You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN FILIPINO 5

QUARTER 3
WEEK 1
Name: Date:
Teacher: Section:

I. Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang

mga salitang ginamit sa paglalarawan ng kilos.

1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.

2. Ako ay tahimik na nagbabasa sa silid-aklatan.

3. Tumakbo nang matulin si Gian palayo sa aso.

4. Ang mga magsasaka ay masayang nagtatrabaho sa bukid.


5. Nagdasal nang taimtim ang mga tao para sa mga biktima ng bagyo.

6. Halos hindi ko maintindihan si Marites dahil napakabilis niyang


magsalita.

7. Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe.

8. Si Juan ay dahan-dahang pumasok sa silid ng natutulog na kapatid.

9. Nagdamdam ang lolo sa pahiyaw na sagot ng kanyang apo.

10. Dinig ang malakas na pagsigaw ni Samuel sa lahat ng sulok ng bahay.

II. Panuto: Bilugan ang mga pang-abay na pamaraan na ginamit sa


pangungusap.

11. Tahimik na lumapit si Joshua kay Rose.

12. Mabilis na nailabas ni Jose ang mga gamit mula sa nasusunog na


bahay.

13. Laging binibigyan ng tinapay ni Aling Celia ang mga bata sa kalye.

14. Kumakanta nang mahina si Judy habang naglalakad sa daan.

15. Lagi-laging nagtatanim si Mang Kulas ng mga gulay sa kanyang


bakuran.

16. Matapang na lumaban ang ating mga bayani sa mga kastila.

17. Ang mga tao ay sabay - sabay na nanalangin para sa kaligtasan.


18. Matagal na pinag-ipunan ni Marian ang pambili ng sapatos.

19. Mainit na tinanggap ni Aling Vilma ang mga bisita.

20. Masayang ipinagluto ni Irish ang mga panauhin.

You might also like