You are on page 1of 5

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC, INC.

Mac Arthur Highway, Poblacion (Sto. Rosario), Capas, 2315 Tarlac, Philippines
E-mail: domct_2315@yahoo.com

COLLEGE OF EDUCATION
SEMI-DETAILED LESSON PLAN
I. LAYUNIN
• Naipapaliwanag ang Pagkamatipid.
• Matutukoy ang kahalagahan ng pagiging matipid.
• Masasabi kung paano magiging matipid sa lahat ng oras at panahon.

II. PAKSANG ARALIN


• Paksa: Aralin 4 Pagkamatipid
• Sanggunian: Books
• Kagamitan: Books|Pisara|Panulat
III. MGA PAMAMARAAN NG PAGKATUTO
* Pagbati
* Panalangin
* Pagtala ng lumiban

A. Mga Aktibidad sa Paghahanda


• Pagsusuri

B. Mga Aktibidad sa Pag-unlad


1. PAGGANYAK
Ang guro ay magpapakita ng larawan at tutukuyin ito kung ito ba ay
nagpapakita ng pagtitipid, pagiging masinop at pag-iipon
2. PAGLALAHAD NG ARALIN
Ang guro ay magtutungo sa kanilang pagtatalakay tungkol sa kwento ng isang
batang maihahalintulad sa isang matipid at ito ay ang batang Si Jaime
Si Jaime
Si Jaime ay isang mabait at masipag na bata. Tuwing sabado, nililinis niya ang
mga sapatos ng kanyang Tito at binibigyan siya ng konting halaga. Itinatago
niya ang pera sa isang alkansiya.

Isang araw pagkagaling sa eskuwela, tuwang tuwa na ipinakita ni Jaime


sa kanyang magulang ang mataas na gradi na kanyang nakuha sa isang school
project. “Ang galling mo anak! Pero paano mo ito nagawa samantalang hindi
ka naman naming nabibigyan ng tatay mo ng pambili ng mga kagamitan?”
tanong ng nanay ni Jaime. “Mayroon po akong naipong pera galling sa baon
ko at sa paglilinis ng sapatos ni Tito. Nagipon po ako ng para hindi ninyo
alalahanin ang pagbili ng mga gamit sa project,” sagot ni Jaime. Tuwang tuwa
kay Jaime ang kanyang mga magulang.

Ang pag-iipon, pagtitipid, at pagiging masinop ang susi para may


magamit kapag may pangangailangan at para na rin sa kinabukasan.

2. PAGLALAPAT
 Hahatiin sa apat na grupo ang mga mag-aaral.
 Magbibigay ang guro ng mga gamitan sa gagawing aktibidad.
Basahin ang mga sumusunod na Gawain sa bahaging kaliwa.
Isulat sa bahaging kanan ang ibubunga ng ganitong mga Gawain.
Halimbawa :
Gawain
Hindi ginagastos ang perang baon kung hindi kailangan
Bunga
Makakaipon ng pera.

Group 1
Gawain
1. Kinakaladkad ni jane ang kanyang sapatos habang naglalakad
Bunga
1.
Group 2
Gawain
1. Panahon na ng tag-araw. Maingat na tiniklop ni nanay ang mga
panginaw para itabi.
Bunga
1.

Group 3
Gawain
1. Nagpasamang bumili ng pizza si Marco sa kantina sa mga kaklase
kahit alam niyang may baon siyang kanin at ulam sa
pananghalian.
Bunga
1.
Group 4
Gawain
1. Sinisikap ni Leny na huwag gastusin lahat ang kanyang baon nap
era sa paaralan. Ang kalahati ay ilalagay niya sa kanyang alkansiya
Bunga
1.

C. PANG - WAKAS NA AKTIBIDAD


Paglalahat: Ang guro ang magpapanood ng maikling bidyo tungkol sa
Pagkamatipid. Magtatanong ang guro kung ano ang apat na kasarian ng
pangngalan, at magbibigay ng halimbawa ang mga mag-aaral sa apat na kasarian.
https://www.youtube.com/watch?v=7epLiwWOYsk
IV. PAGTATAYA
Tingnan mabuti ang bawat larawan.
Isulat sa salitang MATIPID sa patlang kung ito ang nakikita sa larawan. Isulat ang
salitang HINDI MATIPID sa patlang kung ito ang nakikita sa larawan.

1. _________ 4._______

2. _________ 5. ________

3. ________ 6. _______
V. ASIGNATURA
A. Gumuhit ng dalawang pang mga Gawain na nagpapakita ng pagiging matipid o
masinop. Isulat sa ibaba ang iyong gagawing pagtitipid.
B. Sumulat ng panalangin sa Diyos sa loob ng puso at ihayag mon a tulungan ka
Niya para maging isang matipid at masinop na bata.

A.

B.

You might also like