You are on page 1of 24

Ang Pangatnig ay bahagi ng

pananalita na nag-uugnay
sa salita sa kapwa salita, o
isang kaisipan sa kapwa
kaisipan. Ito ay maaaring
pantulong o pantuwang.
Pantuwang ang pangatnig
kapag pinag-uugnay nito
ang mga
magkakasingkahulugan, ma
gkakasinghalaga o
magkakapantay na mga
bagay o kaisipan.
Angmga pantuwang na
pangatnig ay:
At
Saka
Pati
Mga halimbawa:
 Magtitirik ng kandila at
magpapadasal si Ka Ebeng
sa Araw ng mga Patay.
 Magtitirik ng kandila’t
magpapadasal si Ka
Ebeng sa Araw ng mga
Patay.
 Ang mga mamamayan
pati na ang mga dayuhan
ay pupulungin ng Pangulo.

 Dalhin mo bukas pagtungo


natin sa talon ang
timba, tabo saka ang mga
labahin.
Pantulong naman ang
pangatnig kung pinag-
uugnay nito ang sugnay na
di- makapagiisa sa malaya o
makapag-iisa o punong
sugnay.
Pamukod – pamukod ito
kung may
pamimili, pagtatangi, pag-
aalinlangan, pagtatangi sa
isa o sa iba sa dalawa o
mahigit pang bagay o
kaisipan.
Hal.
Ni sa pangarap ni sa
panaginip ay hindi siya
nagisip ng ganyon.
Ang tunay na Kristyano, ay
walang-kiling. Katoliko o
Protestante o
Muslim, lahat sila ay
pantay-pantay sa mata ng
Diyos.
Paninsay o Pasalungat –
kung sa tambalang
pangungusap, ang ikalawa
ay sumasalungat sa
una, ang ginagamit ay:
ngunit, bagaman, habang, k
ahit, datapwat, subalit.
Hal.
Sasalo
raw siya kahit
masama ang kanyang loob.

Ang mamamayang
pilipino, bagama’t hirap sa
buhay, ay laging
kamamasdan ng kasiyahan.
Ang subalit ay ginagamit
lamang kung ang ngunit, at
datapwat ay ginagamit na
sa unahan ng pangungusap.
Hal.
Matahimik pa rin ang
Pilipinas ngunit hindi pa
rin lubos makapaniwala
ang mga taga-ibang bansa
dahil sa maling
nalalathalang
balita, subalit patuloy pa
rin silang dito ay
dumaragsa.
Panubali – kung may pag-
aalinlangan o
pagbabakasakali, ang
ginagamit ay:
kung, pag, sana, baka, pagk
a, kapag, sakali.
Hal.
Lalong hihirap ang iyong
buhay kung babayaan
mong nakatiwangwang ang
iyong lupa.
Pinamihasa mo ang iyong
anak sa karangyaan, baka
magsisi ka pagdating ng
araw.
Pananhi – mula sa salitang
sanhi o dahilan. Ito ay
ginagamit kung ang mga
kadahilanan, ay
inilalahad, kung
nangangatwiran, kung
tumutugon sa katanungang
“bakit?”
Ang mga salitang ginagamit
ay:
dahil, sapagkat, palibhasa, ka
si, kundangan, atb.
Hal.
Sumama ang kanyang
pakiramdam dahil sa
nakain niyang hilaw na
mangga.

Lumayas ang anak niya


kasi sobra niyang
pinagmamalupitan.
Panlinaw – kung ang nasabi
ay pinaliliwanagan pa, ang
ginagamit ay:
samakatuwid, kaya, gayunp
aman, kung
gayon, alalaon, sana, atbp.
Hal.
Makahulugan at
makabulahan ang
kasaysayan, sa
makatuwid, ang palasak
nating kawikaan: “Ang
hindi marunong lumingon
sa pinangalingan ay hindi
makararating sa
paroroonan.” ay diwang
bagay lamang.
Panulad – ito ay pariralang
magkatugon na ginagamit
sa pagtutulad.
Hal.

Kung ano ang itinanim, ay


siya ring aanihin.

Kung alin ang pinagkapili-


pili, ay siya pang nakuha ng
bungi.
Panapos – ginagamit ang
pangatnig na ito kung
nagpapahayag ng layon o
pagbabadya ng nalalapit na
pagwawakas sa pagsasalita.
Ito ay: upang, nang, sa
wakas.
Hal.
Pahalagahan ang pangaral ng
mga magulang nang hindi
malihis ng patutunguhan.
Ang Pilipinas, sa wakas, hindi
pa man lubos na maunlad ay
kababanaagan na ng
mapangakong bukas.

You might also like