You are on page 1of 3

IKAANIM NA PANGKAT - (TEXT OF REPORT)

Replektibong Sanaysay

Isang mapagpalang araw sa ating lahat, lalo’t higit sa kapwa ko mag-aaral at sa


ating butihing guro Ginoong Aeron John Amin. Magandang Tanghali po!

Paunang Bungad ng Tagapagtala;

Bago tayo dumako sa ating paksa na tatalakayin ngayong araw nais ko muna
kayong tanungin kung napakinggan niyo na ba ang kantang isinulat ni Noel
Cabangon na Kanlungan? Alam niyo ba na isinulat ang kantang Kanlungan sa
pamamagitan ng pag-alala at paggunita sa mga karanasan na pinaglumaan na ng
panahon. Kumbaga ito ay ang pagre-replika o pagninilay-nilay tungkol sa mga
karanasan.

Sa makatuwid, ito ay naaayon sa paksang ating tatalakayin ngayon! Ang


Replektibong Sanaysay. Sa madaling sabii, ang kantang Kanlungan ni Noel
Cabangon ay isang halimbawa ng Replektibong Sanaysay.

 Unang Bahagi

Ngayon, ano nga ba ang Replektibong Sanaysay?

Ang repliktibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pang sanaysay na hindi


lamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri
ng saalaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa Maaring sabihing isa itong
Akademikong paraan ng pagbuo ng bagong kaalaman tungkol sa pagkatao,lipunan,at
mga isyu o paksa sa pagitan.

Paliwanag;
Upang mas lalo nating maunawaan, umpisahan muna natin sa salitang
Replektibo o Repleksyon. Ito ay pag-iisip ng mga naging epekto sa sarili o sa mga
personal na karanasan, kumbaga ito ay pagbabalik tanaw at pagsusuri sa mga
pangyayari batay sa personal na karanasan.

Ang Replektibong Sanaysay ay isinusulat nang may “tamang Kaisipan at


Damdamin’’. Sa madaling sabi, ang Replektibong Sanaysay ay isang Akademikong
Sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang mga naging
epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat. Maaaring naglalaman o lamanin ito ng
kahinaan at kalakasan ng manunulat.

Isinasalaysay at Inilalarawan din ng mga manunulat kung paano napaunlad ang


kanyang mga kalakasan at paano napagtagumpayan ang kanyang kahinaan.
 Ikalawang Bahagi

Dumako naman tayo sa susunod at ito ay ang Mga bahagi ng Replektibong Sanaysay.

Panimula - ay sinimulan sa pagkakilala o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.

Paliwanag; Dito sa panimula nakapaloob ang pagpapakilala sa paksa at mahalagang


mapukaw kaagad ang interes ng mambabasa. Sa umpisa pa lang dapat alam mo na
kung ano yung paksa na gusto mong talakayin, bukod dito sa umpisa pa lang dapat
mapukaw mo na ang interes o atensyon ng iyong mambabasa, yung tipong nais
niyang tapusin o nahihiwagaan siya sa sinulat mong paksa.

Katawan - ay naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay,obserbasyon,realisasyon,at


natutuhan.

Paliwanag; Sa bahaging ito, dapat makita na kung ano ba yung dapat na ginawa niya
noon pa man o kung ano yung mga hindi niya dapat ginawa noon pa man. Dito
makikita yung realisasyon ng isang tao.

Kongklusyon - dito na mailalabas ng manunulat ang panuto at kahalagahan ng


isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.

Paliwanag; Nag-iiwan ng kakintalan o kaisipan sa mga mambabasa. Sa bahaging ito,


dito na makikita na nag-iiwan na ito ng aral sa mga nagbabasa ng Replektibong
Sanaysay. Lagi nating tatandaan na hindi maaaring matapos ang Replektibong
Sanaysay nang wala kang naiambag na kakintalan sa mambabasa.

Ang tatlong bahaging ito ang nagbubuo sa isang naturang sanaysay,nagagawa rin
nitong makumpleto ang lahat ng impormayon at opinyon na isasaad ng manunulat.

 Ikatlong Bahagi

Katangian ng Replektibong Sanaysay


Layunin nito na nais iparating ng replektibong sanaysay ang pananaliksik.
Naglalayon din ito na mapaibatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad
ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung maaari at ilalagay ang mga batayan
o talasanggunian.

Paliwanag;
Sa madaling sabi nangangahulugan ito ng pag-uulit o pagbabalik-tanaw na kung
ssan naaalala mo ang isang pangyayaring nasganap sa iyo o sa buhay mo.
Samakatuwid, ito ay isang uri ng sanaysay na tumatalakay sa karanasan ng manunulat
at ito rin ay nagpapahayag ng damdamin at emosyon ng may akda at panghuli ito ay
nmagbibigay ng mga aral sa mambabasa.
 Ikaapat na Bahagi

Mga konsiderasyon sa pagsulat ng Repliktibong Sanaysay

 Naglalahad ng interpretasyon.
 Ikonsidera ang pag kalap ng mga datos at mga kailangang gamitin.
 Pagandahin ang panimulang bahagi.nagtatalakay ng ibat ibang aspeto ng
karanasan.
 Ang konklusyon ay dapat mag karoon ng repleksyon sa lahat ng tinatalakay.
 Ang malinaw at derektang punto de vista ay mabisa upang makuha agad ng
mambabasa ang kanyang ediya.rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.

 Huling Bahagi
Bilang paglalagom napatunayan natin ang halaga ng pagsusulat ng replektibong
sanaysay. Pinatutunayan lamang nito na ang pagsusulat ay talagang tumutugon sa
personal at panlipunang pangangailangan ng individual. Samakatuwid, pinatutunayan
lamang sa pagsusulat na nangangailangan ito ng tapang, tapang sa pagpapahayag ng
sarili gamit ang mga letra at salita, tapang sa pagsasa konsepto ng karanasan mula sa
mga pangungusap at talata. Dito ko na wawakasan ang aking pagtalakay sa
replektibong sanaysay. Maraming Salamat sa pakikinig.

Mga miyembro ng Ikaanim na Pangkat;

Kalalakihan
Ginoong. Vincent C. Barasi
Ginoong. John Paul Gatan

Kababaihan
Bb. Zyrene Claire D. Delapa
Bb. Christine Mabellos

Namumuno sa Grupo;
Bb. Althea A. Viernes

Guro;
Ginoong. Aerom John Amin

Asignatura; Filipino Sa Piling Larang

You might also like