You are on page 1of 17

Week 5

Day 2
Isagawa Natin:

Gawain 1
Ano ang gagawin mo sa
sitwasyong inilahad sa ibaba para
maipakita ang pagiging matapat. Ilahad
ang iyong magiging damdamin.
1. Bumili ka ng pagkain sa kantina nang
mapansin mong sobra ang sukli na ibinigay sa
iyo ng tindera.
2. May dumating na delivery ng materyales sa
iyong pinapasukang pabrika. Agad mong
tiningnan ang inventory sheet ng mga inorder
ninyong materyales at natuklasan mong may
mga sumobrang materyales na iyo namang
kakailangan sa paggawa ng isang proyekto sa
paaralan.
3. Si Romy isang working student,
pumasok siya sa paaralan na hindi
nakapag -aral ng leksyon at antok na
antok pa dahil kinailangan niyang mag -
overtime sa kanyang pinapasukan. Biglang
nagbigay ng pagsusulit ang kanyang guro
Pangkatang Gawain:
• Magbahagi ng karanasan na nagpapakita ng
pagiging matapat.

• Pumili ng isang karanasan gamit ang graphic


organize at iulat ito sa klase.
Karanasan

Ikatlong Unang
Pagiging Pagpipili
Pagpipili
Matapat an
an

Ikalawang
Pagpipilian
Day 3:
Isapuso Natin

Kaya mo bang maging matapat sa lahat


ng pagkakataon?
Gumawa ng Self - Assessment Organizer
gamit ang makukulay na papel. Punan ang
bawat kahon ng mga sagot batay sa iyong
natutuhan at karanasan.
C. Sinisimulan Ko

B. Kaya Ko D. Gagawin Ko

A. Nalaman Ko
Pangalan E. Natututo Ako
ng Bata
Mga Gabay:
• A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa
araling ito.
• B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay sa
nalaman mo.
• C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang
gawin.
• D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.
• E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan
mo sa araling ito.
Tandaan Natin:
Ang pagiging matapat ay ugaling dapat
ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong pag -
uugali saanman at kailanman ay makakamit ang tunay na
kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos, payapa at
maunlad na pamumuhay. Iniiwasan niyang magsinungaling
at pagtakpan ang mga maling gawi na ginawa ng iba.
Sa pagiging matapat marami kang maaaring
matapakang ibang tao lalo’t higit iyong may mga baluktot at
maling sistema sa buhay. Hindi bale ng mapahiya at
mapagalitan ng mas nakakatanda huwag lang mabalewala
ang ugali ng pagiging isang matapat na indibidwal sa
paaralan man o sa paggawa at saan mang dako pa iyan.
Day 4
Isabuhay Natin

Magbigay ng dalawang karanasan na


nagpapatunay na ikaw ay matapat sa iong
mga gawain sa paaralan man o sa lahat
ng uri ng paggawa. Ipaliwanag kung paano
mo ito ginawa. Gamitin ang template sa
ibaba. Isulat ang iyong sagot sa bond
paper.
Mga Ginawa Na
Karanasan Nagpakita Ng
Pagiging Matapat
1.

2.
Day 5
Subukin Natin
Iguhit ang simbolo ng
thumbs up kung ang
pangungusap ay naglalahad
ng wastong kaisipan at
thumbs down naman
kung hindi.
______1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran
sa E.P.P. Agad mo itong sinabi sa iyong nanay pati
ang eksaktong halaga ng naturang halaga nito.
______2. Nalimutan ni Archie na gawin ang
kanyang takdang - aralin sa Math. Biglang
nagwasto ng kuwarderno si Bb. Tan, nang tawagin
niya si Archie ay sinabi niyang naiwan niya ang
kanyang takdang - aralin sa bahay.
______3. Si Ericka ay kumandidato bilang pangulo
ng Supreme Pupil Government sa kanilang
paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may
nakita siyang nakakalat na balota na siyang
gagamitin sa botohan agad - agad ay ibinalik niya
ang mga ito sa gurong taga - pangasiwa.
______4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng
mga labis na kagamitan mula sa opisina
na kanyang pinagtatrabahuhan at agad na
ibinebenta sa labas ang mga kagamitang
kanyang nakuha sa mas mababang
halaga.

______5. May malasakit sa mga gawain


sa pabrika si Ruby nakatingin man o hindi
ang kanyang amo sa oras ng trabaho.
Ngayon ay alam mo na kung paano maging
matapat sa iba’t – ibang mga gawain.
Pagyamanin mo ito at ipagpatuloyang
mabuting gawi. Isa kang huwarang mag –
aaral na dapat tularan.

You might also like