You are on page 1of 12

FILIPINO 9:

PANITIKANG
ASYANO
TULA NG PILIPINAS
Idyoma
IDYOMA
Ito ay pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Hindi
maiintindihan ang kahulugan ng idyoma kung titingnan lang ang payak
na kahulugan ng mga salitang bumubuo dito.
Para maunawaan ang isang idyoma, kailangan ay tingnan ang kabuuuan
ng sinasabi, at kadalasan kailangan ay may alam ka sa pinagbabasehan
ng idyoma, lalo na sa kultura ng mga nagsasalita.
Halimbawa ng idyoma sa wikang Filipino: “kumukulo ang dugo”
Ibig sabihin ba nito napakainit ng dugo na mapapaso ang kamay mo
kapag nadaplisan? Hindi… at alam nating mga Pilipino na ang ibig
sabhin ng “kumukulo ang dugo” ay galit na galit.
Subalit para sa mga dayuhan na hindi lumaki sa Pilipinas, hindi sila
sigurado kung ano ang ibig mong sabihin kapag sinabi mong kumukulo
na ang iyong dugo.
MGA HALIMBAWA NG
IDYOMA
1. Butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.
2. Ilaw ng tahanan – ina
Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.
3. Bahag ang buntot – duwag
Halimbawa:
Bakit ba nababahag ang buntot mo?

4. Nagbibilang ng poste - walang trabaho


Halimbawa:
Hangga kailan ba siya magbibilang ng poste?
5. Ibaon sa hukay – kalimutan
Halimbawa:
Tuluyan na niyang ibinaon sa hukay ang kaniyang utang sa akin.
6. Anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

7. Alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain


ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin.
Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang.“
8. Balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga
balitang-kutsero.
8. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

9. Bukal sa loob - taos puso tapat


Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga
nangangailangan.
10. Busilak ang puso - malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at
binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.
11. Di makabasag-pinggan - mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.
12. Isang kahig, isang tuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang
pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng
buhay.
13. Itaga sa bato - tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay
muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
14. Pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

15. Pusong-bakal - hindi marunong magpatawad


Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-
bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?
16. Tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang
pulitiko.
17. Tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak
ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.
18. Maamong kordero - mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng
kanyang guro.
19. Mahangin ang ulo - mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo
ng mga anak nitong lalaki.
20. Mahina ang loob - duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang
hindi manganib ang buhay.
THANK YOU

You might also like