You are on page 1of 5

Shining Light Academy

Modyul sa Araling Panlipunan


Sa Heograpiyang Pantao
Para sa Baitang 08 MODYUL BILANG: AP-08-Q1-002

Activity Sheet: 4
Baitang: 08
Asignatura: Araling Panlipunan
Klase ng Gawain: CN/SED
Pamagat ng Gawain: Katangiang Pisikal ng Daigdig (anyong lupa, anyong tubig, klima,
at yamang likas)
Layunin: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Pinagkuhanan: Kasaysayan ng Daigdig 8, Abejo et al. pp. 4-9;
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf; Aral Pan G8
EASE Module Heograpiya ng Asya Modyul 1
Mga Kagamitan: Video

Gumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format sa


inyong Activity Sheet. Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-
Kabuluhan) GeoCard.
Isulat sa unang
bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na
nasa loob ng kahon.
Sa ikalawang bahagi, isulat ang
kahulugan ng nakatalang salita.
Sa ikatlong bahagi, itala ang
kabuluhan ng naturang kataga sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:
Bakit ito mahalaga?
Anyong-lupa Anyong-tubig

Klima Yamang-likas

Latitud at Temperatura

Ang mundo ay dating nahahati sat along sonang pantemperatura: sonang


tropical, sonang may katamtamang klima at pinakamalamig na sona. Ipinakikita ang
pagkakahati-hating ito sa mapa.

Klima at Panahon
Malimit mabasa sa mga aklat ng Araling Panlipunan ang mga katawagang klima
at panahon.
Magkasingkahulugan kaya ang dalawang salitang ito?

8
Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa
isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng
mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa
latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea
level.
Basahin ang AP-08-PPT-Q1-002 na makikita sa inyong Learning
Material Drive. Isulat sa inyong Activity Sheet ang mahahalang
impormasyon mula rito na magsisilbing Concept Notes ninyo. Huwag
kalimutang isulat ang Modyul Bilang at Bilang ng Activity Sheet.

Activity Sheet: 5
Baitang: 08
Asignatura: Araling Panlipunan
Klase ng Gawain: SED/Research
Pamagat ng Gawain: Katangiang Pisikal ng Daigdig (anyong lupa, anyong tubig, klima,
at yamang likas)
Layunin: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Pinagkuhanan: Kasaysayan ng Daigdig 8, Abejo et al. pp. 4-9;
Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf
Mga Kagamitan: Laptop o Cellphone

Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika,


relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng
pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat.

Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig


Afro-Asiatic Niger-Congo
Austronesian Sino-Tibetan
Indo-European
Relihiyon
Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at
rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang
nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang
mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga
paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng
pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan
ng dami ng tagasunod ng mga ito.

9
Mag-isip ng 10 salita na maaari at kaya mong isalin sa tatlong wika at
kailangan ding isulat kung anong wika ito. Maaari kayong magtanong o
magsaliksik. May dalawang halimbawa na naibigay upang magsilbing
gabay sa inyo. Gawin ang nasabing gawain sa inyong Activity Sheet.
Huwag kalimutang isulat ang Modyul Bilang at Bilang ng Activity Sheet.

English: Thank You Filipino: Maraming Salamat po Japanese: Arigato


Spanish: Uno English: One Filipino: Dalawa

Lahat tayo ay may kanya-kanyang relihiyon na kinabibilangan. May sari-


sariling paniniwala at tradisyon. Ang gawain niyo ngayon ay
nangangailangan ng tulong ng mga kasama niyo sa loob ng bahay para
makapagsagawa ng kahit man lang isang tradisyon o paniniwala na
ginagawa ng inyong pamilya sa ilang okasyon. Halimbawa ay pagsisimba. Dahil hindi
naman ito magawa sa pisikal na paraan ay puwede rin na online. Kunan ng larawan
ang gawain. Puwede ring pagdarasal tulad ng sa mga Muslim. Isumite ito sa ating
Google Classroom.

Activity Sheet: 6
Baitang: 08
Asignatura: Araling Panlipunan
Klase ng Gawain: SED/Photo Shoot
Pamagat ng Gawain: Katangiang Pisikal ng Daigdig (anyong lupa, anyong tubig, klima,
at yamang likas)
Layunin: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
Pinagkuhanan: Kasaysayan ng Daigdig 8, Abejo et al. pp. 4-9;
: Araling_panlipunan_grade_8_module_whole.pdf;
: Aral Pan G8 EASE Module Yamang Tao Sa Asya Modyul 2
Mga Kagamitan: Manila Paper, gunting at pangkulay

10
Bago magsimula, mag-isip muna tayo. Mag-isip ng limang lahi sa bansang
daigdig na alam mo. Isulat sa inyong Activity Sheet ang inyong sagot.
Huwag kalimutang isulat ang Modyul Bilang at Activity Sheet Number.

Lahi/Pangkat-Etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi
na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o
bayolohikal na katangian ng pangkat.
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman
sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng


pagtukoy sa inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong Activity
Sheet.

Pahalang Pababa
1. Kaluluwa ng kultura 2. Relihiyong may pinakamaraming
3. Sistema ng mga paniniwala at rituwal tagasunod
7. Pagkakakilanlang biyolohikal 4. Pamilya ng wikang may
ng pangkat ng tao pinakamaraming taong gumagamit
9. Pamilya ng wikang Filipino 5. Salitang-ugat ng relihiyon
10. Matandang relihiyong umunlad sa 6. Salitang Greek ng “mamamayan”
India 8. Pangkat ng taong may iisang kultura
at pinagmulan

11
Pumili ng isang bansa. Talakayin ang heograpiyang pantao ng
bansang inyong napili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
panuto para sa gawaing ito.

1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.


2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at
bagay na tumutukoy sa lahi, wika at relihiyon ng bansang pinili.
3. Isuot ang nabuong kasuotan. Kunan ang sarili ng larawan
4. Mamarkahan ang gawaing ito batay sa rubric na ito.
5. Kunan ng larawan ang sarili habang nakasuot ng ginawang “kasuotan”.
6. Isumite ito sa Google Classroom.

Rubric sa Pagmamarka ng Modelo ng Kultura


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman ngWasto ang impormastong nakasulat at mga bagay o 10
Kasuotan simbolong nakaguhit sa damit; nakapaloob ang tatlo o higit
pang konsepto ng aralin
Disenyo ng Malikhain ang gawang damiy; angkop ang kulay at laki ng 10
Kasuotan mga nakasulat at nakaguhit sa damit; malinaw ang
mensahe batay sa disenyo
Pagmomodelo Mahusay ang isinagawang pagmomodelo; akma ang kilos 5
sa pangkat-etniko o bansang kinakatawan ng modelo
Kabuuan 25

Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang


ROMANS 3:12 gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:

12

You might also like