You are on page 1of 3

WESTERN LEYTE COLLEGE OF ORMOC CITY, INC.

A. Bonifacio Street, Ormoc City


Tel. Nos.: (053) 832-3848
E-mail Address: wlcjhsshs@gmail.com (High School Department)

DIAGNOSTIC TEST SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

PANGALAN: __________________________________ TAON AT SEKSYON: _________________________

I. Piliin at Bilogan ang tamang sagot.


1. Nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong Ingkong. Ano ang tungkulin ng wika sa pahayag?
a. Imahinatibo c. Personal
b. Hueristik d. Regulatori
2. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap?
a. Valentine’s Day na. c. Susmaryosep!
b. May tinapay. d. Lahat ng nabanggit
3. Anong salita ang mangangahulugang “Napipilitan”?
a. Abot-dili c. Balat-sibuyas
b. Pabalat-bunga d. Dulang kuneho
4. Kung minsan ang kagandahan ay nasa kapangitaan.
a. Pagsasatao c. Pag-uyam
b. Pagmamalabis d. Pagtatambis
5. Komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao.
a. Intrapersonal c. Pampubliko
b. Interpersonal d. Pang-midya
6. Ito ay isang sining na pangangalap ng impormasyon at pagbibigay hinuha mula sa mga nakalimbag na simbolo.
a. Pakikinig c. Pagsasalita
b. Pagsulat d. Pagbasa
7. Ito ay pagbibigay ng sariling kahulugan batay sa pagkakaunawa sa pahayag.
a. Konatsyon c. Skimmingd
b. Denotasyon d. Previewing
8. Bantas na ginagamit kung ang yunit ng praksyon ay isusulat nang patitik.
a. Gatlang c. Gitling
b. Kuwit d. Panipi
9. Marami kang huling isda. Saan mo dadalhin _______?
a. Iyon c. Iyan
b. Ito d. Dito
10. Ang salitang “marami-sagana” ay halimbawa ng __________.
a. Kasingkahulugan c. Kasalungat
b. Kasintunog d. A at B
11. Ito’y isang uri ng akdang tuluyan na nahahati sa mga kabanata
a. Maikling Kwento c. Nobela
b. Tula d. Sanaysay
12. Ito ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
a. Pang-abay c. Pang-uri
b. Pandiwa d. Panghalip
13. Ito’y mga salita o katagang walang kahulugan kapag ito’y nag-iisa ngunit nakapababago sa kahulugan ng
pangungusap.
a. Panghalip c. Pang-angkop
b. Paglalapi d. Ingklitik
14. Ito’y kwento tungkol sa Diyos at Diyosa.
a. Parabula c. Mitolohiya
b. Alamat d. Epiko
15. Ito ay salita na nagbibigay-buhay sa pangungusap sapagkat ito ay nagsasaad ng kilos at pangyayari.
a. Pang-abay c. Pang-uri
b. Pandiwa d. Panghalip
16. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika.
a. Monolingguwalismo b. Bilinggwalismo
c. Multilinggwalismo d. Wala sa pagpipilian

17. Ang salitang Ingles na language ay mula sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay _______?
a. Dila c. Bibig
b. Salita d. Tunog
18. Ito’y tinatawag ding katutubong wika o mother tongue.
a. Unang wika c. Wikang pambansa
b. Ikalawang wika d. Dayalek
19. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay _______.
a. Pilipino c. Tagalog
b. Filipino d. Ingles
20. Ito ay ang lokal na wika na ginagamit sa isang lugar, probinsya o rehiyon.
a. Dayalek c. Etnolek
b. Sosyolek d. Ekolek
21. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______.
a. Pinipili c. isinasaayos
b. dinamiko d. kagila-gilalas
22. Ito ay isang kakayahang komunikatibo na binibigyang pansin at halaga ang paksa, lugar na pinag-uusapan at ang
estado ng taong kausap.
a. Linggwistiko c. Pragmatik
b. Sosyolingwistiko d. Diskorsal
23. Ito ay barayti ng wika na nabubuo mula sa salitang etnolinggwistikong grupo?
a. Ekolek c. Etnolek
b. Pidjin d. Dayalek
24. Ito ang tinaguriang ginintuang panahon ng wikang tagalog.
a. Panahon ng Kastila c. Panahon ng Amerikano
b. Panahon ng Hapon d. Panahon ng rebolusyong Pilipino
25. Kung ang _______ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga tao, masasabi nating lingguwistikong
komunidad ang kanilang kinabibilangan.
a. Kultura c. Komunikasyon
b. Kilos d. Wika
26. Ano kahulugan ng “Neneng is the apple of Daddy’s eye?”
a. Paborito ni daddy ang mansanas. c. Si Neneng ay tulad ng mansanas.
b. Mahal ni daddy si Neneng d. Tawag-pansin ang mansanas.
27. Saan kabilang ng uri ng tayutay ang pahayag na: “Kapalaran, huwag ka sanang mailap.”
a. Pagtawag c. Pagmamalabis
b. Palit-saklaw d. Palit-tawag
28. “Ako ay isang ibon na nakakaigayang pakinggan.” Ito ay:
a. Pagwawangis c. Pagtutulad
b. Pagpapalit tawag d. Sinedoke
29. Sinong ika labing-isa na pangulo ng Pilipinas ang nagproklama ng pagkakaroon ng Komisyon sa Wikang Filipino?
a. Fidel V. Ramos c. Ferdinand Marcos
b. Corazon C. Aquino d. Joseph Estrada
30. Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga tunay na pangyayari batay sap ag-aaral, pananaliksik, o
pakikipanayam at isinusulat sa paraang kawili-wili,
a. Editoryal c. Lathalain
b. Pag-uulo d. Anunsyo klasipikado
31. Ito ay tulang pasalaysay ukol sa mga bayani at kanilang kabayanihan.
a. Talindaw b. Diona c. Soliranin d. Epiko
32. Pabalat nito’y may larawang artista. Ang mga nilalaman ay mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa.
a. Tabloid b. Pelikula c. Magazin d. Komiks
33. Ano ang pangunahing hakbang sa pagbuo ng pangunahing ideya?
a. Suriin ang pamagat o unang pangungusap
b. Basahin ang bawat pangungusap
c. Hanapin ang karaniwan sa lahay ng pangungusap
d. Himayin ang teksto
34. Aling pangungusap ang may paksa na pang-uri?
a. Ang mahusay na tagapanayam ay dumating na
b. Madaling dumalo ang mga bumbero
c. Ang matiisin ay pinagpapala
d. Lubhang madali ang mga tanong
35. Higit na mapapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral kung ____________.
a. Tuturuan silang makapagtanong tungkol sa di maunawaang mga salita.
b. Ipapagamit ang ibang asignatura ang kahulugan ng mga salitang di-maunawaan.
c. Bibigyan sila ng pagsusulit sap ag-unawa ng mga salita.
d. Ipabibigkas sa kanila ang mga salita nang paulit-ulit.

II. Tama o Mali


__________ 36. Ang Almanac ay isang halimbawa ng sekundaryang pinagmulan ng impormasyon.
______________ 37. “Tandaan mo, pawis ko ang dahilan kaya may magandang edukasyon ka ngayon.” Ang pahayag ay literal
______________ 38. Ang case study ay isang uri ng pananaliksik na sumasakop lamang sa maliit na populasyon at may
layunin na itala ang bawat obserbasyon ng mga respondent upang matukoy ang kalagayan.
______________ 39. Noong ika-3 Hulyo, taong 1892, itinatag ni Dr. Jose Rizal ang kapisanang “La Liga Filipina.
______________ 40. Si Andres Bonifacio ay tinaguriang “Utak ng Himagsikang Pilipino.”

G. Roguin Pialago Suson


Inihanda ni:

You might also like