You are on page 1of 31

AN TE A T LA

OR AY SELYA UR
FL K A
NILALAMAN
TALASALITAAN KAHULUGAN
para KAY ng Saknong 1-
SELYA 22-
KAY SELYA
MBRO NG GR
IYE UP
M O

Asher Mendel Narca Noriel Kim Cagara Rafael Oligario


KAY SELYA: B
RA UO
PA D
Ang araling ito ay tungkol sa isang lalaking nagngangalang
Balagtas na umiibig sa isang babaeng nagngangalang Selya.
Nagkaroon sila ng magagandang pagkakataon na magkasama,
ngunit sa huli ay natapos ang kanilang pag-iibigan at labis na
ikinalungkot ni Balagtas. Halos gusto na niyang mawala dahil sa
sobrang sama ng loob niya. Ngunit dahil sa karanasang ito,
gumawa din siya ng isang napakagandang kuwento na
tinatawag na Florante at Laura.
AL A S AL ITA AN
T PARA KAY SELYA
karalitaan
pagsaulan kahirapan namugad
pagbalikan,alalahanin namahay
suyuan
mahahagilap pag-iibigan namamanglaw
mahahanap nalulungkot
hilahil
pinanganganiban pasanin, suliranin pinsel
kinakakatakutan brotsa o brush na
himutok gamit sa pagpipinta
hinanakit
Kahulugan ng
PARA KAY SELYA
Saknong 1-22
Unang Saknong
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Kahulugan
Sobrang mahal ni Balagtas si Selya sa puntong si Selya
lamang ang iniisip niya kapag naiisip niya ang
pagmamahal.
Pangalawang Saknong
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim nakaralitaan
Kahulugan
Kinatatakutan ni Balagtas na baka makalimutan ni Selya
ang kanyang pagmamahal para sa kanya
Ikatlong Saknong
Makaligtaan ko kayang dibasahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
Kaniyang pagsintang ginugol saakin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Kahulugan
Naaalala niya ang mga masasayang alaala nila ni Selya, at
pareho silang may kontribusyon sa kanilang pag-iibigan
Ikaapat na Saknong
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
Kahulugan
Lumipas ang mga masasayang panahon nilang dalawa hanggang
sa pag-ibig nalang ang natira, at hindi raw mawawala ang
kanyang pagmamahal para kay Selya hanggang sa mamatay siya
Ikalimang Saknong
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.
Kahulugan
Ngayong mag-isa nalang siya, ang tanging pang-aliw na
lamang niya ay ang mga alaala nila.
Ikaanim na Saknong
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan saakin,
at di mananakaw magpahanggang libing
Kahulugan
Ang larawan at alaala ni Selya ay hindi mawawala sa
kanyang puso at isip hanggang kamatayan niya, at ang
larawang ito na lamang ang naiwang alaala sa kanya
Ikapitong Saknong
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan;
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw
Kahulugan
Inaalala ni Balagtas ang mga alaala nila sa Ilog Beata kung
saan pinipitasan ni Balagtas ang mga prutas mula sa puno
ni Selya
Ikawalong Saknong
Di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
Kahulugan
Inaalala ni Balagtas ang mga alaala o mga ginagawa nila ni
Selya noon.
Pang siyam na Saknong
Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring-Langit,
Paraiso naman ang may tulong-silid.
Kahulugan
Nangulila si Balagtas kay Selya nang magkasakit siya
Pang sampung Saknong
Liniligawan ko ang iyong larawan
sa Makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang do’ngan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
Kahulugan
Binabalikan ni Balagtas ang mga alaala nila ni Selya
Ika Labing-isang Saknong
Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Kahulugan
Tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit hindi pa
niya pinakasalan noon si Selya, itinuturo rin ng saknong
na ito ang kahalagahan ng pagiging maagap.
Ika Labindalawang Saknong
Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Kahulugan
Nagtatampo si Selya dahil tatlong araw na hindi silang
nagkikita pero sabi naman ni Balagtas ay kapag nagkikita
naman sila ay puno ng sorpresa
Ika Labintatlong Saknong
Anupa nga’t walang di nasisiyasat
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha’y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!"
Kahulugan
Heto na ang panahong nagkahiwalay silang dalawa
Ika Labing-apat na Saknong
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib,
ang suyuan nami’y bakit dilumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
Kahulugan
Kung mawawala rin naman daw si Selya, sana ay pinatay
nalang din siya
Ika Labinlimang Saknong
Bakit baga noong kami’ymaghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di ka mapaparam
Kahulugan
Bakit daw pinaghiwalay sila ni Selya, kahit na
pinaghiwalay sila, hindi mawawala si Selya sa puso niya
Ika Labing-anim na Saknong
Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako’yt umula,
awitin ang buhay ng isang naaba
Kahulugan
Hindi makaya ni Balagtas ang pagkakahiwalay nila ni
Selya, at inilarawan ni Balagtas and kanyang buhay bilang
pinagkaitan siya ng karapatang maging masaya
Ika Labinpitong Saknong
Selya’y talastas ko’t malabis na umid
mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig;
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga’tisip
Kahulugan
Inilalarawan si Selya bilang isang mahiyain, tahimik at may
malumbay na tinig, at maaaring di makasiya kay Selya ang
tula (awit) ngunit dalangin niya na ito ay kanyang dinggin
Ika Labingwalong Saknong
Ito’y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod natapat
Kahulugan
Sana raw tanggapin ni Selya ang gawa niya kahit
mukhang walang saysay dahil ito ay mula sa puso ni
Balagtas
Ika Labingsiyam na Saknong
Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop
tubo ko’y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaringnaghahandog
Kahulugan
Sana raw ay alalahanin ni Selya na pinaghirapan niya ang
tula na ito, at inihahandog ito (tula) ni Balagtas para sa
kanya
Ika Dalawampung Saknong

Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,


Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musakong imbi
Ika Dalawampu't-isang Saknong

Ahon sa dalata’t pampang nanagligid,


tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid,
tapat na pagsinta’y hangad nalumawig
Ika Dalawampu't-dalawang Saknong

Ikaw na bulaklak niring dilidili,


Selyang sagisag mo’y ang M. A.R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.R.
Kahulugan ng Saknong 20,21, at 22

Hinihiling niya kay Selya na siya ay ipagdasal sa


Mahal na Birhen at Panginoon, tuwirang
inilarawan si Selya sa isang bulaklak
Salamat!

You might also like