You are on page 1of 3

Guteza, Florie Mae B.

12- HUMSS

Bakit ako pa?


Bawat tao may kanya-kayang problemang hinaharap pero hindi lahat kaya itong
lagpasan at labanan.
Ako si Nathaniel Pablo. Simpleng tao pero napakaraming problema, ewan ko ba rito sa
mundong 'to, andami namang p'wedeng bagsakan ng sandamukal na problema pero sa
akin pa binagsak. Mag-isa na lang ako sa mundong 'to, kaya sarili ko na lang talaga ang
inaasahan ko. Nandito rin ako sa Maynila para magtrabaho, napakaliit kasi ng sahod sa
probinsya. Sa awa ng Diyos natanggap ako sa pinag-applyan kong trabaho dito sa
supermarket. Maayos naman ang sahod dito, lagi nga lang pagod kasi araw-araw
nakatayo at nag aasikaso ng mga kostumer na bumibili ng mga gamit nila sa pang
araw-araw. Alas-dos pa lang ng tanghali pero pagod na pagod ako sa araw na ito,
antagal masyado ng oras. Gusto ko nang magpahinga, madami kasing namimili ngayon
dahil bisperas ng pasko. Mabuti pa sila kasama ang pamilya ngayong pasko. Ilang
saglit lang ay tinawag ako ng aking katrabahong si Ben. "Pre, regalo ko sa'yo, oh. Merry
Christmas, ha. Punta ka lang sa bahay kung gusto mo, welcome ka naman doon," saad
ni Ben. "Sige, pre, maraming salamat, ha. Ikamusta mo na lang ako kina tito at tita. Sa
apartment na lang ako magpapasko, pre," saad ko na may kaunting pagkalungkot.
Mabilis na natapos ang oras at ako'y nakauwi na rin sa aking inuupahang apartment,
matutulog nalang siguro ako gaya ng dati kong gawi. Naalala ko, may binigay pa lang
regalo si Ben sa akin, kaya agad kong kinuha at binuksan ito. Isang napakagandang
relo na kulay ginto ang regalo ni Ben. Sa isang iglap naalala ko lahat ang masasamang
pangyayari na hindi ko na gusto pang maalala.
Taong 2013 nang sumalakay ang Bagyong Yolanda sa lugar namin sa Tacloban, hindi
ko inaasahan na ganoon pala iyon kalakas. Saktong alas-tres ng madaling araw, ika- 8
ng Setyembre, malakas ang hangin na may pabugso- bugsong pag-ulan. Ang sabi sa
balita ay alas-kwatro raw ito mag la-landfall sa 'ming bayan kaya pinutol na ang mga
linya ng kuryente tanging kandila lamang ang nagsisilbi naming ilaw. Rinig na rinig ko
ang mga palakpakan ng yero sa labas, hindi kami sumama sa mga pumunta sa
Evacuation Center dahil ayaw ng aking tatay, iniisip niya si nanay. Hindi na kasi
makalakad ng maayos ang nanay kaya ayaw na ng tatay na sumama pa kami sa
Evacuation Center, marami na kasing tao roon kaya baka hindi makahinga at
makapagpahinga ng maayos ang nanay. Nag iisa lang akong anak nila tatay at nanay,
hindi ko rin alam kung nasaan ang iba naming kapamilya. Alas-tres y media ng
madaling araw, ramdam na ramdam na namin ang bagyo dahil palakas nang palakas
ang hangin at ulan. Hawak-hawak ko ang aking telepono at kinakamusta ko ang aking
nobya sa kabilang bayan, isa rin kasi sila sa tatamaan ng bagyo. Sa kasamaang palad
unti-unting humihina ang signal dito sa aming lugar kaya wala na akong balita sa aking
nobya. Sa sobrang pagkaburyo nagligpit ako ng aking mga gamit at nakita ko ang
relong pambisig na kulay ginto na ibinigay ng aking nobya noong unang anibersaryo
namin. Agad ko itong isinuot at tsinek kung anong oras na. Alas-kwatro ng madaling
araw unti-unti nang tumataas ang tubig kasabay ng paglakas ng hangin.

Ilang saglit pa nang makarinig ako nang malalakas na sigaw na nagmumula sa labas ng
aming bahay. Nang ito'y aking silipin mula sa bintana, malakas na hampas ng hangin
ang bumulaga sa akin. Lumilikas na ang iba naming kapitbahay. "Ang aking asawa ay
mahina na, ayaw kong isugal ang kaligtasan niya." Ang nagaalalang ani ni Itay sa mga
taong nasa labas na ibinigay ng aming barangay upang kami'y tulungang lumikas. Batid
kong nagaalala si Itay sa kalagayan ni Inay. Mapanganib nga namang lumabas
ngayong lumalakas na ang bagyo. Masyado naming minaliit ang bagyo at isinawalang
bahala ito. Sa pagaakala naming hindi ito malakas dahil noong umaga'y sumikat pa ang
haring araw, akala nami'y tapos na't humupa na ang bagyo. Ngunit mali kami ng
kalkula, magsisimula pa lang pala ang aming kalbaryo.
"Mas lalo pong mapanganib kung dito tayo, 'tay," suhestyon ko. Sa palagay ko mas
ligtas kami sa ibinigay na lugar ng aming pamahalaan kaysa sa aming bahay.
Nagdadalawang isip man ay pumayag ang Itay sa aking suhestyong paglikas. Isinakay
namin si Inay, sinundan ni Itay. Mas pinili kong magpahuli upang mas maantabayanan
ko sila sa pagsakay. Sa aking pagsakay, ramdam ko kaagad ang bagsik ng daloy ng
tubig. Nadadala ang aming bangkang pangligtas na aming kinalalagyan. Masama ito,
sa bawat segundong lumilipas ay ang paglala lalo ng bagyo. Animo'y galit na galit ito at
gusto kaming puksain. Nakakatakot.
Sa paggalaw ng aming bangka ay ang pagsabay ng rumaragasang tubig. Tila'y
nakikipag paligsahan ang tubig sa amin. Rinig ko ang mahihinang pag-usal na mura ng
aming kasama. Kita ang takot at pangamba sa kanilang mga mata. Nalihis ang aking
paningin sa kanila nang maramdaman ko ang nanginginig na kamay ng aking Inay.
Nang siya'y aking lingunin, ang takot at naiiyak nitong mukha ang una kong nakita.
Takot ito. "Nath," mahinang usal nito. Nginitian ko ito at sinapo ang kaniyang pisnge.
Ang lamig niya na. "Malapit na tayo, Nay," naninigurong ani ko. Nanginginig pa rin ito,
hinawakan ko ang kaniyang dalawang nanlalamig na kamay. Napansin ko ang aking
relo, ibinigay ko ito sa kaniya at isinuot. Kita ko ang munting pagguhit ng ngiti sa
kaniyang labi. "Magiging ayos ang lahat, na-" Hindi ko na natapos ang aking
pagsasalita nang may malakas na puwersa ang bumangga sa aming sinasakyang
bangka. Tutumba. Tutumba ang bangka! Sa aking gulat na kalagayan hindi ko na
napaghandaan ang pagbaliktad ng aming sinasakyan. Bumulusok ang aming katawan
sa rumaragasang tubig. Hindi ako kaagad nakaahon dahil hindi ako makakita,
masydong madilim. Mamatay na ata ako. Ito na ata ang katapusan ko. Sa aking
pagyakap sa kamatayan ay ang kasabay ng paghila sa akin ng kung sino. Ramdam ko
ang mainit nitong katawan na yumayapos sa akin. Hinila at iniligtas ako ng kung sino.
Sa aking muling pagdilat, umaga na at kinamusta ako ng isang nurse sa Evacuation
Center na pinagdalhan sa akin. Agad kong hinanap ang aking Inay at Itay. Sa 'di
kalayuan agad kong natanaw ang aming kapitbahay na si Mang Manuel. Malungkot ang
tinging ibinibigay nito sa akin. Munting ngiti ang ibinigay nito sa akin bago siya yumuko,
may itinuro muna itong direksyon. Sa aking paglingon sa itinuro niyang direksyon ay
ang kasabay nang panlalamig ng aking katawan.
Ang gintong relo ang unang pumukaw sa aking atensyon. Ang relong iniregalo sa akin
ng aking nobya na ibinagay ko sa aking ina bago kami tangayin ng tubig ay ngayo'y
suot ng isa sa mga taong may talukbong ng puting kumot na tanda na sila'y namayapa
na. Inilibot ko ang aking paningin, inililihis ang atensyon sa gintong relo. Sa nanghihina
kong katawan, agad kong nilapitan ang kamay na may gintong relo upang makumpira
ang aking haka-haka.
Sa aking mga munting paghakbang kasabay ng mga munting pag-usal na sana mali
ang aking hinala. Na sana panaginip lang ito. Nang ako'y makalapit, dahan dahan kong
ibinaba ang kumot na tumataklob sa mukha ng taong nakaratay. Ang maputlang imahe
ng isang tao ang nagpahina ng aking katawan. Nawalan ako ng lakas nang
makumpirma ang aking hinala. Si inay ang nakaratay. Wala na siya. Ang mahinang
tapik sa akin ni Mang Manuel ang kasabay nang pagtanggal nito ng puting kumot sa
katabing bangkay ni nanay. Naguunahang naglaglagan ang aking mga luha na animo'y
tubig na naguumapaw sa sobrang dami. Ang malamig at walang kulay na katawan ni
tatay ang bumulaga sa akin. Wala na sila pareho. Ako na lang ang natitira. Iniwan nila
ako. Sinapo ko ang pareho nilang pisnge, dinadama ang lamig na kanilang katawan.
Bakit naman ganito? Sana isinama niyo na lang din ako. Ano pa ba nag gagawin ko rito
kung wala kayo? Kung mas pinili ko bang sa bahay na kang tayo mamalagi may
magbabago ba? Kung nakuntento na lang ako roon sana sabay sabay tayong
namaalam sa mapaghimagsik na mundong ito. Mahina akong lumuluha sa tabi nila.
Akala ko iyon na ang pinakamasklap na nangyari sa araw na 'yon. Hindi pa pala dahil
balak pa akong paluhain ng mas matagal ng panahon.
Kasabay ng aking pagdadalamhati ay ang kasabay rin ng balitang wala na ang aking
nobya. Hindi ko na alam kung paanong iyak ang gagawin ko sa mga araw na iyon.
Sobrang pinaglaruan ako ng tadhana, sinawi ang lahat ng aking mga mahal sa buhay.
Ang pag-alis ng bagyo ay ang pagkasawi ng maraming Pilipino. Mga Pilipinong may
minamahal at nagmamahal. Ang bagyong tumupok ng pagasa ng iilang mga taong
nakaligtas.

You might also like