You are on page 1of 5

I. Ilagay ang mga wastong salita na aangkop sa bawat patlang.

Pumili ng sagot na makikita sa


loob ng kahon.

"Alamat ng Pinya"

May mag inang nakatira sa malayong pook ito ay si Aling Rosa 1._____ si Pinang. Maagang
nawala ang tatay ni Pinang kung kaya't 2.______ ay lumaki sa piling ng kaniyang Nanay. Mahal
na mahal ni Aling Rosa ang kaniyang anak kaya lumaki ito sa layaw. Hindi gumagawa ng mga
gawaing bahay si Pinang at sa tuwing siya ay inuutusan ng kaniyang Nanay ay nangangatwiran
ito. Isang araw si Aling Rosa ay nagkasakit at halos hindi makakilos. Nagtagal ang sakit ni Aling
Rosa kung kaya't si Pinang ang 3.______ sa gawaing bahay. Inutusan ni Aling Rosa si Pinang na
magluto, sa pagluluto ni Pinang ay may isang bagay siyang hinanap at tinanong sa kaniyang
Nanay ito ay ang sandok. Tanong ng tanong si Pinang kahit ang mga bagay na ito ay nasa
kaniyang harapan lamang. Sa kabilang banda, habang nagluluto si Pinang ay nakikipaglaro siya
sa 4.______ mga kaibigan iyon ang maging dahilan ng pagkasunog ng niluluto ni Pinang.
Mayroon na naman itinanong si Pinang sa kaniyang Nanay kung kaya't sa galit ni Aling Rosa ay
nasabi na lamang niya sa kaniyang anak na sana ay magkaroon ito ng maraming mata.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay bigla nawala si Pinang. May 5._______ si Aling Rosa na
halaman sa kaniyang bakuran at ito ay hugis ulo at napapalibutan ng maraming mata. Naalala
niya ang sinabi sa kaniyang anak at naisip na baka ito si Pinang kung kaya't pinangalanan niya
ang halaman na Pinang.

1. at pati gayon din

2. siya ikaw tayo

3. gumagawa nakilos gawa

4. kaniyang ating lahat

5. nakita natagpuan natanaw

II. Piliin ang titik ng tamang sagot at bilugan ito.


1. Ang pamagat ng kwentong aking binasa ay _____?

A. Alamat ng Saging

B. Alamat ng Pinya

C. Alamat ng Papaya

D. Alamat ng Sampalok

2. Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si_______?

A. Mina

B. Ana

C. Pinang

D. Erika

3.Si _____ ang nanay ni Pinang.

A. Aling Rosa

B. Aling Juana

C. Aling Dulce

D. Aling Mona

4.Anong kagamitan sa Kusina ang unang itinanong ni Pinang kay Aling Rosa?

A.kutsara

B.plato

C.kaldero

D.sandok
5. Ilan ang tumubo na mata kay Pinang?

A. marami

B. sampu

C. dalwa

D. wala

6. Ano ang nangyari sa niluluto ni Pinang?

A. nasunog

B. kinuha ng kapitbahay

C. natapon

D. naglaho

7.Bakit nagalit si Aling Rosa kay Pinang?

A. Dahil siya ay makulit

B. Dahil siya ay patanong tanong

C. Dahil nasunog ang niluluto niya

D. Dahil wala siyang ginawa kundi maglaro

8. Ano ang nangyari kay Aling Rosa?

A. Naaksidente

B. Nahimatay

C. Nagkasakit

D. Nalason
9. Anong hugis ang nakitang halaman ni Aling Rosa?

A. hugis paa

B. hugis ulo

C. hugis kamay

D. hugis mata

10.Saan nakita ni Aling Rosa ang halaman na Pinya?

A. sa Ilog

B. sa likod bahay

C. sa bakuran

D. sa kapitbahay

III.Sa bawat unahan ng numero ay isulat ang T kung tama ang bawat pangungusap at M naman
kung Mali.

______1. Masasabing si Pinang ay isang huwarang bata.

______2. Malabo ang paningin ni Pinang kung kaya't tinatanong niya ang lahat ng bagay na
kailangan niya sa kaniyang Nanay.

______3. Sumusunod si Pinang sa kaniyang Nanay sa tuwing siya ay inuutusan.

______4. Maagang nawala ang tatay ni Pinang at lumaki siya sa piling ng kaniyang Nanay.

______5. Tularan si Pinang sapagkat siya ay mabuting bata.

______6. Hanapin ang mga bagay na gagamitin sa pamamagitan ng ating mata.

______7. Unahin ang inuutos ni Nanay bago makipaglaro.

______8. Tumutulong ako kay Nanay lalo na sa mga gawaing bahay.

______9. Mas pinipili ni Pinang na gumawa ng gawaing bahay kaysa makipaglaro.

______10. Sa sobrang galit ni Aling Rosa ay nasampal niya ang kaniyang anak.
IV. Isulat sa isang malinis na papel ang titik ng may maling bahagi sa bawat pangungusap.

1. Habang nagluto/si Pinang/ ay nakikipaglaro siya/ sa kaniyang mga kaibigan.

A B C D

2. May nakikitang halaman/ si Aling Rosa/ sa kaniyang /bakuran./

A B C D

3. Mahal na mahal/ ni Aling Rosa/ ang kaniyang anak/kaya lumalaki ito sa layaw./

A B C D

4. May mag inang/nakatira/ sa malayo/ pook./

A B C D

5. Hindi gumagawa/ ng mga gawain bahay/ si Pinang sapagkat / mas nais niya makipaglaro./

A B C D

You might also like