You are on page 1of 39

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

Aralin 2: PAGBUO
NG MANWAL
Pagbuo ng
Manwal
PAANO LIMUTIN ANG TAONG
MINSANG NAGPANGITI AT
NAGPATIBOK SA IYONG PUSO?
• BURAHIN LAHAT NG
MAGPAPAALALA SA'YO SA KANYA
NA MINSANG NAGPANGITI AT
NAGPAKILIG SA'YO.
• IWASAN ANG PAG-STALK SA
KANYA SA SOCIAL MEDIA.
• SANAYIN ANG SARILI SA MGA
BAGAY NA HINDI MO GINAGAWA
NOONG KAPILING MO PA SIYA.
• ITATAK SA ISIPAN ANG BAGONG
BUHAY NA IYONG BINUBUO
NGAYON NA HINDI NA SIYA
KASAMA.
• BUKSAN ANG PUSO'T ISIPAN SA
MGA PAGBABAGO SA IYONG
BUHAY AT SA MGA TAONG
GUSTONG PASUKIN ANG IYONG
MUNDO.
• MAGPOKUS SA PAG-AARAL
•MAG-ENJOY, TUMAWA,
MAKIPAGKULITAN, MAKISAMA,
MAMASAYAL AT KUMAIN KASAMA
ANG MGA KAIBIGAN AT PAMILYA.
• IBAHIN ANG IYONG PRIYORIDAD
AT TAONG NASA IYONG ISIPAN
HABANG TINUTUPAD MO ANG
IYONG MGA PANGARAP SA
BUHAY.
• AT PANGHULI, ITATAK SA ISIPAN
NA ANG TAONG INAKALA MONG
PANGHABAMBUHAY AY ISA LANG
PALA SA MGA TULAY UPANG
MAKILALA MO ANG TUNAY NA
TAONG MAGPAPAALALA SA'YO
KUNG GAANO KA KASAYANG NA
PINAKAWALAN KA NIYA AT
GAANO SIYA KASWERTE NA
NAHULOG KA SA KANYA.
ANG MANWAL...
• ITO AY MGA PASULAT NA GABAY O
REPERENSIYANG MATERYAL NA
GINAGAMIT SA PAGSASANAY, PAG-
OORGANISA NG MGA GAWAIN SA
TRABAHO, PAGBUO NG MGA
MEKANISMO, PAGPAPATAKBO NG
KAGAMITAN O MAKINARYA,
PAGSESERBISYO NG MGA PRODUKTO
O PAGKUKUMPUNI NG MGA
PRODUKTO.
ANG MANWAL...

• ITO AY NAGTUTURO SA ISANG TAO


KUNG PAANO GAGAMITIN O GAGAWIN
ANG ISANG BAGAY.
ANG MANWAL...

• ITO AY NAGBIBIGAY NG MGA PANUTO


PARA SA MGA KOMPLIKADONG
GAWAIN KATULAD NG PAGSASAAYOS
NG MGA KOMPLEKS NA KAGAMITAN.
MGA IBA'T IBANG URI NG
MANWAL AYON SA GAMIT:

• MANWAL NG PAGBUO (ASSEMBLY


MANUAL)- PARA SA KONSTRUKSIYON
O PAGBUO NG ISANG GAMIT,
ALIGNMENT, CALIBRATION, TESTING,
AT ADJUSTING NG ISANG
MEKANISMO.
• MANWAL PARA SA GUMAGAMIT O
GABAY SA PAGGAMIT (USER
MANUAL O OWNER'S MANUAL-
NAGLALAMAN NG GAMIT NG
MEKANISMO, ROUTINE MAINTENANCE
O REGULAR NA PANGANGALAGA AT
PAGSASAAYOS NG MGA KAGAMITAN,
AT MGA PANGUNAHING OPERASYON
O GAMIT NG ISANG MEKANISMO.
• MANWAL NA OPERASYON
(OPERATIONAL MANUAL)- KUNG
PAANO GAMITIN ANG MEKANISMO AT
KAUNTING MAINTENANCE.
• MANWAL-SERBISYO (SERVICE
MANUAL)- ROUTINE MAINTENANCE
NG MEKANISMO, TROUBLESHOOTING,
TESTING, PAG-AAYOS NG SIRA, O
PAGPAPALIIT NG DEPEKTIBONG
BAHAGI.
• TEKNIKAL NA MANWAL (TECHNICAL
MANUAL)- NAGTATAGLAY NG
ESPESIPIKASYON NG MGA BAHAGI,
OPERASYON, CALIBRATION,
ALIGNMENT, DIAGNOSIS, AT PAGBUO.
• MANWAL PARA SA PAGSASANAY
(TRAINING MANUAL)- GINAGAMIT SA
MGA PROGRAMANG
PAMPAGSASANAY NG PARTIKULAR
NA MGA GRUPO O INDIBIDWAL.
KOMPONENT NG MANWAL
• TIYAK NA DEPINISYON
• DESKRIPSIYON NG MGA
MEKANISMO
• SUNOD-SUNOD NA MGA
HAKBANG O INSTRUKSYON
• PAGSUSURI NG MGA PROSESO
AWDIYENS

• PANGUNAHING KONSIDERASYON SA
PAGBUO NG MANWAL PARA SA
GUMAGAMIT.
• ANG WIKA AT TEKNIKAL NA DETALYE
AY DAPAT NA ANGKOP AT
NAUUNAWAAN NG INAASAHANG
GAGAMIT NG ISANG PRODUKTO O
MEKANISMO.
AWDIYENS

• KAILANGAN NG DESKRIPSIYON NG
MEKANISMO, DEPINISYON NG MGA
TERMINO, INSTRUKSIYON SA
PAGPAPAGANA AT SOLUSYON SA
MGA POSIBLENG PROBLEMA SA
OPERASYON NG PRODUKTO.
• KAILANGAN DIN ANG GRAPIKONG
ILUSTRASYON.
AWDIYENS

• KAHIT GAANO PA KAKOMPLIKADO


ANG ISANG PRODUKTO O
MEKANISMO, KAILANGANG GAWING
MALINAW, SIMPLE AT TIYAK ANG
WIKA.
• IKONSIDERA ANG PAGPAPAIKLI NG
MGA SALITA O MGA SIMBOLONG
GAMIT SA MANWAL.
DISENYO (GABAY SA PAGBUO NG ISANG
MABISANG MANWAL).

• MADALING BASAHIN AT SUNDAN ANG MGA


PANUTO.
• MAY KAAKIT-AKIT NA DISENYO.
• MAY MGA ILUSTRASYON UPANG PALAWAKIN
ANG PAG-UNAWA NG MAMBABASA.
• MAGAGAMIT NA RPERENSIYA SA HINAHARAP.
• NAGLALAMAN NG TUNGKOL SA MGA PAKSA,
GAWAIN, PAMAMARAAN AT IBA PANG
IMPORMASYONG NAKAAYOS SA LOHIKAL NA
PAGKAKASUNOD-SUNOD.
BALANGKAS NG ISANG MANWAL O
GABAY SA PAGGAMIT

1. PABALAT NA PAHINA- KAILANGANG


MAY MALINAW NA PAMAGAT.
SUMASAGOT SA TANONG NA,
“TUNGKOL SAAN ANG MANWAL NA ITO?”
O “ANO ANG NILALAMAN NG MANWAL?”
•MAAARING MAY DISENYO.
2. TALAAN NG NILALAMAN- DITO
ITINATALA ANG MGA PAHINA AT ANG
PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA
GAWAIN SA LOOB NG MANWAL.
3. INTRODUKSIYON- NAGPAPALIWANAG
TUNGKOL SA ANO-PAANO-SINO.
•ANO ANG NILALAMAN NG MANWAL O
TUNGKOL SAAN?
•PAANO GAMITIN ANG MANWAL?
•SINO ANG GAGAMIT O PARA KANINO
ANG MANWAL?
4. NAVIGATION TIPS- PAHINA NA MAY
BISWAL NA SIMBOLO NA MAGAGAMIT
UPANG UNAWAIN ANG MGA BAHAGI NG
MANWAL.
NAVIGATION TIPS

• A. GAMIT AT TUNGKULIN
• DITO NAKALAHAD KUNG PAANO
GINAGAMIT O SAAN GINAGAMIT ANG
ISANG BAGAY.
–SAKLAW
–TAKDANG GAMIT
–DESKRIPSIYON
–ESPESIPIKASYON
NAVIGATION TIPS

• B. PRINSIPIYO NG OPERASYON
• BINABANGGIT DITO KUNG ANO ANG
DISENYO AT KUNG BAKIT ITO
IDINISENYO NANG GAYON.
–INTRODUKSIYON
–TEORETIKAL NA KALIGIRAN
–GAMIT NG INSTRUMENTO
–PAGSUSURI NG DATOS
NAVIGATION TIPS

• C. INSTRUKSIYON SA OPERASYON
• DITO INILALAGAY ANG SINUSUNOD NA
MGA PANUTO AT PAMAMARAAN SA
PAGGAMIT NG BAGAY O KUNG PAANO
GAMITIN O PAAANDARIN ANG MGA ITO.
–ANG GUMAGAMIT
–MGA KONTROL AT INDIKASYON
–PAMAMARAAN SA PAGSISIMULA
–MGA HAKBANG SA PAGGAMIT
NAVIGATION TIPS
• SERBISYO AT PAGMEMENTENA
• DITO NAKASULAT ANG MGA PARAAN
NG PAGSASAAYOS NG GAMIT O
INSTRUMENTO KUNG SAKALING
MAGKAROON NG ANUMANG DI-
INAASAHANG PROBLEMA SA PAGGAMIT
DITO. NAKALAGAY RIN DITO KUNG
SAAN ANG MGA LUGAR NA MAAARING
PUNTAHAN
–KARANIWANG PROBLEMA
–SIMPLENG SOLUSYON
5. APENDIKS- ITO ANG MGA KALAKIP
NA DOKUMENTONG MAY KAUGNAYAN
SA KABUUAN NG NILALAMAN NG
MANWAL.

•A. GLOSARYO PARA SA MGA TERMINO


•B. TALAHANAYANG REPERENSIYA
6. BIBLIYOGRAPIYA- PAALPABETONG
TALAAN NG MGA REPERENSIYA O MGA
BINASANG DOKUMENTO, LUMILITAW O
NABABANGGIT MAN ANG MGA ITO SA
MISMONG PAPEL NG MANWAL O HINDI.
MGA PAYO SA PAGBUO NG MANWAL

• GUMAMIT NG MGA PAYAK NA SALITA.


• BUUIN ANG MGA AKRONIM SA UNANG
BANGGIT.
• MAGING KONSISTENT SA PAGGAMIT
NG TERMINOLOHIYA, TONO, AT
ESTILO NG PAGSULAT.
• GUMAMIT NG MAIIKLING
PANGUNGUSAP AT PARIRALA.
• GUMAMIT NG NUMBERED LISTS.
SANGGUNIAN:

Filipino sa Piling Larangan (Tech Voc)


Rex Book Store PP. 168-175
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKIBAHAGI!

INIHANDA NINA:
JOHN CARLOS B. TAJON,
TEACHER II-LUSSOC NATIONAL HIGH SCHOOL
JASMIN T. PASCUA,
TEACHER II- SINAIT NATIONAL HIGH SCHOOL

You might also like