You are on page 1of 1

SANTOS ALMIRA A.

(ARALIN 10)
BSED MAJOR IN FILIPINO 1-E

PAGLALAPAT SA KAALAMAN SA PANIMULANG PAG-AARAL NG WIKANG


FILIPINO GAMIT ANG SEMANTIKA NA MODELO-TEORETIK

Ano ang mga kawalan o kakulangan ng masusi at sistematikong pag- aaral ng iba’t
ibang wikang matatagpuan sa Pilipinas? Nagkaroon ba ng pagbabago ang klima ukol sa pag-
aaral ng mga wika sa Pilipinas? Ano ang mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik sa wikang
Filipino?.
Ayon kay Ernesto Constantino mayroong tatlong dahilan ng kawalan at kakulangan
masusi at sistematikong pag- aaral ng iba’t ibang wikang matatagpuan sa Pilipinas. Una,may
kakulangan sa mga taong bihasa at interesado sa pag-aaral ng wika. Pangalawa, may
kakulangan sa kasanayan sa paggamit ng mga siyentipikong pamamaraan sa pananaliksik ng
wika. At ang pangatlo at may kakulangan sa mga proyektong tumutuon sa pag-aaral ng mga
wika sa Pilipinas. Masasabi marahil na nagbago na ang klima ukol sa pag-aaral ng mga wika sa
Pilipinas mula noong dekada sisenta—ang dekada kung kailan nailathala ang akda ni
Constantino. Sa huling limang dekada, nagkaroon na ng mga akademiko at mananaliksik na
galing sa iba’t ibang larangan (at sa iba’t ibang bansa) na nagpapakadalubhasa sa wikang
Filipino. Nagkaroon na rin ng mga siyentipikong pananaliksik ukol sa wikang Filipino at sa iba
pang wikang magtatagpuan sa Pilipinas gamit ang mga pamamaraan sa iba’t ibang larangan.
Mayroong tatlong pamamaraang ginamit sa pananaliksik sa wikang Filipino. Una, ang
pamamaraang pilosopikong sikolohikal ay isang pamamaraan ng pag-aaral ng wikang Filipino na
nakatututok sa paglalahad ng ugnayan ng wika sa kaisipan. Pangalawa, pamamaraang
siyentipikong sikolohikal, naiiba ng pamamaraang siyentipikong sikolohikal sa naunang
pamamaraan dahil gumagamit ang pamamaraang ito ng mga epektibong pamamaraang
sikolohikal sa pag-aaral ng wika. At panghuli ay ang pamamaraang lingguwistikal, ang
lingguwistiks ay ang siyentipikong pag- aaral ng iba’t ibang wikang likas. Maraming bagay ang
napapaloob sa pag-aaral na ito. Nariyan ang pag-aaral kung sa papaanong paraan natututuhan
ang wika (o language acquisition); ang ponolohiya o ang pag-aaral ng kabuluhan at ugnayan ng
mga tunog sa isang wika; at ang morpolohiya o ang pag- aaral kung paano nakabubuo ng
makabuluhang mga salita, parirala, at pangungusap mula sa mga tunog at/o titik.
Kung ating maipaliliwanag kung paano naisasakatuparan ng wika ang mga papel na
ito, ito na rin ang siyang paliwanag sa katangiang likas ng wika.

You might also like