You are on page 1of 3

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 3

Inihanda ni : Rica Mae B. Mendoza

I. Layunin:

a. Maipahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa.

b. Magagamit ang mga salitang kilos o galaw sa pagtatalakay ng iba’t


ibang Gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan.

c. Natutukoy ang pandiwa sa pangungusap.

II. Nilalaman:

a. Paksang Aralin: Pandiwa


b. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, Mga Larawan at Video
Presentation
c. Sanggunian: Aralin 8: Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag unlad

III. Pamamaraan
a. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Organisasyon
4. Pag-tsek ng mga lumiban sa klase

B. Panlinang na Gawain

a. Pagganyak
“TUKUYIN MO ANG GINAGAWA KO”
Ipapakita ang mga inihandang larawan at bidyo ng guro at paunahang
tutukuyin ng mga mag aaral kung ano ang ginagawa sa mga larawang
pinapakita.

b. Gabay na Katanungan

1. Kayo bilang anak ano ang ginagawa niyo sa bahay para makatulong kay
Nanay at Tatay?

2. Ano ang inyong ginagawa sa loob ng paaralan?

c. Paglalahad ng Aralin
Ang Batang si Nervana

Ang batang si Nena ay masayahing bata kung kaya’t lagi mo siyang makikitang
tumatawa. Siya ay masiag na anak, tumutuong siya sa gawaing bahay, katlad
na lang ng Paglalaba, paglilinis, at pagpupunas ng sahig. Tuwing umaga ay
naglalakad siya papuntang ilog upang duon maligo. Tularan ang mabait na si
Nena.

(Magbibigay ng tanong ang guro sa mga bata)

D. Pagtalakay sa aralin

Anu anong salita ang may salungguhit na makikita sa binasa?

 Tumatawa
 Paglalaba
 Paglilinis
 Pagpupunas
 Naglalakad
 Maligo

Pagpapahalaga

1. Ano ang pandiwa?


2. Magbigay ng ilan pang halimbawa ng pandiwa upang lubos na
maunawaan ang aralin.

e. Pansariling Gawain

Tukuyin ang mga salitang may salungguhit kung ito ay pandiwa o hindi. Iguhit
ang Puso kung ito ay Pandiwa at Bilog 0 naman kung hindi.

1. Si Marites ay naglalakad papuntang paaralan.


2. Tumatawa ng malakas si Jane.
3. Naliligo si Rene sa Ilog.
4. Magaling sumayaw ang bata.
5. Umaawit si Negi.

IV. Paglalahat

Ito ay nagsasaad ng kios o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Inges?

V. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Ilagay sa sagutang papel ang
salitang pandiwa.

1. Mabilis lumangoy si Robin.


2. Si Kevin ay nagpunas ng sahig.
3. Kumakanta si Maria.
4. Naglalaba ang Nanay ni Wilson.
5. Naglalaro sa liga si Unyok.

VI. Takdang Aralin

Magbigay ng limang (5) pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.

You might also like