You are on page 1of 2

Pangalan: Queenie T.

Adorable

Mga Panitikan sa Maynila at mga Karatig na Lungsod at Bayan

Ang Kamaynilaan na binansagang National Capital Region (NCR) ay binubuo ng 13


siyudad at apat na munisipalidad. Ang mga siyudad ay ang Kalookan, Las Piñas, Maynila,
Mandaluyong, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City,
at Valenzuela. Ang mga munisipalidad naman ay ang Navotas, Pateros, San Juan, at Taguig.

Ang Kamaynilaan ang sentro ng buhay pampolitika, komersiyo, kalakalan at mga


network ng media sa buong bansa. Hindi maikakaila na napakalaki ng epekto ng mga nagaganap
at pangyayari rito sa sentro. Halos lahat ng mga sangay ng pamahalaan, lahat ng
pinakamalalaking negosyo, mga institusyong pampubliko at pampribado ay nasa Maynila. Hindi
nga mapasusubalian na ang Maynila bilang punong-lungsod ay mistulang isang imperyong
sumasaklaw na rin sa pag-unlad ng maraming iba pang bayan at lugar sa bansa.

Bagama't di na mapasusubalian ang ganitong kapangyarihan ng Maynila, maaari rin itong


tingnan sa mas positibong aspekto pagdating sa kultura. Dito sa Maynila nakasentro ang
pinakamalalaking pangyayaring kultural na nakakaapekto sa pagbabagong panlipunan.
Sinasabing kung mahusay ang sentro ng isang bansa, maisusulong sa bisa ng kaalaman ang
teknolohiya at siyensiya. Mangyayari ito kung bubuo ng estratehiya ng pag-unlad, isang bagay
na kailangan upang makamit ang hinahangad na modernisasyon. Walang makabuluhang
pagbabago kung hindi kikilos ang sentro. Kaya naman sa kasaysayang Pilipino, ang Maynila ang
piniling himpilan ng kolonyalismong Kastila matapos galugarin ang Timog (ang Cebu o Butuan
halimbawa).Maynila din ang pinag-agawan ng mga puwersang Kastila, Amerikano at mga
rebolusyonaryo sa pagtatag ng unang Republika. Sa Maynila rin itinayo ang pamahalaang
kolonyal, at kalaunan ang Philippine Commonwealth ng mga Amerikano. At sa paglusob ng mga
Hapones, Maynila rin ang ginawang kapital upang patatagin ang kanilang gobyerno militar.
Maynila ang sentro ng rehimeng Marcos, sa Maynila rin naganap ang makasaysayang People
Power I sa EDSA upang buwagin ang rehimen. Lahat ng mga Pangulo ng bansa, mula kay Roxas
hanggang kay Macapagal-Arroyo ay tumira sa Malakanyang na sa pusod ng Maynila
matatagpuan. Ang katunayan ng Maynila bilang sentro ay di na nga mapasusubalian at ganyan
din naman ang nangyayari sa produksiyong pampanitikan ng bansa. Dito nagaganap ang mabilis
na paglikha at pagbubuo, eksperimentasyon at paglaganap ng mga anyo sa panulat. Dito nag-
oorganisa at nagtitipon ang pinakamarami at iba't ibang oryentasyon ng mga manunulat. Dito rin
isinasagawa ang maraming mga palihan na nagpapanukala ng iba't ibang estratehiya sa pagsulat.
Kaya mapapansin na ang pagsasanib ng mga tradisyonal at ng makabagong anyo sa kalakhan ng
mga panitikan ay rito sa Kamaynilaan nagaganap. Habang sumasagap ng mga bagong panitikan
mula sa labas ng bansa, hindi naman nakaligtaan ang pagbuhay na muli at pagpapayaman ng
mga itinuturing nang katutubong anyo.

Ito ang diwa ng paggamit ni Rio Alma ng porma ng ambahan. ng mga Mangyan para
tulaan si Juan de la Cruz at ng pagbuhay naman ng dupluhan na makikita sa akda ni Vim Nadera.
Ang uyayi, ang awit-pampatulog ng bata ay paborito ring balikan ng mga makata rito. At nito
lamang nakaraang dalawang taon, nagdaos ng malawakang patimpalak sa pagsusulat ng mga
maiikling anyo, katulad ng tanaga, dalit, at diona sa bisa ng pinakahuling ambag ng teknolohiya
sa impormasyon, ang texting sa cellphone. Tinawag na tanagatext, dalitext, at dionatext. Ang
timpalak ay umani ng mayamang kaban ng mga nalikhang komposisyon mula sa mga manunulat.
Ilan sa mga halimbawa ng mga nagwagi rito ang sumusunod:

Mga Tanaga

Puto lang ako sinta-May init ng bibingka,

Tamis ng maja blanca Sapin-saping ligaya.

- Don Clarence Cruz

Dati, tuldok lang ako Di pansin, kahit nino

Nang ako' y sagutin mo

Tuldok ay naging mundo.

- Flordeliza Rayel

Mga Dalit

Bumagyo man ng problema

Harurot man ang kudeta

Kapus man tayo sa glorya, Kapit ka lang, Luzviminda.

- Erwin Lareza

You might also like