You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN 6
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS
Bahagdan

Understanding
Bilang

Remembering
Bilang
Pamantayan sa Pagkatuto ng

Evaluating
ng Araw

Analyzing
Applying
Aytem

Creating
Nasusuri ang uri ng pamahalaan at 5 14% 7 1,2,3, 7 6 4 5
patakaran na pinatupad ng mga
Amerikano
Uncoded
Naipaliliwanag ang mga 5 12% 6 8,11 10 9,12 13
pagsusumikap ng mga Pilipno
tungo sa pagtatag ng nagsasariling
pamahalaan
Uncoded
Natutukoy ang mga dinaanang 5 12% 6 14,15 19 18 17 16
proseso tungo sa pagpapatibay ng
Saligang Batas ng 1935
Naibibigay ang mahahalagang
naisagawa ng mga Pilipino sa
pagkamit ng adhikaing pagsasarili
Nailalarawan ang balangkas at
layunin ng Pamahalaang
Komonwelt at naisa-isa ang mga
nagawa ng mga Pilipino sa
Pamahalaang Komonwelt
Uncoded
Natatalakay ang Sistema ng 5 14% 7 20,21, 25,26 23 24
edukasyon na ipinatupad ng mga 22
Amerikano
Natutukoy ang kahalagahan ng
mga pagbabago sa edukasyon
Pagtalakay sa kalagayang
pangkalusugan ng mga Pilipino
Pagtukoy sa kahalagahan ng mga
pagbabago sa edukasyon
Uncoded
Natatalakay ang mga layunin at 5 12% 6 27,28, 32 30 31
mahalagang panyayari sa 29
pananakop ng mga Hapones
a.Pagsiklab ng digmaan
b. Labanan sa Bataan
c. Death March
d. Labanan sa Corregidor
AP6KDP -IIe - 5
Nasusuri ang mga patakaran at 5 12% 6 34 36 33,35
resulta ng pananakop ng mga ,37,3
Hapones 8
Uncoded
Naipaliliwanag ang paraan ng
39,40,
pakikipaglaban ng mga Pilipino
5 14% 7 41,42, 45
para sa kalayaan laban sa Hapon
43,44
Uncoded
Napahahalagahan ang iba’t ibang
paraan ng pagmamahal sa bayan 46,47
ipinamalas ng mga Pilipino sa 5 10% 5 ,48,4
panahon ng digmaan 9,50
Uncoded
TOTAL 40 100% 50 20 10 7 8 5 0
30 15 5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


SA ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat bago ang numero.

1. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang militar?


A. Pangulo C. Pangalawang Pangulo
B. Gobernador Militar D. Gobernador Sibil
2. Kailan naitatag sa Pilipinas ang Partido Federal upang payapain ang mga Pilipinong mag-alsa laban sa Amerikano?
A. Pebrero 6, 1901 C. Disyembre 23, 1900
B. Mayo 7, 1899 D. Agosto 14, 1898
3. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
A. Wesley Merritt C. William Mckinley
B. William H. Taft D. Jacob Schurman
4. Anong uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar?
A. Pamahalaang Taft C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Schurman
5. Ang gobernador militar ay may kapangyarihang maliban sa isa. Ano ito?
A. Tagapaghukom C. Tagapagatas
B. Tagapagpaganap D. Tagapagpahayag
6. Ipinag-utos ni Pangulong McKinley ang pagpapairal ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas sapagkat ito ang hinihingi ng
pagkakataon dahil hindi pa mapayapa ang panahon. Kung ikaw sang ayon ka ba sa desisyon ni Pangulong McKinley?
A. Oo, para sa kapayapaan, kaayusan at katahimikan ng bansa
B. Hindi, dahil sunud-sunuran na ang mga Pilipino sa mga militar
C. Oo, para sa katahimikan ng mga mayayaman lamang
D. Wala sa nabanggit
7. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil sa bisa ng patakarang.
A. Pilipinisasyon ng Pilipinas C. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
B. Pilipino Muna D. Makataong Asimilasyon
8. Sa ilalim ng batas na ito naitatag ang Unibersidad ng Pilipinas
A. Batas bilang 1870 C. Wala sa nabanggit
B. Batas Jones D. Lahat ng nabanggit
9. Matapos ang mahigit sa tatlong daang pagkaalipin sa mga Espanyol, dumating ang mga Amerikano sa ating bansa. Ano
kaya ang nangyari kung sakaling hindi dumating ang mga Amerikano sa ating bansa?
A. Patuloy ang pagka alipin ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol
B. Maraming pagbabago ang nangyari kailanman ay hindi naranasan sa pamahalaang Espanyol
C. Lahat ng nabanggit
D. Wala sa nabanggit
10. Anong uri ng Asamblea na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong makisali sa pamamalakad sa pamahalaan?
A. Asamblea ng Pilipinas C. Asamblea ng Saksi
B. Asamblea ng Estados Unidos D. Wala sa nabanggit
11. Nahalal bilang Ispiker ng Mababang Kapulungan.
A. Manuel L. Quezon C. Sergio Osmenia Sr.
B. Jose Rizal D. Manuel A. Roxas
12. Inihanda ang pamahalaang militar ang pundasyon ng pamahalaang sibil,isa sa mga ito ay ang pagbubukas ng mga
paaralang pampubliko na ang unang guro ay mga sundalong Amerikano. Kung sakaling ikaw ang tumayong guro noong
panahon na iyon, magsisilbi ka bang tunay sa mga Pilipino na hindi mo naman kadugo?
A. Hindi, dahil hindi ko naman sila kadugo
B. Oo, dahil bukas sa kalooban ko ang tumulong bagamat hindi ko sila kadugo
C. Gustuhin ko kung may pera na ibibigay nila.
D. Hindi, wala akong pakialam.
13. Ang Estados Unidos ay inihanda ng pamahalaang militar ang pundasyon ng pamahalaang sibil maliban sa isa. Ano
ito?
A. pagtatag ng mga hukuman
B. pagbukas ng mga paaralang pampubliko
C. pagtatag ng bagong pamahalaan sa bansa
D. pagpatayo ng mga pribadong gusali
14. Sino ang napiling Pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal at pinamunuan niya ang pagbuo ng Saligang Batas ng
1935?
A. Claro M. Recto C. Manuel Roxas
B. Franklin Delano Roosevelt D. Manuel L. Quezon
15. Kailan nabuo ang Saligang Batas ng 1935 ?
A. Hulyo 10, 1934 C. Mayo 13, 1945
B. Pebrero 8, 1935 D. Pebrero 13, 1935
16. Ang mga nilalaman ng Saligang Batas ng 1935 ay halos mula sa Saligang Batas ng
Estados Unidos maliban sa pagkakaroon ng isang ______________.
A. Kapulungan sa Lehislatura ( Unicameral National Assembly )
B. Kumbensyong Konstitusyonal
C. Mataas na Kapulungan
D. Wala sa nabanggit
17. Paano nabuo ang Saligang Batas ng 1935?
A. Sa pamamagitan ng probisyon ng Batas Tydings-McDuffie na magkaroon ng pagsasarili ang bansa
B. Sa pamamagitan ng pag-sang ayon ng sambayanang Pilipino
C. Sa pamamagitan ng proseso na dapat mangyari upang makalaya ang Pilipinas
D. Lahat ng nabanggit
18. Ano ang magiging epekto kung patuloy ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dayuhang produkto o stateside?
A. Pag-angat ng produkto ng mga Pilipino
B. Pagbagsak ng ekonomiya at industriya ng bansa
C. Wala sa nabanggit
D. Lahat ng nabanggit
19. Pangunahin simulain ni Pangulong Quezon sa kanyang pamamahala ang pangunguna ng pamahalaan kaysa pulitika;
at patakarang walang mamamayan na mula sa punong tagapagpaganap hanggang sa pinakamaliit na mamamayan
ang mas mataas kaysa batas. Bakit kaya ito ang unang simulain na ipinatupad ni Pangulong Quezon. Ano sa palagay
ninyo?
A. Mas mahalaga ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa sa pulitika
B. Mahirap man o mayaman walang mas nakakataas sa batas
C. Ang pamamahala niya sa mga tao ang naging sentro ng kanyang programa o adhikain
D. Lahat ng nabanggit
20. Kailan pinatayo ang Pamantasan ng Pilipinas? ( paaralang pangkolehiyo )
A. Hunyo 18, 1908 C. Hunyo 12,1898
B. Hulyo 19, 1909 D. Wala sa nabanggit
21. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano?
A. Buddist C. Wala sa nabanggit
B. Thomasites D. Lahat ng nabaggit
22. Ano ang simbolo ng pananakop ng Amerikano?
A. relihiyon C. paaralan
B. Ingles D. pambayan
23. Alin sa sumusunod ang simbolo ng pananakop Amerikano?
A. simbahan C. espada
B. paaralan D. krus
24. Ang sumusunod ay ipinatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.
A. Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan
B. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika
C. Itinuro ang relihiyon at wikang tagalog
D. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo
25. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na maging isang pangulo ng bansa. Pagtutuunan mo rin ba ng pansin ang
pagbabago sa tranportasyon at Komunikasyon tulad sa panahon ng mga Amerikano.?
A. Hindi, dahil hindi kailangan,mas uunahin ang tungkol sa pagkain
B. Oo, sapagkat isa sa mga ito ang kinakailangan sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa
C. Oo, dahil naayon sa makabagong teknolohiya
D. Wala sa nabanggiT
26. Isang malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang paglitaw ng kolera at bulutong sa Maynila at iba pang
karatig pook, na kung ihahalintulad sa ngayon na nararanasan ang pandemya sa buong mundo. Ano kaya ang
mangyayari kung hindi magpapatupad ang mga kawani ng Kalusugan upang hindi ito kumalat?
A. Unti- unting mamatay ang mga tao
B. Mawawalan ng trabaho ang lahat ng mga tao
C. Babagsak ang ekonomiya at industriya ng buong bansa
D. Lahat ng nabanggit
27. Kailan lubusang nasakop ng mga Hapones ang Maynila?
A. Enero 2, 1942 C. Mayo 4, 1942
B. Pebrero 20, 1942 D. Mayo 6, 1942
28. Ano ang hiniling ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika kay Pangulong Manuel Quezon pagkatapos masakop
ng mga Hapones ang Maynila?
A. Ipagpatuloy niya ang pamumuno sa pakikipaglaban.
B. Sumuko na siya sa mga Hapones.
C. Ilikas niya ang pamahalaang Commonwealth at kanyang pamilya sa Amerika.
D. Wala sa mga nabanggit.
29. Sino ang naatasan bilang kapalit ni Heneral MacArthur na lananan ang mga Hapones?
A. Heneral Jonathan Wainwright C. Heneral Luke Edward Wright
B. Heneral William Howard Taft D. Heneral Henry Clay Ide
30. Paano naranasan ng mga sundalo sa Corregidor ang bagsik ng mga sundalong Hapones?
A. pagpaparanas ng Martsang Kamatayan
B. pagsunog sa mga kuta nila
C. walang tigil na pagbobomba sa kanila
D. Lahat ay tama.
31. Noong Mayo 5, 1942, ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng makakaya sa pagtatanggol sa
Corregidor. Ano resulta ng pakikibaka nila sa mga sa Hapones?
A. Umurong sila sa labanan upang hindi mamatay.
B. Tumakas sila at nagtago sa kabundukan.
C. Ipinagpatuloy nila ang pakikipaglaban.
D. Nagapi pa rin sila ng mga Hapones.
32. Sa iyong tingin, bakit kaya nagtatag ng pangkat gerilya ang mga sundalong Pilipino sa labanan sa Corregidor?
A. Upang humiwalay sila sa pangkat ng Amerika.
B. Upang maisalba ang sarili sa kamatayan.
C. Upang makamit ang hinahangad na kalayaan.
D. Upang makakuha ng pagkain.
33. Alin sa mga sumusunod ang motibo ng mga Hapones sa pagsakop sa Pilipinas?
A. Upang may paglagyan ng kanilang lumalaking populasyon.
B. Upang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal.
C. Upang may makukuhanan ng mga likas na yaman.
D. Lahat ay tama.
34. Ano ang kahulugan ng pakikialam ng mga bansang Kanluranin sa mga Asyano?
A. pagmamaliit ng mga Kanluraning sa kakayahan ng mga Asyano
B. pagbabalewala sa kapakanan ng mga Asyano
C. pagmamalasakit sa Asyano ng mga Kanluranin
D. A at B
35. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet Republic dahil sa ___________________.
A. Ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
B. Pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
C. Pilipino lahat ang namumuno.
D. Laruang Puppet ang paboritong nilang laro.
36. Alin ang tama?
A. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika.
B. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo.
C. Mga Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan.
D. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.
37. Ano ang naging epekto ng ekonomiyang pandigmaan sa panahon ng mga Hapones?
A. Nagkaroon ng kasaganaan sa pamumuhay ng mga Pilipino.
B. Maraming trabaho ang ipinatupad ng mga Hapones.
C. Nagkaroon ng kakulangan sa mga pangunahing produkto.
D. Umunlad ang aspetong agrikultura sa Pilipinas.
38. Ang mga sumusunod ay mga kontribusyon o ambag ng mga Hapones sa Ikalawang Republika maliban sa isa. Alin
dito?
A. bukas sa kamalayan sa pagtangkilik sa teknolohiya
B. pagtatag ng mga Simbahang Katoliko
C. pagtayo ng mga Paaralang Bokasyonal
D. pagpapagamit ng Wikang Tagalog sa mga Pilipino
39. Ang heneral ng Amerika na bumalik kasama ang mga hukbong Amerikano na lulupig sa mga Hapon.
A. Heneral Hideki Tojo C. Heneral Edward King
B. Heneral Douglas MacArthur D. Heneral Jonathan Wainwright
40. Kailan bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapon?
A. 5 Mayo 1942 C. 7 Mayo 1942
B. 6 Mayo 1942 D. 8 Mayo 1942
41. Siya ang lider ng samahang gerilya sa Panay.
A. Tomas Confessor C. Koronel Ruperto Kangleon
B. Tomas Cabili D. Wenceslao Q. Vinzons
42. Isang kilusang may katulad na simulain ng mga gerilya na binuklod ng mga magsasakang labis na naghirap.
A. KKK C. HUKBALAHAP
B. Gerilya D. USAFFE
43. Ang pinuno sa kilusang HUKBALAHAP na itinatag laban sa mga Hapones.
A. Luis Taruc C. Jose Banal
B. Jesus Lava D. Lahat ng nabanggit ay tama
44. Ang mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na nakipaglaban sa mga Hapones.
A. HUKBALAHAP C. Makapili
B. Gerilya D. KALIBAPI
45. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Parlamentaryo C. Pamahalaang Totalitaryan
B. Pamahalaang Demokratiko D. Pamahalaang Komonwelt

46-50. Suriin ang angkop na katangiang ipinamalas ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa
panahon ng digmaan.
46. Pagsisilbi bilang espiya ng mg Hapones upang mapadali ang buhay.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
47. Pagbubuwis ng buhay para sa Kalayaan.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
48. Pagtulong sa mga nasugatan at pagbibigay ng pagkain sa mga sundalong nakikipaglaban.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
49. Pagtaguyod at pakikiisa sa mga adhikain ng mga samahang naglalayong makamit ang Kalayaan.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
50. Pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng mga banyagang mananakop ng ating bansa.
A. Tama B. Mali C. Ewan ko D. Hindi ko alam
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

SECOND PERIODICAL TEST


IN AP
ANSWER KEY

1. B 26.D
2. C 27.A
3. A 28.C
4. C 29.A
5. D 30.C
6. A 31.D
7. B 32.C
8. A 33.D
9. B 34.D
10. A 35.A
11. C 36.C
12. B 37.C
13. D 38.B
14. A 39.B
15. B 40.B
16. A 41.A
17. C 42.C
18. B 43.D
19. D 44.B
20. A 45.C
21. B 46.B
22. C 47.A
23. C 48.A
24. D 49.A
25. B 50.B

You might also like