You are on page 1of 4

Mga Hakbang Sa

Pagsulat ng
Sinopsis/Buod
Ikalawang Grupo
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at
unawaing mabuti hanggang makuha ang
buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di
pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung
maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag
lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung
mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan
ang kaisipan ay lalong magiging mabisa
ang isinulat na buod.
Ang Alamat ng Pinya
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa malayong lugar. Ang
inay ay si Aling rosa,samantalang ang kanyang anak ay si Pinang. Gustong
gusto ni Aling Rosa na turuan si Pinang gumawa ng gawaing bahay ngunit
parating sinasabi ni Pinang na siya’y marunong na.
Isang araw, Si aling rosa ay nagkasakit at napilitan si Pinang to magluto
para sa kanyang ina. Matagal si Aling Rosa na nagkasakit at si Pinang ay
matagal ring nagluto at naglinis ng bahay. Pagkadaan ng ilang araw pumunta
si Pinang kay Aling rosa at sinabing hindi niya mahanap ang pospora at ang
panandok. Sagot naman ni Aling Rosa “Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng
maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong
ng tanong sa akin.”
Pagkalipas ng ilang araw nagtaka si Aling Rosa bakit hindi na si Pinang
nagdadala ng pagkain para sa kanya. Pagkagaling ni Aling Rosa, hinanap niya
si Pinang, siya’y naagtanong sa mga kapit bahay ngunit walang nakakita sa
kanya. Pag tingin niya sa kanyang bakuran may nakita siya’ng bagong
halaman na tumubo ang bunga nito ay parang mukha na maraming mata.
Naala niya ang kanyang sinabi kay Pinang at siya’y nagmukmok.
Ang pangalan ay naging Pinang, ngunit pagkaraan ng panahon ito ay
naging “Pinya”.

You might also like