You are on page 1of 137

SINTAKSIS

Panggitnang Aralin 2
FILI2
Sintaksis
Ang PANGUNGUSAP ay isang
sambitlang may patapos na himig
sa dulo.
Ang patapos na himig na ito ang
nagsasaad na naipahayag na ng
nagsasalita ang isang diwa o
kaisipang nais niyang ipaabot sa
kausap (Santiago, 2003)
Nanay!
Panawag
Aray!
Pagsasaad ng Damdamin
Sulong.
Pag-uutos
Magandang umaga po.
Panlipunan
Opo.
Panagot
Umuulan kanina.
Penomenal
Maraming magaganda sa Cavite.

Nagsasalaysay
MGA URI NG
PANGUNGUSAP
1
“ 1.1. Mga Uri ng
Pangungusap
batay sa Layon
Ang layuning ng mga pangungusap na ito ay
magpakita o maglarawan ng anyo ng isang
paksa.

Maaari din nitong ilarawan kung ano ang


ginawa, ginagawa, at gagawin ng isang paksa.

Nilalarawan din nito ang kalagayan ng isang


paksa.
Naglalahad ito ng
KATOTOHANAN at
pangyayari.

Lagi silang nagtatapos sa


bantas na tuldok [ . ].
Ang mga pangungusap na ito ay:
Naglalarawan
Nagsasalaysay
Naglalahad
Nangangatuwiran
Naglalarawan Ang layunin dito ay ipakita ang
ayos, hugis, anyo, at kulay ng
mga:
Tao / hayop
pook
pangyayari
damdamin
Naglalarawan
Matamlay ngayon
ang mga bata nang
nalaman nilang hindi
na tuloy ang
swimming.
Naglalarawan
Ang aso ng aming
kapitbahay ay
malaki, matapang,
at nangangagat.
Naglalarawan Matapang si Jerome.

Pula ang aking panyo.

Mabulaklak ang hardin


ni Jenny.
Nagsasalaysay
Ang pangungusap
na gumagamit ng
mga pandiwa at
nagsasalaysay ng
mga pangyayari.
Nagsasalaysay
Sinamahan ko siya
noong kailangan niya
ng kausap.

Iniwan niya ako.


Nagsasalaysay
Nagrambulan kahapon
ang mga basketbolista.

Inawat sila ng kanilang


mga kakampi.
Nagsasalaysay
Sulong nang sulong ang
mga nagpoprotesta.

Nag-atrasan sila nang


dumating ang mga
sundalo.
Naglalahad Ang mga pangungusap na
naglalahad ay may layuning
magpaliwanag o maglinang
ng isang gawain, proseso,
pangyayari, salita,
kahulugan, o konsepto.
Naglalahad Sa pagluluto, tiyaking
ihanda muna ang
kagamitang gagamitin at
ang mga sangkap na
kakailanganin upang hindi
maantala ang ginagawa.
Naglalahad Kapag nagco-code, siguraduhing batid
ang mga pangunahing kaalaman. Ang
kaalamang natutunan sa simula ng
inyong pag-aaral ng coding ay
makatutulong sa inyong magkaroon
ng batayan sa mga mas kumplikadong
paksa sa hinaharap.
Nangangatuwiran
Ang mensahe rito ay
nanghihikayat o
nangungumbinsi na
tanggapin ng kausap
ang isang ideya o
kaisipan.
Nangangatuwiran
Upang maabot ang
layuning ito, kailangang
mayroong pantulong na
ideya o matibay na
katuwiran para sa
pangunahing ideya.
Nangangatuwiran
Mas magaling magluto si
Jan-Jan kumpara kay
Bernie sapagkat mas
marami siyang kostumer
na bumabalik sa kaniyang
restawrant.
Nangangatuwiran
Kung ako ang iboboto
Ninyo sa susunod na
eleksyon, sinisigurado
ko na lahat ng tao ay
aahon sa kahirapan.
“ 1.2. Mga Uri ng
Pangungusap
batay sa Gamit
Batay sa Gamit
▫ Batay sa gamit, ang isang
pangungusap ay maaaring:
PATUROL
▫ PATANONG
▫ PAUTOS / PAKIUSAP
▫ PADAMDAM
Paturol
Ito ay payak na
pagsasalaysay ng
isang kaganapan o
kalagayan ng isang
paksa.
Paturol Si Norberto ay
nahuling nanunugkit
ng damit sa sampayan
ng kaniyang
kapitbahay.
Paturol
Ang mundo ay
umiikot sa sarili
nitong axis.
Paturol
Mahal na mahal
ni Danzel si
Jeralyn.
Patanong Ito ay pag-uusisa tungkol
sa isang katotohanan o
pangyayari. Ginagamitan
ito ng bantas na tandang
pananong [?].
Patanong
Kung bibili ako
ng sasakyan,
bakit mahal pa
rin kita?
Patanong
Sino ang dapat
sisihin?
Patanong
Kailan tayo
kakain sa labas?
Pautos /
Pakiusap Ang pautos ay
nagpapahayag ng
obligasyong dapat
tuparin.
Pautos / Samantala, ang
Pakiusap
pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-
utos sa magalang na
pamamaraan.
Pautos

Takbo.
Pautos
Umupo ka
riyan.
Pautos
Pakopyahin
mo ako.
Pakiusap
Maaari mo
bang iabot ang
baso?
Pakiusap
Pakipatong na
lang iyan sa
aking mesa.
Pakiusap
Kaya mo bang
ipamalengke
ang tatay?
“ 1.3. Mga Uri ng
Pangungusap
batay sa Anyo
Batay sa
Anyo
▫ Batay sa anyo, ang
pangungusap ay maaaring:
PAYAK
▫ TAMBALAN
▫ HUGNAYAN
▫ LANGKAPAN
Payak
Ang payak na
pangungusap ay
nagpapahayag ng
isang kaisipan
lamang.
Payak
Maraming
pumunta sa
tindahan.
Payak
Katakut-takot ang
hirap na dinanas ng
mga Pilipino sa
kamay ng mga
dayuhan.
Payak
Maglalaba ako.
Payak
Ang payak na
pangungusap ay
nagpapahayag ng
isang kaisipan
lamang.
Tambalan Ang tambalan naman ay
nagpapahayag ng
dalawang magkaugnay
na kaisipan.
Tambalan Gumagamit ito ng mga
pangatnig upang
pagdugtungin ang mga
kaisipan.
(at, ngunit, habang,
subalit, atbp.)
Tambalan Unang Kaisipan

Maglalaba ako.
Ikalawang Kaisipan

Naglilinis ang aking


kapatid.
Unang Kaisipan
Tambalan
Maglalaba ako.
Pangatnig

habang
Ikalawang Kaisipan

Naglilinis ang aking


kapatid.
Tambalan
Maglalaba ako
habang
naglilinis ang aking
kapatid.
Unang Kaisipan
Tambalan
Hindi ako susuko.
Pangatnig

dahil
Ikalawang Kaisipan

Kaya kong magtiis.


Tambalan
Hindi ako susuko
dahil
kaya kong magtiis.
Tambalan Unang Kaisipan

Tinutulungan ni Carol ang kaniyang


pamilya.
Pangatnig

kahit
Ikalawang Kaisipan
Maliit lang ang kaniyang sahod.
Tambalan
Tintulungan ni Carol ang
kaniyang pamilya
kahit
maliit ang kaniyang
sahod.
Hugnayan Ang hugnayan ay binubuo ng
isang malayang sugnay at
isang di-malayang sugnay.
Kadalasan, pinagdurugtong
ng salitang “kung”.
Hugnayan:
Malayang Malayang sugnay:
Sugnay Mayroon itong simuno
at panaguri at
nagpapahayag ng isang
buong ideya.
Hugnayan: • Umalis nang maaga si Jaime.
• Binigyan ng tsokolate ni Dante si Mina.
Malayang • Walong biik ang inihanda para sa kaarawan
Sugnay niya.
• Pupunta ng simbahan sina Jules at Romina.
• Nagluto ng hapunan ang nanay.
• Nagtinda ng buko ang magkapatid sa parke.
• Binigyan siya agad ng pera ni Aling Pasing.
• Sa bayan na mag-aaral si Rommel.
• Tumalon ng mataas ang bata nang walang
takot.
• Kunin mo ang kumot sa kama.
Hugnayan: Di-malayang sugnay:
Di-malayang
Sugnay Hindi ito nagpapahayag
ng isang buong ideya.
Minsan walang simuno,
minsan naman walang
panaguri.
Hugnayan: Di-malayang sugnay:
Di-malayang • Kung pupunta ka
Sugnay • Sakaling uulan mamaya
• Kahit hindi pa siya tapos
• Kung darating ang mag-ama
• Kahit gabihin pa
• Sakaling darating sila Rey
• Kahit wala pa ang doktor
• Kung aalis siya nang maaga
• Sakaling papayag ang ahente mo
• Kahit wala kang pera
Hugnayan Malayang Sugnay
Baka bukas magbayad na siya.
Di-malayang sugnay

kung hindi man ngayon


Hugnayan
Baka bukas magbayad na siya

kung hindi man ngayon.


Hugnayan
Kung hindi man ngayon,

baka bukas magbayad na


siya.
Hugnayan Malayang Sugnay

Matapang niyang sinagot ang isyu.


Di-malayang sugnay

nang may napabalitang


nagkahiwalayan na raw sila
Hugnayan
Matapang niyang sinagot
ang isyu
nang may napabalitang
nagkahiwalayan na raw
sila.
Hugnayan
Nang may napabalitang
nagkahiwalayan na raw
sila,
matapang niyang
sinagot ang isyu.
Hugnayan Malayang Sugnay

Sana sinabi mong ‘ayokong


kaibigan lang’.
Di-malayang sugnay

kahit kunwari man lang


Hugnayan
Sana sinabi mong ‘ayokong
kaibigan lang’
kahit kunwari man
lang
Hugnayan
Kahit kunwari man lang,

sana sinabi mong ‘ayokong


kaibigan lang’.
Langkapan Ang pangungusap na
langkapan ay binubuo ng
dalawang (2) malayang
sugnay at isang (1) di-
malayang sugnay.
Langkapan Malayang Sugnay (1)

Magsasamgyupsal sina Jake at Rizza


Malayang sugnay (2)

Bibili sila ng grocery.


Di-malayang sugnay (1)

kung hindi uulan mamaya


Langkapan Malayang Sugnay (1)

Magsasamgyupsal sina Jake at Rizza


Pangatnig

at
Malayang sugnay (2)

Bibili sila ng grocery.


Di-malayang sugnay (1)

kung hindi uulan mamaya


Langkapan
Magsasamgyupsal sina Jake at Rizza

at
bibili sila ng grocery
kung hindi uulan mamaya.
Langkapan Malayang Sugnay (1)

Pinamanahan ng bahay si Ronald.


Pangatnig

subalit
Malayang sugnay (2)

Tinanggalan ng mana si Kurt


Di-malayang sugnay (1)

kahit sila ay tunay na magkapatid


Langkapan
Pinamanahan ng bahay si Ronald
subalit
tinanggalan ng mana si Kurt
kahit sila ay tunay na
magkapatid.
MGA BAHAGI NG
PANGUNGUSAP
2
Mga Bahagi

SIMUNO/PAKSA

PANAGURI
SIMUNO/
PAKSA Ito ang bahagi ng
pangungusap na
pinagtutuunan ng pansin
sa loob ng pangungusap.
PANAGUR
I Ito naman ang bahagi ng
pangungusap na nagbibigay
ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa
paksa.
Halimbawa:

Si Lyn ay manonood ng sine.


Simuno Panaguri
Halimbawa:

Manonood ng sine si Lyn.


Panaguri
Simuno/Paksa
Halimbawa:

Sine ang papanoorin ni Lyn.


Panaguri
Simuno/Paksa
Ugnayan ng
Pandiwa at Paksa
3
Ugnayan ng
Pandiwa at Dito ipinapakita kung
Paksa
ano ang RELASYON ng
paksa at ng pandiwa sa
loob ng pangungusap.
Ugnayan ng
Pandiwa at PAKSA = pinag-uusapan
Paksa
sa pangungusap
PANDIWA = kilos sa loob
ng pangungusap
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa Pinatong niya ang pera sa
Pandiwa
Paksa

ibabaw ng mesa.
Ugnayan ng Tagaganap
Pandiwa at
Layon
Paksa
Ganapan
Tagatanggap
Kagamitan
Sanhi
Direksyon
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Kumain ng suman ang bata.
Pandiwa Tagaganap

TAGAGANAP

“Sino ang
kumilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Si Rick ay nagtimpla ng juice.
Tagaganap Pandiwa

TAGAGANAP

“Sino ang
kumilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Kumain ng suman ang bata.
Pandiwa Layon

LAYON

“Ano/Sino ang
tumanggap sa
pandiwa?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Ako ay bibili ng bagong cellphone.
Pandiwa Layon

LAYON

“Ano/Sino ang
tumanggap sa
pandiwa?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Nagkakilala kami sa Facebook.
Pandiwa Ganapan

GANAPAN

“Saan
naganap ang
kilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Sa CCT idinaos ang seminar.
Ganapan Pandiwa

GANAPAN

“Saan
naganap ang
kilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Nilibre ko si Clarence ng kape.
Pandiwa Tagatanggap

TAGATANGGAP

“Sino ang
makikinabang?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Nag-order ng McDo si Coach para
Pandiwa

TAGATANGGAP
sa kanyang mga players.
Tagatanggap

“Sino ang
makikinabang?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Paksa: Ipinampunas ko ng lababo ang basahan.
Kagamitan
Pandiwa

KAGAMITAN

“Ano ang ginamit


para magawa ang
kilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Binungkal ang lupa sa pamamagitan ng asarol.
Paksa: Pandiwa Kagamitan

KAGAMITAN

“Ano ang ginamit


para magawa ang
kilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Nangutang si Rowena kay Gerald
Paksa: Pandiwa
dahil nahulugan
Sanhi
siya ng pitaka.
SANHI

“Ano ang dahilan


sa likod ng
pagkilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Iniwan niya si Ligaya
Paksa: Pandiwa
gawa nang may ibang
Sanhi
na siyang mahal.
SANHI

“Ano ang dahilan


sa likod ng
pagkilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Naglakad na lang kami papunta sa bayan.
Paksa: Pandiwa Direksyon

DIREKSYON

“Saan ang tungo


ng kilos?”
Ugnayan ng
Pandiwa at
Tumakbo siya patungo sa akin.
Paksa: Pandiwa Direksyon

DIREKSYON

“Saan ang tungo


ng kilos?”
Pagpapalawak ng
Pangungusap
4
Pagpapalawak
ng
Pangungusap Ang mga maaaring
gamiting pampalawak ng
pangungusap ay:
PANINGIT at
PANURING
Mga Paningit
4.1
Pagpapalawak
ng
Pangungusap Mga Paningit:
Ba Kasi Ho/Po
Kasi Naman Lamang/Lang Sana
Kaya Nga Man Tuloy
Daw/raw Pa Muna Yata
Din/rin Pala
Pagpapalawak
ng
Pangungusap
Maaring ilagay ang
mga paningit sa
unahan ng ‘ka’, ‘ko’,
at ‘mo’
Bakit ka hindi nagcha-chat?
Bakit ka NGA BA hindi nagcha-chat?
Pagpapalawak
ng Maaring ilagay ang
Pangungusap
mga paningit sa
unahan ng ‘ka’, ‘ko’,
at ‘mo’
Hindi ko kayang kumain mamaya.
Hindi ko PA NGA kayang kumain
mamaya.
Pagpapalawak
ng
Pangungusap
Maaring ilagay ang
mga paningit sa
unahan ng ‘ka’,
‘ko’, at ‘mo’
Gusto mo siya?
Gusto mo PALA siya.
Pagpapalawak Ilagay dapat ang paningit pagkatapos
ng ng unang salitang may diin.
Pangungusap

Ang bata ang tawagin mo.


NA
Ang bata NA ang tawagin mo.
Pagpapalawak Ilagay dapat ang paningit pagkatapos
ng ng unang salitang may diin.
Pangungusap

Hindi kaya ni Liezel ang mamuno.


DAW
Hindi RAW kaya ni Liezel ang
mamuno.
Pagpapalawak
ng Tamang gamit ng
Pangungusap DAW/RAW at DIN/RIN
Kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig liban sa /w/
at /y/, ang gagamitun ay:
DAW
DIN
Pagpapalawak
ng
Pangungusap Mataas DIN
Madiin DAW
Si Herbert DIN
May pasok DAW
Pagpapalawak
ng
Tamang gamit ng
Pangungusap DAW/RAW at DIN/RIN
Kapag ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig at sa /w/ at
/y/, ang gagamitin ay:
RAW
RIN
Pagpapalawak
ng Lang vs. Lamang
Pangungusap

Kapag pormal = LAMANG


Kapag impormal = LANG
(kolokyal ng lamang)
Pagpapalawak
ng
Pangungusap Malayo RIN
Mababaw RAW
May unggoy RIN
Si Aleli RAW
Ang labandera RIN
Mga Panuring
4.2
Panuring
Pagpapalawak Dalawa (2) ang kategorya ng mga
ng
Pangungusap salita ang magagamit na panuring:
Panuring sa Pangngalan /
PANURING Panghalip
Pang-abay na Panuring
(para sa Pandiwa, Pang-uri, at
kapwa Pang-abay)
Pagpapalawak
ng
Pangungusap
Gagamit muna tayo ng
BATAYANG PANGUNGUSAP:
PANURING

“Ang mag-aaral ay iskolar.”


Pagpapalawak
ng 1. Gamit ang PANG-URI (Adjective)
Pangungusap

PANURING Ang matalinong mag-


aaral ay iskolar.
Batayang Pangungusap:

ANG MAG-AARAL AY ISKOLAR.


Pagpapalawak 2. Gamit ang Pariralang Panuring
ng
Pangungusap (Phrase Modifier)
Ang matalinong mag-aaral sa klase ay iskolar.
PANURING
Ang matalinong mag-aaral sa HRM ay iskolar.
Batayang Pangungusap:
Ang matalinong mag-aaral ng HRM ay iskolar sa
ANG MAG-AARAL AY ISKOLAR.
CCT.
Ang matalinong mag-aaral ng HRM ay iskolar sa
pragrama ng CCT.
Pagpapalawak
3. Ibang salita na maaring maging Pang-uri
ng
Pangungusap Ang mag-aaral na babae ay iskolar.
(pangngalan bilang pang-uri)
PANURING
Ang mag-aaral na babaeng iyon ay iskolar.
Batayang Pangungusap: (panghalip bilang pang-uri)
ANG MAG-AARAL AY ISKOLAR.

Ang mag-aaral na babaeng iyon na


nagtalumpati ay iskolar.
(pandiwa bilang pang-uri)
Pagpapalawak
ng 4. Gamit ang Pang-abay
Pangungusap Umalis kahapon ang mag-anak.
(pang-abay na pamanahon)
PANURING
Batayang Pangungusap:
Umalis nang tahimik ang mag-anak.
UMALIS ANG MAG-ANAK. (pang-abay na pamaraan)
Umalis sa bahay ang mag-anak.
(pang-abay na panlunan)
Pagpapalawak 5. Maari ding palawakin ang pangungusap
ng gamit ang mga Ugnayan ng Paksa at
Pangungusap Pangungusap.
PANURING
Ang suman ay kinain.

Ang suman ay kinain ng bata.


(tagaganap)
Pagpapalawak 5. Maari ding palawakin ang pangungusap
ng gamit ang mga Ugnayan ng Paksa at
Pangungusap Pangungusap.

PANURING
Kumain ang bata.
Kumain ng suman ang bata.
LAYON
Pagpapalawak 5. Maari ding palawakin ang pangungusap
ng gamit ang mga Ugnayan ng Paksa at
Pangungusap Pangungusap.

PANURING
Kumain ng suman ang bata.
Kumain ng suman ang bata sa kusina.

GANAPAN
Pagpapalawak 5. Maari ding palawakin ang pangungusap
ng gamit ang mga Ugnayan ng Paksa at
Pangungusap Pangungusap.

PANURING
Nagluto ng suman ang inay.
Nagluto ng suman ang inay para sa mga
bata
Tagatanggap
Pagpapalawak 5. Maari ding palawakin ang pangungusap
ng gamit ang mga Ugnayan ng Paksa at
Pangungusap Pangungusap.

PANURING Nagluto ng suman ang inay para sa mga bata.

Nagluto ng suman ang inay para sa mga bata gamit


ang lumang kaldero at dahong ng saging.

Kagamitan
Pagpapalawak 5. Maari ding palawakin ang pangungusap
ng gamit ang mga Ugnayan ng Paksa at
Pangungusap Pangungusap.

PANURING Ang mga bata ay lumalangoy.


Ang mga bata ay lumalangoy papunta sa
kabilang dulo ng swimming pool.

Direksyon
Maraming
Salamat.

You might also like