You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO – 8

G8- GRAPES (2:00-3:00) OCT. 23. 2023

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naiintindihan ang kahulugan ng Paghahambing
b. Naipapaliwanag ang iba’t-ibang uri ng paghahambing
c. Nagagamit ang iba’t-ibang uring ng paghahambing

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paska: Paghahambing

III. Kagamitang Pangturo


A. Sanggunian: Unang Markahang Modyul 4: Paghahambing
B. Kagamitan: Powerpoint Presentation

IV. PAMAMARAAN
GURO MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Magandang umaga mag-aaral, bago
tumungo sa ating aralin, manalangin Mananalangin ang mga mag-aaral.
muna tayo.

2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang hapon, Gng. Balaong!
Magandang hapon kamag-aral!

3. Pagtatala ng Lumiban
Class monitor, maari bang ipaalam sa
buong klase kung sino ang lumiban sa Gng. Balaong, ako po ay nagagalak na
klase ngayong araw? ipalam sa inyo na walang lumiban sa klase
ngayong araw.

Magaling!

4. Pagbabalik-Aral
Bago tayo tumungo sa ating bagong
topiko ngayong araw, balikan muna
natin ang ating mga napag-aralan.

Sino ang makakapagsabi kung anu-ano


ang ating mga napag-aralan sa
nakaraang klase? Napag-aral po natin ang Karunungan
Bayan at mga Uri nito.

Magaling!
Maari mo bang ibigay ang mga uri ng
Karunungan Bayan, _________? Salawikain, Sawikain, Bulong, Bugtong
Kasabihan
Anu-ano ang mga kahulugan at
kagamitan ng mga ito?
Ang mga salawikaing Pilipino ay mga
tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga
Pilipino batay sa katutubong kalinangan,
karunungan, at pilosopiya mula sa buhay.

Sawikain · idyoma, isang pagpapahayag na


ang kahulugan ay hindi komposisyunal. ·
moto, parirala na nagpapahiwatig ng
sentimento ng isang grupo ng mga tao.

Ang bulong ay isang matandang katawagan


sa orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuluan ng Pilipinas.

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay


isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan
ang bugtong).
Magaling!
Tunay ngang iyong naunawaan ang
ating napag-aralan.
A. Panlinang na Gawain
1. Paggaganyak
Buuin ang salita na tugma o naayon
sa mga naibigay na larawan. PAGHAHAMBING

Ano ang pagkakapareho ng mga


larawan na nasabi ninyo na ang
salita ay PAGHAHAMBING? Iba’t-ibang hinuha

Magaling!
Naayon ang inyong mga hinuha.

B. Paglalahad ng Paksa Pangkatin ang klase sa anim (6) na


Ang pag-aaralan nating ngayong araw pangkat (5 minuto)
ay ‘PAGHAHAMBING’ kaugnay ang
mga uri nito. (Sumulat ng pangungusap gamit ang mga
panlapi na angkop sa bawat uri ng
paghahambing)

A. Paghahambing na magkatulad (2)

B. Paghahambing na di-magkatulad (2)


C. Pagtatalakay
Panoorin natin ito.
Manunood ang mga mag-aaral.

Muli, ano ang kahulugan ng Ang paghahambing ay paglalarawan ng


paghahambing? antas o lebel ng katangian ng tao, bagay,
hayop, ideya at pangyayari.

Ano ang dalawang uri ng Paghahambing na magkatulad


paghahambing? Paghahambing na di-magkatulad

Magbigay nga ng mga salita gamit ang


dalawang uri ng paghahambing
Magbibigay ng iba’t-ibang salita ang mga
Magaling! mag-aaral.

D. Paglalapat
Ating pagyamanin ang ating aralin.
Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga
katanungnan naka-flash sa screen.

Pagsasanay. Dugtong Bugtong,


Bugtong Dugtong!

Panuto: Punan ng angkop na pariralang


may paghahambing and patlang upang
mabuo and diwa ng salawikain at
kasabihan.

1. ______________ naabot ng
dalawang bolang itim. Sagot: Mata
a. sinlaki ng bituin
b. sinlayo ng bituin
c. siliwanang ng bituin
d. singningning ng bituin

2. Hiyas kong taglay, _________.


Sagot: Buhok
a. mas maikli pa sa kilay
b. mas mahaba pa sa kilay
c. mas maikli pa sa balahibo
d. mas mahaba pa sa balahibo

3. _____________, kabayo kong niyog


ang pinagdadaanan. Sagot:
Pangkayod.
a. di-lubhang malaki
b. di-totoong malaki
c. di-gaanong kalakihan
d. di-gasinong kalakihan

4. _____________, kaysa tanim kong


upo. Sagot: Pipino
a. di-hamak na pino
b. di hamak na maliit
c. di hamak na malaki
d. di haman na
masmagaspang

5. ____________, nakaupo sa tasa.


Sagot: Kasoy
a. singganda ng ina
b. singganda ng lola
c. singganda ng dalada
d. singganda ng prinsesa

E. Paglalahat
Muli ano and dalawang uri ng
Paghahambing? Paghahambing na magkatulad
Paghahambing na di-magkatulad

Ano ang pagkakaiba ng dalawa. Mabibigay ng halimbawa ang mag-aaral.


Magbigay ng halimbawa

Sa ano pang pamamaraan maaring Iba’t-ibang kasagutan.


magamit ang mga uri ng
paghahambing.

F. Pagsubok

Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing and patlang upang mabuo
and diwa ng salawikain at kasabihan. Isulat sa sagutang papel and titik ng tamang sagot.

1. Ang tunay na kaibigan sa buhay at kapilas, totoong mahalaga _____________.


a. katulad ng isang ginto
b. katulad ng isang hiyas
c. katulad ng isang pilak
d. katulad ng isang diyamante

2. Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________, nailuluwa kung mapaso.


a. tulad ng kanin
b. tulad ng sabaw
c. hindi tulad ng kanin
d. hindi tulad ng sabaw

3. Ang batang matapat ay ______________ ng lahat kaysa sa batang


mapagmaimbabaw.
a. Lalong kinaiinggitan
b. Lalong kanagagalitan
c. Lalong kinagigiliwan
d. Lalong pinagkakatiwalaan

4. __________________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong sa


ginhawa nagmula.
a. Higit na umaani ng salat
b. Higit na umaani ng tuwa
c. Higit na umaani ng lungkot
d. Higit na umaani ng pighati

5. ________________ ang pag-asang manalo ng umaayaw kaysa sa mga taong


hindi umaayaw.
a. Lalong mataas
b. Higit na mataas
c. Di-gaanong mataas
d. Di-gasinong mataas

Mga kasagutan:

1. B
2. C
3. D
4. B
5. C

G. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng isang ilustrasyon na nagpapakita ng dalawang uri ng paghahambing.


Gumupit ng mga lawaran upang masmadaling maunawaan.

Gabay:

Pagkamalikhain: 3 Puntos
Kaangkupan ng Paggamit ng Paghahambing: 5 Puntos
Presentasyon: 2 Puntos
Kabuuan: 10 Puntos

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Gng. JERRIZA G. BALAONG Gng. ANA MARGARITA G. RADAZA

T-III MT-I

PETSA : OCTOBER 23, 2023

You might also like