You are on page 1of 27

IDYOMA

Idyoma
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag
na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang
salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at
kaugalian ng isang lugar.

 Ang Idyoma at sawikain ay bahagi ng ating


magandang wikang Filipino. Ang mga ito ay
nakakatulong at mabisang sangkap para maging
maganda at makabuluhan ang bawat salita na ating
ginagamit at nagpapatalas din ito sa ating mga
kaisipan.
MGA
HALIMBAWA
ALOG NA ANG BABA…

 Tunay na Kahulugan – (Matanda na)

 Si Mang Alex ay hindi na maaring mag-


sayaw sapagkat alog na ang kanyang
baba.
ANAK- PAWIS…

 Tunay na Kahulugan – (Mahirap ang


angkan)

 Si Danny ay hindi nakatapos ng


kanyang pag- aaral dahil siya’y anak-
pawis lamang.
BAHAG ANG BUNTOT…

 Tunay na Kahulugan – (Walang lakas ng


loob o duwag.)

 Matapang si Eze kapag wala ang


kalaban, ngunit kapag kaharap na ay
bahag naman ang kanyang buntot.
BAKAS NG KAHAPON…

 Tunay na Kahulugan – (alaala ng lumipas


na panahon)

 Sa tuwing maaalala ni Grace ang


nadisgrasya niyang katawan ay sumasagi
sa kanyang isipan ang malungkot na
bakas ng kahapon sa kanyang buhay.
BINAWIAN NG BUHAY…

 Tunay na Kahulugan – (namatay o


yumao)

 Ang mabait na guro ay binawian na ng


buhay.
BIRO NG TADHANA…

 Tunay na Kahulugan – (mga kabiguan o


kamalasan)

 Malupit na biro ng tadhana ang nangyari


sa buhay ng mag- asawang Lopez.
BUKAS ANG PALAD…

 Tunay na Kahulugan – (Matulungin)

 Bukas ang palad ng mag- asawa sa mga


nangangailangan.
BUKAS NA AKLAT…

 Tunay na Kahulugan – (hindi na lihim sa


mga tao, alam ng marami.)

 Ang buhay ng mga artista at pulitiko ay


isang bukas na aklat sa mga taong
nakapaligid sa kanila.
BUHATIN ANG
SARILING BANGKO…
 Tunay na Kahulugan – (laging pinupuri
ang sarili o ang kanyang kapamilya

 Si Mario ay mahilig magbuhat ng sariling


bangko. Lagi niyang
pinangangalandakan ang marurunong
niyang mga anak.
BUKAS NA DIBDIB…

 Tunay na Kahulugan – (Laging


nakalaang tumulong sa
nangangailangan)

 Ang DSWD ay itinataguyod ng mga


taong bukas ang dibdib.
KAMAY NA BAKAL…

 Tunay na Kahulugan – (Mahigpit)

 Dahil sa pinaiiral ng may- ari ang kamay


na bakal, walang tatamad- tamad sa
kanyang pagawaan.
KUSANG PALO O
KUSANG LOOB…
 Tunay na Kahulugan – (gumagawa kahit
hindi inuutusan / may kusa)

 Ang trabahador na may kusang palo ay


maaaring asahan sa trabaho.
ILISTA SA TUBIG

 Tunay na Kahulugan – (kalimutan)

 Ang utang ni Che-che sa’yo ay ilista mo


na lamang sa tubig dahil siya’y umalis
na.
ISANG KAHIG ISANG
TUKA..
 Tunay na Kahulugan – (pulubi o hirap na
hirap sa buhay)

 Ang mga basurero ay matiyagang


nagsisikap sa trabaho para hindi na nila
mabalikan pa ang isang kahig isang tuka.
MABABA ANG LUHA

 Tunay na Kahulugan – (madaling


lumuha)

 Mababa ang luha ni Sally, kaya madali


siyang maapektuhan ng malulungkot na
pangyayari sa buhay ng kanyang
kaibigan.
MABIGAT ANG KAMAY

 Tunay na Kahulugan – (malakas


manuntok o manampal)

 Ang bantog na si Manny Pacquiao ay


laging nananalo dahil mabigat ang
kanyang kamay.
MABULAKLAK ANG
DILA
 Tunay na Kahulugan – (mahusay
mangusap)

 Madaling umasenso si Allan dahil sa


kanyang mabulaklak na dila.
MALAKAS ANG KAPIT

 Tunay na Kahulugan – (mainpluwensya)

 Malakas ang kapit ni Walter sa Mayor


kaya hindi siya nababahalang matanggal
sa trabaho.
MALUWAG ANG
TURNILYO
 Tunay na Kahulugan – (may deperensya
ang pag-iisip)

 Ang taong maluwag ang turnilyo ay


sadyang mahirap kausap.
MAY GATAS PA SA
LABI
 Tunay na Kahulugan – (napakabata pa)

 Ang anak ni Roger ay may gatas pa ang


labi nang mag-asawa kaya nahihirapan
sa pagdadala ng buhay.
NAGLAHO ANG BALAT
SA TINALUPAN
 Tunay na Kahulugan – (nagkagulo o labu-labo)

 Naghalo ang balat sa tinalupan nang magkatagpo


ang pamilya ni Don Ramon at Don Jose.
PARANG ASO’T PUSA

 Tunay na Kahulugan – (laging hindi


magkasundo)

 Ang magkakapatid na Kenyon,Arisa at Nala


ay parang aso’t pusa.
PANAKIP- BUTAS
 Tunay na Kahulugan – (panghalili o pamalit)

 Kahit na panakip-butas lamang ang eksena ni


Kristel,para sa amin ay siya pa rin ang magaling.
SALAMAT PO!

You might also like