You are on page 1of 150

TULA

Ano ang tula?


T-
U-
L-
A-
Ang TULA ay nangangahulugan ng
masusing pagpili ng mga salita,
bilang ng mga pantig, at tugmang
mga salita upang maipadama ang
isang damdamin o kasipang nais
ipahayag ng isang manunulat.
- Ay isang AKDANG
PAMPANITIKAN na
naglalarawan ng buhay, batay sa
guni-guni, kaisa ng ating
damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-
iw.
-Likha ito ng isang makata at
hinasa sa kalikasan at sa buhay
ng tao.
-Ang isang TULA ay gumagamit
ng tumpak na salita at larawan
ng diwa upang maipahayag ang
tunay na damdamin.
-Ito’y pagpapahayag ng
mayayamang kaisipan sa
maririkit na pananalita sa
pamamagitan ng mga
taludtod. Ang kalipunan ng
mga taludtod ay tinatawag
na TALUDTURAN.
-Bagama’t sa kasalukuyan ay
unti-unting nawawala ang
sukat at tugma ng isang tula
dahil ang mga makabagong
manunulat ay naniniwala sa
kaisipang malayang
taludturan.
LAYUNIN NG ISANG TULA
- ito ay pagpukaw ng isang
makata sa damdamin ng
bumabasa o nakikinig nito
upang makilala ang kahulugan
ng buhay na tinatanglawan ng
kabutihan at kagandahang
ipinamalas sa pamamagitan ng
tula ang matulaing POETIC
TRUTH na nagsasaad ng “kung
ano ang maaaring mangyari”
hindi ang “kung ano ang
nangyari”.
BALMACEDA
“Ang tula ay isang kaisipang
naglalarawan ng kagandahan,
ng kariktan na natitipon sa
isang kaisipan upang
maangkin ang karapatang
matawag na tula”.
IÑIGO ED REGALADO
“Ang tula ay kagandahan,
diwa, katas, larawan, at
kabuuang tonong kariktang
makikita sa silong ng
alinmang langit”.
FERNANDO MONLEON mula kay
Lord Macaulay
“ Ang tula’y paggagad – ito’y
kahawig ng sining ng pagguhit,
paglilok, at pagtatanghal, ang
kasaklawan ng pagtula ay higit
na malawak kaysa alinmang
ibang gagad na mga sining,
pagsasama-samahin mang ang
mga iyon.”
ALEJANDRO G. ABADILLA,
ang katuturang ibinigay ni
Edith Sitwell na napili niya:
“Ang tula ay kamalayang
napapasigasig (Heightened
consciousness).”
SANGKAP NG TULA
A. SUKAT – tumutukoy sa bilang
ng pantig sa bawat taludtod.
- ito ay bilang ng mga pantig sa
bawat taludtod o saknong.
- ang karaniwang ginagamit ay
12, 16 at 18 pantig.
Ang mga sukat na 12 at 18
pantig ay nagkakaroon ng hati o
CESURA sa bawat ikaanim
samantalang ang 16 ay hinahati
sa ikawalong pantig.
CESURA – ay isang bahagyang
pagtigil sa pagbasa o pagbigkas
na hinihingi ng diwa sa isang
taludtod.
MGA URI NG SUKAT
1. WAWALUHIN
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis

Edukasyon ay makamtan
Kapag puso ay lakipan

Isiping mas mahalaga


Ang utak kaysa puso n’ya
2. LALABINDALAWAHIN
Ang laki sa layaw karaniwa’y
hubad
Sa bait at munti, sa hatol ay
salat
_________________________________

Bakit kaya kung kailan wala


ka na
Saka naman kita hinahanap
sinta
_________________________________
_
3. LALABING-ANIMIN
Sari-saring bungangkahoy,
hinog na at matamis
Ang naroon sa loobang may
bakod pa sa paligid
________________________________
Kay sarap mamuhay sa bukid
lalo na kung payapa
Ang buhay na walang kapalit,
pagyamanin natin ‘to
________________________________
4. LALABINGWALUHIN
Tumutubong mga palay, gulay
at maraming mga mais
Naroon din sa loobang may
bakod pang kahoy sa paligid
________________________________
Minsan ang buhay ay hindi
mawari, mapanghamon,
mapait
_________________________________
TUGMA
MAGBIGAY-
PUNA
PANSININ
B. TUGMA – tumutukoy sa pag-
iisang tunog ng huling pantig ng
huling salita sa bawat taludtod
sa isang taludturan.
- ito ay ang pagkakasingtunugan
ng mga huling pantig ng salita
ng mga taludtod. Batay sa
bilang ng taludtod at ayos ng
pagkakatugma-tugma.
MGA URI NG TUGMA
1. Tugma sa pantig
A. Tugma sa pantig na malumay
at mabilis
Hal.
Pag-ibig anaki’y aking nakilala
Di dapat palakihin ang bata sa saya
B. Tugma sa patinig na malumi
at maragsa
Hal.
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
2. Tugma sa katinig
A. Unang lipon – b, k, d, g, p, s, t
Hal.
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
B. Ikalawang lipon – l, m, n, ng,
r, w, y
Hal.
Sapupo ang noong kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
C. Sining o Kariktan-
tumutukoy sa paggamit ng mga
pili, angkop at maririkit na
salita.
-Kailangang magtaglay ang tula
ng maririkit na salita upang
maakit ang mambabasa gayon
ding mapukaw ang damdamin at
kawilihan.
Hal.
Ang puso ko’y handang tumalima
Matalos lamang ang samyo ng pag-ibig
mong sadyang pinagpala
Yayapusin, yayakapin, lilingkisin
Nang ‘di na mabitawan at ‘di na
mabitin
Puso ko’y nagdurugo
Waring isang bigo
Nang makitang ika’y kalaguyo
Ng kaibigan ko pa man ding
mangguguyo

Bakit ganito ang nararamdaman


Sa tuwing ika’y nasisilayan
Pag-ibig na kaya ito hirang
O paghanga lang at madaling
maparam.
D. Talinghaga- tumutukoy sa
paggamit ng matalinghagang
pananalita at mga tayutay
(figure of speech) sa tula.
-Magandang basahin ang tulang
di tiyaking tumutukoy sa bagay
na binanggit.
-Ito’y isang sangkap ng tula na
may kinalaman sa natatagong
kahulugan ng tula.
Hal.
Bituin kang nagniningning
Sa madilim kong hinihiling
Tila yata pinagpala
Ang iba, ako wala

Parang ako’y natutunaw


Sa tingin mong pamatid uhaw
Ngunit ‘di mo ‘ko masisi
Kung bakit kasi, ikaw lang ang susi
Tila yata ganito
Kapag ang pag-ibig ay dapat itago
Waring imposebleng mangyari
Masisisi ba kung puso’y nayari

Panahon na ang magsasabi


Kawangis ng bagyong walang pasabi
Ngunit saan at hanggang kailan
Ang inaasam na walang hanggan
Wikang Filipino
JNSN Agosto 24, 2011 DMMMSU-NLUC

Ang wikang Filipino ay gawin nang uso


Sa lahat ng dako maging sa buong mundo
Tanglaw sa karimlan susing pagkakakilanlan
Suhay ng bayan maging ng mamamayan.
Atin nang alalahanin ang huling habilin
Pagsamo ni Rizal huwag lang maging usal
Kasaysayang turing at hindi maging puwing
Nang ating makamit, lakas na walang kapalit.
Pintig ng puso ang pagmamahal nang tudo
Sa wikang nakagisnan bago ka naging maalam
Pamanang turing dapat ‘di nakapupuwing
Nang ika’y ‘di maging dayuhan, sa sariling bayan.
Kaya ang marapat, tama ang paglapat
Himig ng wika ituro nang tama
Simulan sa tahanan maging sa baryo man
Nang ‘di masisi sa bandang huli.
KAYARIAN NG TULA

1. Maysukat- may tugma at


taludturan (meter rhyme
verse)
- ito ang katutubong
kayarian ng ating mga tula
na na binubuo ng taludtod
na may sukat at tugma.
Ang bilang ay maaaring 6, 8, 12,
14, 16, o 18
Hal.
1 2 3 4 5 6 7 8
O Di yos sa ka la ngi tan
Ha ri ng san ka lu pa an
g
1 2 3 4 5 6

A ko’y na tu tu wa

Nang i ka’y na ki ta
1 2 3 4 5 6 7 8 9 1 1 12
0 1
Dib dib di ma wa ri pu pu tok na a ta

Di ma ka ti ngi sa ma pu ng mo ma ta
n ay ng
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14

Si mu la nan i Ka’ na si la yan pu so ko ay


g y

Big lan na ka ram da ng pag ha nga wa lan ma lay


g ng g
2. Maytugma – (1) may tugma
sa lahat ng taludtod, (2) una
at pangalawa, (3) una at
pangatlo, o (4) pangalawa at
pang-apat.
1 2 3 4 5 6

Ba yang Pi li pi nas

Pu no ng pa mu nas

Ba sa’t wa lang lu nas

‘Yan ang Pi li pi nas


1 2 3 4 5 6

Kay hi rap ma bu hay

Ban sang wa lang su hay


1 2 3 4 5 6

O sin tang ma ri kit

La bis kang ma ta pang

Kung ke lan na a kit

Sa ka din na swa pang


3. Malaya- maaaring malaya
ang (1) taludtod, (2) sukat at
tugma, o (3) saknong
1. Mahal ko bakit ganito
2. ‘Di mapakali pag ikay
walang kibo
3. Tila di mapakali
4. Makita kang laging sawi
5. Puso ko’y nagdurugo
6. Pintig nito’y napupugto
Ako’y masaya kapag ika’y nakikita
(Rufina)
Ngunit anong lungkot at pighati
aking nadarama (Cristina)
Nang ako’y iniwan mo, masakit ang
dibdib ko (Kerwin)
Di makalimot sa kahapong lagi mong
pagsusuyo (Cindy)
Laging naalala mga tamis ng iyong
ngiti (Grace)
Buong akala ko’y pag-ibig mo’y hindi
magwawakas (Ginnela}
Pagkat pinadama mo ang pag-
ibig mong wagas (Rochelle)
Ngunit lahat pala nang ito’y
isang kasinungalingan (Eden)
Dinurog mo ang puso kong
nagmamahal nang wagas
(Jocelyn)
Ang lahat pala ng ipinakita’y
isa lamang palabas (Apple)
ANG MAKATA
- isang walang katapusang pagkilala sa
anumang akdang sining, isang
pagpapahayag na hindi basta
maisusulit kahit ng dila o ng larawang
guhit, hindi maisasaysay ang
nakakubling kagandahan ng panahon,
ng paligid ng sangkatauhan at ng
kanyang daigdig- isang walang katapat
na pagkilala, siya ang MAKATA.
Ang Makata sa Kanyang
Kabaliwan
Milagros B. Macaraig

Sa upuang kahoy
Hindi mapakali
Hindi mapalagay
Plumang nasa kamay
Pinaglalaruan…
Fernando Monleon
(Makata) - Siya na
nakasumpong ng matimyas na
kaluwalhatian sa pagdama ng
tula ay isang taal na makata,
bagamat sa tanang buhay niya
ay hindi pa siya nakasulat
minsan man ng kahit isang
taludtod na tula.
Lamartine
-Kulang-palad ang kinapal na
minsan man sa kanyang buhay
ay hindi naging makata.

ANG TULA NG MAKATA

Tinipong salita kung minsa’y


may bilang
Sa pantig at sukat ito’y
karaniwan
Sintunog ay tugma hanay
taludturan
Sa saknong ng tula, ito’y
kayarian

Sa pintig ng puso, baliw na makat


Indayog ay lambing doon
nagsimula
Aliw-iw kung minsan sa turang
salita
Ay pumapaloob sa makatang tula.
Gabriel (1986)
- ang isang makata, tulad ng
ibang manunulat ay
tagapagbudbod ng mga salita.
Colerige
- ang TULA’y ang
pinakamabuting salita sa
kanilang pinakamabuting
kaayusan.
PAGGAMIT NG GUNIGUNI

Sa pagsulat ng anumang
akdang pampanitikan, sa
malikot na pananaw ng makat
ay hindi niya makaliligtaan
ang gumamit ng guniguni
Isang Punungkahoy
Jose Corazon De Jesus

Kung tatanawin mo sa
malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang
krus
Sa napakatagal na
pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng
Diyos!
Organo sa loob ng isang
simbahan,
Ay nananalangin sa
kapighatian,
Habang ang kandila ng
sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking
libingan…
Sa aking paanan ay may isang
batis,
Maghapo’t magdamag na
nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay
nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-
ibig.
Maging Sino Ka Man!
Milagros B. Macaraig (Unang
Gantimpala PNU-GS (1976)

Sa iyong bangungot ika’y may


narinig,
Isang bulong wari’y kapus yaong
tinig;
Sa pagkakahimlay ika’y napatindig,
Sapo yaong noo pati iyang dibdib!
At sa durungawan ikaw ay
nanungaw,
At nagmatyag-matyag sa
dakong karimlan;
Nagmasid-masid ka’t saka mo
inusal,
Sino kaya siya… s’ya kaya’y
nasaan?
ANG SAGIMSIM
- ang labis na kapootan,
walang kahulilip na
kagalakan at kapighatian
ay siyang
pinamumulaklakan ng
sagimsim.
Mula sa aklat ni Dr. Paz Belvez
(Pamana-Katutubong Panitikan
at Sining ng Pagkukwento at
Pagtula)

Ang Ilaw sa Parol


Cirio H. Panganiban

ILAW!... Gabi-gabi, ang ilaw na


yaon
Ay sinisindihan sa loob ng
parol.
Isang munting kamay, kulubot
at luoy.
Ang di na nagsawang sa
habang panaho’y
Laging nag-iilaw sa ulilang
balkon…
ANG SIMBOLO
- Ayon kay Landicho
(1972), ang simbolo ay
isang makasining na
sangkap na ang layunin ay
kumatawan sa isang uri ng
damdamin, bagay,
paniniwala o kaisipan.
Ang Pagbabalik
Jose Corazon de Jesus

Babahagya ko nag sa noo’y


nahagkan
Sa mata ko’y luha ang nangag-
unahan;
Isang panyong puti ang
ikinaway’
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng
hagdan;
Sa gayong kalungkot na
paghihiwalay,
Mamamatay ako…siya’y
nalulumbay!
ANG TAYUTAY
- ito ang pinakamakapangyarihang
paraan ng pagpapahayag ng isang
kaisipang natatangi para sa isang
makata. Dahil sa katotohanang ang
tula ay patayutay, ito’y nababalutan
ng matatalinghagang kawikaan na
masusumpungan sa bawat taludtod
ng mga kaisipang matulin.
Rubin (1986) – ang tayutay ay
isang sinadyang paglayo sa
ordinaryong paggamit ng
salita. Kaiba ang paglalahad.
Di tahas ang kahulugan kaya’t
masasabing lumulikha ito ng
larawan o imahen. Di
karaniwan ang
pagkakapahayag, natatangi
ang bisa nito, maharaya,
kaakit-akit at matulain.
-Ang pahayag ay hindi tiyakang
tinutukoy. Sa halip ang
pagpapahayag ay dinaraanan sa
paggamit ng pahiwatig o
figurative expression.
-Paraang pinakagamitin sa
pagtula at ang mahusay na
makata ay mahusay rin sa
paggamit ng pahiwatig sa
kanyang tula. Ito’y maaaring:
1. Patalinghagang anyo ng
pagpapahayag – hindi patitik
ang kahulugan ng salita at
lumilikha ng larawan o anino.
2. Isang di-tuwirang anyo ng
pagpapahayag- hindi karaniwan
ang pagkakasulat na may
tanging bisa.
URI NG TAYUTAY
1. PAGTUTULAD (simile)- ito ay
isang simpleng paghahambing
ng dalawang bagay na magkaiba
sa pangkalahatang anyo ngunit
may mga magkakatulad na
katangian na sukat ipagkaugnay
ng dalawa. Ito’y gumagamit ng
mga salita’t pariralang tulad ng,
katulad ng, para ng, kawangis
ng, animoy, gaya ng, tila, atbp.
Hal.
1. Gaya ng halamang lumaki sa
tubig______________
2. Ako’y tila isang nakadipang
kurus______________
3. Parang hinahagkan ang paa
ng Diyos___________
4. Ang buhay ay tulad ng isang
batis_______________
2. PAGWAWANGIS (metaphor)- ito
ay isang tayutay na nagsasagawa
ng paglilipat ng mga salitang
nangangahulugan ng isang bagay
sa pagpapahayag ng isang bagay.
Sa madaling salita, sa
pagwawangis ay inaalis ang
hambingang salita’t pariralang
ginamit sa pagtutulad o simile. Sa
pagtutulad, ang A ay gaya ng B at
ang pagwawangis ay ang A ay B.
Hal.
-Ang kahapon ay isang
tanghalan.
-Ng mga lihim niya’t mga
karanasan________________
-Ang buhay niyang hiram ay
naging tanggulan.
-Sa kanyang gunita ay ayaw
alpasan ___________
Paunawa: Ang pagwawangis ay
karaniwan nang maaaring
palawakin sa isang pagtutulad,
isang pahalintulad o alinman sa
dalawang huli na maaaring
tipiin naman sa isang
pagwawangis.
Hal. -Kaakit-akit ang kanyang mga
matang anaki’y bituin. (Pagtutulad)
-Kaakit-akit ang kanyang mga
matang bituin. (Pagwawangis)
-Kasumpa-sumpa ang mukha
niyang tila pinaglipasan ng
kahapon. (Pagtutulad)
-Kasumpa-sumpa ang mukha
niyang pinaglipasan ng panahon.
(Pagwawangis)
3. PAHALINTULAD (ANALOGY)-
ito ay isang tayutay na may
tambalang paghahambing na
nangangahulugan ng
pagkakawangki ng mga
pagkakaugnay.
- Balangkas- Ugnayang AB, ay
tulad ng CD
Hal.(A) “At siya’y namangha at
kanyang namalas,
(B) Naganap ang tagpo’y
mistulang pangarap;”
(C) Saanman tumitig,
Dilag ay nagligid.
(D) Siya’t tanging siya ang
paruparong-gubat
“Mandi’y isang tinik sa
lipon ng rosas”. (Himala- ni
Dominador B. Silos)
4. PAHAMBING (COMPARISON)-
ito ay tayutay na naghahambing
ng tao o bagay sa iba, o
nagpapalagay na ang dalawa’y
magkawangis sa isang katangian
o kauring kapwa angkin ng mga
ito.
Balangkas: Si A ay--- ni B
Hal. (A)Mabangong bulaklak!...
(B)Simbango ng di pa
nahahagkang pisngi ng isang
dalaga…
(A)Maputing bulaklak!...
(B)Simputi ng puring
alaalaga pa ng napakahinhi’t
mutyang dalagita!...
(“Sampagita” ni Pedro
Gatmaitan)
Tandaan: Karaniwang
ginagamitan ng unlaping sing-,
magsing-, at magkasing- at ang
iba pang anyong maramihan ng
mga ito; gayundin ay maaaring
gamitin ang gaga- o gangga-
bilang unlapi sa hambingang
magkatulad.
5. PAGSASATAO
(PERSONIFICATION)- ito ay
tayutay na nauukol sa paglilipat
ng katangian ng isang tao sa
mga walang buhay.
- Ang mga bagay ay itinuturing
na parang tao na may
damdamin, kaisipan,
nagsasalita, nakadarama ng
kalungkutan, kaligayahan at
kumikilos na parang tao.
Hal. Pati ulap ay sumayaw sa
bayo ng hangin
Sa bugso ng ulan pati
langit ay nagdilim
Ibong nagsasaya sa may
dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa
bagyong darating
Ang unos na sumapit ay
nagpaalaalang
6. PAURINTAO (TRANSFERRED
EPITHEN ) – ito ay isang tayutay
na paharaya at pasalaysay ang
paraan ng pagbibigay-katauhan
sa isang bagay na walang buhay
o kaisipan, naipapahayag ito ng
pang-uri.
Hal. “Kung minsa’y Buwan kang
Ang mayuming ganda at iwing
liwanag
sa tulog kong puso’y
Kay limit sugpuin ng tuksong
pangarap;
Ang katauhan ko:
Likas nang pihikan sa kaway ng
galak
Di mamakailang
Binalisa mo rin kung ilang
magdamag;
Pagkaumaga na…
Ang iyong karikta’y siyang
hinahanap
Subalit Buwan kang
kaydaling maglahong luningning
at dilag!
“O, Ang Babae” ni Leoncio S.
Gonzales
7. PANGITAIN (VISION) – sa
tayutay na ito, ang nagsasalita
at ang nilalaman ng isip ay
animo’y tunay na kaharap o
nakikita ng makata.
Hal. Tayo na pangarap at ating
galain
Ang di nakikitang pook-
salamisim
Ang tatahakin ay maputing
tanawin
At ang mga tala’y ating
dadalawin
Tayo ay magpakpak ng bagwis
ng hangin
At kita’y lalapag sa may
panginorin
“Isang Patunguhan” ni
A.G.Angeles
8. Panawagan (apostrophe) –
may kagyat na pagputol sa
naunang paraan ng
pagpapahayag, at panawagan sa
ikalawang panauhan ng isang
tao o bagay, karaniwan nang
isang patay o isang harayahing
bagay.
Hal. Nakapugal ako sa
kasunong saklap
Na sa aking dibdib ay
halos gumahak
Kaluluwa ko’y tigib, puso
ko ay wasak,
Sa piitang sakit, aliping
nalagmak…
O ibon, maanong sa iyong
paglipad,
Isakay mo ako sa angkin mong
pakpak;
Tulungan mo nganing sa
dusa’y umalpas,
Ibig kong malimot ang huling
magdamag!
-Sa tulang “O IBON!” ni Batubalani
9. PADAMDAM (exclamation)-
nagmumula sa bulalas ng isang
masidhi o pananalitang
nagpapahayag ng matinding
damdamin o isang talata na may
gayong pananalita.
Hal.
Ayan, ang kabaong na pasan
ng tao.
Irog, sumama ka at
kakilala mo!
May ilang karamay, korona’t
musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng
mundo!
Nang ihuhulog na ang
kabaong…NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing
ninyo!!!
-Sa tulang “HINDI MAN LAMANG
NAKITA” ni Jose Corazon de Jesus
10. PATALINGHAGA
(ALLEGORY) - ang kahulugan ay
hindi tahasang ipinahihiwatig sa
tula at ang taludturan ay
kinapapalooban ng mga
talinghaga.
Hal.
“Nag-alma ang lunggati, sa
budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang
tuwina’y hinahangad.
Dumadamba, dumadamba
kapag renda’y hinahatak
O, kay hirap na supilin! May
latigo ka mang hawak”
-Sa tulang “ EROTIQUE” ni Federico
Licsi Espino, Jr.
Ang magdamag niya
ay nakipaglamay sa gabing naidlip
na may simulaing
may bigkis na giting na hindi
mapatid;
taglay ang pag-asa
at init, adhikaing hindi rin nanlamig
sa huling hantungang
hihimlayan niyang sariling daigdig
- Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na
walang pamagat
11. BALINTUNA/BALINTUNAAY
(IRONY) – sa pamamagitan nito
ang kahulugang patitik ng isang
anyo ng pananalita ay
kabaligtaran ng tangkang
sabihin, dahil sa ang isang bagay
na sinabi ay may ibang
pakahulugan at ginamit sa
pangutngutya o katuwaan
lamang.
Ang tao kung minsa’y batang
nagagalak,
Utal pa ang dila, kung
mangusap, pantas!
Ipako si Kristo ang sabi ng
lahat
At ang pakawala’y itong si
Barrabas…!
-Sa tulang “Ang Sasabihin ng
Tao” ni Jose Corazon de Jesus
12. PAUROY O MAPANG-UYAM
(SARCASM)- ipinahiwatig sa
paraan o tono ng pagsasalita.
Ito’y isang panunudyo o
pangungutya sa tao, bagay at
pangyayari.
Hal.
1. Iginagalang. Dinarakila sa
gawain niyang banal.
Niyuyukuan. Pinupuri ng
balana; siya ay minamahal. Sa
paglilingkod sa kapwa’t sa
bayan, siya ay ikinarangal
ngunit sa kaban pala ng bayan,
siya ay isang halimaw.
2. Anong yaman ng babae
upang siya ay magtiis sa bahay
na gumigiray at kayrami pa ng
ipis.
3. Kay talino ni Felipe upang
siya ay maloko ng lalaking ang
layunin, bilugin ang kanyang
ulo.
Sa PAUROY, ang taong
tinutudyo ay tahasang
inilalagay sa anyong katawa-
tawa, iyan ang kaibhan nito sa
balintuna, gayunpaman, ang
tunguhin ng balintuna ay ang
hayaang ganapin ang tungkulin
ng pauroy.
13. PAGMAMALABIS
(HYPERBOLE) – ang katangian
ay sobra sa normal na katangian
ng bagay o tao na nais ipahayag.
Maaaring ito’y pagpapakulang sa
tunay na kalagayan upang
makatawag pansin o kaya’y
isang lampas-lampas na
pagpapahayag ng katangiang
malayo sa tunay na
katotohanan.
Hal.
Dadanak ang dugo sa lupaing
ito
Kapag di nangyari itong aking
gusto
Susumpain ka pa ng dinidiyos
mo!
Daraanan mo ibabaw ng
bangkay ko!
14. PARADOHA (PARADOX) –
ang tinutukoy ay isang pahayag
na sa biglang akala’y
magkasalungat ngunit kung
masusing lilimiin o ipaliliwanag
ay nagpapahayag ng isang
katotohanan.
“Ako’y di inutil,” ang iyak ng
pilay
“Kaya kong tumayo’t
gumawang mahusay!”
Kung ito’y totoo, siya ay
bulaan.
-Lirio G. Mendoza
Ang PARADOHA ay maaaring
higit pa sa paglalaro sa salita>
Kung sasabihin ng makata na
ang itim ay puti, o ang pag-ibig
ay pagkamuhi, ang ginagawa
niya ay paglulubid na rin ng
salita. Gumagamit siya ng
paradoha para gulatin ang
mambabasa at upang ipabatid
na sadyang masalimuot at
mahiwaga ang daigdig.
15. PAGPAPALIT-SAKLAW
(SYNECDOCHE)- bumabanggit sa
bahagi ng isang bagay o kaisipan
bilang katapat ng kabuuan.
Maaaring ang kabuuan naman
ay katapat ng isang bahagi.
Hal.
1. Libu-libong kaluluwa ang
umaasa sa iyo
2. Pitumpu’t apat na buhay ang
ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong
bayan na tayo’y may
pagkakaisa.
16. PAGPAPALIT-TAWAG
(METONYMY)- ginagamit sa
pagpapalit ng pagtukoy o
pagtawag sa bagay o tao na
pinatutungkulan. Ito’y
pansamanatalang pagpapalit-
tawag sa mga bagay na
magkakaugnay. Ito’y palasak sa
mga karaniwang usapan.
“Siya’y laking iskwater,” ibig
sabihin nito’y basagulero o
palaaway. Si Bonifacio ay buhat
sa paaralan ng karanasan, ibig
sabihin ay natuto sa sariling
sikap at mga karanasan.
Ayon sa katuturang ibinigay
sa una, narito ang halimbawa:
“Ang pananalig ay ating
kaligtasan
Banal na pag-ibig at
katotohanan.”
17. PATAMBIS (ANTITHESIS) –
paglalagay ng isang sugnay o
ibang bahagi ng pangungusap
laban sa isa pa na sinasalungat
niyon.
“Ang bangan ng lahi kong ibig
mapuno,
Sa akin ay pawis ang dapat
ibugso;
Sudsod hindi sundang! Punla
hindi punlo!
Binhi hindi bomba! Pawis hindi
dugo!”
-Sa tulang “Pawis Hindi Dugo”
ni Teo S. Baylen
18. PATIWAS (EPIGRAM)-
mahayap o patambis na
kasabihang tungo at
nagwawakas sa isang malundo o
matalinong pihit ng kaisipan.
Hal.
At ang kanyang anak, sa
yama’y mag-angkin
Ang tawag ng bayan ay
maginoo rin!
Ating ugali nang ang suwi ng
saging,
Gadangkal pa lamang saging
nang tawagin!
Mana-manang yaman sa
habang panahon,
Walang ano-ano ang bata’y
naulol!
At ang mga tao ay
nakapagtanong:
“Kakayamang tao, bakit
nagkaganon?”
- Sa tulang “Ang Maginoo”
ni Jose Corazon de Jesus
19. PABUGTONG (RIDDLE)-
isang tanong, mungkahi, tugma
na papikit-mata o pampalitong
sinasalita upang maging
pahulaan.
Hal.
Kung babayaan mong ako ay
mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong
kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsanang
pinatay,
Ang buhay kong ingat lalong
magtatagal.
- Kandila
20. PASALIWA (ANASTROPHE)-
pagsasaliwa ng kinagawian o
katutubong ayos ng mga salita.
Hal.
“Ang hilaw na hininog sa pilit
ay hilaw pa rin, namnamin
man ay mapait.”
Kasabihan:
“Ngunit ang mabuting pilit,
pinasama man ay mabuti rin
kahit.”
-Simon A. Mercado
21. PAHIDWA (oxymoron)- isang paraan
ng pagpapahayag na nagbubunga ng
isang bisa sa pamamagitan ng mandi’y
pansariling paghihidwa.
Hal.
Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY
SUMAYA
Dahil sa pagdating ng kanyang ama
at ina
No’n ko nadama ang SARAP NG
PANGUNGULILA
Pagkat sa LUMBAY N’YA AY NAROON
ANG PAG-ASA.
22. PAG-UULIT (germination)-
kagyat na pag-uulit ng isang
salita saan mang bahagi ng mga
taludtod ng tula.
Hal.
“Taghoy ng pagkasing sa
lambing at timyas ay di naman
taghoy;
Tinghoy na ang ningas ay
nagluluningning
kaya’t hindi tinghoy;
Luoy na talutot na ang angking
bango’y bangong di naluoy;
Lamuymoy ng sintang nang
maging hinaing ay gintong
lamuymoy.”
“Ang Tula”
ni Fernando B.

Monleon
23. PASINTUNOG (onomatopoeia) –
paggamit ng mga salitang kung ano
ang gamit o tunog aysiyang
kahulugan.
Hal.

“Magbuhat na noo’y
pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang
Simbahan;
Saka ang isa pang sa baya’y
gumimbal,
ANG KAMPANANG BASAG NA
BAHAW NA BAHAW
KUNG ANO’T TUNOG SA
MADALING ARAW.
AT ANG TINUGTOG AGUNYAS
NG PATAY;
Saka nang dumating ang
kinabukasan
May PUNTOD nang LIBING SA
HARAP NG ALTAR
“ ANG LUMANG
SIMBAHAN” Florentino Collantes
24. PAGTANGGI (litotes)- ang
salitang HINDI ang pangunahing
hudyat ng ganitong uri ng
tayutay na sa biglang tingin ay
pasalungat, pagtutol o di
pagsang-ayon. Ang ganito, ay
pangkukunwari lamang o
sadyang kabaligtaran ng tunay
na kahulugan.
Hal.
Hindi, sapagkat ang tao ay
marupok!
Hindi nga’t sapagkat s’ya nga
ay alabok!
Madaling magmaliw madaling
mapagod!
PAMANA- Sining ng
Pagkukwento at Pagbigkas ng
Tula
Paz M. Belvez, Ed.D. (2003)

Ang Sining ng Pagbigkas ng Tula

- Ang tula ay isang likha at ang


mga makatang sumusulat ng
tula ay manlilikha. Ang tula ay
paglalarawan ng kagandahan, ng
kariktan, kadakilaan.
- Ito’y naglalarawan ng buhay na
hinango sa guniguni, o sa tunay
na buhay man at ipinahahayag
sa mga piling salita, mga
salitang sa pagsasama-sama’y
nag-aangkin ng tumpak na aliw-
iw at ng indayog.
- Kung ang manunulat ng tula ay
MANLILIKHA, ang bumubigkas ng
mga tula ay nagiging
KAMANLILIKHA niya sapagkat sa
pamamagitan ng wastong pagbigkas
nito, sa mabisang kilos ng katawan,
kumpas ng kamay at bukas ng
mukha ay nailalarawan ng
makatang mambibigkas at lalo
niyang nabibigyang buhay ang
likhang sining ng manlilikhang
makata.
- Sa tulong ng tumpak na
pagbigkas, ng wastong kilos at
angkop na pagkumpas at
paggamit ng himig na katugma
ng damdaming isinasaad ay
napalulutang ang diwa ng tula o
talumpating binibigkas.
PATNUBAY SA PAGBIGKAS NG
TULA

- Naririto ang ilang patnubay na


makatutulong sa wastong
pagbigkas ng tula.

1. TINIG
- Mahalagang puhunan ng isang
mambibigkas ang tinig. May
ilang katangian ang tinig na
nagkakaiba-iba sa bawat tao.
- Iyan ay ang taas o baba ng
tinig, ang diin at ang uri ng
tinig. Ang wastong gamit ng
tinig ay kailangan sa pagbigkas
ng ulat o talumpati. Ang
malabong pagsasalita ay
makasisira sa bisa ng tula o
talumpati.
- Ang paglakas o paghina ng
tinig ay dapat iayon sa diwa ng
tula o talumpati. Ang taginting
ng tinig ay dapat ding ibagay sa
damdaming ipinahahayag.
- Ang tulin ay iniaayon din sa
diwang isinasaad.
- Ang mahalagang bagay sa tula ay
dapat bigkasin nang mariin at
marahan upang bigyan ito ng diin
at pagkakataon ang tagapakinig
na maunawaan itong mabuti.
Kung bahagi ng tulang nagsasaad
ng sunod-sunod na mabilis na
pangyayari, bigkasin ito nang may
katamtamang bilis upang
ipahayag ang mabilis na
pangyayari.
- Isinasaalang-alang din naman
ang kasukdulan ng diwa.
Magsimula muna nang pabilis
hanggang sa marating ang
kasukdulan ng ipinahahayag na
diwa ng saknong.
- Nararapat malaman ng
mambibigkas kung kailan niya
lalakipan ng tindi o bigat ang
kanyang tinig. Ang pag-iiba-iba
ng taas o baba ng tinig, ng diin
o bigat, ng paghina at paglakas
ay mabisang salik sa pagtula at
pagtatalumpati.
- Sa paglalapat ng himig ay dapat
isaalang-alang ang diwa ng tula.
Kailangang angkop sa kaisipang
isinasaad nito. Iwasan ang himig
paawit na tatak ng makalumang
paraan ng pagbigkas. Sa
makabagong paraan ng pagbigkas
ang paglakas at paghina ng tinig
at paghagod sa pagbigkas ay
iaayon sa hinihingi ng diwa ng
tula.
- Ang maliwanag na pagbigkas
ng mga salita ay isang kahingian
sa maayos na pagbigkas. Dapat
na maging matatas at malinaw
sa pagbitiw ng mga salita.
Bigyang pansin ang mga
dulampatinig. Kailangang
mapatunog na mabuti ang mga
salitang may impit na tunog at
bigkasin ng bawat pantig
hanggang sa huli.
2. TIKAS
- Ang tikas ay nakikita sa tindig,
pagkilos ng katawan at
pagkumpas ng mambibigkas
nang maginhawa at maluwag.
- Ang katauhang pantanghalan
ng mambibigkas ay agad na
naipakikilala ng kanyang tikas,
ng kanyang maayos na
pagtindig.
- Ang bigat ng katawan kung
minsan ay dapat na nakasalalay
sa nauunang paa, ngunit kung
patag ang tindig, ang bigat ay
dapat ilagay sa dalawang paa.
Matuwid ang katawan at ulo,
hindi hukot, subalit iwasan
namang maging tindig military,
wika nga, o kaya’y tila isang
babarilin sa harap ng “firing
squad.”
3. HIKAYAT
- Ang isang mabuting
mambibigkas ay nakikilala sa
lakas ng kanyang hikayat sa
madla. Ang asal at kilos ng
mambibigkas sa ibabaw ng
entablado ay mahalaga.
- Sinusuri ng tagapakinig ang
katapatan at pagiging magiliw
ng mambibigkas. Kung ang
kanyang asal at kilos ay
nakapasa sa pagsusuri
magkakaroon ng magandang
reaksyon ang madla sa
mambibigkas, nakikiisa sa
kanya ang madla at ito’y
nakikilala sa pagpalakpak,
pagtawa, masusing pakikinig o
ganap na pananahimik. Kuhang-
kuha ng mambibigkas ang madla
na parang nabatubalani. Ito ang
tinatawag na hikayat.
4. GALAW NG KATAWAN
- Ang galaw ng buong katawan ang
pagtuunan nating una; ang galaw ng
kamay ay tatalakayin sa ilalim ng
pamagat na kumpas ng kamay.
- Ang bawat galaw ng mambibigkas sa
ibabaw ng tanghalan ay nakatatawag
ng pansin ng madla, kayat hindi
dapat na maging labis na magalaw.
Kailangang ang galaw ay natural at
hindi pilit o dili kaya’y artipisyal.
- Ang bawat galaw ng mambibigkas
ay may kahulugan. Ang hakbang
na pasulong halimbawa ay
nagsasaad na may isang
mahalagang kaisipang
babaginggitin ng mambibigkas.
- Iwasan ang pagiging magalaw.
Hindi magandang tingnan ang
pagpapabalik-balik sa kaliwa at
kanan ng tanghalan sa unahan at
sa dakong likuran ng tanghalan.
- Nawawalan ng konsentrasyon
sa pakikinig ang madla. Ang
labis na pagkamagalaw sa
tanghalan, lubha pa at hindi
naman kailangan ay
nakatutulong sa pagbaba ng
hikayat ng mambibigkas sa
madla.
5. KUMPAS NG KAMAY
- Malaki ang naitutulong ng
wastong kumpas sa masining at
mabisang pagbigkas ng tula.
- Nakatutulong ito sa
pagpapaigting ng damdaming
isinasaad ng tula. Tandaang ang
kumpas ay nagiging mabisa
kung angkop at nasa lugar.
- Ang mabuting kumpas ay
maluwag at maginhawa. Ito ay
natural, hindi pabigla-bigla. Ang
bisig parang naninigas.
- Hindi rin naman iyong kumpas
ng kaliwa, kumpas ng kanan,
kumpas ng kaliwa, kumpas ng
kanan na tila sumasayaw o
lumalangoy.
- May hangganan din ang galaw
ng kamay. Samakatwid, ang
kanang kamay ay sa kanan at
ang kaliwa ay sa kaliwa. Hal.,
maaari lamang kumabila sa
kaliwang bahagi ng katawan ang
kanang kamay kung itinuturo sa
puso.

You might also like