You are on page 1of 13

STATION OF THE CROSS

1st station

ANG HULING HAPUNAN

CHARACTERS

HESUS

12 ALAGAD

PROPS

KUPITA

LAMESA

TINAPAY

13 SILYA

ALAK

HESUS: Matagal ko nang nais na kayong lahat ay makasalo ko sa hapunang pampaskuwa bago man

lang ako maghirap. Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako muling kakanin nito hanggang sa itoy

maganap sa kaharian ng Diyos. (kinuha ang tinapay). Kunin ninyo ito at kanin, ito ang aking

katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin niyo ito bilang pag-alaala sa akin. (Pipira-

pirasuhin ang tinapay at iaabot sa mga alagad.). (Kukunin ang alak). Ang sarong ito ang

bagong tipan ng aking dugo na mabubuhos dahil sa inyo. Kunin nyo ito at paghati-hatian.

Sinasabi ko sa inyo na mula ngayoy hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang hindi

dumarating ang kaharian ng Diyos.

Sinasabi ko sa inyo, ngayon ay kasalo ko ang magkakanulo sa akin. Papanaw ang anak Diyos;

ngunit nakapangingilabot ang sasapitin ng taong magkakanulo sa kanya. (Magbubulungan

ang mga alagad).

PEDRO: Ako po ba iyon Panginoon?

MATEO: Sino po ang tinutukoy nyo Panginoon?

HESUS: Ang ipagsasawsaw ko ng tinapay, sya na nga. (nagsawsaw ng tinapay si Hesus at iniabot ito kay Hudas)

HUDAS: Ako po ba iyon Panginoon?

HESUS: Ikaw na ang nagsabi, gawin mo na ang dapat mong gawin. (umalis si Hudas palayo sa mga
1 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
alagad)

2nd STATION

NANALANGIN SI HESUS SA HALAMANAN

Characters:

HESUS

DEMONYO

11 ALAGAD

KAWAL

HUDAS

PROPS:

KADENA/LUBID

BATO (DALANGINAN)

(dumating ang mga alagad sa Gethsemani kasama si Hesus)

HESUS: Dito muna kayo, akoy mananalangin sa dako roon. (lalakad si Hesus kasama si pedro at 2 pang alagad.)

HESUS: Ang puso koy puno ng hapis na halos ikamatay ko. Maghintay at magbantay kayong 3 at makipagpuyat sa

akin. (pupunta sa dalanginan si Hesus)

HESUS: (pabagsak na luluhod), Ama, kung maaariy ilayo mo sa akin ang saro ng paghihirap.

DEMONYO: (pagapang na iikutan si Hesus habang binubulungan ito) Tama! Hilingin ming mawala

ang saro, sadyang napakasakit, napakahirap ng iyong daranasin. Hindi mo iyon

kakayanin! Sige, makiusap kang huwag na itong maganap! Sige, gawin mo!

Makiusap ka!

HESUS: ( nanginginig ang buong katawan at umiiyak) gayunpaman, huwag ang kalooban ko

kundi ang kalooban mo ang mangyari! ( tatayo at babalikan ang mga alagad) ( gagapang palayo at sisigaw ang

2 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
demonyo)

HESUS: ( magigising ang 3 alagad) Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasama ko, kahit isang oras man

lamang? Dumating na ang oras na ipagkakanulo na ang anak ng tao sa mga makasalanan.

(darating ang mga kawal at si Hudas)

KAWAL 1: Hinahanap namin si Hesus ng Nazareth!

PEDRO: Ako si Hesus!

ALAGAD 1: Hindi! Ako si Hesus!

ALAGAD 2 : Ako ang totoong Hesus!

HESUS: (sasabihin sa mga alagad) Tumigil Kayo!...(haharap sa mga kawal) Ako ang Hinahanap nyo!

KAWAL 2: Sino ba talaga ang tunay na Hesus sa inyong tatlo?

HUDAS: Kung sino ang aking hagkan ay siya ang tunay..(Lalapit ito kay Hesus at hahagkan ito). Guro!

HESUS: Kaibigan, gawin mo na ang dapat mong gawin

(Lalayo ang tatlong alagad, itatali ng kawal si Hesus, maiiwan si Hudas na hawak ang supot ng ginto.)

3rd STATION

SI HESUS SA HARAP NG SANEDRIN

CHARACTERS: PROPS:

HESUS, - CAIFAS - 3 UPUAN

MARIA , -ANAS

JUAN, -TAGAPAGSALITA

3 KAWAL, - TAO 1

TAO 2

(makikita si Mariang Kasama ni Juan na kahalo sa mga tao.)

(Itutulak ng mga kawal si Hesus para humarap sa sanedrin)

TAGAPAGSALITA: Magsitayo ang lahat! Ang punong saserdote!

(papasok at uupo ang mga punong saserdote)

TAO 1: Ang taong ito ay nagsabing gigibain nya nag templo at muling itatayo sa loob ng tatlong

araw lamang!
3 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
TAO 2: (papasok ang taong nakasuot ng itim at tatanggalin ito) tama! Marami pa siyang ginawa

na gumagamit ng kapangyarihan ng masama, ang taong iyan ay bulaan! Hindi ba nais mong sundin ang kalooban

niya? Umpisa na ito! Hahaha!

ANAS: Wala ka man lang bang isasagot sa paratng nila sa iyo?

(Hindi iimik si Hesus)

ANAS: (tatayo at pupuntahan si hesus) magsalita ka! Inuutos ko! Sabihin mo sa amin sa ngalan

ng Diyos na buhay, ikaw nga ba ang mesiyas? Ang anak ng Diyos?

HESUS: Kayo ang nagsabi.

ANAS: Lapastangan! Sasampalin si Hesus)(babalik sa upuan)

HESUS: Sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay makikita nyo ang anak ng taong nakaupo sa kanan

ng makapangyarihan at darating na nasa alapaap sa langit.

CAIFAS: (tatayo sa kinauupuan) itoy kalapastanganan sa Diyos! Hindi na natin kailangan ang

mga saksi! Nilapastangan niya ang Diyos!

Tao: lapastangan, Sinungaling,(duduraan at babatuhin si Hesus) Parusahan! Parusahan ang

taong iyan!

CAIFAS: Dalhin ang taong yan sa Gobernador!

4th STATION

ANG PAGPAPAHIRAP KAY HESUS

CHARACTERS:

HESUS , -PILATO

KAWAL, -TAO 3

CAIFAS, -ANAS

PROPS:

LATIGO, -KORONANG TINIK, -KAWAN NG TUBIG

4 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
BIMPO, -UPUAN NI PILATO, -KAPA, -KAHOY, -ARTIFICIAL BLOOD

(Iniharap si Hesus kay Pilato)

PILATO: Ang sakdal ng taong ito?

CAIFAS: Kung wala po siyang kasalanan ay hindi namin siya ihaharap sa inyo.

PILATO: Dalhin nyo sya at hatulan ayon sa inyong kautusan.

CAIFAS: Wala kaming kakayahang maghatol ng kamatayan.

(Tatayo si Pilato at lalapit kay Hesus)

PILATO: Ikaw ba ang hari ng mga hudyo?

HESUS: Iyan ba ay galing sa iyong kaisipan o sa iba?

PILATO: Dinala ka dito ng iyong mga kababayan, ano ang ginawa mo?

HESUS: Ang aking kaharian ay hindi sa sanlibutang ito, kung dito ang aking kaharian, ipinaglaban

na sana ako ng aking mga tauhan, ngunit hindi dito ang aking kaharian.

PILATO: Kung gayon, ikaw ay isang hari?

HESUS: Kayo na ang nagsabi. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa

sanlibutan upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa akin ang sinumang

nasa katotohanan.

PILATO: (haharap sa mga tao) wala akong makitang kasalanan ng taong ito!

TAO 3: Parusahan siya! Ipako sa Krus! Ipako sa Krus!

PILATO: Ngayon ay paskuwa at ayon sa inyong nakaugalian, magpapalaya ako ng isang bilanggo,

nais nyo bang ang taong ito ang aking palayain?

TAO: Hindi, si barabas, si barabas ang palayain!

PILATO: Si barabas, na isan tulisan at hindi ang taong ito?!

TAO: Palayain si barabas! Barabas! Barabas!, palayain si barabas!

(tatango si Pilato sa kawal at palalayain si barabas)

PILATO: (titingin kay Hesus at sasabihin sa kawal) kayo muna ang bahala sa kanya

(dadalhin ng kawal si Hesus sa lugar na kung saan ay paparusahan ito at pahihirapan,

magtatawanan ang mga ito habang siya ay pinahihirapan. Kailangang maipakita ang labis
5 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
na paghihirap ni Kristo sa bawat parusa.)

KAWAL 1: Lagyan natin ng kapa ang hari! (Ilalagay ang pulang kapa)

KAWAL2: Heto naman ang kanyang korona! Mahal na Hari! (Ipuputong ang koronang tinik)

KAWAL3: Naka-ayos na ang Hari, handa na siyang iharap muli sa Gobernador!

5th STATION

ANG PAGBUHAT NG KRUS

(Ihaharap muli si Hesus kay Pilato na sugatan at duguan)

TAO: Patayin! Ipako sa Krus! Patayin!

PILATO: (Itataas ang kamay upang huminto ang tao at maghuhugas ng kamay)..Kayo ang

humatol sa taong ito, narito ang inyong hari.

TAO: Patayin! Ipako sa Krus! Patayin!

(itutulak ng kawal si Hesus patungo sa krus habang binabato at dinuduraan ng mga tao)

KAWAL 1 : Buhatin mo ang iyong Krus Mahal na Hari! ( ipapatong ang krus sa kanyang balikat )

KAWAL 2 : Bilisan mo! lakad! (hahampasin at itutulak si Hesus)

TAO: Ipako sa krus! Ipako sa Krus! Patayin!

6th STATION

ANG PAGKADAPA NI HESUS

CHARACTERS:

HESUS

2 KAWAL

TAO

MARIA

JUAN

PROPS:

KRUS

6 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
(habang nasa daan, si Hesus ay sinasaktan ng mga kawal. Siya ay makikitang naghihirap)

TAO 1: Yan ba nag Hari ng mga hudyo? Impostor!

TAO 2: Mayabang ka! Yan ang dapat sayo! Ang mamatay!

TAO 3: Pwe! Sige lumaban ka! Tumayo ka! Duwag! Hahaha .!

(Madadapa si Hesus)

MARIA: Anak! (Tatakbong pasalo ang kamay kay Hesus) Mahal kong anak!

HESUS: Ina!

(Hahawakan ni Maria ang mukha ni Hesus habang umiiyak, hinahawi ang buhok at pinupunasan ang dugo)

HESUS: Huwag kang tumangis mahal kong Ina, nang dahil sa akin ay mababago ang lahat.

KAWAL 1 : (hahampasin si Hesus at pilit na itatayo) Bumangon ka! Tayo!

KAWAL 2: (lalapit, titingin kay Maria at itatayo si Hesus) Tayo!

(Lalapit si Juan kay Maria at ilalayo nya ito kay Hesus.)

7th STATION

BINUHAT NI SIMON ANG KRUS NI KRISTO

CHARACTERS:

HESUS

KAWAL

SIMON

(Muling mabubuwal si Hesus)

KAWAL 2: Tumayo ka! Ipakita mo sa amin ang lakas mo! Tayo!

KAWAL 3: Hindi na yata kaya nito. (hahanap ng taong pwedeng tumulong, at makikita si Simon.).

Ikaw! halika dito!

SIMON: Bakit ako? Anong ginawa ko?

KAWAL 3: Tulungan mo syang magbuhat ng krus! Bilis!

SIMON: Iba na lang ang kunun nyo!

KAWAL 2: Ikaw sabi e, baka gusto mo pang masaktan! (Hahatakin at itututlak si Simon palapit sa

krus.)

7 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
SIMON: Mapapatingin sa mukha ni Kristo) Kumapit ka sa akin. (Tulong silang bubuhatin ang

krus.)

8th STATION

ANG MGA KABABAIHAN NG HERUSALEM

CHARACTER:

HESUS

VERONICA

2 BABAE NG HERUSALEM

KAWAL

PROPS:

BELONG PUTI NA PAPAHIRAN NG MUKHA NI HESUS

MANGKOK NA MAY TUBIG

(Mababagsak muli si Hesus at magkakagulo ang mga taotatakbo si Veronica at ang tatlong babae kay kristo na

umiiyak.)

VERONICA: Panginoon! (Aalisin ang belo at ipupunas sa mukha ni Hesus)

HESUS: Mga kababaihan ng herusalem, huwag ninyo akong tangisan, ang tangisan ninyo ay ang

inyong sarili at ang inyong mga anak. Darating ang araw na sasabihin nila, mapapalad ang mga baog, ang mga

sinapupunang hindi nagdalantao at mga dibdib na hindi nagpasuso. Sa panahong iyon ay sasabihin ng mga tao sa

bundok at burol, tabunan nyo kami at gumuho kayo sa amin

(aabutan ng ng mangkok na tubig ng mga babae si Hesus, ngunit makikita ito ng mga kawal at tatabigin)

KAWAL 3: Ano yan? Anong ginagawa nyo? Alis! (hahatakin palayo ang mga babae)

MGA BABAE: Guro! Guro! Huwag nyo syang saktan! Guro!

(patuloy na lalakad si Simon at Hesus).

8 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
9th STATION

ANG PAGPAKO SA KRUS

CHARACTERS:

HESUS

KAWAL

TAO

CAIFAS

ANAS

PROPS:

PAKO

LUBID

KRUS

PAMUKPOK

(Bibitiw si Simon sa krus at kukunin Ito ng mga kawal kay Hesus upang ihanda ang pagpako)

KAWAL 1: Dali! Ipako ang taong iyan! (Kakaladkarin si Hesus sa krus at aalisan ng damit,

pagpapasapasahan ang kanyang damit at sisirain ito, tapis lamang ang matitira)

KAWAL 2: Akin na ang pako at pamukpok! (Ipapako ang mga kamay ni Hesus, pagkatapos ay ang

mga paa naman nito, itatayo ang krus at ilalagay ang salitang INRI)

TAO 1: Mabuti nga sayo! Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Anak ng Diyos!

(Lalapit ang sanedrin at pagatatawanan si Hesus, pagkatapos ay aalis ang mga ito)

CAIFAS: Kung ikaw nga ang hari ng mga hudyopakawalan mo ang iyong sarili..hahaha

10th STATION

ANG NAGTITIKANG MAGNANAKAW

CHARACTERS:

HESUS
9 | P a r i s h Yo u t h M i n i s t r y I H o l y Fa m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
MAGNANAKAW 1(MASAMA)

MAGNANAKAW 2(MABUTI)

HESUS: Ama! Patawarin mo sila, hindi nila alam ang kanilang ginagawa!

MAGNANAKAW 1 (masama): Hindi ba ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!

MAGNANAKAW 2 (mabuti): Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw man ay pinarurusahang tulad niya!

Matuwid lang na tayo ay parusahan dahil sa masamang ating ginawa, ngunit ang taong ito ay walang ginawang

masama! Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na!

HESUS: Sinasabi ko sa iyo, ngayon diy isasama kita sa Paraiso!

11th STATION

IPINAGKATIWALA NI HESUS SI MARIA KAY JUAN

CHARACTERS:

HESUS

MARIA

JUAN

MAGDALENA

(Lalapit si Maria kasama si Juan at Magdalena sa paanan ni krus)

MARIA: Mahal kong anak! (Titingnan mula ulo hanggang paa si Hesus at hahaplusin ng mga

pisngi ang paanan ni hesus habang tumatangis)

(Lalapit si Juan kay Maria at pareho silang mapapatingin kay Hesus)

HESUS: Ginang, narito ang iyong anak, anak narito ang iyong Ina.

12th STATION

ANG PAGKAMATAY NI HESUS

CHARACTERS:

HESUS

KAWAL

TAO
10 | P a r i s h Y o u t h M i n i s t r y I H o l y F a m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
MARIA

JUAN

MAGDALENA

PROPS:

ESPONGHA

PANTUSOK NA MAHABA(MAAARING KAHOY)

LALAGYAN NG TUBIG O ALAK

(bahagyang ilalayo ni Juan si Maria sa krus)

HESUS: Nauuhaw ako!

(lalapit ang kawal, isasawsaw ang espongha s alak, tutusukin ito at iaabot kay Hesus>

HESUS: Naganap na! Ama! Sa iyong kamay ay itinatagubilin ko ang aking espiritu! (yuyuko at mapapatiran ng

hininga, kukulog at kikidlat na wariy lumilindol)

(tatahimik at luluhod ang lahat)

(pagninilay-babasahin ng tagapagsalita)

Ang krus ni Kristo ay ang ating pintuan sa langit, ang susi sa paraiso, ang pagbagsak ng kasamaan, ang

pagkapanalo ng sangkatauhan, ang ating kalayaan. Ang pagkamatay ni kristo sa krus ang simbolo ng ating

pananampalataya, ang kasiguraduhan ng ating pag-asa, ang luklukan ng pag-ibig, ito rin ang simbolo ng awa ng

Diyos at kanyang kapatawaran. Dahil sa pagkamatay ni kristo, sinagip nya tayo sa ating kasalanan at dapat na

kaparusahan. Ang tunay na daan sa kapayapaan, at saya patungo sa kaharian ng Diyos ay sa pamamagitan ng

krus ni Kristo. Ating alalahanin ngayon sa kanyang pagkamatay sa krus ang hirap at sakit na kanyang dinaanan

para lamang sa atin. Pagnilayan natin ang ating mga sarili, naging karapat dapat ba tayo sa kanyang paghihirap?

Nararapat ba ang kakaunting oras na ibinibigay natin sa kanya? Mga kapatid, tayo ang dahilan ng kanyang

paghihirap at pagtangis..

(maaaring patugtugin ang ano mang awit na akma para sa pagninilay)

13th STATION

ANG PAGLIBING KAY HESUS

CHARACTERS:
11 | P a r i s h Y o u t h M i n i s t r y I H o l y F a m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
HESUS

MARIA

KAWAL

JUAN

MAGDALENA

JOSE NG ARIMATHEA

PROPS:

PANTUSOK SA TAGILIRAN NI HESUS

KAWAL 1: Siguraduhing bali ang buto at patay ang mga iyan!

(babaliin ang buto ng dalawang magnanakaw hanggang sa mamatay, tutusukin sa tagiliran si Hesus)

KAWAL 1: Patay na nga ang taong ito!

KAWAL 2: Ibaba na sya sa krus!

(ibababa si Hesus sa krus habang naghihintay ang kanyang ina at alagad , ihihiga ang katawan ni Hesus sa

kanlungan ng kanyang Ina)

MARIA: (hahawakan ang kamay at tagiliran ni Hesus) Anak, mahal kong Anak, ang aking nio! Sa hirap na iyong

dinanas, ang iyong mga sugat! Ang aking munting kerubin, pagkakisig-kisig ng aking isilang , binalot ko pa ng aking

puting belo.(i-uugoy na parang nagpapatulog ng bata si Hesus) ito muli ang aking belo(tatanggalin ang belo at

ipupunas sa mga sugat at dugo sa katawan ni Hesus) sige mahal ko, matulog ka ng mahimbing, ang misyon mo ay

tapos na, at sa iyong muling pag-gising, makakapiling mo na ang iyong Ama sa langit. Sanay hindi mawalan ng

kabuluhan ang iyong sinakripisyo. (yayakapin ng mahigpit si Hesus)

(darating si Jose ng Arimathea)

Jose: (sasabihin sa mga kawal) ako si Jose ng Arimathea, at may pahintulot ako kay pilato na kunin ang katawan ni

Hesus at ipalibing ito.

(kukunin ng mga alagad ang katawan ni Hesus at babalutin ng putting kumot, bubuhatin ito at ipuprusisyon

patungong simbahan. Susunod si Maria, mga alagad at mga tao)

Ipapasok ito sa loob ng simbahan ng mga alagad. Ihahatid ito ni Maria, Juan at Magdalena.

12 | P a r i s h Y o u t h M i n i s t r y I H o l y F a m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014
14th STATION

ANG MULING PAGKABUHAY

CHARACTERS:

HESUS

MAGDALENA

ANGHEL

MGA BABAENG ALAGAD

(Darating ang tatlong alagad na babae at makikitang wala ang katawan ni Hesus)

MAGDALENA: Nawawala ang katawan ng Panginoon!

MGA BABAENG ALAGAD: sino ang kumuha? Ano ang nangyari? (magiiyakan ang mga ito)

ANGHEL: Hinahanap nyo ba ang katawan ni Hesus na ipinako sa krus? Wala na sya dito, sapagkat siyay muling

nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Lumakad na kayo at ibalita sa inyong mga kasamahan. Siyay muling nabuhay at

mauuna sa Galilea. Makikita nyo sa doon.

(papasok ang mga tao sa loob ng simbahan, ipapakita ang buhay na Hesus)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>END<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<

<<<<<<<<<<<<<<<<<

NOTES

13 | P a r i s h Y o u t h M i n i s t r y I H o l y F a m i l y P a r i s h I S t a t i o n O f t h e
Cross 2014

You might also like