You are on page 1of 40

ARALIN 3:

SANAYSAY:
“Ang Pagbabago sa Moralidad
ng mga Estudyanteng Koreano”
ni : Kim T’ae-gil
Sanggunian:
Baybayin 9 pah. 196- 222
LAYUNIN:
K-1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad
ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.
2. Naipaliliwanag ang mga: kaisipan, layunin, paksa;
at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.
3. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol
sa paksa batay sa napakinggan.
D-1. Naisasabuhay at napagtitimbang-timbang kung anu-
ano ang pagbabagong pang-espiritwal, pampolitika,
pangkultura at gawi ng pamumuhay ang dapat na
yakapin upang masiguro ang isang buhay na
mapayapa, matiwasay at kalugod-lugod
K-1. Nakasusulat ng isang sanaynay;may gitna, katawan,
at wakas ukol sa isang napapanahong paksa.
INTRODUKSYON:
GAWAIN 1: Paghahambing
Panuto: Ilahad ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga kabataan
noon at ngayon.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Anu- ano ang salik na naka-iimpluwensya sa
pagbabago ng mga kabataan sa kasalukuyan?

2. Nakabuti ba o hindi ang naidulot nito sa mga


kabataan? Pangatwiranan ang sagot.

* Isasagawa at sasagutan sa aktwal na talakayan


GAWAIN 2:
Pagpapaunlad ng Talasalitaan:
Pagpapakahulugang Kontekstwal

* Sagutan sa sangguniang aklat ang


(Baybayan A at B sa pah. 204)

* Isasagawa at sasagutan sa aktwal na talakayan


Pagpapakahulugang Kontekstuwal
 Isang paraan upang matukoy ang kahulugan ng mga salitang ‘di lantad
o ‘di hayagan ang kahulugan ay ang konteskto ng pangungusap.
Ginagamit ito upang maging mabisa at masining ang isang
paglalahad. Tinatawag ang pamamaraan na ito na Kontekstuwal. na
nakabatay ang kahulugan sa paraan ng pagkakagamit ng mga salita sa
pangungusap. Matutukoy ito sa tulong ng context clues sa pangungusap.
Tinatawag din itong kahulugang denotasyon.
 HALIMBAWA:
Si Chastine ang bugtong na anak ng kaniyang mga magulang kaya
labis ang pag-aalaga nila sa kanya. [Sagot : nag-iisang anak.]
Panuto:Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
Gawing gabay ang ibinigay na una at huling letra ng
salita.

 K_________n (1.) Ang lahat ng kaniyang ginawa ay


kabalintunaan ng pananaw sa moralidad na aking
natutuhan. (Kabaligtaran)

 M________i (2.) Marubdob ang kaniyang pagmamahal sa


magulang kaya pinangangalagaan nila ito hanggang
pagtanda. (Masidhi o Matindi)
 K________n (3) Hindi dapat kalimutan ang kinamulatang
tradisyon ng ating lahi. (Kinagisnan o Kinalakihan)

 L________s (4) Masidhi niyang tinututulan ang pagtanggap sa


mga pagbabago sa lipunan. (Labis)

 M________o (5) Nagiging mapalinlang ang mga bagay na


nakikita natin sa kasalukuyan. (Mapanloko)
INTERAKSYON:
Sanaysay
 Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay isang
nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasaysay. Ito
ay nagmula sa dalawang salita “sanay” at “pagsasalaysay.”
 Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro,
damdamin, kaisipan, saloobin,reaksiyon ng manunulat
hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong
isyu.
Tatlong Bahagi ng Sanaysay:
Panimula Katawan Wakas

- Ang - Sa bahaging - Sa bahaging ito


pinakamahalagang ito tinatala- inilalahad ang
bahagi sapagkat kay ang mga kongklusyon sa
ito ang paksang tinatalkay at
ideya tungkol
pumupukaw sa nagsasara sa tala-
sa paksa.
kayang naganap sa
atensyon ng
katawan ng sanaysay.
mambabasa.
DALAWANG URI NG SANAYSAY:
Maanyo o Pormal Personal o Di-Pormal
 Ang paksang tinata-
 Tumatalakay ito sa
hindi karaniwang lakay ay karaniwan at
paksa na nanganga- hindi nanganga-
ilangan ng lubusang
ilangan ng matiya- pag-aaral at kadala-
gang pag-aaral o sang batay sa karana-
pananaliksik. san ng sumulat.
Ang Panitikan ng Korea Hangul
- Ang panitikan ng Korea ay
sumasaklaw sa mga obra na
isinusulat ng mga Koreano na sa
simula ay nasa klasikong Tsino at
kalaunan ang sistema ng
transkripsiyon ay ang paggamit ng
mga karakter na Tsino hanggang
sa tuluyang maging Hangul, ang
pambansang alpabeto ng Korea.
 Bagaman ang Korea ay may sariling wika sa
maraming nagdaang taon, ang sistema ng pagsusulat
nito ay nagsimula lamang sa kalagitnaan ng ika-15
siglo, noong mabuo ang Hangul. Bunga nito, ang
sinaunang mga akdang pampanitikan ay nasusulat sa
Tsinong karakter.Nagsusulat ang mga iskolar na
Koreano ng mga tula gamit ang tradisyonal na
paraaan ng klasikong Tsino hanggang ika- 4 na siglo.
 Ang pambansang akademya ay naitatag pagka-raaan,
matapos itatag ang Dinastiyang Unified Silla (668-
936), at Myla sa panahon ng pagsisimula ng Civil
Service Examination sa kalagitnaan ng ika-10 siglo
hanggang maalis ito noong 1894. Nagsimulang mag-
aral ang mg Koreano ng mga klasikong Confucian at
kasaysayan at panitikang Tsino. Ang mga Koreano na
nabibilang sa mga pinakamayamang uri ay
nakapagsasalita sa wika ng Korea ngunit
nakapagsusulat ng Tsino.
 Noong ika-7 na siglo, ang sistemang tinatawag na
idu ay nabuo na nagbigay ng pagkakataon sa mga
Koreano na magsagawa ng pagsasalin o pagsasatitik
ng mga tekstong Tsino sa kanilang wika. Kalaunan,
ang ilang karakter na Tsino ay ginagamit upang
maipakita ang ponetikong halaga na kakatawan sa
mga bahagi ng pananalita at impleksyonal na wakas.
Higit na lumalawig pa ang transkripsiyon na
tinatawag na hyangch’al ang sumunod, na ang
kabuoang pangungusap sa wikang Koreano ay
naisusulat sa wikang Tsino.
 Sa ibang sistema, ay ang pinaikling bersiyon ng
mga Tsinong karakter na ginagamit upang
maipakita ang mga elementong gramatikal at
ipinasok ang mga ito sa mga teksto sa pana-hon
ng transkripsiyon. Ang mga nabubuhay na
akdang pampanitikan ay nangangahulugan na
bago ang ika-20 siglo, ang karamihan sa mga
panitikang Koreano ay nasusulat sa Tsino kaysa
sa Koreano kahit pa nabuo na ang Hangul.
 Sa kabuoan , ang panitikang Koreano ay
nahahati sa tatlong kategorya :
 Mga akdang nasusulat sa sinaunang sistema
ng transkripsiyon,
 Mga nasusulat sa Hangul, at
 Mga nasusulat sa Tsino.
SANAYSAY:
“Ang Pagbabago sa Moralidad
ng mga Estudyanteng Koreano”
ni : Kim T’ae-gil
S anggunian:
Baybayin 9 pah. 199-204
 Malaki ang naging impluwensiya ng Confucianismo sa kinalakihang pag-
aaral ng mga Koreano sa kanilang pamilya.Pero para sa mag-aaral sa
kasulukuyan hindi na ito angkop dahil nga sa paglipas ng mga panahon.
Dapat lang daw na baguhin ang paniniwala sa kanilang pamilya. Kaya’t
gumawa sila ng sarbey at lumabas sa kanilang datos na nananatili pa rin itong
konserbatibo at tuloy pa rin ang paniniwala sa Confucianismo at hanggang
ngayon ay hindi nila tinututulan ang tungkulin sa pamilya at patuloy pa rin
ang obligasyon nila sa kanilang pamilya.
 Ayon sa kanilang paniniwala ang kanilang prayoridad ay dapat nilang
pangalagaan ang kanilang magulang kaysa sa kanilang asawa at
kanilang anak. Ngunit ngayon ay ipinapakita nila na hindi na matapat na
ginanagampanan ang kanilang obligasyon dahil sa akala nilang patuloy pa rin
itong sinusunod.
 Sa kabilang banda, sumasang-ayon ang mga Koreanong estu-dyante
sa kolehiyo sa paniniwala sa obligasyon nila sa magulang bagama’t
hindi na talaga nito marubdobang sinusunod pa ang pag-uugali ni
Confucius. Sa, halip naniniwala sila na dapat nang alisin ang mga di-
praktikal na paniniwala sa kinalakihang tradisyon ukol sa tungkulin
nila sa pamilya. Halimbawa nalang nito . Hindi iniisip ng
pangkaraniwang Koreano na kailangan nilang isakripisyo ang
kalayaan ng kaniyang anak para sa tungkulin, o isantabi ang pag-
aaral sa labas ng bansa para lamang maalagaan ang kanilang
magulang. Tumutol siyang salungat sa kaniyang tungkuling
pampamilya kapag hindi sila nagkaroon ng lalaking anak.
Naniniwala rin sila na ang huling pagpapasiya ukol sa pagpapakasal
ay nasa kamay ng dalawang nag-iibigan.
 Itinakda rin sila ng lipunang piyudal sa ilalim ng Confucianismo
ang pagkakaroon ng hirarkiya, at isa rito ang likas na paniniwalang
mas mababa ang babae sa lalaki. Ngunit naisantabi na ang
ganitong pananaw sa makabagong lipunan. Buong pusong
niyayakap ng mga Koreano sa kolehiyo ang mga naging
pagbabago at marami sa kanila ang umaasang higit na
mapagtitibay ang pagkapantay-pantay ng kasarian. Isa sa mga
pagbabago dito ang pagsasantabi sa pagkakaroon ng pagka-kaiba
ng paraan ng pakikipag-usap ng mga lalaki sa asawa niya at ng
babae sa kaniyang asawa gayundin ang pagkilala sa integridad ng
lalaki ay dapat pantay na igawad sa babae. At tuluyan na ngang
nilimot ng mga estudyanteng Koreano ang tradisyon.
 Sinasaklaw rin ng obligasyon sa pamilya.Alinsunod sa kautusan ng
Confucianismo, ang seremonya sa paglilibing ng mga magulang at
maging lolo’t lola. Ngunit mayroong estudyante na dapat itong
itigil bagama’t marami pa rin ang nagsasabing dapat lang na mas
paikliin ang tradisyonal na “tatlong –taong pagluluksa” at limutin
ang obligasyon ukol sa debosyon sa pagdadalamhati bilang
kabayaran sa kasalanan sapagkat pinaniniwalaan na resulta ng
pagkakasala ng mga anak ang kamatayan ng magulang.
 Naging malaking impluwensiya ng Confucianismo at Budismo sa
tradisyonal na pag-uugali ng mga Koreano ang higit na pagkilala at
pagpapahalaga ng mga ito sa espiritwal kaysa sa mga materyal o
pisikal na paniniwala.
 Marami sa kanila ang naniniwala na mas maiging maging
isang lalaking may magandang karakter, kaa-laman, at
kagandahang-asal kaysa sa maging bihasa sa iisang larang
lamang; at ang pagkakaroon ng magandang kapalaran o
pagtagumpay sa buhay ay siyang bunga ng paraan ng
pagtatamo nito. Ang kanilang konsepto ng matagumpay
na tao ay isang taong namumuhay sa kahirapan subalit
puspos sa kaalaman at integridad, at hindi isang taong
nagpapakasasa sa kayamanan at kapangyarihan subalit
salat naman sa karakter at kaalaman.
 Maaring dahil sa kasarian kaya’t nagawa ng mga
estudyanteng Koreano na palayain ang kanilang sarili sa
inuutos na tradisyon. Katulad ng ipinapahiwatig ng
kasabihang “Hindi na maaaring makaupo sa kaparehong
lugar ang lalaki’t babae sa oras na sila ay sumapit sa
kanilang ikapitong taon.” Masasabi natin na ang mga
estudyanteng Koreano sa kasalukuyan ay hindi na nais pang
magpatali sa idinidiktang tradisyong Confucianismo hinggil
sa angkop na pag-uugali gayundin naman ay hindi nila
ninanais na talikuran nang tuluyan ang buo nilang
kaugalian.
 Kung pag-uusapan naman ang politika, bahagyang napanatili sa
mga estudyanteng Koreano ang Confucianismo dahil sa konsepto o
ideyal na pamamahala sa pamamagitan ng kabutihan at pagtulong,
isa itong anyo na nakabatay sa katuruan ni Mencius. Ipinapalagay
na kaya iginagalang pa rin hanggang ngayon ng mga estudyante ang
ideya ni Confucius at Mencius sa politika dahil naniniwala sila na
ang lalaki ay napapabilang sa mataas na antas bilang pag-aangkop
sa pagsasakatuparan ng pamamahala gamit ang kabutihan at
demokrasya.
 Dahil na rin sa naitatag ang ideolohiyang politikal ng
Confucianismo sa piyudal na lipunan, naiiba ito sa makabagong
prinsipyo ng demokrasya sapagkat pinahihintulutan nito ang
diktatoryang may mabuting intensiyon o layunin.
 Naging sensitibo ang kasalukuyang mga estudyanteng Koreano
pagdating sa katarungan sa lipunan kaysa pananaw ng sinaunang
Confucianismo marahil ay dahil bunsod ito ng kanilang masidhing
pagnanais na matamo ang tunay na demokraysa. Bilang bunga,
naging aktibo sila sa pagpuna sa pamahalaan at kasabay nito’y
tumaas ang kanilang positibong partisipasyon sa lipunan.
 Magpahanggang ngayon, taglay pa rin ng mga estudyanteng
Koreano ang tradisyonal na pag-uugali ng Silangan ukol sa mataas
na pagpapahalaga sa espiritwal na paniniwala. Ngunit, unti-unti
nang naisasantabi ng mga kabataan ang pagsandig sa materyal na
paniniwala habang tila binibigyang-diin ang kahalagahan ng
materyalistang uri ng pamumuhay.
 Hindi pa dumarating ang tamang panahon para tuluyang yakapin ng
mga estudyanteng Koreano ang konsepto ng Kanluranin ukol sa
indibidwalismo, bunsod na rin ng bahagya pa nitong pagkakatali sa
malaking impluwensiya ng kinagisnang tradisyong nagdidikta ng
pananaw sa pamilya ; isa pa’y dahil sa kanilang mapanuring pag-
iisip sa kagandahang-asal at moralidad.
 Ito ang isa sa pinakamahalagang tungkuling kakaharapin ng bagong
henerasyon- ang patuloy na subuking paliitin ang nakatambad na
puwang sa pagitan ng mga paniniwala at gawi sa iba ang ideolohiya
ay dapat mabago at sa iba naman ay gawi na dapat maihanap ng
bagong direksiyon. Sapagkat dito nakasalalay ang matinding
pangangailangan sa muling pagtatag ng bagong moralidad na
kaangkupan ng ating mga gawi.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang paksa at nilalaman ng sanaysay?
2. Ano ang layunin ng awtor sa pagsulat ng binasang
sanaysay?
3. Ano ang malalim na pinag-uugatan ng
pamumuhay ng mga Koreano? Paano ito
nasasalamin sa kanilang pamumuhay hanggang
sa kasalukuyan?
4. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na
Koreano sa mga sumusunod:
 Tungkulin ng anak sa magulang
 Paniniwala tungkol sa pag-aasawa
 Pananampalataya at materyal na pagpapahalaga
 Demokrasya
 Indibidwalismo
5. Paano hinuhubog ang pamumuhay at kina-
bukasan ng mga Koreano ng mga paniniwala
at pananaw na ito? Magbigay ng mga patunay.
6. Sa iyong palagay, ano ang mahahalagang
kaisipan ang ipinararating ng sanaysay sa
kasalukuyang panahon? Pangatwiranan ang
sagot.
INTEGRASYON:
INTEGRASYON:
* Isasagawa sa aktwal na talakayan
GAWAIN: LAS 1- Pagsulat ng Sanaysay
Panuto: Sumulat ng sanaysay sa 15-18 pangungusap at binubuo ng
tatlong talata (simula, katawan, wakas) na tumatalakay sa
pamagat na ibinigay.

Moralidad ng mga Kabataang Pilipino sa


Makabagong Panahon
Pamagat
Pamantayan sa Pagmamarka
1. Nilalaman 15
2. Organisasyon at Kaisahan ng Ideya 5
3. Kawastuhang Panggramatika 5
4. Sulat-kamay at Kalinisan 5
Kabuuan
30
PAGLALAGOM:
Ang mga tradisyon at paniniwala ng ating lahing
kinabibilangan ang isa sa humuhubog sa ating pagkatao. Ito rin
ang nagiging pamantayan natin sa buhay at nagiging gabay sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay at pagdedesisyon.
Ngunit sa pagtakbo ng panahon ang mga paniniwala at
tradisyong ito ay unti-unting naiimpluwensiyahan bunsod ng
globalisasyon . Ito ay isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga
Koreano partikular ng mga estudyanteng Koreano na
nakararanas ng pagbabago na nakaapekto sa kanilang
moralidad at mga paniniwala..
PAGPAPAHALAGA:
Mga Taga- Roma 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanlibutang ito: kundi mag-iba kayo sa
pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang mapatunayan ninyo kung
alin ang mabuti at kaaya-aya at lubos na kalooban ng Diyos.

Hindi lahat ng mga gawain at paniniwala na sinasang-ayunan ng


sanlibutan ay mabuti at kalugod-lugod sa ating Panginoon tulad ng
pagtanggap sa pagsasama ng magkaparehong kasarian. Ang anumang di
mabuti at kaaya-aya sa paningin ng Diyos ay dapat nating itatwa at
huwag sang-ayunan sa halip sundin lamang natin ang mga kautausan,
katuruan at kalooban ng Panginoon upang makamtan nating ang
walang hanggang pagpapala at buhay na walang hanggan sa kabilang
buhay.

You might also like