You are on page 1of 39

MGA

IMPLUWENSYA NA
NAKAKA APEKTO
SA PANITIKAN
Lipunan
Politika
Klima
Edukasyon
Pananampalataya
KASAYSAYAN NG
ALKALDE NG MAYNILA
Ang Alkalde ng Manila (Filipino: Punong Lungsod ng
Maynila) ang pinuno ng ehekutibong sangay ng
gubyerno ng Maynila. Ang alkalde ay nagtataglay ng
opisina sa Manila City Hall. Tulad ng lahat ng mga
pinuno ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas, ang alkalde
ay inihalal sa pamamagitan ng popular na boto, at hindi
maaaring ihalal para sa ikaapat na magkakasunod na
termino (bagaman ang dating alkalde ay maaaring
bumalik sa opisina matapos ang isang interval ng isang
termino). Sa kaso ng kamatayan, pagbibitiw o kawalang-
kakayahan, ang bise alkalde ay naging alkalde.
Bago ang pagdating ni Miguel López de Legazpi, ang
Manila ay isang Muslim na punong himpilan na pinuno ng
mga datu. Mula sa pagkatalo ng mga pwersa ni Rajah
Sulayman noong 1595 hanggang sa pagpasa ng Maura Law
noong 1895, ang punong tagapagpaganap ng lunsod ay
itinalaga ng gubyerno ng Espanya sa isang taong
pinagmulan ng Espanyol. Ang pinakamataas na posisyon na
nakuha ng isang Pilipino ay ang cabeza de barangay. Sa
pamamagitan ng pagpasa ng Maura Law, ang tanggapan ng
munisipal na kapitan ay itinatag, kasama ang mga taong
pumipili ng sarili nilang mga pinuno ng bayan, bagaman
ang Espanyol ay nanatili ng malaking impluwensya at
maaaring magbeto ng mga pagpapasya.
Sa pagsabog ng Rebolusyong Pilipino at ng Digmaang
Pilipino-Amerikano, ang posisyon ay bumalik sa isang
piniling ulo. Sa pagdating ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon si
Jorge B. Vargas bilang "alkalde ng Greater Manila"
(tagapagpauna ng Metro Manila) noong 1941. Sa
pagpapalaya ng Maynila noong 1945 sa pamamagitan ng
pinagsama-samang mga sundalong Pilipino at Amerikano
sa ilalim ng United Unidos Army at Philippine
Commonwealth Army kabilang ang mga lokal na
kinikilalang gerilya laban sa mga Hapon Imperial pwersa,
ang naunang pag-setup ay ginamit muli.
PANGKABUHAYAN

Arkitektura
Pabrika ng Sabon at Pabango
Pagawan ng Sapatos at Tsinelas
Patahian ng Damit
Klima
Base sa kaurian ng panahon ayon sa Köppen, ang
Tondo Maynila ay mayroon tropikong tag-init at
tag-ulan na panahon. Ang Maynila ay nasa tropiko
kasama ng buong Pilipinas. Ang lapit nito
sa ekwador ay nangangahulogan na ang
temperatura ay mababa, kung minsan ay mas
mababa pa sa 20 °C at tumataas ng higit pa sa
38 °C. Dahil mataas ang halumigmig, nagiging mas
mainit ang panahon.
Edukasyon sa Maynila
Ang Maynila ang tahanan ng mga Unibersidad,
dalubhasaan at pamantasan sa kalakhang Maynila. Ang
tinaguriang sinturon ng pamantasan na kilala ng bansa
na may magandang edukasyon maihahandog ay
matatagpuan sa distrito ng Malate, Ermita, Intramuros,
Paco, San Miguel, Quipo at Sampaloc. Ilan sa kanila ay
ang pamantasang pang estado katulad ng Pilipinas sa
Santa Mesa; Pamantasang Normal ng Pilipinas,
Pamantasang Kristyanong ng Pilipinas, Pamantasan ng
Kababaihan ng Pilipinas, Pamantasang De La Salle-
Maynila at De La Salle-College of Saint Benilde sa
abenidang Taft;
mga katolisismong Pamantasan katulad ng
Kolehiyo ng San Beda sa San Miguel,
Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc at ang
pamantasa ng San Pablo sa Ermita;mga
pribadong pamantasan tulad ng Pamantasan ng
Silangan, Pamantasan ng Dulong Silangan at
Pamantasang Centro Escolar sa Recto;at ang
mga katolisismong Pamantasan na Colegio De
San Juan de Letran.
Ang dibisyon ng mga pamantasan ng
Lungsod ng Maynila na isang sangay ng
kagawaran ng edukasyon ay tumutukoy sa
tatlong pambublikog Sistema ng edukasyon
ng Lungsod. Namamahala ito ng 71
elementaryang pampublikong paaralan, 32
pampublikong mataas na paaralan, at 2
pampublikong unibersidad.
Ang Lungsod din ang namamahala sa Mataas na
Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang piloting pang-
agham na iskwelahan ng Pilipinas; ang Pambansang
Museo ng Pilipinas, kung saan matatagpuan ang
Spolarium ni Juan Luna, ang kalakhang Museo, ang
pangunahing museong modern at dalubhasa sa mga
biswal na sining; ang Museong Pambata, pook na pabor
sa mga kabataang Pinoy para sila ay matuto at ang
pambansang Aklatan ng Pilipinas ay matatagpuan sa
liwasang Rizal.
Sakop na Lugar
San Nicolas
Santa Cruz
San Miguel
Sampaloc
Malate
Tondo
Paco
Binondo
Pandacan
Entramuros
San Andres
Ermita
Sta. Mesa
Quipo
HALIMBAWA AT URI NG
ISANG PANITIKAN
Ang Inang Gamu-Gamo, Anekdota
Pagong at Matsing, Pabula
Ang Alibughang Anak, Parabula
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal,
Talambuhay
 Dekada '70, Nobela
 Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? Nobela
Manunulat na Tanyag sa
Larangan ng Panitikan
Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre
1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata at manunulat
sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat
ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng
mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga
pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang
naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.
Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga
kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa
isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal
ng 13 taon bago nagwakas.
Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng
Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya
ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero
nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.
Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila
noong 2 Disyembre 1945. Nagtapos siya sa Emilio
Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres
High School noong 1962. Naging journalism major
siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out
bago man niya matapos ang kanyang unang taon.
.
Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata,
Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng
Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984.
Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa
dalawa sa kanyang mga maikling kuwento: Tatlong Kuwento
ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at
Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong
gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa
Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best
Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy
Awards, at Star Awards.
Pelikula na Hinango sa
Lugar
Music
Pasalita o Pasulat na
Panitikan
• Buhay Tondo
• By Tomas U. Santos

LAKING-TONDO ako.
Inamin ni Rosario Torres-Yu, dating dekana ng College of Arts
and Letters ng Unibersidad ng Pilipinas na nahihiya siyang sabihin
ito sa mga tao dahil iisipin nila na laki siya sa isang lugar na
pinamumugaran ng mga kriminal.
Ngunit sa Silakbo (UST Publishing House, 2006), ang unang
koleksiyon ni Yu ng mga sanaysay na halaw sa kanyang mga
karanasan bilang laking-Tondo, manunulat at guro, nilinaw niya ang
akala ng karamihan.
Ani Yu sa “Batang Tundo,” isang sanaysay sa koleksyon na
nagwagi ng unang gantimpala sa nakaraang Palanca Memorial
Awards for Literature, “Natitiyak kong may kinalaman sa
karaniwang palagay na pugad ng krimen at karahasan ang Tondo
ang mga action movies.” Aniya, inilalarawan ng mga pelikulang
Asyong Salonga, Totoy Golem at Boy Tutpik ang mga
“sangganong” gumagawa ng kabutihan sa mga tao. Dagdag pa ni
Yu na mga “inapo sila ng mga ‘sumikat’ na ‘basagulero’ noong
panahon pa ng Kastila…” Ipinakita rin niya sa sanaysay ang
ibang aspeto ng Tondo na hindi gaanong napapansin ng mga tao,
tulad ng pagiging bukirin nito noon at pook kung saan naganap
ang ilang makasaysayang pangyayari gaya ng labanan ng mga
Kastila at mga mandirigma ni Raha Soliman at ang pagkakatatag
ng Katipunan.
Pormal ngunit simple ang wikang ginamit ni Yu sa libro.
Halimbawa nito ang pagsasalarawan niya sa palengke ng
Bambang sa “Batang Tundo”: “Kahit pala noong panahon ng
giyera, sumikat na ang Bambang dahil hindi lang ito ang
orihinal na ukay-ukay, naging sentro pa ito ng di-karaniwang
negosyo.” Kabaliktaran ito sa kanyang nakasanayang
paggamit ng mga terminolohiyang pang-akademiko sa mga
pagsasaliksik at artikulo niya sa mga scholarly journal tulad
ng Diliman Review. Bago ang Silakbo, nakapaglabas na rin
ng iba pang libro si Yu. Kabilang dito ang Panitikan at
Kritisismo, Amado V. Hernandez, Tudla at Tudling,
Sarilasay: Tinig ng 20 Babae sa Danas Bilang Manunulat at
Express Firipingo.
Inihambing naman ni Yu ang pagpapahalaga ng mga Hapon at Pilipino sa
kaayusan sa “Paano Ba Umuwi sa Sariling Bayan,” na nanalo ng
ikatlong gantimpala sa Palanca noong 1993. Sinabi niya rito na pinalinis
muna sa kanila ang apartment unit sa Osaka bago umuwi ng Pilipinas.
Pagbalik sa bansa, lumipat sila sa isang bahay na tila napabayaan ng
unang may-ari nito: butas ang alulod, nalalaglag na kisame, sira-sirang
mga kitchen cabinet at tubong kinakalawang.
Ani Yu, “Dito, nakinabang na ng husto ang unang tumira…at pinayagang
umalis na gayun na lamang, sa bagong titira pa ang gastos ng
pagpapaayos at pag-upa na sampung ulit ang taas kaysa dati.”
Nanibago rin siya sa kanyang pag-uwi dahil sa pagsisigawan ng mag-
asawang kapitbahay at ang maingay na pagtatalo ng mga kasamahan
niya sa bahay. Samantalang noong nasa Osaka pa siya, wala siyang
narinig na katulad na ingay liban sa iyak ng bata.
Bagaman masarap basahin ang mga sanaysay sa librong ito,
mahaba ang pangalawang sanaysay na “Paano Ba Umuwi sa
Sariling Bayan.” Kailangang balikan ng mambabasa ang mga
naunang pahina upang maunawaan ang maraming detalyeng
binanggit.
Naging labis na personal naman ang pagsasalaysay sa “Si Roger,
si Ellen at ang Kuwentong Di Nasundan,” na tumutuon sa
pribadong buhay ng Tomasinong manunulat na si Rogelio Sicat.
Sa pagsulat ni Yu tungkol sa kanyang mga karanasan, muli
niyang natuklasan ang mga pangyayaring humubog sa kanyang
buhay na nalimot dulot ng kanyang pagkakakahon sa mundo ng
akademya. R. J. A. Asuncion
Kultura at Tradisyon
Pananampalataya

Ang pagiging kosmopolitano ng lungsod at


pagkakaroon ng iba't ibang kultura ang sumasalamin sa
Maynila dahil sa dami ng mga pook-pananampalataya na
nakakalat sa lungsod. Ang kalayaan sa pananampalataya sa
Pilipinas na umiiral pa simula ng maitaguyod ang bansa ang
dahilan para magkaroon ng iba't ibang pananampalataya.
Ang mga tao na may iba't ibang sekta ang kumakatawan ng
may gabay ng mga simbahan ng Kristyano, mga templo ng
Budista, mga sinanog ng Dyuis, at mga mosk ng mga
Islamiko.
Mga Uri ng Pananampalataya

Romanong Katolisismo
Protestantismo
Iglesia ni Cristo
Islam, Budismo at iba pang
paniniwala
Ipinagdiriwang ang Maynila ang Civic at national
holidays dahil ang karamihan sa mga mamamayan ng
lungsod ay Romano Katoliko bilang Resulta ng
kolonisasyon ng mga Espanyol, ang karamihan sa
mga kapistahan ay likas sa relihiyon. Ang mga araw
ng Maynila na nag diwang sa pag tatag lungsod
noong Hunyo 24, 1571 sa pamagitan ng Espanyol.
Ang lungsod din ang host sa Procession ng Pista ng
Black Nazarene, na ginaganap tuwing Enero 9, na kung
saan nakakuha ng milyun-milyong mga Katolikong
deboto. Ang iba pang relihiyosong kasiyahan na
gaganapin sa Maynila ay ang Pista ng Santo Nino sa
Tondo at Pandacan na gaganapin sa ikatlong Linggo ng
Enero, ang Pista ng Nuestra Senora de los
Desamparados de Manila, ang Patron saint ng Santa
Ana ay ginaganap tuwing mayo 12, at ang flores De
Mayo. Kabilang sa mga di-relihiyosong pista opisyal
ang Araw ng Bagong Taon, Pambansang Bayani, Araw
ng Bonifacio at Araw ng Rizal.
WAKAS…
GOD BLESS


You might also like