You are on page 1of 3

Magandang araw sa lahat!!

Ako si Gabriel Pena at nais kong ibahagi ang aking mga natutunan sa
aming asignaturang Panitikang Filipino. Ngayon, nakapokus tayo sa paksa tungkol sa Kahulugan
ng Panitikan, ang dalawang uri, anyo at mga halimbawang akda ng bawat anyo.
Samahan niyo ako!
Hindi na sa atin bago ang salitang Panitikan. Sa katunayan, simula noong nasa primarya pa lang
tayo ay itinalakay na ito sa mga guro natin sa Filipino o kaya sa Ingles.
Ngayon, bigyang balik-tanaw natin ang kahulugan ng Panitkan.
Ano nga ba ang panitikan?
Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-titik-an“. Ito ay batay sa salitang “titik”
nangunguhulugang “literatura” (literature). Kaya, ang panitikan ay ang masining na pagpapakita
batay sa paggamit ng mga salita at wika, kapwa nakasulat at pasalita. Ito rin ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mgakaranasan, hangarin at diwa ng mga tao.
Ang panitikan ay may dalawang uri: Ang kathang-isip o piksyon at indi kathang-isip o di-
piksyon. Mauunawaan kaagad natin na ang kathang-isip ay tumutukoy sa mga pantasya o di-
makatotohanang kaganapan sa isang akda habang ang di-kathang isip ay ang mga katotohanan o
ang mga kaganapan na nangyayari sa reyalidad.
Ngayon, dumako naman tayo sa dalawang anyo ng panitikan.
Ang tuluyan at panulaan.
Ano nga ba ang kaibahan ng dalawa?
Ang tuluyan o prosa ay tumutukoy sa maluwang na pagsamasama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Nakasulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
Ang tula o panulaan naman ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
Ngayon ating bigyang-pansin ang ibat ibang akdang panuluyan.
Una, Alamat, ito ay nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
Halimbawa:
Alamat ng Pinya at Bakit Maalat ang Dagat?
Pangalawa, Anekdota, ito ay ang akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari
sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
Halimbawa:
Ang Tsinelas Ni: Jose Rizal
Pangatlo, Nobela, o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Halimbawa:
Ang Konde ng Montecristo at Dekada ‘70
Pang-apat Pabula, ito ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya
mga bagay na walang bagay ang gumaganap bilang mga tauhan. Ito ay nagbibigay ng moral lalong-
lalo na sa mga batang mambabasa.
Halimbawa:
Ang Leon at ang Daga at Ang Araw at ang Hangin
Panlima, Parabula, Ang parabula, talinghaga, o talinhaga ay isang maikling kwentong may aral na
kadalasan ay mula sa Bibliya.
Halimbawa:
Ang Alibughang Anak at Ang Mabuting Samaritano
Pang-anim ay ang Maikling Kuwento, ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong
masining na anyo ng panitikan.
Halimbawa:
Flip Gothic at “Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”
Pampito, Dula, ito ay itinatanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng
may-akda.
Halimbawa:
Walang Sugat Ni Severino Reyes at Moses, Moses ni Rogelio Sikat
Pangwalo, Sanaysay, ito ay a ng tawag sa isang sulatin na naglalayong magpahayag,
magpaliwanag, at magsalaysay ng mga pananaw o kaalaman
Halimbawa:
Ako ay Pilipino ni Carlos P. Romulo
Ngayon, dumako naman tayo sa mga akdang patula o panulaan
Una, Tulang Pasalaysay, ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo
opangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
Halimbawa: Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
Pangalawa, Korido, ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Ito
ay binibigkas sa kumpas na martsa allegro.
Halimbawa: Ibong Adarana
Pangatlo, Epiko, isinalaysay nito ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan
at di-kapani-paniwala.
Halimbawa: Indarapatra at Sulayman at Biag ni Lam-ang
Pang-apat, Bugtong, mga pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
Halimbawa: Tumingin ka sa akin, ang makikita mo’y ikaw din. Ang sagot: SALAMIN
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan ang sagot: Kamiseta
Panlima, Tanaga, t umutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng
pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
Halimbawa: Tag-Init ni Ildefonso Santos
Batay, sa ating natalakay, sa katunayan, napakayaman ng ating bayan ng mga panitikan. Masasabi
rin natin, na likas na mga manunulat at mga mambibigkas ang ating kapwa Pilipino. Kaya, dapat
na magbasa tayo upang mas marami pa tayong matutunan galing sa panitikan at mas lumawak pa
ang ating mga imahinasyon.

You might also like