You are on page 1of 5

HUMANISMO

- Sa tradisyong pampanitikan na nagmula sa Europa sa panahon ng Renaissance o Muling Pagsilang.

- Sa panahon ng Renaissance, nagtuon ang mga pilosopo at intelektuwal sa pagpapahalaga sa tao

- Sa kasalukuyang panahon, binibigyan kahulugan ng International Humanist and Ethical Union ang
Humanismo bilang isang dekmokratiko o etikal na katayuan na nagpapatibay sa pananaw na ang taong
ay may mga karapatan at responsibilidad na bigyang kahulugan ang kanyang buhay

- Sa panunuring pampanitikan, ito ay kumikilala sa kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya sa


kanyang sariling tadhana.

Pagpapakahulugan

Dalawang Uri ng Pagpapakahulugan

1. Konotasyon - Ang Konotasyon at pagpapakahulugang maaaring mag-iba iba ayon sa Saloobin,


Karanasan, at Sitwasyon ng Isang Tao o isang pahiwatig.

2. Denotasyon - ay isang pagpapakahulugan na naglalaman ng pangunahing kahulugan ng salita.

Mga Paraan ng Pagkakahulugan

1. Literal - tunay at pinakamababang kahulugan

Halimbawa:

Ang tinapay ay pagkain

2. Konseptwal - Ang kahulugan ay ang konsepto, totoong impormasyon. Mas detalyado at may
siyentipikong pinagbabatayan

Halimbawa:

Ang tinapay ay pinagalihalong harina, asukal, at itlog na minsan ay may palaman.

3. Kontekstwal - nalalaman ang kahulugan batay sa paraan ng pagkakagamit ng salita sa pangungusap.


Nnatutukoy ang kahulugan sa tulong ng mga context clues

Halimbawa:

Si Hesus ay ang tinapay ng buhay dahil siya ang gumagabay sa mga tao.

4. Proposisyunal - Ipinapakita ang kahulugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon at pagbibigay


ng halimbawa
Halimbawa:

Ang tinapay ay ginagamit sa kakulangan ng bigas dahil mas murang umangkat ng harinang ginagamit sa
paggawa nito.

5. Pragmatik - Ang kahulugan ay batay sa aktwal na karanasan ng naglalarawan sa ideya. Ibinibigay din
ang kahulugan batay sa nangyari sa indibidwal

Halimbawa:

Ang aking baong tinapay ay mas masarap dahil may palaman.

6. Matalinhaga - Hindi lantad ang kahulugan ng salita

Halimbawa:

Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Simbolismo at Alegorya

July 26, 2012

Ano ang sagisag o simbolo?

Ang simbolo ay isang ordinayong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.

Saan nagmula ang mga simbolo?

a. Mga karaniwang simbolo – ay mga namana o ipinamana sa atin mula pa sa iba’t ibang salin-lahi.
Kilalang-kilala o madaling tandaan ang mga simbolong ito at kadalasang natatagpuan sa sining o
literatura. Halimbawa: pusang itim (malas), kalapati (kapayapaan), puso (pag-ibig), atb.

b. Mga Simbolong Nilikha – ang mga ito ay nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat
upang maipahayag ang kanilang ideya. Kapag naging kilala na ang mga ito ay nagiging karaniwang
simbolo na rin. Halimbawa – Maria Clara (mahinhing Pilipina), Sisa (baliw)

Saan natin nakuha ang mga simbolo?

Mga Simbolo sa Panitikan - gumagamit ng simbolo ang manunulat upang

• magpahayag ng kahulugang hindi kayang ipahayag ng literal na pagpapakahulugan,

• makuhang ganap ang emosyon at imahinasyon ng mga mambabasa, at

• mapayaman at madaling matandaan ang kanilang kwento


Alegorya

Alegorya —isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa
sa literal nitong kahulugan. Ito ay maaaring magpahayag ng ideyang abstract, mabubuting kaugalian, at
tauhan o pangyayaring makasaysayan

Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamamaraan: literal at simboliko o masagisag. Ang
alegorya ay nilikha upang magturo ng mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o
kasamaan

Ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari atb. sa isang alegorya at may mahalagang sinasagisag. Narito ang
ilang mahahalagang impormasyon buhat sa Banal na Aklat.

Tauhan

• Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang tao

• Alibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa magulang

Tagpuan

Golgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o kamatayan

Bundok – pakikipagtagpo sa Diyos (Sampung Utos)

Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso kay Jesus ni Satanas

Bagay

Krus – pasyon at pagkamatay ni Jesus

Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)

Pangyayari

Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos

Pagmamalas. Ang pagutot, na tinatawag ding pag-udo, pagmasid, pagmamalas, pagmamatyag,


obserbasyon, o pag-oobserba, ay maaaring isang gawain ng isang nabubuhay na nilalang, katulad ng tao,
na binubuo ng pagtanggap ng kaalaman ukol sa mundong panlabas sa pamamagitan ng mga pandama;
at maaari ring pagtatala ng dato na ginagamitan ng mga instrumentong pang-agham. Ang mga katagang
ito ay maaari ring tumukoy sa anumang datong nalipon habang isinasagawa ang gawaing ito. Ito man ay
maaari ring ang paraan ng pagtanaw sa mga bagay o kapag tinitingnan mo ang isang bagay.

Maaari rin bigyan ng kahulugan ang obserbasyon bilang isang tuwirang masusing pagsisiyasat, mabuting
pagsusuri, mabuting pagmamasid ng isang sitwasyon o kalagayan.[1] Isa itong masigla o aktibong
pagtatamo ng impormasyon o kabatiran mula sa isang pangunahing napagkukunan. Sa mga bagay na
may buhay, ang pag-oobserba o pagmamasid ay ginagamitan ng mga pandama. Sa agham, ang
pagsubaybay o pagmamatyag ay maaari ring kasangkutan ng pagtatala o pagrerekord ng mga dato sa
pamamagitan ng paggamit ng mga instrumento. Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa anumang dato
na nakalap o nakulekta habang nangyayari o ginagawa ang isang gawaing pang-agham.

Teorya
Ang teorya ay isang salitang maraming kahulugan. Sa una, ang teorya ay maaaring isang
magkakaugmang pangkat ng nasubukan nang panglahatang mga mungkahi, na itinuturing bilang tama o
tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon (hula) para sa isang uri
ng kababalaghan. Halimbawa ng teorya, sa ganitong diwa, ang teorya ng relatibidad ni Albert Einstein.
Sa ganitong konteksto, ang teorya ay katumbas ng mga salitang prinsipyo, batas, at doktrina.[1]

Sa ibang paggamit, ang teorya ay maaaring isang iminungkahing paliwanag na ang kalagayan ay hindi pa
isang sapantaha o hagap at kailangan pang ipasailalim sa eksperimentasyon. Sa ganitong diwa, ang
teorya ay ang kabaligtaran ng matagal nang nailunsad na mga proposisyon na itinuturing na bilang nag-
uulat ng talagang katotohanan. Sa ganitong konteksto, ang teorya ay katumbas ng mga
salitang ideya, nosyon, hipotesis, at postulado; na kabaligtaran naman ng mga
salitang gawain, beripikasyon, koroborasyon at substansiyasyon.

Sa larangan naman ng matematika, ang teorya ay isang katawan ng mga prinsipyo, mga teorem, o
katulad pa ng dalawang ito, na kabilang sa isang paksa. Isang halimbawa ng teorya pangmatematika
ang teorya ng bilang. Maaari rin itong gamitin para sa larangan ng agham at sining. Sa pang-agham at
pangsining na paggamit, ang teorya ay nakatuon sa mga prinsipyo o mga pamamaraan ng agham at
sining, na maipagkakaiba mula sa gawain o paggawa sa agham o sining. Isang halimbawa sa diwang
pansining o pang-agham ang teorya ng musika.

Ang teorya ay maaari ring isang pagkabatid o pananaw sa isang bagay na gagawin, o kaya ng metodo ng
paggawa nito. Ang teorya ay maaari pa ring isang sistema ng mga panuntunan o mga prinsipyo. Sa
ganitong diwa, isang halimbawa ang nasa pangungusap na "ang nagsasalungatang mga teorya kung
paano pinakamainam na matututo ang mga bata kung paano magbasa."

Ang salitang teorya ay hinango mula sa salitang Kastilang teoría. Ang salitang Ingles na theory ay
hinango mula sa isang katagang teknikal sa pilosopiya ng Sinaunang Gresya. Ang
salitang theoria, θεωρία, na may kahuluang "isang pagtingin sa, tinatanaw, pagmamasid", at tumutukoy
sa pagdidilidili (kontemplasyon) o espekulasyon (pagbabaka-sakali), na kabaligtaran ng aksiyon.[2] Ang
salitang teorya ay natatanging madalas na ipinagkakaiba mula sa "gawain" o "pagsasagawa" (na sa Ingles
ay practice, na hinango mula sa Griyegong praxis, πρᾶξις) isang katagang Griyego para sa "ginagawa", na
salungat sa teorya dahil hindi kasangkot sa teorya ang paggawa na bukod sa sarili nito.
Kaugalian o tradisyon

Ang kaugalian o tradisyon ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa
mga magulang papunta sa mga anak nila. Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kaugalian ang paghalik sa
kamay ng mga matatanda. Kaugnay ito ng mga
salitang tradisyunal, pinagkaugalian o kinaugalian, simula, at pinamulihanan.[1][2] Katumbas din ito ng
diwang "pagsasalin ng ari-arian sa ibang tao".[2] Ayon kay Jose Abriol, katumbas ang tradisyon ng
pariralang sali't saling aral.[3]

Pilipino
Ang Pilipino ay maaaring mangahulugan ng mga sumusunod:

isang mamamayan ng Republika ng Pilipinas; Pilipino (Ingles: Filipino) kung lalaki, Pilipina kung babae
(Ingles: Filipina); basahin ang kababaihan sa Pilipinas;

isang taong may mga pinagmulan sa Pilipinas, mapaano man ang etnisidad;

ang tawag sa Wikang Pambansang Batay sa Tagalog (pinaiksing ngalan: Wikang Pambansa) mula 1961
hanggang 1987.

Ang Filipino ay maaaring mangahulugan ng mga sumusunod:

ang wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas ayon sa umiiral Saligang Batas ng Pilipinas ng
1987.

alinman sa mga katutubong wika ng Pilipinas;

wala

alinmang ipinangalan mula sa pangalan ni Haring Felipe II ng Espanya.

You might also like