You are on page 1of 5

BANGHAY SA FILIPINO VI

ISANG MAIKILING BANGHAY ARALIN


GURO : Mary Portia Mae Uy at Nina Trisha Rosalejos
PAKSA: Alamat ng Pinya
Pahina:_______________
LAYUNIN: Pagkatapos ng isang oras/klase, ang mga mag-aaral ay:

a. Napagmasdan ang mga magagandang katangian na dulot mula sa aral ng kwento.

b. Nakapagtatamo na sumulat ang mga aral sa natutunan nila mula sa kwento.

c. Nakakadama ng magandang aral mula sa Alamat ng pinya sa sariling katangian na malaman


nila ang mga hindi magandang bagay.

Mga Pangunang Gawain sa Klase:


Panalangin
Energizer
Pagsasaayos ng mga upuan
Checking of Attendance
Isang minutong katahimikan (1 minute of silence)

INTRODUKSYON
MOTIBASYON
-Ang guro ay hihikayatin ang mga mag-aaral na tumayo at isaayos ang mga silya sa gilid at
pumunta sa gitna. Magsimulang lumukad, humawak ng mga bagay at makipag-usap sa mga
kaklase na nakapikit ang mga mata. Pagkatapos ng tatlong minuto, pabalikin sa kanya-kanyang
silya ang mga estudyante at ayusin ito pabalik upang maupo na ang lahat. Pagkatapos bibigyan
ng isang minuto ang mga estudyante upang ayusin ang kani-kanilang mga sarili.
- Pagkatapos ng isang minutong pag-aayos ng mga sarili ay itatanong ng guro ang mga
sumusunod:
1. Nasiyahan ba kayo sa aktibidad na inyong ginawa?
2. Ano ang iyong nararamdaman noong ikaw ay nakapikit?
INTERAKSYON:
-Magtatanong ang guro kung sino-sino ang tatlong gustong magboluntaryo sa gagawing
pagbabasa ng kwentong ilalahad.

Alamat ng Pinya
Isinulat ni Boots S. Agbayani

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling
Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak.
Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay,
ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't
pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan
dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling
Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang
araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung
nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari.
Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa
katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata
upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang
hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling
Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at
naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung
anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana'y magkaroon ito ng
maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at
laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman
at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.

Aral:
- Huwag palakihing tamad ang mga anak. Dapat bata palang ay turuan na ng tamang asal at
ituwid kung nakakagawa ng kamalian para hindi kasanayan.
- Gumamit ng mga mata at hindi bibig sa paghahanap ng mga bagay. Hanapin muna ng
mabuti bago sabihin na hindi mo makita ang iyong hinahanap.
- Sundin ang mga nakakatanda lalo na ang ating mga magulang sapagkat ito ang nais ng
Diyos.

-Pagkatapos basahin ang alamat, itatanong ng guro ang mga sumusunod;


1. Sino ang mga tauhan sa alamat?
- Si Pinang at Aling Rosa
2. Ano ang masasabi mo sa kanyang anak?
- Si Pinang ay tamad at hindi nakikinig sa mga utos ng kanyang ina
3. Ano ang nangyari sa nanay ni Pinang?
- Nagkasakit si Aling Rosa
4. Ano ang nangyari kay Pinang ng gumaling na ang kanyang ina?
- Naglaho na parang bula
5. Ano ang halaman na tumubo sa bakuran nila Aling Rosa?
- Pinya

INTEGRASYON: (Values Integration)

-Magtatanong ang guro sa estudyante ng kanilang sariling opinyon patungkol sa buhay at


karanasan na nakabatay sa mga katanungan sa kwentong binasa at ito ay ang mga sumusunod:

 Kung ikaw si Pinang, gagawin mo ba ang kanyang ginawa? Bakit?


 Paano mo maihahalintulad ang iyong sarili kay Pinang?
 Gumagawa ka ba ng mga gawaing bahay ng hindi inuutosan?
 Nakikinig ka ba sa mga utos ng iyong mga magulang?

SINTISIS:
Magbabalik-aral ang guro sa ginawang pagtatalakay sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong:

1. Ano ang gustong matuto ng ina ni pinang sa kanya ?


- Matutong gumawa ng mga gawaing bahay.
2. Sino ang nag kasakit?
- Si Aling Rosa
3. Sino ang naglahong parang bula?
- Si Pinang
4. Saan nakita ni Aling Rosa ang halamang nakita niya?
- Sa kanilang bakuran
5. Ano ang nangyari kay Pinang pagkatapos siyang pagsabihan ng kanyang Ina?
- Naging pinya
6. Ano ang nangyayari sa wakas ng kwento?
- Naging isang pinya si Pinang pagkatapos siyang pagsabihan ng kanyang ina na
magkaroon ng maraming mata.

PAGTATAYA/ASSESSMENT:
A. Basahing mabuti at bilogan ang tamang sagot tungkol sa kwento.

1. Anong aral kaya ang natutunan ni Pinang?


a. Ang magiging magalang
b. Ang magiging mabait
c. Ang hanapin ang mga bagay gamit ang mata
d. Ang pagiging tamad

2. Anong kagamitan sa kusina ang hinahanap ni Pinang?


a. Posporo at sandok
b. Kutsara at lighter
c. kaldero at kutsilyo
d. lutoan
3. Anong sumpa ang ipinarating kay Pinang?
a. Nagging lansones
b. Nagging Pinya
c. Naging kamatis
d. Naging saging
4. Ano ang pamagat ng kwento?
a. Alamat ng Saging
b. Alamat ng kamatis
c. Alamat ng lansones
d. Alamat ng Pinya
5. Sino ang ina ni pinang?
a. Aling Rosa
b. Aling tonya
c. Aling Maria
d. Aling tonya

B. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot T kung Tama at M naman ay Mali.

____1. Nasabi ni Aling Rosa na sana magkaroon ng maraming mata si pinang upang hindi na ito
magtatanong palagi.

____2. Mailalarawan si pinang bilang isang batang tamad.

____3. Malabo ang mga mata ni pinang kaya tinatanong niya lahat ng mga gamit sa kaniyang
ina.

____4. Mas pinili ni pinang magtrabraho sa bahay kaysa maglaro sa labas.

____5. Si Aling Rosa ang nakakita sa kaniyang bakuran na isang bagay na parang hugis ulo at
maraming mga mata.

TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa kabutihang naidudulot na aral mula sa Alamat ng
Pinya.

You might also like