You are on page 1of 2

Sanhi at Bunga

Timeline

Panimula (Susing Konsepto)

Sa pang araw-araw nating gawain, parte na nito ang tayo ay makapagbasa ng isang pahayag o di
kaya naman ay makarinig ng isang teksto at ulat.

Sa dami na ng nabasa nating mga pahayag, teksto at ulat kaya na ba nating tukuyin kung ano ang
sanhi at bunga?

Bilang mag-aaral isang mahalagang kasanayan na dapat mong linangin ay ang pagtukoy sa sanhi
at bunga.

Handa ka na bang matuto? Halina at sabay-sabay nating tukuyin ang mga sanhi at bunga sa mga
sa babasahin nating pahayag, teksto at ulat.

Ang teksto ay babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon, ideya, o detalye patungkol sa
iba’t ibang mga bagay o usapin depende sa mga pangyayari. Ang teksto ay may ipinahahayag na ideya.
Nakatutulong ang pagbibigay ng pangunahing ideya upang maintindihan ang nilalaman ng narinig o
binasa.

Ang pahayag ay tumutukoy sa isang opinyon o saloobin.

Ang ulat ay tumutukoy sa isang sitwasyon o kilos kung saan ang isang indibidwal o grupo ng
mga tao ay inihahatid ang isang balita o impormasyon mula sa pinanggalingan nito patungo sa dapat
makatanggap ng balita o detalye.

Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari.


Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.

Tinatawag namang bunga ng pangyayari kung ito ay nagsasabi ng kinalabasan o


resulta ng pangyayari.

Ang sanhi at bunga ay kadalasang pinagdurugtong ng mga pang-ugnay tulat ng: Dahil

- dahil - nang dahil sa


- Kung kaya - kung
- Kasi - kapag
- sapagkat

1
Pag-aralan natin ang ilang mga halimbawa ng mga sanhi at bunga na madalas ay
nababasa, napapakinggan o nararanasan natin.

SANHI BUNGA

Masipag mag-aral ang bata Matataas ang nakuhang mga marka

Malakas ang buhos ng ulan Nagkaroon ng baha at pagguho ng lupa

Kumain ng maraming kendi Sumakit ang kanyang ngipin

Mainit ang sikat ng araw Madaling natuyo ang mga damit

You might also like