You are on page 1of 33

KABANATA 7:

PAGSULAT NG ESPESYAL NA
BALITA
- PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
KATUTURAN

 Ang pakikipanayam ay nasa paraan ng


pagtatanong upang makakuha ng
impormasyon tulad ng kaisipan, opinyon, o
tanging kaalaman ukol sa isang paksang
nakatatawag ng pansin at kawilihan ng
madla na karaniwa’y ukol sa mga tanyag at
kilalang tao o kilalang awtoridad.
ANG INTERBYUNG PASALAYSAY

- Karaniwan, ang tuwirang mga balitang


salaysay ay batay sa interbyu o mga
interbyu.Ang interbyung pasalaysay ay isang
pormal na usapan bilang pangunahing batayan
ng impormasyon.
ANG INTERBYUNG PASALAYSAY

- Ang reporter ay maglalahad ng mga


katanungan upang matamo ang
impormasyon tulad ng opinyon, mga ideya
o espesyal na impormasyon batay sa
paksang interesado ang publiko.Karaniwan
ay mula sa mga prominenteng tao o mga
kinikilalang awtoridad sa lipunan.
APAT NA URI NG PAKIKIPANAYAM
1. Pakikipanayam
tungkol sa
Opinyon

– ang tao ay
kinakapanayam dahil sa
siya ay awtoridad o may
kaalaman sa isang bagay.
2. Pakikipanayam tungkol sa
Personalidad
– ang personalidad ng isang tao ay ang
nagiging batayan at hindi dahil sa kanyang
kuru-kuro. Ang pakikipanayam sa isang sikat
na tao na may kinalaman sa kanyang pagkatao
ay magiging kawili-wili sa mga mambabasa.
3. Biograpikal
– pakikipanayam tungkol sa talambuhay ng
isang tao.

4. Pagsasama ng tatlong uring


Pakikipanayam o Exclusive Interview
– ang kinakapanayam lamang ang naroroon
at maraming mamamahayag ang
nagtatanong sa kanya tulad ng pangulo ng
bansa o sa isang tanyag na tao.
ANG PAKIKIPANAYAM AY MAAARI RING:

Pormal– kung ang mamamahayag ay


gumagawa ng pakikipagtipon sa taong
kakapanayamin. Ang sesyon ng sagot-tanong
ay may kapaligirang pormal.

Di-pormal – kung ang sesyon ng tanong at


sagot ay payak. Ang mamamahayag ay hindi
gumagawa ng pakikipagtipon sa taong
kakapanayamin.
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)
 

1. Pormal
 May ginagawang pakikipagtipan sa
kakapanayamin sa isang takdang araw,
takdang oras at takdang lugar.

 Isang harapang pag-uusap ng reporter at


ng kanyang kinakapanayam.
2. Di-pormal
 Isang pakikipanayam na walang
ginagawang pakikipagtipan sa isang
taong kakapanayamin.
 Tinatawag din itong ambush interview.
 Ito’y ay biglang pagtatanong sa mga
taong kagagaling sa isang mahahalagang
pangyayari na nangangailangan ng
pangmadlang kabatiran.
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)

1. Pakikipanayam na Nagbibigay ng
Kabatiran (Informative)
- Isinasagawa upang makakuha ng impormasyon
mula sa isang taong may kinalaman sa bagong
ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari
o sa isang taong maaring mapagkunan ng balita.
2. Opinyon
(Opinion
interview)
- Isinasagawa upang
makakuha ng komentaryo
o opinion mula sa taong
bntog o kilalang otoridad.
3. Lathalain (Feature interview)

- Pakikipanayam sa isang sikat na tao o sa


isang taong may makulay na karanasan upang
makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan
na magiging kawili-wili sa madla
4. Pangkat (Group interview) –

a. Natatanong na reporter
(inquiring reporter type)
- Iisa ang tanong na sinasagot ng mga
kinakapanayam at sa pasumalang (random) na
pagtawag.
b. Simposyum (symposium)

- Nagtatanong ang mga reporter ng mga


magkaugnay na tanong sa bawat
kapanayam na inaakalang dalubhasa sa
napiling larangang pinaghanguan ng
katanungan. Ang bawat kapanayam ay
dalubhasa sa kani-kanilang linya.
 c. Pandiyaryo (Press interview)

- Pakikipanayam ng maraming reporters sa


isang taong kilala gaya ng pangulo ng
bansa o ng isang tanyag na dayuhan at iba
pang may kinalaman sa pambansang
aktibidad.
KABANATA 8 :
BALITANG PAMPALAKASAN
BALITANG PAMPALAKASAN/ISPORT
 isang pagpapahayag ng mga
balitang kauganay sa mga
pangyayari sa mundo ng
isport.

 isa sa pinakamaganda at
nakakaaliw na gawaing
pampahayagan.
 
KATUTURAN NG BALITANG PAMPALAKASAN

 Ang balitang pampalakasan ay ang natatanging


balita ukol sa iba’t ibang uri nang laro na batay sa
tuwirang balita, karaniwang nasusulat sa paraang
aksyon.
KALIKASAN NG BALITANG PAMPALAKASAN

1. Ito ay tulad din ng mga pangkalahatang balita na


kinakailangan ng katumpakan, organisasyon,
kaigsian at mabuting pagsulat. Ang “5 W’s”, at
ang “H” ng balitang pamatnubay na pangungusap
ay matatagpuan din sa pampalakasang pamatnubay
na pangungusap.
KALIKASAN NG BALITANG PAMPALAKASAN
2. Pangunahing naglalarawan ng aksyon. Ito ay
karaniwan nang nakasentro sa tunggalian.

3. Ang gamit ng mga salita ay ang espesyal na


bokabolaryo na batid ng mga mambabasa.
Gayunman, ang mga reporter sa pampalakasan
ay kinakailangang iwasan ang
paggamit ng salitang “slang”
at lubhang teknikal.
URI NG BALITANG PAMPALAKASAN
1. Paunang Balita (Advance news)
 Ibinabalita ang napipintong labanan ng mga

koponan. Ito ay naglalaman hinggil sa kakayahan at


kahinaan ng bawat manlalaro sa koponan.
Tinatalakay rin ang kahalagahan ng larong
gaganapin.

2. Kasalukuyang Balita
(Actual coverage)
- Ito ay naglalahad ng mga
kaganapan sa laro.
Naglalaman ang kasalukuyang balita ng mga
mahalagang ulat tulad ng:
 Kinalabasan ng Iskor
 Kahalagahan ng Kinalabasan
 Natatanging Laro
 Paghahambing ng Koponan o ng Manlalaro
  Natatanging Manlalaro o Tampok na
Manlalaro
 Kalagayan ng Panahon
 Ang mga Manonood at ang Pagdiriwang
RECITATION

1. Ito ay ang natatanging balita ukol sa iba’t


ibang uri nang laro na batay sa tuwirang
balita, karaniwang nasusulat sa paraang
aksyon.

Sagot: Balitang pampalakasan


RECITATION

2. Ito ay tulad din ng mga pangkalahatang


balita na kinakailangan ng katumpakan,
organisasyon, kaigsian at mabuting pagsulat.

Sagot: Balitang pampalakasan


RECITATION

3. Ibinabalita ang napipintong labanan ng mga


koponan.

Sagot:paunang balita (advanced news)


RECITATION

4. Ito ay naglalahad ng mga


kaganapan sa laro.

Sagot: kasalukuyang balita (actual


coverage)
URI NG BALITANG ISPORTS
 Balitang Isports - Ito ay mga ulat ukol sa mga
kaganapan sa mundo ng palakasan.
 Resulta ng laro - Ang mga istoryang ito ay
nagbubuod ng mga naganap na laro.
 Sports Profile – Binibigyang pansin ng mga
istoryang ito ang mga personalidad o koponan na
nagpapakita ng pambihirang katangian at
karangalan.
URI NG BALITANG ISPORTS

 Editoryal/ Opinyon - Makikita ang ganitong uri


ng pag- uulat sa mga sports columns ng mga
mamamahayag. Ang mga columns na ito ay
maaaring tumalakay sa isa o higit pang paksa
depende sa interes ng manunulat.
ANG PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
1. Isinusulat ito katulad ng pagsulat ng
pangkaraniwang balita.

2. Inuuna rin sa pagsulat ng isports ang


malaking pangyayari sa pamamaraang
baligtad na piramide
(inverted pyramid).
ANG PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
3. Gumagamit ang isang isports writer ng mga
salitang makukulay at buhay, upang ipakita sa
kanyang mambabasa ang maigting at kapana-
panabik na tunggaliang nagaganap sa paglalaban
sa loob ng ring o court katulad ng boxing, tennis at
iba pang laro.
ANG PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
4.  Laging nasa pamatnubay ang resulta ng
laro/ tunggalian na siyang pumupukaw o
umaakit sa mambabasa.

5. Kung ang laro ay labanan ng isang


koponan na katulad ng basketball o
baseball/ softball. Laging binabanggit kung
sino ang nagpapanalo sa nabangggit na
team at kung paano niya nagawa ito.
ANG PAGSULAT NG BALITANG ISPORTS
6. Sa pagsulat ng sports ay ipinapakita kung
bakit hindi nanalo ang isang koponan.

7. Hindi nawawala sa pamatnubay ang


ASSaKaPaBa (Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano at Bakit) sa paglalahad.

8. Isinusulat ang isports sa paraang madaling


mauunawaan ng mambabasa.

You might also like