You are on page 1of 2

Filemon Mamon ni Christine Bellen Sugod, mga kapatid! sigaw ni Filemon.

Umumbok ang mga pisngi niyang kasingkulang ng makopa. Nanginig ang mataba niyang braso sa pagtaas ng kamao. Ensayo ito ni Filemon para sa audisyon. Talagang napakahilig niyang umarte ng dulaan! Kahit sa paglalaro, umaarte siyang tatay sa bahay-bahayan at at kaaway naman sa barilan. Gustuhin man niyang maging kuya, ipagpipilitan ng mga kalaro niya, Mukhang matanda kapag matab, mukhang bata kapag payat. Naisin man niyang maging bida, sasabihin ng mga ito sa kaniya, Matataba ang mga kaaway, mapapayat ang mga bida. Tuwing pasko lang siya bida. Laging si Santa Klaus si Filemon sa paaralan. At ang puna ng lahat, parang puputok na ang pulang damit niya. Naka-tight-fit yata si Santa! Isang hinga at kaway nga ni Filemon, dalawang butones ang tumilapon. Umaalog-alog naman ang tiyan niyang bilog habang naglalakad at bumabati ng Merry Christmas! Sabi nga ng mga nanay at yaya, Naku, parang keso de-bola! Para naman maiba, gusto ni Filemon na maging Andres Bonifacio sa dula. Siya ang matapan na lider ng Katipunan. Kaya Sugod, mga kapatid! ang sigaw niya. Lalo na nang makitang nakahain na ang mesa. Parang fiesta! Nilanghap niya ang amoy ng nagmamantikang adobo at lechong paksiw. Naglawy siya sa manggang hilaw at bagoong. Umikot ang mga mata niya sa sari-saring minatamis na nalulunod sa arnibal. Matapos naman ang kainan, sasalampak si Filemon sa harap ng TV. Sasali rin ang kaniyang nanay at tatay. Dala nila ang maraming kukutin. Popcorn, mani, kornik, chicharon, at isang litro ng soft drink. Ganiyan talaga ang lumalaking bata, Hihimasin ng tatay ang ulo ni Filemon habang nginangasab ng anak ang mga kukutin. Kaya tuloy, walang pakialam si Filemon kahit pa tawagin siyang Baboy, Bola, Bundat, Biik, Bilog, Tabachoy, at Filemon Mamon. Mahal naman siya ng kaniyang nanay at tatay. At mahal din siya ng kaniyang mga kaeskuwela. Kapag nadikit ang mga ito sa kaniya: Parang mamon, nakapanggigigil kagatin. Parang unan, mainam yakapin. Parang pader, malapad na sandalan. Nang dumating ang araw ng audisyon, handing-handa si Filemon. Sugod, mga kapatid! parang kulog ang kaniyang sigaw. Nagpalakpakan ang kaniyang mga kaeskuwela. Bida na si Filemon! hiyawan ng mga ito. Tumaba pati puso ni Filemon sa narinig. At nagkatotoo nga! Siya ang hinirang na Andres Bonifacio. Bigay na bigay si Filemon sa mga ensayo. Ngunit wala pa sa kalagitnaan, hingal-kabayo na ang bida. Hindi na marinig ang Sugod, mga kapatid! kaya lagi itong ipinauulit. Mabilis mapagod si Filemon kaya nagpasiya si Direk: May mas bagay na kilos sa mga gay among bilog. Ginawa siyang prayleng matabam ang kaaway sa dula. Patayin ang mga indios! panggigigil pa rin ni Filemon. Lalo na nang Makita niya ang bagong Andres Bonifacio. Hindi ito

bilugan, hindi mukhang mamon ang katawan. Maliksi ito sa takbuhan at hindi hinihingal sa sigawan. Sumugod pauwi si Filemon. Kailangan ko na bang pumayat? Kailangan ko bang maging patpat? Gusto kong maging Andres Bonifacio sa dula! Parang pinunit na sedula ang bawat hikbi ni Filemon. Ayoko nang magmukhang mamon. Hindi sumugod sa mesa si Filemon noong kainan. Hindi na rin siya bumangon noong hatinggabi upang higupin ang kondensada o kayay manginain ng mga tiring yema na tinda ng nanay niya. Sa pag-aalala sa kakaibang ikinikilos ni Filemon, isinugod siya ng kaniyang nanay at tatay sa doctor kinabukasan. Wala pong ganang kumain si Filemon. Mangangayayat po ba siya, doctor? Nangingilid ang luha ng kaniyang nanay. Naninikip naman ang paghinga ng kaniyang tatay. Sa tingin ni Filemon, puwedeng mga artista sa dula ang kaniyang nanay at tatay. Maayos po ang lagay ng anak ninyo, sabi ng doctor. Ngunit kailangang bantayan ang kalusugan dahil mabilis pong kapitan ng sakit ang matataba, tulad po ng sakit sa puso at ng diyabetes. Mabilis din po silang mapagod. Napatingin ang nanay at tatay ni Filemon sa kanilang bilugang mga katawan. Hinikayat sila ng doctor na maging halimbawa ng mabuting kalusugan para kay Filemon. Nabawasan ang panonood ng TV nina Filemon. Naglalakad-lakad sila sa parke tuwing hapon. Nakatuwaan din nila ang paghahalaman bilang libangan. Bagong putahe na rin ang inihahain ni Nanay. Karaniwan, may gulay at isda. Prutas na rin ang paborito nilang ngatain habang nagkukuwentuhan. Mas masigla kaysa dati si Filemon. Umimpis yata nang konti ang ating mamon, puna ni Direk. Sa araw ng dula, lumabas pa rin si Filemon na prayle. At lalong ipinagbut ang pag-arte dahil sa susunod na taon, handa na siya muli para sa audisyon. Balak naman niyang maging Gregorio del Pilar, ang batang heneral.

You might also like