You are on page 1of 9

 Binubuo ng 13 siyudad at 4 na munisipalidad.

 Ang siyudad ay ang Caloocan, Las Piñas,


Maynila, Mandaluyong, Malabon, Makati,
Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Pasay,
Pasig, Quezon City at Valenzuela.
 Ang munisipalidad naman ay ang Navotas,
Pateros, san Juan at Taguig.
 Ang Kamaynilaan ang sentro ng buhay
pampolitika, komersiyo, kalakalan at mga
network ng media sa buong bansa.
 Maynila bilang punong-lungsod ay mistulang
isang imperyong sumasaklaw na rin sa pag-
unlad ng maraming iba pang bayan at lugar sa
bansa.
 Naksentro ang pinakamalaking pangyayaring
kultural na nakaaapekto sa pabagobagong
lipunan
 Walang makabuluhang pagbabago kung hindi
kikilos ang sentro.
 Maynila ang piniling himpilan ng
kolonyalismong kastila.
 Pinag-agawan ito ng puwersang Kastila,
amerikano at rebolusyonaryo sa pagtatag ng
unang Republika.
 Dito itinayo ang pamahalaang kolonyal, at
kalaunan ang Philippine Commonwealth ng
mga Amerikano.
 Sa Paglusob ng hapones, ito ang kanilang
ginawang kapital upang patatagin ang
kanilang gobyerno militar.
 Maynila ang sentro ng rehimeng Marcos at dito
rin naganap ang makasaysayang People Power
1 sa EDSA upang buwagin ang rehimen.
 Dito nagaganap ang mabilis na paglikha at
pagbubuo, eksperimentasyon at paglaganap ng
anyo ng panulat.
 Nag-oorganisa at nagtitipon ang
pinakamarami at iba’t ibang oryentasyon ng
mga manunulat.
 Tanagatext, dalitext at dionatext – tawag sa
patimpalak ng pagsulat ng tanaga, diona at
dalit.
Puto lang ako sinta –
May init ng bibingka,
Tamis ng maja blanca
Sapin-saping ligaya.
- Don Clarence Cruz
Dati, tuldok lang ako
Di pansin, kahit nino
Nang ako’y sagutin mo
Tuldok ay naging mundo
- Flordeliza Rayel
Bumagyo man ng problema
Harurot man ang kudeta
Kapus man tayo sa glorya,
Kapit ka lang Luzviminda.
- Erwin Lareza
Ang punong mangga’y tinagpas
At sinilaban ang ugat
Bunga’y nalaglag, naagnas
Namulat naging mansanas
- Vladimir Gonzales
Aanhin yamang Saudi
Yen ng Japayuki
Kung wala ka sa tabi
- Fernando R. Gonzales
Lolo wag malulungkot
Ngayong uugod-ugod
Ako po’y inyong tungkod
- Gregorio M. Rodillo
 Ang pag-aaral sa mga panitikan ng Maynila ay
isang pag-aaral din ng mga anyo at ng mabilis
na pagbabagong konteksto ng pagkakalikha ng
mga ito.
 Sa Maynila pinakamabilis na makikita ang mga
pagbabagong pampanitikan mula sa mga
panloob na salik ng impluwensiya at
inspirasyon ng mga manunulat hanggang sa
mga panlabas na salik ng produksiyon,
paglilimbag at popularisasyon.

You might also like