You are on page 1of 1

Gawain 3: Pagbubuod ng Artikulo

Ang artikulong pinamagatang “Epekto ng mataas na temperatura at


temperaturang greydyent sa perpormans ng konkreto” ay isang maikling
pananaliksik tungkol sa siyensya at teknolohiya na nabibilang sa larangan ng
inhinyeriyang sibil partikular sa ilalim ng disiplinang inhinyeriyang istruktural
na may layuning tukuyin ang epekto ng temperatura sa termal at mekanikal na
beheybyor ng konkreto.

Ang pagsiklab ng sunog sa mga gusali at istruktura ay nagdudulot ng


matinding pinsala sa mga ari-arian at pagkawala ng maraming buhay kung
kaya’t mahalaga ang pag-aaral kung paano makalilikha ng fire-resistant na
disenyo ng mga istruktura. Kaugnay nito, upang matiyak na sapat ang
perpormans ng mga kongkretong istruktura sa gitna ng sunog, kinakailangan
ng naaangkop na kaalaman at malalim na pag-aaral at pananaliksik patungkol
sa termal na pag-uugali o beheybyor ng konkreto. Kaya naman sa artikulong
ito, binigyang pokus nito ang katangian ng pinaka-karaniwang ginagamit na
materyal sa konstruksyon, ang konkreto, na may layuning tukuyin ang
kapasidad nito sa init, kompresib na tibay at lakas nito, termal na kondaktibiti
nito at iba pang termal at mekanikal na katangian nito sa ilalim ng
impluwensya ng temperatura.

Ang nasabing artikulo ay nakapokus sa pagkilala ng mga limitasyon


at kondisyon ng konkreto sa pamamagitan ng pagsasailalim nito sa apoy at
paggamit ng mga konstityutibong modelo na nabuo batay sa mga imperikal na
datos na nakuha sa pamamagitan ng nabanggit na pag-eeksperimento ng
kongkreto. Sa nasabing eksperimento, gumamit ito ng silindrikong konkreto
bilang ispesimen na may sukat na ϕ100 mm × 200 mm at compressive
strength na 80 MPa. Ang ispesimen na ito ang siyang ginamit sa dalawang
serye ng eksperimento kung saan sa unang serye, 9 na ispesimen na may
internal thermocouples ang ginamit habang 33 na ispesimen naman na walang
thermocouples ang ginamit sa pangalawang serye upang makakuha ng sapat
na datos na magagamit sa paghulma ng konklusyon.

Sa mga nakolektang datos mula sa isinagawang eksperimento,


lumalabas na ang kompresib na lakas at failure mode of test ng mga
konkretong ispesimen ay naiimpluwensyahan ng temperatura at temperaturang
greydyent. Gayundin, lubos na kapaki-pakinabang para sa karagdagang
pananaliksik ang bagong set-ap na ginamit sa nasabing eksperimento na
nagbigay-daan sa mas maaasahang pag-kuha at pagdetermina ng thermal /
mechanical loading at depormasyon ng kongkreto sa ilalim ng impulwensya ng
mataas na temperatura. Kaugnay nito, kinakailangan pa ng karagdagan pang
pananaliksik upang higit na maunawaan ang naturang beheybyor ng konkreto
na magagamit sa mabisang pag-likha ng makatuwirang disenyo ng mga
istruktura.

Dao, V.T., Le, Q.X., Torero, J.L., Maluk, C., & Bisby, L. (2017). Effects of temperature and
temperature gradient on concrete performance at elevated temperatures. Advances in
Structural Engineering, 21(8), 1223–1233. Nakuha mula sa:
https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1369433217746347

You might also like