You are on page 1of 16

Modyul 3

Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinhagang Estilo


Mga Layunin:
A. Nabibigyang kahulugan ang mga tayutay.
B. Naiisa-isa ang mga iba’t ibang uri ng tayutay.
C. Napaghahambing-hambing ang bawat uri.
D. Nakakabuo ng iba’t ibang pagpapahayag gamit ang mga idyomatikong
pagpapahayag.
E. Naiisa-isa ang mga iba’t ibang uri ng pahayag idyomatiko.
F. Naihahambing ang mga iba’t ibang uri ng mga alusyon.
G. Nakapagsasagawa ng mga dyalogo gamit ang mga pasawikaing pagpapahayag.

Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo

Gaano ng aba kahalaga ang paggamit ng mga matatalinghayag pahayag? Ito ba


ay importatante pa sa kasalukuyan? Ito ba’y makakaapekto sa pakikipagtalastasan ng
mga tao sa kanyang kapwa?
Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang
pahayag o salita sa iyong kapwa. May napakaraming dahilan: sa pakikipagtalastasan
natin sa ating kapwa, ay nagbabahagi tayo ng kaalaman sa mga bagay-bagay,
nahuhbog nito ang intektuwal ng isang tao, at mas mahuhubog ito kung gagamit tayo
ng matatalinghagang salita o pahayag sa ating kapwa upang magamit niya ang
kanyang isip. Hindi lamang mahalaga na maunawaan kundi mas mahalaga na di mo
direktang sasabihin ang mga ideya mo sa kaniya.
Sa usaping pampanitikan napakahalaga ang mga pagpapahayag ng ideya sa
matalinghagang istilo sapagkat mas binibigyan nito ng kahusayan ang isang akda
kaya’t ito ay masasabing isang sining. Gumagamit ang mga manunulat ng Idyoma,
Tayutay at Alusyon.
Narito ang mga istilo sa matalinghagang pagpapayag upang mabigyan ng mas
makulay ang akda pasulat man ito o pasalita.

A. Mga Idyoma
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang
mga matatalinhagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin
ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita
ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Bilang karagdagan, ang Idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
kompusisyonal. Sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-
kanyang salita na nabuo. Layunin ng sawikain o pasawikaing pagpapahayag na gawing
masining, kaakit-akit, kawili-wili at epektibo ang pagpapahayag.
Narito ang halimbawa ng ilang piling mga pasawikaing pagpapahayag.

Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa

1. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.


2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan

Mga halimbawa ng Idyoma o Sawikain


1. butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. ilaw ng tahanan – ina


Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. alog na ng baba - tanda na


Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. bahag ang buntot – duwag


Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?

6.ikurus sa noo – tandaan


Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.
7. bukas ang palad – matulungin
Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.

8. kapilas ng buhay – asawa


Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. nagbibilang ng poste - walang trabaho


Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

10. basag ang pula - luko-luko


Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .

11. ibaon sa hukay – kalimutan


Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

12. Ahas - taksil; traidor


Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

13. anak-dalita - mahirap


Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

14. alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang
suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam
naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.


Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-
kutsero.

16. balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.


Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan


Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

18. basa ang papel - bistado na


Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si
Ginang Matutina.

19. buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo


Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming
buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

20. bukal sa loob - taos puso tapat


Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

21. busilak ang puso - malinis ang kalooban


Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya
ng pamunuan ng Cebu.

22. di madapuang langaw - maganda ang bihis


Halimbawa:
Wow! Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

23. di makabasag-pinggan - mahinhin


Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

24. Hampaslupa - lagalag, busabos


Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

25. isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang


pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

26. itaga sa bato - tandaan


Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa, gaano man kaliit, ay muling
babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

27. itim na tupa - masamang anak


Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

28. kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa
Sta. Cruz, Manila.

29. kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan


Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni
Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

30. pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan


Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

31.pagiisang dibdib - kasal


Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na
taon.

32. pusong-bakal - hindi marunong magpatawad


Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal
naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

33. tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin


Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.
34. tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig
lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

35. maamong kordero - mabait na tao


Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang
guro.

36. Mahangin ang ulo - mayabang


Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga
anak nitong lalaki.

37. matalas ang ulo - matalino


Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at
Magnacum Laude.

38. mahina ang loob - duwag


Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi
manganib ang buhay.

39. malakas ang loob - matapang


Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng
pampasaherong dyip.

40. makapal ang bulsa - mapera


Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung
si Renan ay laging makapal ang bulsa.

41. makapal ang palad - masipag


Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang
milyonaryo.
42. magdilang-anghel - magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka
sana.

43. kapit-tuko - mahigpit ang hawak


Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at
malapit ng magsara.

44. kidlat sa bilis - napakabilis


Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang
nga ginagawa niyang action movies.

45. kilos-pagong - makupad,mabagal


Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

46. mababaw ang luha - iyakin


Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay
iniiyakan.

47. mabigat ang dugo - di-makagiliwan


Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na
isang probinsiyana.

48. maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali


Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng
sampung taon.

49. malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan


Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi
sa bandang huli.
50. malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang
matututunan, marami kang malalaman.

Narito pa ang ibang halimbawa: (mula sa Wikipedia.com, 2015)


1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. alog na ang baba - matanda na
4. alimuom - baho -
5. bahag ang buntot - duwag
6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan
7. bukas ang palad - matulungin
8. kapilas ng buhay - asawa
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
10. basag ang pula - luko-luko
11. ibaon sa hukay - kalimutan
12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
14. pagpaging alimasag - walang laman
15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli
16. pantay na ang mga paa - patay na
17. mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
18. maitim ang budhi - tuso
19. balat-sibuyas - mabilis masaktan
20. pusong bakal - di marunong magpatawad
21. putok sa buho - ampon
22. may bulsa sa balat - kuripot
23. balat-kalabaw - matigas ang amoy ng paa
24. alog na ang baba - matanda na
25. kusang-palo - sariling sipag
26. usad pagong - mabagal kumilos
27. umuulan lalaki at babae - maraming lalaki at babae
28. nakalutang sa ulap - masaya
29. malaki ang ulo - mayabang
30. itaga sa bato - ilagay sa isip
31. ginintuang puso - mabuting kalooban
B. Mga Tayutay (Figure of Speech)

Ang katawagang tayutay ay sinasabing nagmula sa mga salitang itinatayong


tulay. Sa wikang Iloko ang tulay ay may katumbas na taytay maging ito man ay gawa
sa kahoy o kawayan, bakal o semento. Kaya ang tayutay ay pinagsamang salita-ugat
na tayo at pantig na tay.

Ang mga tulay ay kasangkapang nagdurugtong ng dalawang magkahiwalay na


karatig lugar. Pinagaganda at pinauunlad nito ang pamumuhay ng mga tao.
Gayon din ang tayutay sa larangan ng komunikasyon.

Ang tayutay ay isang kasangkapang retorikal na nakagagawa ng espesyal na bisa


sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita sa di-karaniwang estilo. Ang patayutay na
wika ay madalas na inuugnay sa larangan ng panitikan partikular sa panulaan, subalit
ang totoo, sa ating pang-araw-arw na pagsusulat at kombersasyon, gumagamit tayo ng
mga tayutay.

Ang paggamit ng orihinal na mga tayutay sa ating pagsusulat ay isang paraan ng


paghahatid ng mga bagong kahulugan. Ang mga tayutay ay nakakatulong sa ating mga
mambabasa upang maintindihan ang at manatiling interesado sa ating mga sasabihin.

Ayon kay Nordquist (n.d.) ng About.com Guide, daan-daan ang bilang ng mga
tayutay. Magkagayun pa man, ay dalawampung (20) nangungunang mga tayutay ang
makikita lamang sa kanyang listahan. Ang pagpili niysa sa 20 mga tayutay ay ayon sa
dalas ng paggamit o pagiging karaniwan ng mga ito. Tunghayan natin ang mga
sumusunod

Dalawampung Nangungunang mga Tayutay


(Richard Nordquist)
1. Aliterasyon (Alliteration).
Ang pag-uulit ng mga inisyal na katinig na tunog ng salita.
Halimbawa:
Tinalikuran na ni tonyo ang tiwaling trabaho sa Tanggapan ng Turismo.
2. Pasimuna (Anaphora).
Ito ay tumutukoy sa sinadyang pag-uulit-ulit ng isang partikular na salita sa
simula ng magkakasunod-sunod na mga pangungusap o mga berso.
Pag –uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod

Halimbawa ng salita:
Si Kristo ay namatay.apori
Ang paglalagay ng dalawa o higit pang mga bagay na magkasalungat na mga ideya
sa magkatimbang na parirala.
Halimbawa:
Si PacMan ay isang boksingerong kakaiba: kahit tanyag ay mapagkumbaba;
kahit hindi katangkaran ay tinitingala siya ng kanyang mga tagahanga;
berdugo at halimaw sa mga kalaban niya, ngunit tiklop-tuhod pag kaharap niya si
Aling Dionisia.

4. Pagtawag (Apastrophe). pakikipag-usap sa isang di-kaharap na tao, bagay o


katangiang mahirap unawain, isang bagay na walang buhay subalit ipinapalagay na
nakikinig at nakakaintindi.
Halimbawa:
Sige na ulan, bumuhos ka't huwag tumigil pa!
Shrek! Iligtas mo si Fiona
5. Asonans (Assonance).

Pagkakahawig o pagkakatulad ng tunog sa pagitan ng mga PATINIG sa


magkakasunod na mga salita.

Pag –uulit ng mga tunog –patinig sa alinmang bahagi ng salita. (hirap at pighati)
(salamat at paalam)(buhay na pagulung -gulong)

Halimbawa:

Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.


Makulay ang buhay ng mga taong may pusong maunawain.
Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkalugi ng kanyang asawang sawi sa
pagnenegosyo

6. Pabalik na Pag-uulit (Chiasmus).

Isang anyo ng pagpapahayag kung saan ang ikalawang hati ng ekpresyon ay


katimbang ng unang hati subalit ang mga bahagi ay pinagpapalit.

Halimbawa:
Para sa mga Romanong Kristiyano, ang Diyos ay pag-ibig at ang pag-ibig ay
Diyos.

7. Paglumanay (Euphemism).

Ang pagpapalit ng isang katawagang di-nakasasakit para sa isang salitang malinaw


na nakasasakit. Ang paglumanay ay madalas na ginagamit ng mga taong mahusay
makitungo at nagnanais na maging mahusay na politico.
Halimbawa:
Kailangan na nating pakawalan (sesantihin) ang mga empleyadong ito sa
kompanya.
Malusog na malusog ngayon ang pangangatawan n gaming sekretarya.

8. Pagmamalabis (Hyperbole).

Ang hayperboli o pagmamalabis ay isang tayutay na ginagamit para sa layuning


magmalabis. Ito ay karaniwang binubuo upang maging basehan ng mga niro na
ginagamit bilang isang paraan ng paghamak o kaya ay karaniwang ginagamit upang
isadula ang isang sitwasyon, kung saan sa tunay na buhay ay hindi naman ganoon
kasama o kalala.

Halimbawa:
Kawawa ka naman nag-iisa lang diyan, oh, ito ang isang milyong piso, bumili ka
ng kausap mo. (Paghamak)
Sa dami ng problema ng Pilipinas, nalalagas na ang buhok ni P’noy. (Biro)
Nagkanda kuba na ang mga Pilipino dahil sa hirap ng kanilang pamumuhay.
(Lagpas sa tunay na buhay)

9. Pag – uyam (Irony).

Ang paguyam ay tumutukoy sa paggamit ng di-tiyak na mga salita na sa katunayan ito


ay naglalayong maghatid ng kabaligtaran o kasalungat. Basehan ng pagtuya o
pagpapatawa.

Halimbawa:
Si Manny V. Pangilinan ay nanalo ng halagang 1,000 PHP libreng Talk & Text sa
SMART Telcomm Company. (Sitwasyonal na Pag-uyam, Si MVP ang may-ari ng
Smart)

10. Pagtanggi (Litotes).

tumutukoy sa paggamit ng salungat na pahayag upang sang-ayunan ang isang


partikuar na sitwasyon/pangyayari sa pamamagitan ng negatibong kasalungat. Ito ay
ginagamitan ng panangging hindi.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay hindi matapang
(Si Andres Bonifacio ay ubod ng tapang)
11. Pagwawangis (Methapor). pahiwatig ng paghahambing sa pagitan ng dalawang
magkaibang bagay na totoong mayroong kakaibang/ karaniwang halaga.

Halimbawa:
Isang tudla na tumarak sa kanyang puso ang mga salitang binitawan ng kanyang
amo.

12. Pagpapalit-tawag (Metonymy).

 Ang panlaping meto ay nangangahulugan ng pagpapalit o paghahalili(Sebastian)


 Nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.

paggamit ng isang parirala tungkol sa magkaugnay na ideya upang mailarawan ang


aktuwal na ideya.

Halimbawa:
a. ninuno at inanak
Ang mga makatang Pilipino ay supling ni Baltazar

b. palatandaan at pakahulugan
Sadya yatang mailap para sa UE-Red Warriors ang korona.

c.sisidlan at nakasilid
Kontrolado ng ulo ng tao ang larangan ng agham.

13. Pasintunog (Onomatopoeia). Ang paggamit ng mga salitang gumagaya ng mga


tunog na may kinalaman sa mga bagay o mga kilos na tinutukoy ng mga ito.

Halimbawa:
Naririnig na ang kalansing ng mga kutsara’t tinidor sa kanilang hapag kainan.

14. Oksimoron (Oxymoron). gumagamit ng magkasalungat na pang-uri upang


magpaliwanag.

Halimbawa:
Patuloy pa rin ang pakikipagsapalaran ng binatang mayamang pulubi.

15. Balintuna (Paradox). pahayag na nagpapakita ng sariling pagsalungat.


Halimbawa:
Ang kukurap-kurap na ilaw ng gasera ay lalong nagpapaliwanag sa pusikit na dilim.
Ang pagiging lumpo ni Apolinario Mabini ay higit na nagpalakas sa kanyang
pagiging makabayan.

16. Pagtatao (Personification). kung saan ang mga bagay na walang buhay ay
pinagkakalooban ng mga pantaong kakayahan at kagalingan. Ang pagtatao ay nabubuo
sa pamamagitan ng pandiwa.

Halimbawa:
Nakangiti na naman ang inang araw pagkaraang sumimangot kanina sa pagbuhos
ng ulan.

17. Pun. sinadyang pagpapalit ng magkasintunog na mga salita upang makalikha ng


isang katawa-tawang resulta.

Halimbawa:
Sinabihan ko ang kuba na pulutin ang nalaglag na barya sa kalsada ngunit
tumanggi siyang nagsasabi na, “Mama, masyadong maliit ang halaga ng barya.”

18. Pagtutulad (Simile).


pahambing na pagpapahayag na madalas nabubuo gamit ang salitang tulad/katulad,
parang/kapara, wangis/kawangis sa pagitan ng mahalagang magkaibang bagay o ideya
na may tiyak na katangiang karaniwan.
Halimbawa:
Kawangis ng mga dalagita ang kagandahan ng bulaklak na namumukadkad.
19. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche).
nagpapahayag kung saan ang isang bahagi ay ginagamit upang isagisag ang kabuuan
o kaya'y ang kabuuan para sa isang bagay.
Halimbawa:
a. bahagi sa kabuuan
Sa ikawalong pinto ng apartment nao nakatira ang taong hinahanap mo.

Patay ang batang nasagasaan ng isang sixwheeler na trak.

b. kabuuan sa bahagi
Hikahos na hikahos sa buhay si Juan de la Cruz
Matinding usapin sa family planning ang kinakaharap ni Pope Benedict.
20. Understatement.
sinasadya ng manunulat o ispiker na gawin ang sitwasyon nang hindi mahalaga o
seryoso gaya ng inaasahan.
Halimbawa:
Ang iyong problema sa buhay ay napakabigat na masyadong madaling solusyonan.
Huwag kang sumali ng quiz bee kase labanan iyan ng mga matatalino

ALUSYON (ALLUSION)
Ayon kay Merriam Webster’s Dictionary & Thesaurus, ang alusyon ay akto ng
pagtukoy ng isang bagay.
Mula sa aklat ni nina Bernales et al. (2009) binanggit niya ang alusyon na tinawag ni
Alejandro na tukoy na ang ibig sabihin ay pagbanggit sa isang tao, pook, kasaysayan,
pangyayari, katotohanan aat iba pang pinakaiingat-ingatang pinakatagong ala-ala ng
edukadong tao.
Pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan,
kaisipan o pangyayarinainiingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may
pinag-aralan. (Bisa at Sayas,1966)
Narito ang mga karaniwang alusyon na tinutukoy ng mga nabanggit na manunulat.
1. Alusyon sa HEOGRAPIYA
Halimbawa:
Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya ito
ang Mt. Everest ng Pilipinas.
Ang Enchanted Kingdom ng Laguna ang Disney Land ng Pilipinas

2. Alusyon sa LITERATURA
Halimbawa:
Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag-asang kanyang maililigtas ang
kanyang bayan sa isang ideyal na paraan.
Marami pa ring magsasaka ang nag-aalala kay Kabesang Tales na patuloy na
nakikibaka makamtam lamang ang hustisya sa kanilang saka.
3. Alusyon sa BIBLIYA (HOLY SCRIPTURES)
Halimbawa:
Nagmistulang Hudas ang mga magkakapatid nang ipagkanulo nila ang kanilang kuya
sa mga salarin.
Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng
mga mapang-aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.

4. Alusyon sa KULTURANG POPULAR


Halimbawa:
Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis Prestley ng lungsod ng Davao at ang anak niyang
si Liway bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.

5. Alusyon sa MITOLOHIYA
Halimbawa:
Unang Saknong ng tulang “Felicitacion” (Maligayg Bati) ni Dr. Jose Rizal: Kung si
Filomena ang dila’y may tamisang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip, sa may kabukira’t
bundok na masungit, ang may dalang awit.
Talasanggunian:
Abad M. A. (2009). Retorika. Cacho Hermanos INc. Mandaluyong City.

blogspot.com (2015). Malikhaing pamamaraan. May 11, 2015.


http://laffyandtaffy.blogspot.com/2012/08/mga-tayutay-alusyon-at-sawikain-o-
idyoma.html
http://randomdiblog.blogspot.com/2012/11/ano-ang-idyoma-at-mga-halimbawa-nito.html
https://www.facebook.com/AsignaturangFilipino/posts/396241757100591
http://lessonproper.blogspot.com/2011/10/matalinhagang-pahayag.html
http://misterhomework.blogspot.com/2013/07/sawikain-o-idyoma.html
Antonio L. F. (2009) . Retorika. C and E Publishing Inc. Quezon City.
Antonio L.F. (2009). Retorika: Masining na Pagpapahayag. C & E Publishing Inc.
Quezon City

Wikipedia.com (2015). Tayutay. May 12, 2015. http://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay

You might also like