa pamilya, may positibong pananaw
sa buhay at hindi iniisip ang sinasabi ng iba.
Mang Kaloy - matulunging mamamayan, haligi ng tahanan ng pamilya Cruz.
Aling Cecilia - isang ina at maybahay ni Mang Kaloy. May paninindigang ginang at matulungin
sa kapwa.
Elias - isang lider ng isang samahan ng mga kabataan sa kanilang baryo. Walang galang sa
matatanda.
Carlos at Cerio - dalawang anak ni Mang Kaloy at Aling Cecilia. Kapwa matulungin tulad ng
kanilang ama at ina.

B. TAGPUAN
Baryo Dekada Sitenta
Kanto
Bahay

C. GALAW NG PANGYAYARI O BANGHAY

a. Pangunahing Pangyayari
Isang araw, sinugod ng mga kabataan ang bahay ni Mang Boy at inutusan siyang lumabas at
pinagsabihang siya'y isang salot na aswang. Si Elias ang kanilang lider at walang awang pinagsisigawan
ang matandang hindi naman lumabas ng bahay. Pinagalitan ni Mang Kaloy ang mga kabataan at
inutusang umuwi na lamang.

b. Pasidhi o Pataas na Pangyayari


Kinabukasan ay napag-alamang nawawala si Elias at isa sa mga kaibigan nito. Naging bulong-
bulungan sa buong baryo ang ginawang pagsugod ng mga kabataan at nabuhay ang palaisipang si Mang
Boy ang nasa likod ng pagkawala ng dalawang binatilyo.

This study source was downloaded by 100000791128621 from CourseHero.com on 04-04-2022 05:29:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/66772612/Frianeza-Emalyn-M-Pagsusuri-ng-Maikling-Kwento-Tula-at-Duladoc/
c. Karurukan o Kasukdulan
Nagsagawa ng plano ang lahat na sunugin ang bahay ng matanda upang maipaghiganti ang
pagkawala nina Elias. Naisakatuparan nila ang plano kinagabihan na lingid sa kaalaman ng isang
kapitbahay ni Mang Boy.

d. Kakalasan o Pababang Aksyon


Nagising si Aling Cecilia dahil sa usok at sa labis na takot na masunog rin ang kanilang bahay ay
agad niyang ginising ang asawang si Mang Kaloy at ang dalawa nitong anak na sina Carlos at Cerio.
Lumabas sila at nakita ang nagbabagang apoy sa loob ng bahay ni Mang Boy. Lahat ay nagulantang
sapagkat sa halip na aswang ang lumabas, isang matandang nanghihina ang nagpakita sa kanila. Sa labis
na awa ay tulong-tulong nilang inapula ang apoy at tinulungan ang matanda. Ang lahat ay nagsisi lalo pa't
kinabukasan ay umuwi galing lamang sa kabilang bayan si Elias kasama ang kaibigan nito.

e. Wakas
Kinupkop ng pamilya Cruz si Mang Boy. Sinabi sa kanila ng matanda na ang dahilan ng takot ay
pawang sabi-sabi lamang ng iba. Siya'y hindi nagsasalita sapagkat ayaw niyang makaapak ng ibang tao at
aniya'y wala naman siyang dapat patunayan. Dahil sa paghihina dulot ng usok na nalanghap, si Mang Boy
ay pumanaw pagkalipas ng ilang araw.

IV. TAGLAY NA BISA

A. BISANG PANGKAISIPAN
"Huwag maging mapanghusga sa kapwa base sa sinasabi ng iba." Ito ang aking naikintal sa isip
matapos kong mabasa ang kwentong ito. Sa takbo ng storya, bagama't alam ni Mang Boy ang tungkol sa
sabi-sabi na isa siyang aswang, nanatili siyang tahimik at hindi gumawa ng bagay na ikasasama ng
kanyang kapwa. Dito ipinakita na sa kabila ng masasamang salitang maaari nating ibato sa ibang tao,
hindi parin imposibleng manatili ang kaugalian ng pagpapakumbaba bagkus na bigyan ng tugon ang
sinasabi ng iba.

B. BISANG PANGDAMDAMIN
Sa dulo ng kwento, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting awa kay Mang Boy sapagkat
siya'y pumanaw hindi lamang sa katandaan ngunit dahil na rin sa tuluyang panghihina ng kanyang
katawan sanhi ng pagsunog ng kanyang tirahan. Nakakaawa rin ang kanyang sinapit sapagkat hindi niya
man lang nagawang mamuhay ng malaya at gawing masaya ang nalalabing oras ng kanyang buhay.
Gayunpaman, ipinakita parin ng kanyang karakter na wala siyang pinagsisisihan sapagkat wala naman
siyang ginagawang ikasasama ng kanya kapwa ka-baryo.

C. BISANG PANGKAASALAN - Ang kwentong ito ay nakapokus sa pagkakaroon ng RESPETO sa


ating kapwa tao lalo na sa mga nakatatanda. Ang respeto ay hindi dapat magkaroon ng dahilan upang
maibigay sa ibang tao sapagkat ito'y dapat na maging likas sa ating katauhan. Sabi nga "Kung binato ka
ng bato, batuhin mo ng tinapay." Ibig sabihin, kahit pa anong ginawang masama sayo ng isang tao, hindi
parin ito sapat na dahilan upang mawalan ka ng respeto. Ganito ang ipinakita sa katauhan ni Mang Boy,
na kahit ano pa ang sabihin sa kanya ng ibang tao, nanatiling mababa ang kanyang naging pananaw sa
buhay.

This study source was downloaded by 100000791128621 from CourseHero.com on 04-04-2022 05:29:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/66772612/Frianeza-Emalyn-M-Pagsusuri-ng-Maikling-Kwento-Tula-at-Duladoc/
V. KAMALAYANG PANLIPUNAN
Mahalagang maunawaan natin ang bawat akdang ating binabasa hindi lamang ang takbo ng
storya ngunit gayundin ang pagbibigay ng mainam na atensyon sa aral na mapupulot dito. Sa kwentong
Ang "Ang Aswang sa Baryo Dekada Sitenta" ay nagpapakita ng kahalagan ng pagkakaroon ng respeto sa
kapwa maging sa ating sarili. Ang respeto ay kakambal ng salitang paggawa ng mabuti sa kapwa,
pagkakaroon ng magandang-asal at paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o
bagay. Ito rin ay ang paggalang sa lahat ng karapatan na malayang ipinag kaloob sa ating lahat.Dapat
magpakita tayo ng respeto sa isa’t isa, lalo na sa mga taong mas nakakatanda sa atin. Mahalaga ang
magpakita ng respeto ngayon dahil nawawalan na ng pagbigay galang ang mga kabataan. Hindi na
nakikita ng mga tao ang mga mabuting epekto ng pag-respeto, at ito ay isang importanteng aspeto ng
buhay. Maraming masamang epekto ay maidudulot sa pagkawala nito sa ating buhay.

VI. TEORYA

Teoryang Moralistiko
Ang kawalan ng galang at respeto ng grupo ni Elias ay nagpapaalala na dapat humukin ang mga
kabataang ibalik ang kaugaliang ito lalo na sa mga matatanda. Ang karakter na ginampanan ng pamilya
Cruz ay sumisimbolo rin sa mga taong hindi mapanghusga sa kabila ng mga naririnig mula sa iba na sa
kasalukuyan ay tunay na laganap sa ating lipunan. Higit sa lahat, ang katauhan ni Mang Boy ang
nagpapatunay na tayo'y dapat na manatiling mababa o maging mapagpakumbaba anuman ang sabihin o
isipin ng ibang tao laban sa atin. Hangga't wala tayong ginagawang masama na maaaring ikasama ng
ating kapwa, wala tayong dapat ipag-alala.

This study source was downloaded by 100000791128621 from CourseHero.com on 04-04-2022 05:29:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/66772612/Frianeza-Emalyn-M-Pagsusuri-ng-Maikling-Kwento-Tula-at-Duladoc/
PAGSUSURI NG TULA

I. PAKSA
Pamagat: Ang Bakal
May Akda: Jose Katindig

II. KAYARIAN
A. Uri: Tulang Liriko o Tulang Pandamdamin
B. Estropa: Anim
C. Ritmo/Indayog
1. Sukat: Lalabindalawahing pantig
2. Tugma: Tugmang ganap at Tugmang di-ganap

III. ANYO
A. Tono: Tiwala sa Sarili
B. Tayutay
Pagtutulad
- di lahat ng pangit sa mata'y katulad ng isang bulaklak ng lanta
Eksaherasyon
- ang pinuno na namamatnubay ay may gintong puso't kaloobang bakal
Paglilipat-wika
- ako'y isang putol na pangit na bakal

C. TALASALITAAN
Malirip- maisip
Luklukan - upuan/trono
Giting – kabayanihan

IV. PAGSUSURI
A. Paksa
Halaga ng isang bakal
B. Diwa
Anu-ano ang gamit ng isang bakal
C. Simbolismo
Bulaklak na lanta - walang buhay o halaga
V. IMPLIKASYON
Mensahe
- Lahat ay may puwang sa mundo
- magkaroon ng paniniwala sa sariling kakayahan
- ang tunay na ganda ng nilikha ay nasa kanyang kaluluwa

This study source was downloaded by 100000791128621 from CourseHero.com on 04-04-2022 05:29:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/66772612/Frianeza-Emalyn-M-Pagsusuri-ng-Maikling-Kwento-Tula-at-Duladoc/
PAGSUSURI NG DULA
I. PAMAGAT
Moses Moses ni Rogelio R. Sikat

II. NILALAMAN
A. TAUHAN
Regina – nanay ni Aida, isang guro
Tony – kapatid ni Aida na pumatay sa anak ng mayor
Ben – kapatid ni Aida na nagsumbong sa kanyang ina na may dalang baril si Tony
Ana- kapatid ni Regina
Aida – ang babaeng nagahasa
Alkadle – ama ng gumahasa kay Aida
Konsehal – kasama ng mayor nang makipag-usap ito kay Regina
B. TAGPUAN
Isang Middle Class na komunidad sa Rizal, taong 1950’s
Apartment nina Regina

III. KAYARIAN
A. DYANRA
Ang dulang Moses Moses ni Rogelio R. Sikat ay isang uri ng dulang trahedya.
B. TEORYA
Teoryang Realismo
IV. BUOD

Sa tindi ng pinagdaanan ng magkakapatid sa pangyayaring naranasan ng kanilang nakababatang


kapatid sa kamay ng isang makapangyarihang tao. Higit silang nanalig na sana makamit nila ang
hustisya lalo na si Regina at Tony.

Si Aida na isang batang babae na nakaranas ng panggagahasa sa anak ng isang Alkalde. Sa


kanilang bahay nag usap si Regina at Ana hingil sa nagyari ky Aida. Sa di inaasahan dumating ang
Alkalde at humuhingi ng dispensa sa nangyari kay Aida at nagsasabing iurong na nila ang kaso para sa
kanyang anak na lalake. Hindi pumayag si Regina at nangakong itutuloy nila ang kaso laban sa anak ng
Alkalde.

Sa kabila naman nito ang panganay na anak na si Tony ay handang kitlin ang buhay ng anak ng
Alkalde para magkaroon ng hustisya ang kanyang nakakabatang kapatid. Nang gabing iyon nagising si
Aida at sinumpong sa kanya sakit. Pinabili ni Regina ng gamot si Tony. Ngunit may masama na palang
balak si tony ayon kay Ben. Umiiyak si Aida dahil sa kanyang panagip tungkol sa kanyang kapatid.
Pinainum daw ng lason ang kapatid na si Tony.

Nagmamadaling pumasok si Tony sa kanilang sala ng makita ni Regina na duguan ang kamay
ng kanyang anak. Napatay na pala ni Tony ang anak ng Alkalde. Sa bilis ng pangyayari nakapasok ang
alkalde at itinutok ng alkalde ang kanyang baril kay Tony. Ngunit inagaw ito ni Regina pero sa di
inaasahang pangyayari nabaril ni Regina si Tony at hinuli si Regina dahil sa pangyayari.

This study source was downloaded by 100000791128621 from CourseHero.com on 04-04-2022 05:29:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/66772612/Frianeza-Emalyn-M-Pagsusuri-ng-Maikling-Kwento-Tula-at-Duladoc/
V. PAGSUSURI
A. GINTONG ARAL
Walang magandang maidudulot sa atin ang isang bagay kung galit at paghihiganti ang
patuloy na paiiralin natin.

B. TAGLAY NA BISA
a. BISANG PANGDAMDAMIN
Pagkatapos kong mabasa at intindihin ang nilalaman ng dula, ako’y tuluyang nalungkot
sa naging wakas ng may akda. Hindi lamang iisang buhay ang nawala o nabanggit sa kwento
ngunit maging isang ina rin ay nagawang kitilin ang buhay ng kanyang sariling anak. Bagamat
ang kabooan ng dula ay nagpapakita sa masaklap na katotohanan tungkol sa ating lipunan na
kung saan ang hustisya ay nadadaan sa usapan lamang, kasama na rin ang kabuktutan ng
pamahalaan kabilang na ang mga opisyal nito na nagkaroon rin ng mga karakter sa nasabing dula.
Ngunit ang ipinapakita nito sa dulo ay ang kahalagaan na hindi dapat tinatakasan ang nagawang
krimen ngnit dapat na pagbayaran na naaayon sa tunay na batas.

b. BISANG PANGKAISAPAN
Ang buong dula ay nagtataglay ng kultura, kaugalian at kalagayan ng lipunan natin lalo
na sa usapin ng politika sa ating bansa, mga karahasan na hindi agad napagtutuonan ng pansin
pati na rin ang mga taong gustong manghiganti na naging biktima ng mga pangyayaring ito.
Sumasailalim din ito sa mga desisyon na nagagawa natin kung puno ng galit ang ating mga puso.
Sa kalagayang ito, karaniwang nakagagawa tayo ng maling desisyon na nagpapalala lamang sa
isang magulong sitwasyon.

c. BISANG PANGKAASALAN
Kung meron mang isang aral na natutunan ko sa dulang Moses Moses, ito ay
pagmamahal ng isang ana sa kanyang anak ay tunay na kakaiba. Gayunpaman, tayo’y huwag
dapat maging padalos-dalos sa ating ginagawang desisyon dahil maaaring magtungo ito sa
masamang bunga. Nakaukit rin dto na ang mga tao, kapag nakadikit sa politika ay hindi nagiging
patas ang ginagawang desisyon. Ang dulang ito ay naglalahat hindi lamang sa pananaw ng
mambabasa ngunit sa buong daigdig. Ito ay katunayang nangyayari sa ating Lipunan. Kung ang
aral na matututunan sa dulang ito ay palalawakin, maaaring magbunga ito ng isang maayos na
estado ng buhay hindi lamang sa isang tao kundi maging sa buong bansa.

This study source was downloaded by 100000791128621 from CourseHero.com on 04-04-2022 05:29:56 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/66772612/Frianeza-Emalyn-M-Pagsusuri-ng-Maikling-Kwento-Tula-at-Duladoc/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like