You are on page 1of 17

ARALIN 2:

PARABULA
- Ito’y matandang salita na
nangangahulugang pagtatabihin
ang dalawang bagay upang
pagtularan.
Ito ay tinatawag na talinghaga sa Banal na
Aklat sapagkat ang paraan ng paglalahad ng
mensahe ay wala sa literal kundi sa malalim
na pagpapakahulugan at puno ng
simbolismo.
Kaakibat ng pagtitiwala
ang katapatan
Ang Talinhaga tungkol sa
mga Aliping
Pinagkatiwalaan ng Salapi
Mga Pang-ugnay
(Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga
salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay.
Hal.
Mahusay ang mga Pilipino sa kahit
anong larangan kaya kilala tayo sa buong
mundo.
May Walong uri ng Pangatnig
1. Pamukod – ginagamit kung nais itangi ang isang bagay o
kaisipan sa iba pang kasama nito sa pangungusap. Ilan sa mga
halimbawa nito ay o, ni, man at maging.
Hal.
 Ang tunay na Kristyano, ay walang-kiling. Katoliko o Protestante o
Muslim, lahat sila ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
 Ni sa pangarap, ni sa panaginip ay hindi siya nag-isip ng ganon.
 Ni tignan, ni pakinggan ay hindi ginawa ni Gelo nang magpaliwanag si
Joey.
2. Paninsay o Pasalungat –kung sa tambalang pangungusap, ang
ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit,
bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit, samantala.
Hal.
 Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob.
 Ang mamamayang Pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging
kamamasdan ng kasiyahan.
 Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay
ginagamit nasa unahan ng pangungusap.
Hal. Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos
makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling
nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay
dumaragsa.
3. Panubali – kung may pag- aalinlangan o
pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag,
sana, baka, kapag, sakali, disin sana.
Hal.
Lalong hihirap ang iyong buhay kung pababayaan
mong nakatiwangwang ang iyong lupa.
Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan,
baka magsisi ka pagdating ng araw.
Kung nag-aral siya ng mabuti, disin sana’y
nakapagtapos siya ng pag-aaral.
4. Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay
ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung
nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang
“bakit?”Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat,
palibhasa, kasi, mangyari at gawa.
Hal.
Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain
niyang hilaw na mangga. 
Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang
pinagmamalupitan.
5. Panlinaw – kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang
ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung
gayon, .
Hal.
Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan,
samakatuwid, ang palasak nating kawikaan:“Ang hindi
marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.
Nagkasundo ang mga opisyal ng klase kaya’t higit na
naging maayos ang ugnayan ng bawat isa.
6. Panulad – ito ay pariralang magkatugon na
ginagamit sa pagtutulad. Ang mga salitang ginagamit
rito ay: kung ano…siya rin, kung paano…gayon din,
kung saan…doon din, kung sino…siya rin at kung
alin…iyon din
Hal. Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.
Kung alin ang pinakapiling- pili, iyon din ang nakuha ng
bungi.
Kung sinong naghahangad ng mabuti, siya ring
magtatagumpay.
7.Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung
nagpapahayag ng layon o pagbabadya ng nalalapit na
ang pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay: upang, nang, sa
wakas at sa lahat ng ito.
Hal.
 Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang
hindi malihis ng patutunguhan.
Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad
ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.
8. Panimbang - ginagamit sa pagpapahayag ng
karagdagang ideya o kaisipan. Halimbawa nito ay
ang mga salitang at, saka, anupa’t, at pati, Ano pa
at.
Hal.
Pati ang Pangulo ng Amerika ay natuwa kay
Rose nang magtalumpati siya.
Pinagtutuunang pansin ng pamahalaan ang
sektor ng kalusugan at edukasyon sa budget
ngayong taon.
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang ng at na nag-
uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Hal.
Ang isang kahon ng mansanas ay nagkakahalaga ng
P1000.00
Maglingkod sa kapwa na may malasakit at
pagmamahal.
 butas na Malaki.
Madamdaming tagpo
Magandang babae.
c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Ang pang-ukol
ay ang mga sumusunod: ng, ni/nina; kay/ kina; laban sa/ kay,
ayon sa/ kay, para sa/ kay, ukol sa/kay, tungkol sa/kay, hinggil
sa/kay, alinsunod sa/kay.
Hal.
 Tungkol sa paghiling at paggawad ng kapatawaran ang paksa
sa homiliya.
 Ang katwiran niya ay laban sa pagpapahalagang kinalakhan.

You might also like