You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN

Pangalan: ______________________________________________
Pangkat:______Guro:____________________________________
_________________________
Aralin
HEOGRAPIYANG PANTAO
3
Kasanayan

A. Most Essential Learning Competencies


Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at
mamamayan sa daigdig (lahi/pangkat-etnolingguwistiko,at relihiyon sa
daigdig) MELC Code: AP8HSK-le-5

Inaasahan

Sa modyul na ito ay matatalakay ang mga konseptong may kinalaman sa


pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi/ pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pamumuhay. Mauunawaan
na ang mga natatanging kultura ng mga pangkat-etnolingguwistiko tulad ng
wika at relihiyon ay nakakaapekto sa pagbuo at pag-unlad ng mga kabihasnan
sa daigdig.
May mga gawain din na inihanda upang masukat ang iyong natutuhan
tungkol sa aralin. Inaasahan ko na magiging interesado ka sa araling ito dahil
ang mga kasanayan na iyong natutuhan ay maaari mong magamit sa
pagkikisalamuha sa ibang tao na may iba’t ibang wika, relihiyon, lahi at
pangkat-etniko sa mga bansa sa mundo na nais mong mapuntahan balang
araw.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Natatalakay ang mga konseptong saklaw ng heograpiyang pantao sa
daigdig.
2. Nasusuri ang mga datos na bumubuo sa mga natatanging kultura sa ating
kabihasnan.
3. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at
mamamayan sa daigdig (lahi/pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig) sa paghubog ng kabihasnang Asyano.

Paunang Pagsusulit

Panuto: Sa bahaging ito ay subukan mong sagutan ang panimulang


pagtataya upang malaman ang lawak ng iyong kaalaman patungkol sa aralin.
Piliin ang mga titik ng tamang sagot upang mabuo ang mga konsepto.
1. Pundasyon ng pilosopiya tulad ng Confucianism at Taoism.
A. Indo-European B. Niger-Congo C. Sino-Tibetan D. Non-Religious
2. Lahi ng mga itim
A. Negroid B. Mongoloid C. Caucasoid D. Austronesian

AP8-Qrt1-Week3
ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN

3. Pinakamatandang relihiyon sa daigdig


A. Kristiyanismo B. Hinduismo C. Confucianismo D. Islam
4. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D. Lahi
5. Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao
tungkol sa kanilang makapangyarihang nilalang ng Diyos.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D. Lahi
6. Ang heograpiyang pantao ay tumutukoy sa pag-aaral ng wika, relihiyon,
_______ at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
A. Lahi B. Wika C. Pangkat-etniko D. Sayaw
7. Dami ng buhay na wika sa daigdig
A. 7000 B. 7005 C. 7105 D. 7051
8. Nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat.
A. Lahi B. Relihiyon C. Wika D. Kultura
9. Dami ng gumagamit ng buhay na wika sa daigdig.
A. 6,200,000,000 B. 6,200,000,001 C. 6,200,000,002 D. 6,200,000,003
10. Lahi ng mga dilaw.
A. Caucasoid B. Austronesian C. Negroid D. Mongoloid

Balik Tanaw

Panuto: Ilagay ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang
hinihinging konsepto.
1. Tawag sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig
H O G A P Y A

2. Anong guhit sa globo ang humahati sa hilaga at silangan?


E K D O

3. Pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.


K N T N E T

4. Ano ang tawag sa kalagayan ng atmospera ng isang lugar sa loob ng


mahabang panahon?
K L M

5. Pinakamalaking karagatan sa buong mundo.


P A I P K

Matapos mong maorganisa ang iyong paunang kaalaman tungkol sa heograpiya ng tao,
ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng teksto at mga
gawain. Paano nakatulong ang paglinang ng wika, relihiyon at lahi/ pangkat-etniko
sa paghubog ng kabihasnan sa daigdig?

AP8-Qrt1-Week3
ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN
Maikling Pagpapakilala
sa Aralin

Ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa pisikal na anyo, wika at kultura ay


patunay na iniangkop ng bawat pangkat-etnikong ito ang kanilang pamumuhay
sa mga bundok, disyerto, damuhan at mga kagubatang nakapaligid sa kanilang
panahanan.
Ang pag-angkop at pagkakaiba-iba ng mga gawi, paniniwala, relihiyon at
wika ng mga pangkat-etniko ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga sinaunang
tao sa mundo ay mga magsasakang namuhay ng pirmihan sa isang lupain,
nagpapalipat-lipat ng tirahan, nakatira sa rural at ang iba nasa lupaing urban.
Paksa: Heograpiyang Pantao

Lahi/ Pangkat-
etnolingguwistiko
 Ang Heograpiyang Pantao ay
tumutukoy sa pag-aaral ng wika,
Wika Relihiyon relihiyon, lahi at pangkat-etniko
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

 Wika- isa sa mga batayan ng


Heograpiyang pagpapangkat ng tao sa mundo. Itinuturing
Pantao
itong kaluluwa ng isang kultura dahil
nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa mga taong
kabilang sa isang pangkat.

* Mayroong 7,105 na
buhay na wika sa daigdig
na ginagamit ng mahigit
6,200,000,000 katao.

* Nakapaloob ang mga


wikang ito sa tinatawag
na language family o
mga wikang
magkakaugnay at may
iisang pinag-ugatan.

* Tinatayang may 136


language family
ginagamit sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.
(Blando et.al Kasaysayan ng Daigdig Modyul ng Mag-aaral, 2014, pp.31).
https://triangulations.files.wordpress.com/2013/11/lang_family_map2.png
Napakahalaga ng wika sa isang bansa. Ito ang pangunahing ginagamit ng
tao upang maitakda at maipadama ang kanilang damdamin (Samson, et.al
Kayamanan, Araling Asyano p.108). Bukod dito, ang wika rin ang nagbubuklod
sa tao upang manatiling nagkakaisa at nagpapahalaga sa kanilang kultura
(Mateo, Ph.D. Grace Estela, et.al. Kabihasnang Asyano, 2008, p.58).
Tulad ng wika, mahalaga rin ang relihiyon sa mundo dahil ito ay naging
dahilan ng pag-unlad at pag-iral ng kultura ng isang bansa. Gayundin, ito ay

AP8-Qrt1-Week3
ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN
nagsilbing salik sa pagtatag at pagbagsak ng mga sinaunang kaharian. At
panghuli, ito ay batayan ng pagkilos ng tao sa pang-araw-araw niyang buhay

* Relihiyon- ito ay
nagmula sa salitang
Latin na re-ligare na
ang ibig sabihin ay
pagbubuklod at
pagbabalik-loob
(Blando, et.al, Asya:
Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba 2014
pp.155).
https://www.google.com/search?q=mga+pangunahing+relihiyon+sa+mundo&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwjb1uLLgfzpAhVE62EKHY1KCnAQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1024&bih=657#imgrc=gX8TanCrHfT-
SM&imgdii=RcQH9eLTNG-VjM

MGA PANGUNAHING RELIHIYON SA DAIGDIG


* HINDUISMO - pinakamatandang relihiyon sa India na niyakap ng mga
lahing Aryan.
- Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at
pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng
pagkakaisang ispiritwal.
* BUDDHISM -itinatag ni Siddharta Gautama.
- Ang mga aral ng Budismo ay batay sa personal na
karanasan at nagiging batayan o pundasyon ng Budismo.
* ISLAM - pinakabata sa mga pangunahing relihiyon sa buong
mundo.
- Naniniwala na si Allah ang kanilang Diyos at si
Mohammad ang kanilang propeta.
* - pinakamalaki at pinalaganap na relihiyon sa buong
KRISTIYANISMO daigdig.
- Sumusunod sa mga kuwento at turo ni Hesukristo.

MGA LAHING PINAGMULAN NG PANGKAT-ETNIKO SA MUNDO


* Ang pangkat-etniko ay grupo
ng mga tao na may kulturang
kakaiba sa ibang grupo ng tao.
May sariling wika, mga
kaugalian, gawi at tradisyon.

* Ang salitang “etniko” ay mula


sa salitang Griyego na ethos na
nangangahulugang
“mamamayan” (Blando, et.al
Kasaysayan ng Daigdig Modyul
ng Mag-aaral,2014 p.34).
https://www.ilmusiana.com/2015/10/forms-of-social-differentiation-racial.html

AP8-Qrt1-Week3
ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN
MGA LAHI NG ATING PANGKAT-ETNIKO
* Mongoloid (dilaw) - may dilaw na kulay ng balat, tuwid na buhok, at
singkit na mata.
* Caucasoid (puti) - may matangos na ilong, maputi ang kulay ng balat,
madilaw ang buhok at tuwid na pilik-mata.
* Negroid (itim) - kulot ang buhok, maitim ang kulay ng balat, may
makapal ang labi, at tuwid ang pilik-mata.
Maituturing ang isang pangkat na etnolingguwistiko kung sila ay may
magkakaparehong wika, kultura at etnisidad (kamag-anakan o pareho ng lahing
pinagmulan).
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga pangkat-etnikong ito ay bunga ng
magkakaibang kondisyong pangkapaligiran na kanilang ginagalawan.

Gawain: A Pag-ugnayin Natin

Panuto: Pumili ng isa sa mga gawaing nasa ibaba upang maipahayag ang

iyong pagpapahalaga.

Landmark Concept Web Retrieval Chart


Bumuo ng concept web na
Gumuhit ng mapa ng inyong naglalarawan ng mga
pamayanan na nagpapakita ng
Bumuo ng retrieval chart na
kulturang dapat magpapakita ng ambag ng
mga lugar na pinagdarausan ng
pagsamba sa Diyos. Lagyan ito pahalagahan mula noon pangkat-etnolingguwistiko sa
ng flaglets. hanggang ngayon. paghubog ng kabihasnan.

RUBRIK SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN PUNTOS
Paglalahad ng Gawain 5
Kalinawan ng datos, ebidensiya at kasanayan 10
Pagkaayon sa itinakdang layunin 5
Kabuuang Puntos 20 puntos

TANDAAN

Heograpiyang Pantao

LAHI/PANGKAT-
WIKA- sumasalamin
ETNIKO- tumutukoy
sa pagkakakilanlan
sa pagkakakilanlan
ng kultura
ng pangkat ng tao.

RELIHIYON- batayan ng
pagkilos ng tao sa araw-
araw na buhay.

AP8-Qrt1-Week3
ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN
Pag- alam sa mga
Natutuhan

Natapos mo na ang mga gawain para sa araling ito. Sa bahaging ito ay punan
mo ang tsart upang malaman ang makabuluhang bagay na iyong natutunan.

WHAT WHY HOW WANT


Ang aking .Bakit Paano ko Gusto ko pang
natutuhan? mahalagang magagamit sa malaman?
matutunan? aking buhay?

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Piliin ang mga titik ng tamang sagot upang mabuo ang mga
konsepto.
1. Pundasyon ng pilosopiya tulad ng Confucianism at Taoism.
A. Indo-European B. Niger-Congo C. Sino-Tibetan D. Non-Religious
2. Lahi ng mga itim
A. Negroid B. Mongoloid C. Caucasoid D. Austronesian
3. Pinakamatandang relihiyon sa daigdig
A. Kristiyanismo B. HInduismo C. Confucianismo D. Islam
4. Naging batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D. Lahi
5. Kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol
sa kanilang makapangyarihang nilalang ng Diyos.
A. Wika B. Relihiyon C. Kultura D. Lahi

PAGNINILAY

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Paano isinagawa ang pagpapangkat ng mga tao sa daigdig? Para sa iyo,


dapat bang maging batayan ang mga tinukoy mong pagpapangkat? Bakit?

2. Gumawa ng Landmark ng mga simbahan sa inyong lugar gamit ang


iginuhit mong mapa. Ipaliwanag kung paano nakatutulong ang
simbahang ito sa pagbubuklod ng mga tao sa komunidad at pagpapanatili
ng kulturang Pilipino.

3. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang turo ng simbahang katoliko sa


paghubog ng pagkatao ng mga Filipino sa panahon ng mga Kastila at sa
kasalukuyang panahon. Magbigay ng 3 turo ng simbahan na
nakaimpluwensya sa iyong pagkatao.

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagtugon sa mga gawain sa modyul.


Hanggang sa muli.

AP8-Qrt1-Week3
ARALING PANLIPUNAN 8 – UNANG MARKAHAN
SAGUTANG PAPEL
Pangalan:___________________________________________________

Pangkat __________Guro: ____________________________________

Aralin
HEOGRAPIYANG PANTAO
3
I. PAUNANG PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

II. BALIK-TANAW

1. 2. 3. 4. 5.
III. GAWAIN A.
PAMANTAYAN KASAGUTAN
Paglalahad ng Gawain 

Kalinawan ng datos, 
ebidensiya at kasanayan

Pagkaayon sa itinakdang 
layunin

IV. PAG-ALAM SA NATUTUHAN


WHAT WHY HOW WANT
Ang aking .Bakit Paano ko Gusto ko pang
natutuhan? mahalagang magagamit sa malaman?
matutunan? aking buhay?

V. PANGHULING PAGSUSULIT
1. 2. 3. 4. 5.
VI. PAGNINILAY: Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.

AP8-Qrt1-Week3

You might also like