You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 7

Ikalawang Markahan
Pagsusulit na Sumatibo
Modyul 1 at 2
Pangalan:___________________________ Petsa___________
Bilang at Seksyon:__________________ Iskor:___________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng inyong napiling sagot bago ang bilang.
1. Ano ang kahulugan ng salitang “ Kabihasnan”? Ito ay isang _______
A. lugar na kung saan ang mga taong nanirahan ay may kanya-kanyang paraan ng pamumuhay.
B. lugar na may malawak na kapatagan at may iilang pangkat ng mga taong naninirahan.
C. malawak na lambak-ilog na walang taong naninirahan.
D. pamumuhay na kinagawian at pinapaunlad ng maraming pangkat ng tao.

2. Anu-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng isang kabihasnan? Ito ay _________
A. ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasaka, pangingisda, pagkakaingin at pagtatahi.
B. ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang-
ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema ng pagsulat.
C. may maraming mga tao at may sariling paraan ng pamumuhay, may sariling batas at paniniwala.
D. may sariling paraan ng pamumuhay na kakaiba sa ibang lugar.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng mga taong namuhay sa Panahon ng Lumang Bato o “Paleolithic
Age”?
A. Gumamit ng magagaspang na bato. C. Nanatili sa permanenteng lugar o tirahan.
B. Kauna-unahang nakatuklas sa paggamit ng apoy. D. Nangalap ng pagkain sa kapaligiran.

4. Anong Panahon itong natutong magpaamo ng mga hayop at gumawa ng mga damit na galling sa mga balat ng hayop bilang
proteksiyon sa kanilang katawan? Panahon ng ________
A. Bagong Bato o Neolitiko. C. Lumang Bato o Paleolithic Age.
B. Bakal o Metal Age. D. Pang-gitnang Bato o Mesolitiko.

5. Saan lugar kadalasan umuusbong ang mga sinaunang kabihasnan?


A. Burol B. Kabundukan C. Kapatagan D. Lambak-ilog

6. Kung ang sistema ng pagsulat sa Indus ay Pictogram, ano naman sa Kabihasnang Sumer?
A. Baybayin B. Calligraphy C. Cuneiform D. Steno

7. Bakit higit na marami ang nalalaman natin sa Kabihasnang Sumer kaysa sa Kabihasnang Indus? Dahil __________
A. Hindi pa nababasa ang sulatin sa Indus. C. Unang natuklasan ang Kabihasnang Sumer.
B. Mas mahusay ang mga Sumerian. D. Walang kalakalan sa kabihasnang Indus.

8. Ano ang pagkakatulad ng Kabihasnang Sumer, Indus, at Shang?


A. Lahat sila ay nabuo sa lambak-ilog. C. Pare-pareho ang kanilang pinagmulan.
B. Lahat sila ay nagsulat ng kanilang kasaysayan. D. Sabay-sabay ang kanilang pag-usbong.

9. Paano naiiba ang sistemang panrelihiyon ng Kabihasnang Shang sa Kabishasnang Sumer at Indus?
A. Buo ang pananampalataya ng Shang sa maraming Diyos.
B. Naniniwala ang Shang sa pag-oorakulo o paghuhula.
C. Nagsasagawa ang hari ng Shang ng tungkuling panrelihiyon.
D. Tumutupad ang hari ng Shang ng lampas sa kautusan ng simbahan.

10. Alin sa mga sumusunod ang kaibahan ng lungsod ng Shang sa mga lungsod ng Sumer at Indus?
A. Kilala ang mga lungsod ng Shang sa pagiging tourist attraction.
B. Malaki ang kanilang ambag sa sibilisasyon ng buong mundo.
C. Mas mataas ang tingin ng kinikilalang pinuno sa Shang kaysa sa Sumer at Indus.
D. Naging organisado sa pag-aayos ng mga lungsod na napalibutan ng mataas na pader para proteksiyon at paghahanda sa
madalas na digmaan sa kanilang lupain.

You might also like