You are on page 1of 50

Ang batang sanay

magdildil ng asin ay
handang sumuong sa
butas ng karayom
makatapos lang ng pag-
aaral. Talagang
magsusunog sila ng kilay
upang marating ang rurok
ng tagumpay.
IDYOMA
Mga Idyoma

 Mga pahayag na di-tuwirang


nagbibigay ng kahulugan
 Karaniwang hinango ang kahulugan
nito sa karanasan ng tao gaya ng mga
pangyayari sa buhay o mga bagay-
bagay sa ating paligid
 Sa pamamagitan ng idyoma, nakikilala
ang yaman ng isang wika
MGA
HALIMBAWA
ALOG NA ANG BABA…

 (Matanda na)

 Sila lola ay hindi na


maaring sumayaw
sapagkat alog na
ang kanilang baba.
BIRO NG TADHANA…

 (mga kabiguan o
kamalasan)

 Malupit na biro ng
tadhana ang nangyari
sa buhay ng mag-
asawang Lopez.
ANAK- PAWIS…

 (Mahirap ang angkan)

 Si Danny ay hindi
nakatapos ng
kanyang pag- aaral
dahil siya’y anak-
pawis lamang.
BAHAG ANG BUNTOT…
 (Walang lakas ng loob o
duwag.)

 Matapang si Eze kapag


wala ang kalaban
ngunit kapag kaharap na ay
bahag naman ang
kanyang buntot.
BAKAS NG KAHAPON…
 (alaala ng lumipas na panahon)

 Sa tuwing maaalala ni Grace


ang nadisgrasya niyang
katawan ay sumasagi sa
kanyang isipan ang malungkot
na bakas ng kahapon sa
kanyang buhay.
BUKAS ANG PALAD…

 (Matulungin)

 Bukas ang palad ng mag-


asawa sa mga
nangangailangan.
BUKAS NA AKLAT…

 (hindi na lihim sa mga


tao, alam ng marami.)

 Ang buhay ng mga


artista at pulitiko ay
isang bukas na aklat
sa mga taong
nakapaligid sa kanila.
BUHATIN ANG SARILING
BANGKO…
 (laging pinupuri ang sarili o
ang kanyang kapamilya)

 Si Mario ay mahilig magbuhat


ng sariling bangko. Lagi
niyang pinangangalandakan
ang marurunong niyang mga
anak.
BUKAS NA DIBDIB…

 (Laging nakalaang
tumulong sa
nangangailangan)

 Ang DSWD ay
itinataguyod ng mga
taong bukas ang
dibdib.
KAMAY NA BAKAL…

 (Mahigpit)

 Dahil sa pinaiiral ng
may- ari ang kamay
na bakal, walang
tatamad- tamad sa
kanyang pagawaan.
KUSANG PALO O KUSANG
LOOB…
 (gumagawa kahit hindi
inuutusan / may kusa)

 Ang trabahador na may


kusang palo ay
maaaring asahan sa
trabaho.
Iba pang Halimbawa:

Nagbibiilang ng
Butas ang bulsa poste
Nagtataingang-
Ibaon sa hukay
kawali
Buwayang lubog Pantay ang mga paa
Pusong bakal Patabaing baboy
Ningas-kugon Maghigpit ng sinturon
Suntok sa buwan Lubad ang kulay
PAGSASANAY..
PANUTO

Ipaliwanag ang mga


idyomang ginamit sa bawat
pangungusap.
1.

 Ang utang ni Che-che sa’yo ay


ilista mo na lamang sa tubig
dahil siya’y umalis na.
ILISTA SA TUBIG

UTANG NA HINDI NA
MABABAYARAN
2.

 Ang mga basurero ay


matiyagang nagsisikap sa
trabaho para hindi na nila
mabalikan pa ang isang kahig
isang tuka.
ISANG KAHIG ISANG
TUKA..

PULUBI, O
HIRAP NA
HIRAP SA
BUHAY
3.

 Mababa ang luha ni Sally, kaya


madali siyang maapektuhan ng
malulungkot na pangyayari sa
buhay ng kanyang kaibigan.
MABABA ANG LUHA

MADALING
LUMUHA
4.

 Ang bantog na si Manny


Pacquiao ay laging nananalo
dahil mabigat ang kanyang
kamay.
MABIGAT ANG KAMAY

MALAKAS
MANUNTOK O
MANAMPAL
5.

 Madaling umasenso si Allan


dahil sa kanyang mabulaklak na
dila.
MABULAKLAK ANG DILA

MAHUSAY
MANGUSAP
6.

 Malakas ang kapit ni Walter sa


Mayor kaya hindi siya
nababahalang matanggal sa
trabaho.
MALAKAS ANG KAPIT

MAINPLU-
WENSYA
7.

 Ang taong maluwag ang


turnilyo ay sadyang mahirap
kausap.
MALUWAG ANG
TURNILYO

MAY
DEPERENSYA
ANG PAG-
IISIP
8.

 Ang anak ni Roger ay


may gatas pa ang labi nang
mag-asawa kaya nahihirapan sa
pagdadala ng buhay.
MAY GATAS PA SA LABI

NAPAKABATA
PA O UMAASA
PA SA
MAGULANG
9.

 Naghalo ang balat sa tinalupan


nang magkatagpo ang
pamilya ni Don Ramon at Don
Jose.
NAGLAHO ANG BALAT SA
TINALUPAN

NAGKAGULO
O
LABU- LABO
10.

 Ang magkakapatid na
Kenyon,Arisa at Nala ay parang
aso’t pusa.
PARANG ASO’T PUSA

PALAGING
NAG-AAWAY
11.

 Kahit na panakip-butas lamang


ang eksena ni Kristel,para sa amin
ay siya pa rin ang magaling.
PANAKIP- BUTAS

PANGHALILI
O PAMALIT
PAGSUBOK
PANUTO:
A. Tukuyin ang kahulugan ng mga
sumunod na idyoma.
1. Biro ng tadhana

2. Parang aso’t pusa

3. Alog na ang baba

4. kamay na bakal

5. naghalo ang balat sa


tinalupan
B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga
sinalungguhitang idyoma sa pangungusap.

1. Bakal ang dibdib ng mga bayaning


nakipaglaban sa kalayaan.

2. Palaging tinutukso si Jose dahil siya’y


buto’t balat.

3. Malungkot ang lahat sapagkat ang


pangulo ay nasa banig ng karamdaman.
4. Maraming naiipong pera si Roland
sapagkat siya’y may bulsa sa balat.

5. Kinaiinisan ng lahat ang taong


buwaya.

6. Kung gusto mong magtagumpay,


dadaan ka muna sa butas ng
karayom.

7. Mahigpit na pinatutupad ng batas


ang supilin ang mga taong
nagbebenta ng damo.
8. Si Leo ang tinaguriang
damulag sa klase.

9. Ang ating kaibigan ang


nagsisilbing balikat natin kapag
tayo’y may problema.

10. Sanay ang mga mahihirap na


magbanat ng buto upang may
makain araw-araw.

You might also like