You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

Aralin 1: KAHULUGAN,
KALIKASAN AT KATANGIAN NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
PAGSULAT SA FILIPINO SA
PILING LARANG (TVL)
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• ITO AY NAGTATAGLAY NG TIYAK NA ANYO NA
NAKAPOKUS SA PASULAT AT PASALITANG DISKURSO.
• SINASAKLAW RIN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL ANG
PAGGAMIT NG VIDEO, AUDIO, SLIDES AT IBA PANG URI
NG MULTIMEDIA NA KAGAMITAN.
• ITO ANG HINAHANAP NA KATANGIAN NG MGA
KOMPANYA SA PAGKUHA NG EMPLEYADO, ANG
KASANAYAN SA KOMUNIKASYONG TEKNIKAL.
• HINDI LANG NAKATUON SA PASALITA KUNDI LALO'T
HIGIT SA PASULAT NA KORESPONDENSYA.
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

• ITO AY ISANG ESPESYALISADONG ANYO NG


KOMUNIKASYON. KARANIWAN NA ITONG
NAIHAHALINTULAD SA IBA PANG URI NG MGA
SULATIN BAGAMAN ITO'Y MAY TIYAK NA
AWDIYENS, LAYUNIN, ESTILO, PORMAT,
SITWASYON, NILALAMAN, AT GAMIT NA
SIYANG PANGUNAHING ELEMENTO NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL
• AWDIYENS- NAGSISILBING TAGATANGGAP NG
MENSAHE AT MAAARING SIYA AY TAGAPAKINIG,
MANONOOD, O MAMBABASA.
• LAYUNIN- ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT
KINAKAILANGANG MAGANAP ANG PAGPAPADALA NG
MENSAHE.
• ESTILO- KINAPAPALOOBAN ITO NG TONO, BOSES,
PANANAW, AT IBA PANG PARAAN KUNG PAPAANONG
MAHUSAY NA MAIPADALA ANG MENSAHE.
• PORMAT- TUMUTUKOY ITO SA GINABAYANG
ESTRUKTURA NG MENSAHENG IPADADALA.
• SITWASYON- PAGTUKOY ITO SA ESTADO KAUGNAY
SA LAYUNING NAIS IPARATING NG MENSAHE.
• NILALAMAN- DITO NAKASAAD ANG DALOY NG
IDEYA NG KABUUANG MENSAHE NG KOMUNIKASYON.
• GAMIT- ITO ANG PAGPAPAKTA NG HALAGA KUNG
BAKIT KINAKAILANGAN NA MAIPADALA ANG MENSAHE.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL

• ORYENTASYONG
NAKABATAY SA AWDIYENS-
PAGSULAT PARA SA AWDIYENS. ANG
MENSAHE AY KINAKAILANGANG MULA SA
PANANAW NG AWDIYENS AT HINDI SA
MANUNULAT.
• NAKAPOKUS SA SUBJECT-
HIGIT NA BINIBIGYANG-PANSIN ANG
PANGUNAHING PAKSA NG USAPAN DAHIL DITO
IBINABATAY ANG LAHAT NG IMPORMASYONG
SANGKOT SA PAGTALAKAY.
• KUMAKATAWAN SA
MANUNULAT- NAGPAPAKILALA KUNG
ANO AT SINO ANG SUMULAT O ANG
KULTURA NG ORGANISASYONG KANYANG
KINABIBILANGAN. TINATAWAG DIN ITONG
BRANDING NA NAGSISILBING
PAGKAKAKILANLAN O IDENTIPIKASYON.
• KOLABORASYON- MAITUTURING
ITONG PROSESO TUNGO SA MAHUSAY NA
PAGBUO NG ANUMANG URI NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL. DITO
NAGSASAMA-SAMA ANG IBA’T IBANG
INDIBIDWAL NA MAY MAGKAKAIBANG
KASANAYAN SA PAGBUO NG
KOMUNIKASYONG INAASAHAN.
• 1. PAANO NAGING APPLIED NA URI NG
KOMUNIKASYON ANG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL?
• 2. ISA-ISAHIN ANG KAIBAHAN NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL SA
AKADEMIKO.
• 3. IPALIWANAG ANG IBIG SABIHIN NG
IDEYANG, “MAGSULAT PARA SA
AWDIYENS.”
SANGGUNIAN:

Filipino sa Piling Larangan (Tech Voc) Rex Book


Store PP. 1-8
MARAMING SALAMAT SA PAKIKIBAHAGI!

INIHANDA NINA:
JOHN CARLOS B. TAJON,
TEACHER II-LUSSOC NATIONAL HIGH SCHOOL
JASMIN T. PASCUA,
TEACHER II-SINAIT NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like