You are on page 1of 11

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 10

IKAWALANAG MARKAHANG PAGSUSULIT


Taong Panuruan: 2023-2024

Pangalan:
Baitang at Pangkat:

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Bakit walang pananagutan ang mga hindi namamalayang kilos ng tao


gaya ng paghikab, pagtibok ng puso, at pagkurap ng mata?
A. Dahil wala rin naman itong kahihinatnan.
B. Dahil ang mga kilos na ito ay hindi lubusang pinag-iisipan.
C. Dahil ang mga kilos na ito ay walang gaanong pagkukusa.
D. Dahil ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-
loob.
2. Inanyayahan ka ng iyong kabarkada na tikman ang isang bagay na nasa
loob ng pakete. Ang sabi nila ay nakakapagpapasaya at nakakawala ito ng
problema, ngunit ayaw nila na sabihin kung ano ito. Ano ang gagawin mo?
A. Itanong kung ano ang laman ng pakete at tumanggi lalo na kung
ipinagbabawal ito.
B. Tikman ang nasa pakete dahil mayroon akong tiwala sa mga
kabarkada.
C. Tanggihan ang paanyaya ng kabarkada dahil wala naman akong
problema.
D. Pagbigyan ang mga kabarkada at tikman ang nasa pakete.
3. Napagsabihan ng kanilang guro ang mga mag-aaral sa kanilang klase
dahil ginawang tampulan ng tukso ang buhok na kulot ni Maria na lingid sa
kanilang kaalaman ay isang katutubo. Ayon sa kanilang guro, ang kanilang
ginawa ay labag sa RA 8371 o Indigenous Peoples Rights Act 1997 na
naglalayong pangalagaan at protektahan ang mga katutubo. May
pananagutan ba ang mga mag-aaral sa kanilang ginawa kay Maria?
A. Siguro kung sinabi ng maaga ng guro ang tungkol sa RA No. 8371 o
Indigenous Peoples Rights Act 1997.
B. Oo, dahil bahagi ng ating kaalaman na ang paggalang ay ibinibigay
sa lahat, katutubo man o hindi.
C. Wala, dahil hindi naman nila alam na isang katutubo si Maria.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
D. Oo, dahil hindi dapat tinutukso ang mga katutubo.
4. Alin sa mga sumusunod ang kilos na nagpapakita ng katwiran at
pananagutan?
A. Ang pakikilahok ni Basha sa mga gawain sa klase
B. Ang pagbahing ni Jude dahil sa allergy sa alikabok ng hindi
nakatakip
C. Pagkadulas ni Rose sa basang sahig na walang nakasulat na
babala
D. Pagkarinig ng usapan ni Dave ng minsang dumaan siya sa grupong
nag-iinuman
5. Alam mo ang pagliban ni Anna sa klase dahil siya ay may lagnat at ubo.
Nagbigay ng takdang-aralin ang inyong guro sa Matematika at walang sagot
na maipapasa si Ana. Ano ang dapat mong gawin?
A. Maghihintay na kusang lumapit si Ana para humingi ng tulong sa
takdang aralin.
B. Tulungan si Ana na maintindihan ang pamamaraan at solusyon sa
takdang-aralin sa Matematika.
C. Huwag ng makialam dahil isasaalang-alang din naman ng guro ang
pagliban ni Ana dahil sa sakit.
D. Tulungan si Ana sa takdang aralin para ipakita sa buong klase ang
angking kagalingan sa asignaturang Matematika.
6. Nagyaya na maglaro ng online game na Mobile Legends ang iyong
kaibigan bilang pampalipas oras. Hindi mo pa nasubukang laruin ito, ngunit
alam mong ito ay nakakahumaling at nakakaubos ng oras. Alin sa mga
sumusunod ang nararapat na gawin?
A. Pag-aralan ang larong Mobile Legends upang makasabay sa uso.
B. Paunlakan ang paanyaya at magpaturo paano maglaro ng Mobile
Legends.
C. Tanggihan ang paanyaya dahil ayaw mong mahumaling at ubusin
ang oras para sa isang laro.
D. Tanggihan ang paanyaya dahil hindi mo alam ang laro at nahihiya
kang magpaturo.

7. Ayon sa isang pag-aaral ng DOST-NRCP noong 2021, ang mga batang


magulang ay humaharap sa krisis dulot ng kahirapan, kasalatan sa
edukasyon, kawalan ng maayos na trabaho, at suliranin sa kalusugan.
Anong ibig sabihin ng datos na ito para sa iyo?

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
A. Bilang mag-aaral, huwag kalimutang magdala palagi ng
kontraseptibo upang hindi makabuntis.
B. Bilang taong magmamahal, dalasan ang pakikipagtagpo sa
aking kasintahan sa lihim na tagpuan
C. Bilang mag-aaral, huwag pumasok sa isang relasyon kung hindi
pa sapat ang perang naiipon
D. Bilang mag-aaral, dapat ilaan ang isip at magsumikap sa pag-
aaral para sa magandang hinaharap
8. Ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay
nagbibigay ng edukasyon at proteksyon sa mga mag-aaral laban sa
panganib ng droga. Paano mo mapapangalagaan ang iyong sarili mula sa
mapanganib na ipinagbabawal na gamot?
A. Ilapit ang sarili sa pagmamahal at paggabay ng pamilya
B. Ilayo ang sarili sa ibang tao lalo na kung masama ang hangarin
C. Manatili sa bahay at huwag gumala kung saan-saan
D. Magboluntaryo para sa drug test
9. Nang magkaroon ng pandemya, maraming negosyo ang nagsara at
maraming mga magulang ang nawalan ng trabaho. Ano ang nararapat na
gawin upang makatulong sa pamilya?
A. Huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho.
B. Ipagpatuloy ang pag-aaral bilang pangalawang prayoridad.
C. Bigyang prayoridad ang pag-aaral, maging matipid, at masinop.
D. Huwag magpahinga at pagsabayin ang pag-aaral at
pagtatrabaho.
10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kamangmangang hindi
madaraig o invincible ignorance? Ang hindi pagkaalam ng isang taong bulag
ng.
A. pakiramdam ng maalinsangang panahon
B. kulay na bughaw
C. hugis ng pisara
D. amoy ng rosas
11. Malapit na ang ikalabing-anim na kaarawan ni Mario at gusto niyang
magkaroon ng motorsiklo kahit wala pang lisensya upang hindi na siya
mahirapang mag-commute papuntang paaralan. Alin sa mga sumusunod
ang nararapat niyang gawin?
A. Manghiram ng motor sa mga kaibigan para makapag-ensayo.
B. Magmaneho ng motor at iwasan ang mga traffic enforcers.
C. Magmaneho ng motor at sumunod sa mga batas trapiko.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
D. Magmaneho lamang kapag mayroon ng driver’s license.
12. Nasaksihan mo ang pambubulas ni Robert kay Berta at binantaang
sasaktan niya ito kapag nagsumbong sa guro. Alin sa mga sumusunod na
aksyon ang pinakaangkop mong gawin?
A. Idulog ang nasaksihan sa guro at guidance counselor.
B. Manahimik para hindi madamay sa pambubulas.
C. Isumbong si Robert sa guro upang mapagalitan ng husto.
D. Ipatikim kay Robert ang pambubulas na kanyang ginagawa.
13. Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang
kamalayan na ito ang nagdudulot ng kanser at iba pang malulubhang sakit
kaya ito ay tinangkilik ng husto. Anong salik ang nagdudulot nito?
A. Karahasan
B. Kamangmangan
C. Masidhing damdamin
D. Takot
14. Sa kabila ng modernong kaalaman na nagdudulot ng dyabetes ang
sobrang matatamis na inumin, patuloy pa rin si Rudolf sa sobrang pag-inom
ng soft drink matapos kumain. Anong salik ang nagdudulot nito?
A. Masidhing damdamin
B. Kamangmangan
C. Karahasan
D. Gawi
15. Kadalasang nakakagawa ng pagkakamali ang isang tao dahil sa pabigla-
biglang desisyon sa buhay. Ang mga sumusunod ay nararapat na gawin
upang maiwasan ang maling pagpapasya MALIBAN sa:
A. Tukuyin ng malinaw ang likas na katangian ng pasya
B. Sundin ang bugso ng damdamin
C. Ipunin ang may katuturang impormasyon
D. Alamin ang limitasyon at alternatibo

16. Nakasanayan mo nang ilaan ang iyong oras sa paglalaro ng online


games, at kadalasan ay hindi mo inaasikaso ang mga takdang-aralin at
gawaing bahay. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakakatulong na
mahinto ang nakasanayan?
A. Wala nang magagawa para itama ang nakasanayan
B. Pagnilayan ang sariling kilos at ang mga kinahihinatnan nito.
C. Maghanap ng alternatibong gawain na produktibo
D. Bigyang halaga ang pangarap na marating sa buhay

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
17. Ipinatawag at napagsabihan ka ng iyong guro dahil madalas kang
lumiliban, nahuhuling pumasok, at natutulog sa klase. Ayon sa iyong guro,
maaaring mananatili ka sa ika-sampung baitang kung hindi mo
pagbubutihin ang pag-aaral. Ang mga sumusunod na gawain ay
nakakatulong MALIBAN sa:
A. Huwag mag-almusal para hindi mahuli sa klase.
B. Iwasan ang online games.
C. Kumain ng masustansyang pagkain at naaayon sa oras.
D. Matulog at magising ng maaga.
18. Ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob dahilan
upang magkaroon ng pananagutan ang pagsasagawa ng kilos na ito.
A. Kilos ng tao
B. Makataong kilos
C. Responsibilidad
D. Tungkulin
19. Alin sa mga sumusunod ang matatawag na “Bunga” ayon sa mga Yugto
ng Makataong Kilos?
A. Napawi ang uhaw dahil nakainom ka na ng tubig
B. Nakaramdam ka ng labis na pagkauhaw
C. Nagpasya ka na uminom ng tubig
D. Gusto mo na uminom ng tubig
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakikitaan ng deliberasyon ng isip at
kilos loob?
A. Paghahain ng isang ideya na maaaring sang-ayunan o hindi ng
kilos loob
B. Pagsusuri at paglalahad ng pamamaraan ng isip na bibigyan
pahintulot ng kilos loob
C. Praktikal na paghuhusga ng isip kung ano ang pinaka-angkop
na paraan upang impluwensyahan ang kilos loob na maisagawa ang layunin
D. Sundin ang bugso ng damdamin at impluwensyahan ang kilos-
loob na piliin ang pinakamadaling gawin
21. Sa isyu ng maagang pagbubuntis ng mga babae at pagiging batang ama
ng mga lalaki, karaniwang dahilan ang pagtalima sa udyok ng pagnanasa sa
halip ng gamitin ng wasto ang isip at kilos-loob. Ano ang nararapat gawin
para maiwasan ang ganitong problema?
A. Magbaon ng kontraseptibo
B. Gawing sekreto ang pinasok na relasyon

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
C. Maging dalisay sa hangarin at gawin ang tama para sa
minamahal
D. Huwag pansinin ang mga negatibong puna mula sa mga taong
nagmamalasakit
22. Nasira mula sa mataas na pagkahulog ang cellphone na limang taon
mong iningatan at ginamit sa online class, at sa iyong tantya ay malabo na
itong makumpuni kaya napagpasyahan mong bumili ng bago. Alin sa mga
sumusunod ang pinakamainam na gawin sa pagbili ng bagong telepono?
A. Isaalang-alang ang badyet na mayroon.
B. Magsaliksik ng mga pagpipilian at alternatibo.
C. Piliin ang mura, dekalidad, at magagamit sa online class na
cellphone.
D. Suriin ang phone specifications na aangkop sa iyong
pangangailangan.
23. Hindi dapat tangkilikin ang pornograpiya o malalaswang palabas lalo na
sa mga kabataan. Bakit?
A. Hindi dapat tangkilikin ang pornograpiya para hindi maakit ang
iba na manood.
B. Nakakahiya kapag nahuli kang nanood ng malalaswang
palabas.
C. Nakakawala ito ng konsentrasyon sa pag-aaral.
D. Nawawala sa isip ang kabanalan at dignidad ng tao.
24. Ayon sa RA 11313 or the Safe Spaces Act, ipinagbabawal at may parusa
ang lahat ng uri ng sexual harassment sa pampublikong lugar, paaralan,
lugar ng trabaho, at sa online. Bilang isang kasapi ng barkadahan ng mga
kalalakihan, paano mo maisabuhay ang batas na ito?
A. Gawing katuwaan lamang ang pagsutsot sa mga dumadaang
kababaihan.
B. Huwag sumali sa mga kabarkada sa pagsutsot sa mga babae.
C. Himukin ang mga kabarkada na respetuhin ang mga
kababaihan.
D. Iwasan ang pagsutsot sa mga babaeng palaban.

25. Namamasyal ka sa isang malaking mall at may makita kang laptop


computer na pasok sa iyong specifications at angkop para sa iyong mga
activities. Kaya lang masyado itong mahal at hindi kaya ng badyet na
mayroon ka. Ano ang gagawin mo?
A. Bilhin ito gamit ang credit card ng ama.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
B. Maghanap pa ng ibang mapagpipilian at alternatibo.
C. Mangutang sa kaibigan para mabili ang laptop.
D. Tawagan si auntie na nasa abroad at sabihing regaluhan ka ng
laptop.
26. Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng mabuting layunin ngunit hindi
mabuti ang pamamaraan?
A. Nais ni Tere na pumasa ang kanyang matalik na kaibigan kaya
pinakopya niya ito.
B. Maagang natutulog si Brent upang hindi na mahuli sa pagpasok
sa paaralan.
C. Tinakot ni Maya ang mga tao para makuha ang kanilang pera.
D. Gusto ng ama ni Mat na maging mabuti siyang tao kaya
pinagsabihan niya ito nang minsang nahuling nangupit ng pera.
27. Nais makatapos ni Grace ng pag-aaral upang maging tanyag na doktor
ng medisina sa kabila ng kahirapan sa buhay. Naghuhugas siya ng pinggan
sa isang maliit na karenderya para matustusan ang pag-aaral. Alin sa mga
sumusunod ang sirkumstansya?
A. Maging tanyag na doktor ng medisina
B. Makatapos ng pag-aaral
C. Naghuhugas ng pinggan
D. Kahirapan sa buhay
28. Si Haidi ay nagtitinda ng gulay sa palengke upang kumita ng pera at
maitaguyod ang dalawang nag-aaral na anak mula sa hirap ng buhay.
Lingid sa kaalaman ng iba ay pinaghahalo niya ang mga luma at bagong
gulay para walang maitapon at maibenta lahat. Ginagawa niya ito upang
mas malaki ang ang perang maiuwi sa pamilya. Tama o mali ang kilos ni
Haidi?
A. Mali, dahil hindi naman sila yumayaman sa napiling
pamamaraan.
B. Mali, dahil nababalewala ang mabuting layunin sa maling
pamamaraan.
C. Tama, dahil ang pagtitinda ay marangal na gawain.
D. Tama, dahil mabuti ang layunin ng kilos.
29. Inanyayahan sina Jewel at Lyn sa isang panggabing salo-salo ng
kaklaseng magdiriwang ng kaarawan sa Sabado, ngunit alam ni Jewel na
hindi papayagan si Lyn ng kanyang mga magulang. Nagmungkahi si Lyn na
sasabihin nila na may gagawin silang proyekto at maaari silang gabihin, sa

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
ganung paraan lamang sila mapahintulutan. Ngunit hindi sumang-ayon si
Jewel kaya nalungkot si Lyn. Tama o mali ang pasya ni Jewel?
A. Mali, dahil hindi na sila makakapunta sa pagdiriwang.
B. Mali, dahil maaaring magkaroon ng hidwaan ang magkaibigan.
C. Tama, dahil hindi mabuting paraan ang pagsisinungaling.
D. Tama, dahil mabuti naman ang layunin na dumalo.
30. Naisipang bumili ni Gerry ng bagong labas na rubber shoes na ini-
endorso ng kanyang paboritong NBA player kahit na maayos pa ang
kanyang sapatos. Kakatanggap lang din ng bonus ng kanyang ama na
nagtatrabaho bilang isang pulis. Ang naisipang kilos ni Gerry ay HINDI
dapat ituloy dahil:
A. hindi mabuti ang layunin ng naisip na kilos.
B. hindi mabuti ang pamamaraan.
C. hindi mabuti ang sirkumstansya.
D. hindi mabuti ang kahihinatnan.
31. Gusto ni Vince na matigil na ang pagkalulong ni Mike sa panonood ng
malalaswang palabas dahil madalas itong napupuyat at nagiging matamlay
kinabukasan. Naisipan niya itong turuan ng mga larong online kasi mas
mainam na malulong ang kaibigan sa online games kaysa malalaswang
palabas. Dapat bang ituloy ang kilos ni Vince?
A. Oo, dahil wala namang masama sa pamaraang naisip.
B. Oo, dahil mabuti ang layunin.
C. Hindi, dahil mas masaya ang kaibigan sa panonood ng
malalaswang palabas.
D. Hindi, dahil ang pamamaraan ay hindi nakakatulong sa
kalagayan ng kaibigan.

32. Upang matustusan ang luho ni Marie sa kabila ng nararanasang


kahirapan sa buhay, nakikipag-video chat siya sa mga banyagang
nagpapadala sa kanya ng pera. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan
sa sitwasyon ni Marie?
A. Masama ang layunin, sirkumstansya, at pamamaraan.
B. Masama ang layunin at sirkumstansya, ngunit mabuti ang
pamamaraan.
C. Mabuti ang layunin, sirkumstansya, at pamamaraan.
D. Mabuti ang layunin, pero masama ang sirkumstansya at
pamamaraan.

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
33. Ano ang kinakailangan para maging mabuti ang isang makataong kilos?
A. Mabuting layunin at kahihinatnan
B. Mabuting layunin at pamamaraan
C. Mabuting kahihinatnan at sirkumstansya
D. Mabuting layunin, sirkumstansya, pamamaraan, at
kahihinatnan
34. Nais ni Toto na tumaas ang kanyang mga marka sa kanyang mga
asignatura, kaya napagpasyahan niyang ihinto ang paglalaro ng online
games at sa halip ay mag-aral na lamang mula alas-siete hanggang hating-
gabi. Tumaas ang kanyang mga marka ngunit madalas naman siyang
inaantok sa klase. Ano ang dapat gawin ni Toto?
A. Ibahin ang sirkumstansya
B. Ibahin ang pamamaraan
C. Ibahin ang layunin
D. Ibahin ang buong kilos
35. Sinusuportahan ni Nica ang sariling pag-aaral sa pamamagitan ng
pagtitinda ng isda sa palengke. Para mas makabenta, minumurahan niya
ang paninda upang makaakit ng mga tao, ngunit binabawasan niya ng
timbang ang bawat kilong nabibili. Dahil dito, nakapagtapos siya ng pag-
aaral at nakahanap ng magandang trabaho na may malaking sahod. Anong
aspeto ng kilos ni Nica ang masama?
A. Kahihinatnan
B. Layunin
C. Paraan
D. Sirkumstansya
36. Si Ringo ay magalang at palaging nagmamano sa mga magulang at
nakakatanda, ngunit nahinto ang nakagawian niyang ito dahil sa pandemya
at mga pinatutupad na safety protocols at social distancing. Anong aspeto
ng makataong kilos ang nakaapekto sa nakagawian ni Ringo?
A. Sirkumstansya
B. Paraan
C. Layunin
D. Kahihinatnan
37. Nais magkaroon ng PS4 si Willie kaya pinagbutihan niya ang pag-aaral
at nakamit ang pinakamataas na karangalan sa kabila ng araw-araw na
paglalakad mula bahay papuntang paaralan. Ano ang nararapat na gawin
upang maiwasto ang kilos?

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
A. Baguhin ang sirkumstansya
B. Baguhin ang pamamaraan
C. Baguhin ang layunin
D. Baguhin ang kahihinatnan
38. Kinakailangan ni Rica ng orihinal na birth certificate sa opisina ng PSA
na dinadagsa ng mga taong nais din kumuha ng kanilang dokumento. Gusto
niyang mauna at matapos ng maaga. Naalala niya ang malapit na pinsan na
nagtatrabaho sa himpilan ng PSA na mahihingian ng tulong. Ano ang
nararapat gawin ni Rica?
A. Ipaliwanag sa mga nauna sa pila na paunahin siya.
B. Pumunta ng maaga upang maiwasan ang mahabang pila.
C. Tanggapin ang tulong ng pinsan basta walang kapalit.
D. Tawagan ang pinsan at humingi ng pabor.
39. Ano ang mangyayari sa kilos kung nagsisimula ito sa masamang
layunin?
A. Nagiging masama ang kilos kapag masama ang kahihinatnan
B. Nagiging masama ang buong kilos
C. Mabuti pa rin ang kilos basta mabuti ang pamaraan
D. Mabuti pa rin ang kilos basta mabuti ang mga sirkumstansya
40. Hanggang ngayon ay nalilito at hindi ka pa rin makapagpasya kung ano
ang kukunin mong strand sa Senior High School. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Magnilay, mangalap ng impormasyon, magtanong, at makinig
B. Piliin ang pinakausong strand
C. Pumili ng pinakamadaling strand basta mabuti ang iyong
layunin
D. Sumabay sa mga kaklase sa strand na kanilang kukunin

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified
An Honest Zero is better than stolen 100!

ANSWER KEY: EsP Q2 Exam for Grade 10

1. D 16. A 31. D
2. A 17. A 32. B
3. B 18. B 33. D
4. B 19. A 34. B
5. B 20. D 35. C
6. C 21. C 36. A
7. D 22. C 37. C
8. A 23. D 38. B
9. C 24. C 39. B
10. B 25. B 40. A
11. D 26. A
12. A 27. D
13. B 28. B
14. D 29. C
15 . B 30. A

Address: F. Torres St., Davao City (8000)


Telephone Nos.: (082) 291-1665; (082) 221-6147
ISO 9001:2015 - Certified

You might also like