You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino 5

I. Layunin:
Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap. ( F5WG-llli-j-8)
II. Paksa/Kagamitan
Paksa: Simuno at Panaguri
Sanggunian: MELCs p.219
Kagamitan: laptop, projector
Karagdagang kagamitan:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Manalangin
2. Balik-Aral
 Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
3. Pagganyak
Awit

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad (Gawin Ko)
a. Simuno - ito ay bahaging pinag- uusapan sa pangungusap.
Halimbawa:

 Nagluto ng pagkain si Aling Ana. ( simuno)


 Naghugas ng plato si Princess. ( simuno)

b. Panaguri – ito ang bahaging nagsasabi tungkol sa Simuno.

Halimbawa:

 Nagluto ng pagkain si Aling Ana.


( panaguri)

 Naghugas ng plato si Princess.


( panaguri)
2. Gawin Natin
Panuto: Piliin sa pangungusap ang simuno at bilugan, ang panaguri
naman ay salungguhitan.
1. Ang mga bata ay naglalaro.
2. Sina Lory at Dina ay naglilinis ng kwarto.
3. Naglalaba si Jenna.
4. Di na Muli ang kanyang inaawit.
5. Nagbigay ng pagkain si Honey.

3. Gawin Ninyo
(Pangkatang Gawain)
(Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat)

Panuto: Ang bawat grupo ay gagawa ng limang pangungusap na may


simuno at panaguri. Ipresenta ang mga sagot sa klase.

C. Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat

 Ano ang Simuno?


 Ano ang Panaguri?
 Matutukoy at magagamit niyo na ba ang simuno at panaguri sa isang
pangungusap nang maayos?

2. Paglalapat
Panuto: Piliin ang Simuno sa pangungusap at isulat sa patlang. Piliin naman
ang panaguri at salungguhitan ito sa pangungusap.

_______1. Iniligpit nina Daisy, Mara, at Helen ang kanilang kalat.


_______2. Ang mga tao ang tumutulong sa pag- aalaga ng mga hayop
_______3. Si Ferdinand Marcos Jr. ay nahalal bilang pangulo.
_______4. Masayang naliligo ng dagat ang mag- aaral sa BEEd II.
_______5. Nagtuturo ng mabuti si Ginang Elvera sa kanyang mga mag-
aaral.

IV. Pagtataya

Panuto: Piliin sa pangungusap ang simuno at bilugan ito, ang panaguri naman ay
salungguhitan.

1) Kumanta si Jinalyn sa isang paligsahan.


2) Si Belly ay nagsisibak ng kahoy.
3) Naliligo sina Reymark, Antonette, at ng dagat.
4) Nanonood ng sine si Nelen.
5) Tumatakbo ang aso.

V. Gawaing Bahay
Panuto. Gumawa ng limang pangungusap na may simuno at panguri.

You might also like