You are on page 1of 33

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Karapatan at Tungkulin ng
Mamimili
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Romel B. Allawan


Tagasuri: Aimee D. Chua, at Angel Rose L. Suansing

Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V


ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, Ed.D.
LRMS EPS Aris Juanillo, Ph.D.
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue., Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Karapatan at Tungkulin ng
Mamimili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Karapatan at Tungkulin ng
Mamimili!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay magiging gabay para sa mga


mag-aaral upang tuklasin nila ang mga kaalaman
na maaaring magamit sa pagiging mabuting
konsyumer. Laging tandaan na mahalaga na
mapag-aralan nila ang mga paksang napaloob dito
nang sa gayon ay malinang ang pagiging
mapanuri, kritikal na kaisipan, at kamalayang
panlipunan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa mga Karapatan at Tungkulin ng Mamimili.

Ang pagkakaroon ng wastong impormasyon at kaalaman sa mga mahahalagang


karapatan at tungkulin bilang isang mamimili ay napakalaking tulong upang
magabayan ka sa ano mang nararapat gawin at mapalawak ang iyong kaisipan sa
pagtugon sa mga posibleng problemang darating. Sa puntong ito, gamit ang mga
kaalamang napaloob sa modyul na ito ay maaaring gamitin mo bilang iyong
repenresya o batayan. Kaya, pag-aralan mo ng may sigasig at pagmamahal ang
modyul na ito dahil bunga rin ito ng pagmamahal at dedikasyon ng may-akda para
makatulong sa iyong pag-aaral. Ang iyong mga karapatan bilang isang mamimili ay
dapat mapangalagaan. Bagkus, gampanan mo rin ang iyong mga tungkulin upang
sa gayon ay maging katuwang ka sa pagsulong sa ating pambansang kaunlaran.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

iv
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Kumusta ka? Alam kong inaasam-asam mo na ang panibagong aralin. Batid


ko na sa nagdaang aralin ay marami kang natutunan na mga makabuluhang
kaalaman at impormasyon upang ikaw ay maging isang produktibo na mag-aaral.
Nawa’y ipagpatuloy mo ang iyong kawili-wiling pag-uugali at gawing matibay itong
motibasyon. Ngayon, handa ka na ba para sa panibagong aralin na iyong pag-
aaralan sa bahaging ito? Mauunawaan mo dito ang iyong mga karapatan at
tungkulin bilang isang mamimili. Importarte na alam mo ang iyong mga karapatan
upang ikaw ay hindi malinlang sa mga mapagsamantalang tao. Laging tandaan na
ang iyong mga karapatan ay may kaakibat din na mga tungkulin o responsibildad
na nararapat mong isasakatuparan.

Mag-aaral, umaasa ako na ang mga gawain sa modyul na ito ay makatulong


sa iyo upang alamin ang mga mahalagang konseptong napapaloob dito. Basahin at
unawain mong mabuti ang mga detalye tungkol sa paksa.

Ang araling nakapaloob sa modyul na ito ay nakabatay para sa Baitang 9 na


Most Essential Competency (MELC) - Naipagtatanggol ang mga karapatan at
nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili (AP 9 MKE-Ih18).

Mula sa nabanggit ng kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na


paksa:
• Karapatan at Tungkulin ng Mamimimili
• Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan at Kapakanan ng
Mamimimili
• Mga Ahensya ng Gobyerno na Tumutulong sa Kapakanan ng mga
Mamimili

Ang sumusunod na mga layunin na dapat mong maisagawa pagkatapos mong


mabasa at masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

• natutukoy ang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamimili;


• nasusuri ang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamimili; at
• nailalapat ang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamimili sa pang-
araw-araw na pamumuhay.

1
Subukin

PAGPIPILI. Piliin ang tamang titik ng inyong sagot at isulat sa inyong sagutang
papel. (15 puntos)

1. Alin sa sumusunod na batas ang nangangalaga sa karapatan ng isang


mamimili hinggil sa kapakanan mula sa mga mapagsamantala,
mapanlinlang, at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo at industriya?
A. R.A 4729 B. R.A 5921 C. R.A 7394 D. R.A 9003

2. Si Ana ay bumili ng ulam sa karenderya ni Aling Maria. Ngunit natuklasan


niya, ang ulam pala ay may halong karneng “botcha”. Anong karapatan ni
Ana ang nalabag sa sitwasyong ito?
A. Karapatan sa pagpili
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatan sa tamang impormasyon
D. Karapatan sa maayos at malinis na kapaligiran

3. Aling ahensya ka dapat humingi o sumangguni sa iyong reklamo kung sakali


ikaw ay nadaya sa timbang ng binibili mong bigas sa palengke?
A. Food and Drugs Administration
B. Department of Trade and Industry
C. City/Provincial/Municipal Treasurer
D. Securities and Exchange Commission

4. Bilang Pilipinong konsyumer, ang pagtangkilik sa mga produktong atin ay


isang mabuting hakbang upang tayo ay makatulong sa pambansang
kaunlaran. Alin sa sumusunod na pananagutan ng isang mamimili ang
isinasaad sa pahayag?
A. pagkilos C. mapanuring kamalayan
B. pagkakaisa D. pagmamalasakit na panlipunan

5. Si Kathleen ay may sari-sari store sa harap ng paraalan. Naglalagay siya ng


mga basurahan para sa mga nabubulok at di-nabubulok alinsunod sa batas
ng ating gobyerno. Alin sa sumusunod na pananagutan ang isinusulong niya?
A. pagkilos C. mapanuring Kamalayan
B. pagmamalasakit na Panlipunan D. kamalayan sa Kapaligiran

6. Tuwing namamalengke si Rosa sa Agdao Public Market ay palagi siyang


nagdadala ng eco-friendly bag bilang tugon sa pagiging matalino at
responsableng mamimili nito. Anong pag-uugali at pananagutan ang
ipinamamalas niya?
A. pagkilos C. mapanuring kamalayan
B. pagkakaisa D. kamalayan sa kapaligiran

2
7. Isa sa karapatan ng mga mamimili ay ang karapatang madinig at mabigyan
ng bayad-pinsala. Alin sa sumusunod ang HINDI nararapat gawin upang
maseguro na matamasa ang karapatang ito?
A. Maaari kang humingi ng panibagong produkto o ibalik ang bayad, at sa
ibang pagkakataon ipagawa sa kanila ang depektibong produkto.
B. Kung nakabili ka ng sira o depektibong produkto, ibalik ito at isangguni sa
Consumers Welfare Desk.
C. Huwag dalhin ang mga dokumentong kailangan tulad ng iyong sulat
patungkol sa iyong reklamo at resibo para sa medyasyon.
D. Kung ang representante ng tindahan ay hindi agarang umaksyon sa iyong
reklamo, pumunta sa ahensyang pamahalaan na may hurisdiksyon nito

8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang higit na nagpapakita sa


manapuring kamalayan ng isang mamimili?
A. Bumili ng segunda-mano na motorsiklo si Janus upang makatipid sa
badyet nito.
B. Nakikisabay sa uso si Ana sa pagbili ng bagong smartphone para siya ay
maging angat sa kanyang mga kaibigan.
C. Sinuri ni Maria ang expiration date, nutritional facts at ng preyo ng gatas
para sa kanyang bunsong anak.
D. Nangutang ng pera si Mang Julio sa turko upang ipantustos sa kanyang
anak na gustong bumili ng bagong damit para sa kaarawan nito.

9. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita sa wastong pagsulong


ng iyong karapatan upang maseguro ang iyong kapakanan bilang isang
mamimili?
A. Ang anumang sira at depektibong produktong nabili ay di na maaaring
palitan ng panibago.
B. Pwedeng ibalik at palitan ng isang mamimili ang kanyang biniling
produkto kapag ito ay depektibo.
C. Ang mga produktong dapat ipagbili sa merkado ay di na dapat dadaan sa
pagsusuri sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
D. Ang mamimili ay walang karapatang humingi ng opisyal na resibo.

10. Ang pagsuot ng hairnet, apron, face shield at paglagay ng health card ng
isang tindero ay mabuting hakbang ng mga negosyante upang maseguro ang
kaligtasan ang kalusugan at kalinisan ng mga produktong pagkaing
ipagbibili sa mga mamimili. Aling sa mga sumusunod na karapatan ng
mamimili ang binigyang-diin dito?
A. Karapatang Pumili C. Karapatang Dinggin
B. Karapatan sa Kaligtasan D. Karapatang sa isang Malinis
na Kapaligiran

11. Bilang isang mamimili, mahalaga ba na maisulong mo ang iyong


pananagutan sa pagkilos laban sa mapagsamantalang negosyante?
A. Oo, dahil may pananagutan ako na maging mapanuri sa mga produktong
aking kinokunsumo ayon lamang sa sangkap at halaga nito.
B. Oo, dahil may pananagutan ako na maipahayag ang aking sarili ukol sa
pagbabantay sa pagpapatupad ng mga presyong itinakda para sa
kapakanan ng lahat laban sa mandarayang negosyante.
C. Hindi, sapagkat responsibilidad sa ahensya ng pamahalaan na tutukan
nila ang mga kapakanan ng mamimili laban sa mandarayang negosyante.
D. Hindi, sapagkat bilang mamimili may karapatan din ang mga negosyante
na magpatupad ng kanilang sariling patakaran sa negosyo.

3
12. Bilang isang mamimili, paano mo maitataguyod ang karapatan sa tamang
impormasyon?
A. Palaging sumangguni sa timbangang-bayan upang masiguro na husto
ang biniling produkto.
B. Gumamit ng mga lumang kasangkapan at mga recycled materials na
maaaring mapakinabangan para makatulong sa preserbasyon ng
kalikasan.
C. Maging matalino at mapanuri sa etika hinggil sa kalidad, benepisyo,
komposisyon, at sangkap ng produkto.
D. Magkaroon nang wastong kaalaman sa mga batas sa pamilihan upang
maisulong ang karapatan laban sa mandarayang negosyante.
13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang matalino
at mapanuring mamimili?
A. Lagi kong inaabangan kapag may midnight sale sa isang mall.
B. Bibili ako ng maraming produkto kapag nagkaroon ng “buy one, take one”.
C. Tuwing ako ay mamalengke, palagi akong nagdadala ng checklist at
sinusuri ko ang bawat produkto na aking binibili.
D. Gumamit ng credit card ang aking ina tuwing magrocery siya sa isang
supermarket.

14. Madalas napakinggan natin ang pahayag na “no return, no exchange


policy”. Alin sa mga sumusunod ang may akmang paliwanag nito?

A. Kapag ang isang mamimili ay nakabili na sa isang produkto kahit ito ay


depektibo ay di na maaaring ibalik at palitan ng panibago.
B. Hindi na maaaring ibalik ang isang produkto at papalitan dahil ito ay
bayad na.
C. Kapag ang isang produkto ay depektibo o di-kasya, maaaring palitan
ito ng parehong disensyo subalit kalakip ang resibo.
D. Ang isang mamimili ay may karapatang magsauli sa produkto at
magsumbong sa gobyerno.

15. Maituturing ko ang aking sarili bilang isang mamimiling may pananagutan
sa kamalayan sa kapaligiran dahil ___________
A. tuwing bibili ako ng produkto at serbisyo ay lagi kong sinusuri ang
halaga, sangkap at benepisyo nito.
B. tuwing ako ay bibili at gagamit ng isang produkto, aking ililigpit at
itatapon sa tamang lagayan ang mga pambalot tulad ng cellophane, lata at
iba pa pagkatapos ko itong gamitin.
C. naging mapagmatyag ako sa mga maling kilos at gawain ng mga
mandarayang negosyante sa kanilang paninda.
D. nakiisa ako sa layuning magbantay sa presyo ng produkto laban sa mga
negosyante mapagsamantala.

4
Aralin
Mga Karapatan at Tungkulin
ng Mamimili
1
Balikan

Sa nakaraang aralin, iyong nalaman ang kahulugan at konsepto ng


pagkonsumo. Bilang isang mamimili napakahalaga na ikaw ay maging mapanuri at
matalino sa pagtugon ng iyong mga pangangailangan sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang kita, mga inaasahan, okasyon, pag-anunsyo, presyo, at panahon
ay mga salik na maaaring makaaapekto sa ating mga pangangailangan at
kagustuhan.

Sa puntong ito, ang paksang iyong pag-aaralan sa modyul na ito ay may


malaking kinalaman o koneksyon sa iyong buhay. Sapagkat ikaw, bilang isang
mamimili ay nagtataglay ng mga karapatan at tungkulin na nararapat maisagawa at
magampanan sa pagtugon ng mga isyu o hamong haharapin sa kasalukuyan.

Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga ahensya ng ating pamahalaan


upang makatulong sa iyo sa mga darating na panahon. Mga ahensya na maaari
mong matakbuhan para sa mga reklamo at mahigian ng payo laban sa mga
mapagsamantalang negosyante na may kaugnayan sa ating transaksyon sa mga
produkto at serbisyo na kinunsumo.

Mga Tala para sa Guro


Para sa lubusang pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa
bahaging Balikan, aking inimumungkahi sa iyo na maaari ang mag-
aaral ay gumamit ng iba’t ibang reperensya tulad modyul at iba pang
batayang aklat tungkol sa kahulugan at konsepto ng pagkonsumo,
nang sa gayon ay mas magkaroon sila ng dagdag impormasyon sa
paksa.

5
Tuklasin

GAWAIN 1: WORD HUNT

Kopyahin ang Word Hunt sa iyong sagutang papel. Hanapin at salungguhitan


ang mga salitang nakapaloob sa kahon. Ito ay maaaring makita sa posisyong pahilis,
pahalang, at pababa. Ang mga salitang iyong hahanapin ay ang mga sumusunod:

dinggin pumili
kaligtasan pagkilos
pagkakaisa matalinong mamimili
patalastasan mapanuring kamalayan
pagmamalasakit pangunahing pangangailangan

M A K L X X A T R G F D I O P
A P A G K I L O S A E I O U A
P A L P Z X A A F G E N I U T
A A I P C X F R X W W G R B A
U A G H F X B N M L P G T V L
R E T F H R S S S I A I F V A
I F A S J R A S L E G N X C S
N G S Z O S E I F D M S W Q T
G P A M Y W M E R Q A V B N A
K A N A R U S Z E R M F O T S
A N J T P A G K A K A I S A A
M G G A T A M A M I L I S D N
A U C L Y F C V B N A N M K E
L N N I U Y S E E D S D O E R
A A M N W H J E S U A S A I D
Y H O O N K C O V I K C O R O
A I R N M K C O R O I V I R U
N N Q G K O C O V I T S A R S
X G W M A M I M I L I N E A T
P A N G A N G A I L A N G A N

Nahanap mo ba? Kung gayon, nagtagumpay ka! Ang mga salitang iyong
nasalunnguhitan ay may kinalaman sa iyong aralin sa modyul na ito.

6
Suriin

Naranasan mo na bang ikaw ay nadaya o naloko sa iyong pamimili ng


produkto? Kung gayon, ano-ano ang iyong naging hakbang tungo sa isang
mapagsamantalang tindera?

Kaya bilang isang mamimili, nararapat lamang na alam mo ang iyong mga
karapatan at tungkulin. Narito ang mga sumusunod na dapat mong tandaan
alinsunod sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and
Industry) upang iyong maging gabay sa bawat transaksyon sa pamilihan:

WALONG (8) KARAPATAN NG MAMIMILI

1. Karapatan sa mga Saklaw dito ang ating karapatan sa


pangunahing pagkakaroon ng sapat na pagkain, pananamit,
pangangailangan masisilungan, pangangalagang pangkalusugan,
(Right to Satisfy Basic Needs) edukasyon, at kalinisan upang maseguro ang
kaaya-ayang mabuhay.

2. Karapatang Pumili May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto


at serbisyo sa halagang kaya mo. Kung ang
(Right to Choose)
isang pribadong kompanya ay monopolisado o
may taglay na kontrol nito, dapat ang isang
mamimili ay magkaroon ng katiyakan sa
kasiya-siyang uri at halaga ng produkto o
serbisyo.
3. Karapatang Dinggin May karapatang mapakinggan ang iyong
(Right to be Heard) reklamo o hinaing at makatiyak na ang iyong
kapakanan lubusang isaalang-alang sa
pagggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng gobyerno.

4. Karapatan sa Kaligtasan Saklaw dito ang iyong karapatang bigyan ng


(Right of Safety) katiyakang ligtas at maprotektahan laban sa
pangangalakal ng mga panindang makasasama
o mapanganib sa ating kalusugan.

5. Karapatan sa Isang Malinis May karapatan sa kalayaan, pagkapantay-


na Kapaligiran pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na
(Right to Healthy Environment) nagbibigay pahintulot sa isang marangal at
maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking
pananagutan na pangalagaan at pagbutihin
ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at
kinabukasan ng susunod na henerasyon.

7
6. Karapatan sa Pagtuturo May kalayaang magtanong at magtanggol sa
Tungkol sa Pagiging iyong karapatang. Ito ay nagtataglay ng
Matalinong Mamimili karapatan sa katalinuhan at kaalaman na
(Right to Consumer kinakailangan upang makagawa ng hakbanging
Education) makatulong sa mga desisyong pangmamimili.

7. Karapatang Bayaran at May karapatang bayarang at tumbasan ang ano


Tumbasan sa Ano mang mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na
Kapinsalaan binili mo. May karapatan kang mabayaran sa
(Right to Redress) ano mang kasinungalingan o mababang uri ng
paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili
kahit na ito ay pagkakamali, kapabayaan o
masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka
ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa
hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol.

8. Karapatan ng Patalastas May karapatang mapangalagaan laban sa


(Right to Information) mapanlinlang, madaya, at mapanligaw na
patalastas, mga etika at iba pang hindi wasto at
hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang
malaman ng mga mamimili upang maiwasan
ang pagsasamantala ng iba.

BATAS NA NANGANGALAGA SA KAPAKANAN AT KARAPATAN NG ISANG


MAMIMILI
May kasabihan na “walang manloloko, kung walang magpapaloko”. Upang
mapangalagaan ang iyong kapakanan at karapatan bilang isang mamimili, ang ating
pamahalaan ay nagtatakda ng alintuntunin para makatulong sa iyo. Narito ang iilan
sa mga batas:

❖ Republic Act 7394 o kilala rin sa tawag na Consumer Act of the


Philippines.

Layunin nitong magbibigay ng proteksyon at pangangalaga sa


kapanakanan ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang
kagalingang dapat makamit ng lahat ng mga mamimili. Itinatadhana ng batas
na ito ang mga pamantayang nararapat sundin sa pagsasagawa at operasyon
ng mga kalakal sa industriya. Ang mga sumusunod na binibigyang-pansin sa
batas na ito:

➢ Proteksyon ng mga mamimili laban sa panganib ng kalusugan at


kaligtasan.
➢ Mapangalagaan ang kapakanan mula sa mga mapagsamantala,
mapanlinlang, at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo at industriya.
➢ Magkaroon ng pagkakataon na dinggin ang iyong mga reklamo o
hinaing.
➢ Representasyon ng kinakatawan ng mga samahan o unyon ng
mamimili sa pagbabalangkas at pagbuo ng mga polisiyang
pangkabuhayan at panlipunan.

8
❖ Republic Act 5921 o tinatawag na An Act Regulating the Practice of
Pharmacy and Settings Standard of Pharmaceutical Education.

Isinasaad sa batas na ito na may pananagutan ang mga nagbebenta ng


mga gamot kapag sira, lipas, at walang selyo ng lalagyan ng gamot.

❖ Republic Act 4729 o kilala sa An Act to Regulate the Sale, Dispensation,


and/or Distribution of Contraceptive Drugs and Devices

Isinasaad sa batas na ito tungkol sa pagbabawal nang pagbili sa lahat


na regulated na gamot na walang reseta.

❖ Price Tag Law

Ang mga retailers o yaong mga nagtitinda nang tingian ay dapat


maglagay ng price tag sa mga paninda upang mabatid kung sila ay hindi
lumalabag sa itinakdang presyo ng mga bilihin alinsunod sa regulasyon ng
ahensya ng gobyerno.

MGA AHENSYA NG GOBYERNO NA TUMUTULONG SA KAPAKANAN NG MGA


MAMIMILI

Narito ang mga ahensyang maaaring tutulong sa iyo para maitaguyod ang
kapakanan at maisulong ang iyong proteksyon bilang isang mamimili:

Ahensya Logo Katungkulan


DTI May kinalaman ukol sa
(Department of Trade paglabag sa batas ng
and Industry) kalakalan at industriya sa
maling etika ng mga produkto,
madaya at mapanlinlang na
gawain ng mga negosyante.

FDA Saklaw ng ahensyang ito ang


(Food and Drugs may kinalaman sa hinaluan,
Administration) pinagba- bawal, at maling
etika ng gamot, pagkain,
pabango, at make-up.

DENR-EMB Namamahala sa pangangalaga


(Dep’t. of Environment sa kapaligiran (Hal. Polusyon
and Natural Resources- sa hangin at tubig).
Environment
Management Bureau)
SEC Tumutugon ukol sa mga batas
(Securities and para sa panseguro at namama-
Exchange Commission) hala sa industriya.

9
PRC Hinggil sa mga hindi matapat
(Professional Regulation na pagsasagawa ng propesyon
Commission) o katungkulan.

ERC May kinalaman sa mga


(Energy Regulatory reklamo laban sa pagbebenta
Commission) ng di-wastong sukat o timbang
ng mga gasolinahan at mga
nagtitinda ng LPG o Liquified
Petroleum Gas.

City/Provincial/Muni Sumasaklaw sa timbang at


cipal Treasurer sukat, madayang (tampered)
na timbangan at mapanlinlang
na pagsukat.

HLURB Nangangalaga sa mga bumibili


(Housing & Land Use ng bahay at lupa pati na rin
Regulatory Board) ang mga subdibisyon.

FPA May kinalaman hinggil sa


(Fertilizer and Pesticide hinaluan, pinagbabawal, at
Authority) maling etika ng pamatay-
insekto at pamatay-salot ukol
sa halamanan o sakahan.

POEA Tumutugon sa reklamo laban


(Philippine Overseas sa illegal recruitment na mga
Employment gawain.
Administration)

Insurance Sumasaklaw hinggil sa hindi


Commission pagbabayad ng kabayaran ng
seguro.

Mga mag-aaral, laging tandaan kung may reklamo ka ukol sa iyong mga
karapatan, huwag mag-atubili na sumangguni at lumapit sa mga kinauukulang
ahensya ng ating pamahalaan. Ang iyong partisipasyon at pagiging matapang sa
pagsisiwalat ng mga maling gawain ng ating iilang kababayan ay may malaking papel
at boses upang matigil at mapuksa ang katiwalian at pang-aabuso sa mga iilang
negosyante na mandaraya, mapalinlang, at mapagsamantala sa ating mga
karapatan bilang mamimili.

Samakatuwid, ang ating mga karapatan ay nararapat lamang na


maproteksyunan at mapangalaan. Ang bawat karapatang ating pinanghahawakan
ay laging nating tandaan, ito ay may nakaakibat na malaking responsibildad at
pananagutan na dapat isagawa.

10
Upang maisakatuparan mo ang iyong pananagutan bilang isang mamimili,
ang DTI (Department of Trade and Industry) ay nagbigay ng limang panuntunan
upang maging gabay sa mga desisyong gagawin. Narito ang mga sumusunod na
pananagutan.

LIMANG (5) PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

Ang bawat mamimili ay nagkakaloob ng mga karapatan para sa kanyang


kapakanan. Subalit sa bawat karapatang tinamasa niya ay may kaakibat na
pananagutan na dapat niyang isaalang-alang. Narito ang sumusunod na mga
pananagutan:
1. Mapanuring Kamalayan

➢ Nangangahulugan na sa pagbili mo ng iyong produkto at serbisyo,


dapat ikaw ay maging matiyagang sumuri, mausisa, at listo sa kung
ano ang gamit, halaga, sangkap, at kalidad nito. Maaari mo ring
ikonsidera maging ang presyo nito.

2. Pagkilos

➢ Sa puntong ito, may responsibildad at pananagutan ka na maipahayag


ang sarili ukol sa pagbabantay sa pagpapatupad ng mga presyong
itinakda para sa kapakanan ng mga mamimili. Huwag kang mananatili
sa pagsasawalang-bahala at kibo sa mga hindi makatarungan,
mapagsamantala, mandaraya na mga negosyante sa kanilang
pakikitungo sa pamilihan.

3. Pagkakaisa

➢ Nangangahulugan ito na may tungkuling magtatag ng mga samahan o


unyon ang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan.

4. Kamalayan sa Kapaligiran

➢ Ang bawat mamimili ay may pananagutan sa pangangalaga sa ating


mga likas na yaman sapagkat mahalaga ito bilang pinagkukunan ng
mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon. Maging
responsable tayo sa mga produkto na ating kinukonsumo

5. Pagmamalasakit na Panlipunan

➢ Binigyang –diin dito na responsibildad mong alamin kung ano ang


ibubunga sa ating pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo sa ibang
mamamayan. Lalung-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang
kapangyarihan, maging ito man ay lokal, pambansa, o pandaigdigang
komunidad. Ang pagtangkilik sa produktong atin ay kailangan sa
pagpapaunlad ng ekonomiya.

11
Pagyamanin

GAWAIN 2: MAGMASID KA!

A. Magmasid sa mga gawain mula sa iyong pamayanan at paaralan. Ilista ang mga
mali at di-kaaya-ayang gawain sa pamimili na iyong nakita at naobserbahan.
Magbigay ng mungkahi kung paano ito maiiwasan o maaksyunan.

Mga Mali /Di -kaaya-ayang Paraan Upang Maiiwasan o Maaksyunan


Gawain

1.

2.

3.

4.

5.

12
B. Ipaliwanag ang mga katanungan ng may makabuluhang sagot.

1. Nagampanan mo ba nang mabuti ang iyong mga tungkulin bilang isang


mamimili? Pangatwiranan ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano mo malilinang sa iyong sarili na maging isang matalino at


mapanagutang mamimili?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi
ng may ng may ng may ng may naipaliwanag
kaangkupan, kaangkupan, kaangkupan saysay ang ang tanong
kritikal, makabuluhan ang opinyon opinyon subalit nagbigay
makabuluha ang opinyon hinggil sa hinggil sa kaunti ng
n ang hinggil sa tanong. tanong. opinyon ukol sa
opinyon tanong. tanong.
hinggil sa
tanong.
Organisasyon Nailahad Nailahad nang Nailahad Nailahad ang Hindi gaanong
ng Ideya nang buong maayos ang nang ideya hinggil nailahad ang
husay ang ideya hinggil makabuluha sa tanong at ideya hinggil sa
ideya hinggil sa tanong at n ang ideya nagsasaad ng tanong at
sa tanong at nagsasaad ng hinggil sa kaugnayan at nagsasaad ng
nagsasaad ng kaugnayan at tanong at implikasyon kaugnayan at
kaugnayan at implikasyon nagsasaad ng sa realidad implikasyon sa
implikasyon sa realidad ng kaugnayan at ng buhay. realidad ng
sa realidad buhay. implikasyon buhay.
ng buhay. sa realidad
ng buhay.

13
Isaisip

Narito ang mga mahahalagang konsepto at impormasyong dapat mong tandaan


sa araling ito:

❖ Ang Walong (8) Karapatan ng Mamimili

➢ Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan (Right to Satisfy


Basic Needs)
➢ Karapatang Pumili (Right to Choose)
➢ Karapatang Dinggin (Right to be Heard)
➢ Karapatan sa Kaligtasan (Right of Safety)
➢ Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran (Right to Healthy
Environment)
➢ Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
(Right to Consumer Education)
➢ Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan (Right
to Redress)
➢ Karapatan ng Patalastas (Right to Information)

❖ Batas na Nangangalaga sa Kapakanan at Karapatan ng Isang Mamimili:

➢ Republic Act 7394 o kilala rin sa tawag na Consumer Act of the


Philippines.
➢ Republic Act 5921 o tinatawag na An Act Regulating the Practice of
Pharmacy and Settings Standard of Pharmaceutical Education.
➢ Republic Act 4729 o kilala sa An Act to Regulate the Sale,
Dispensation, and/or Distribution of Contraceptive Drugs and Devices
➢ Price Tag Law

❖ Mga Ahensya ng Gobyerno na Tumutulong sa Kapakanan ng mga Mamimili


➢ Department of Trade and Industry
➢ Food and Drugs Administration
➢ Dep’t. of Environment and Natural Resources- Environment
Management Bureau
➢ Security andExchange Commission
➢ Professional Regulation Commission
➢ Energy Regulatory Commission
➢ City/Provincial/Municipal Treasurer
➢ Housing & Land Use Regulatory Board
➢ Fertilizer and Pesticide Authority
➢ Philippine Overseas Employment Administration
➢ Insurance Commission

14
❖ Limang (5) Pananagutan ng mga Mamimili
➢ Mapanuring kamalayan
➢ Pagkilos
➢ Pagkakaisa
➢ Kamalayan sa Kapaligiran
➢ Pagmamalasakit na Panlipunan

❖ Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa iyong mga karapatan bilang


isang mamimili ay isang malaking instrumento at tulong upang
maipagtatanggol ang kapakanan para maging gabay ito na magkaroon ng
episyenteng pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan laban sa mga
iilang mandaraya, mapalinlang, at mapagsamantalang negosyante.

❖ Ang kaalaman sa mga karapatan bilang isang mamimili ay magiging bahagi


at hakbang ito sa pagsasagawa nang tama at matalinong pagdedesisyon sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

❖ Upang mas malinang pa ang iyong kaalaman at pag-unawa sa pagsasagawa


nang tamang pagdedesisyon, laging tandaan na ang bawat karapatang taglay
mo bilang isang mamimili ay may nakaakibat na mga tungkulin at
pananagutan. Ito ay nangangahulugan, ikaw bilang isang mamimili ay dapat
gumawa ka rin ng mga desisyon na maaaring makatulong sa kapakanang
panlahat upang matamo natin ang pambansang kaunlaran.

15
Isagawa

GAWAIN 3: SITWASYON-SURI
Sagutin at gawin ang mga sumusunod na nasa talahanayan. Tukuyin din kung
anong karapatan at pananagutan ang inilalahad batay sa mga sitwasyon.

Sitwasyon Nararapat Kong Karapatan Pananagutan


Gawin
1. Inutusan ka ng iyong
ina na bumili ng karne
sa palengke. Pag-uwi
mo sa bahay ay
napagalitan ka dahil
napag-alaman na ang
karne pala ay "botcha".
2. Nakabili ka ng
bagong cellphone.
Ngunit makalipas ang
dalawang araw, ito ay di
na gumana.
3. Si Ana ay isang
estudyante lamang.
Nais niyang bumili ng
bagong damit sa
department store.
Nakita niya ang presyo
ng damit sa halagang
PHp.200.00. Ngunit
nang siya ay magbayad
na sa cashier napag-
alaman niya ang
nasabing damit ay
Php.250.00 pala at di
na raw pwedeng isauli
ito.
4.Nadaya ka sa timbang
na binili mong bigas sa
tindahan ni Aling Mila.
5.Sina Grace at Nina ay
mga fashionista.
Mahilig sila sa mga
make-up. Nakabili sila
sa online shop ngunit
sa kasamaang-palad
peke ito dahil
nagkaroon sila ng
allergy nang gamitin ito.

16
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG GAWAIN 3

Krayteria 4 3 2 1
Kaalaman Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi lahat ng Ang
sa Paksa nang may nang pangunahing pangunahing
kaangkupan, makabuluhan ideya ay ideya ay
kritikal, at ngunit di naipaliwanag hindi
makabuluhan wasto ang subalit may naihalad.
ukol sa iilang ideya makabuluhang
pangunahing sagot.
ideya.
Organisasyon Organisado ang Organisado Hindi masyadong Hindi
paksa at maayos ang paksa organisado ang organisado
ang presentasyon subalit hindi paksa at ang paksa at
ng ideya maayos ang presentasyon ng presentasyon
presentasyon ideya
ng ideya.

GAWAIN 4: T-SHIRT CAMPAIGN

Magdisenyo ng t-shirt gamit ang isang coupon bond na may temang


“Karapatan ay Ipaglaban, Isulong ang Pananagutan tungo sa Pambansang
Kaunlaran.” Bigyan ito ng paliwanag tungkol sa mabubuong disenyo. Maaari mong
ring kulayan ito. Narito ang gabay sa paggawa ng disenyo gamit ang RUBRIK na nasa
ibaba:

17
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG GAWAIN 4

Krayteria 5 4 3 2 1

Naipaliwanag Naipaliwana Hindi lahat ng Ang Ang


Kaangkupan nang may g nang pangunahing pangunahi panguan
sa kaangkupan, makabuluh ideya ay ng ideya hing
paksa kritikal, at an ngunit naipaliwanag ay hindi ideya ay
makabuluha di wasto subalit may gaanong hindi
n ukol sa ang iilang makabuluhang naihalad nailahad
pangunahing ideya sagot
ideya

Akma ang Akma ang Hindi lahat ay Ang mga Ang mga
Detalye mga aspekto mga akma ang mga aspekto ng aspekto
ng ng disenyo aspekto ng aspekto ng disenyo ay ng
disenyo ukol sa salik disenyo disenyo di gaanong disenyo
na ngunit di subalit nailahad ay hindi
nakaaapekto wasto ang ang iilang nailahad
sa iilang konsepto sa
pagkonsumo konsepto sa salik ng
salik ng pagkonsumo ay
pagkonsum may kabuluhan
o
Nagpakita Nagpakita Nagpakita ng di Nagpakita Walang
Orihinalidad nang nang gaanong ng di orihinalid
at natatanging makabuluh pagkamalikahai gaanong ad at
pagkamalikhain disenyo ang disenyo n ng disenyo at pagkamali pagkamal
gamit ang gamit ang kaangkupang kahin ikhain
malikhaing malikhaing kagamitan subalit
kaisipan at kaisipan at walang
kaangkupang kaangkupa kaangkup
kagamitan ng ang
kagamitan kagamitan

Naipaliwana Naipaliwanag Di Walang


Eksplanasyon Mahusay na g ang bawat ang paksa malinaw linaw na
ng naipaliwanag paksa at subalit ang na eksplana
disenyo ang bawat konteksto disenyo na ay di naipaliwan syon at
paksa at ng disenyo angkop sa ag ang disenyo
konteksto ng na angkop gawain mga paksa ng
disenyo na sa paksa ng subalit gawain
angkop sa gawain ang
paksa ng disenyo ay
gawain angkop sa
gawain

18
Tayahin

PAGPIPILI. Piliin ang tamang titik na inyong sagot at isulat sa inyong sagutang
papel. (15 puntos)

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong


tungkulin ng isang mamimili sa kanyang pagkonsumo?
A. Kung may maraming pera, mas mainam na mag-imbak ng labis na pagkain.
B. Ikonsidera ang isang produktong imported dahil ito ay sinasabi na dekalidad.
C. Bumili ng segunda-mano na produkto upang maging praktikal sa badyet nito.
D. Kung bibili ka ng isang produkto, alamin mo ang halaga, sangkap, kalidad at
maging ang presyo nito.

2. Bakit kinakailangan sa isang mamimili na magkaroon ng mapanuring kamalayan


sa pamimili?
A. Upang matiyak ang wastong pagbabadyet sa pamimili.
B. Para matiyak na ang biniling produkto ay walang lasong kemikal.
C. Para magkaroon ng sapat na kaalaman at impormasyon sa isang produkto.
D. Upang masiguro ang kaligtasan, kasangkapan, at kahalagahan ng isang
produkto ganun din ang pagkonsidera sa presyo nito.

3. Nakabili ka ng bagong damit sa isang mall para sa iyong kapatid dahil


nalalapit na ang kanyang kaarawan. Ngunit nang sinukat na ng iyon kapatid
ang biniling mong damit, ito pala ay di kasya. Ano ang iyong maging tugon
sa sitwasyong ito?
A. Ibenta nalang ito sa iba.
B. Bumili na lang ng panibagong damit.
C. Isauli sa mall na may kalakip na resibo para mapalitan ito na may parehong
estilo.
D. Magsumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan dahil di kasya ang
nabiling damit.

4. Alin ang nararapat mong gawin kapag ikaw ay nakabili ng isang expired na
gamot sa botika?
A. Bumili na lamang ng panibagong gamot.
B. Pagalitan ang tindera dahil binigyan ka ng expired na gamot.
C. Isumbong agad ang tindera sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan.
D. Sabihan ang tindera na ang nabilling gamot mo ay expired na para mapalitan
ito ng bago at nang sa ganun ma-check nila ang kanilang mga stocks.

5. Alin sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng price


freeze upang matulungan ang mga mamimili laban sa mga
mapagsamantalang negosyante kung tataasan nila ang preso tuwing may
karahasan, kaguluhan, at pandemiya sa bansa?
A. Energy Regulatory Board C. Food and Drugs Administration
B. Dep’t. of Trade and Industry D. Securities and Exchange Commission

19
6. Mahalaga sa isang mamimili ang paghingi ng resibo sa mga produkto at
serbisyong binibili dahil_______.
A. naaayon o nakasaad ito sa polisiya o batas ng pamahalaan.
B. pruweba ito na ang iyong produkto at serbisyong binili ay hindi huwad.
C. tungkulin ng mga negosyante na sila ay magbigay ng resibo upang
matiyak ang kanilang kita.
D. instrumento ito ng pamahalaan na ang binibiling produkto at serbisyo ay
rehistrado, upang maseguro ang kalidad, at maaaring gamitin ito tuwing ikaw
ay may reklamo.

7. Alin sa mga karapatan mo bilang mamimili kung ikaw ay naging mausisa sa


label ng produkto, expiry date, ingredients at ang manufacturer nito?
A. Karapatang Dinggin C. Karapatan sa Kaligtasan
B. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran D. Karapatan sa Pagtuturo sa
Pagiging Matalinong Mamimili

8. Kung sakali ikaw ay nakabili ka double dead o botcha na manok, naluto at nakain
mo ito na naging sanhi sa pagsakit ng iyong tiyan. Paano mo ipaglaban ang iyong
karapatan bilang isang mamimili?
A. Sabihan na lamang ang tindera na ang kanilang itinitindang manok ay botcha
o double dead.
B. Pagbantahan at pagalitan mo ang may-ari ng tindahan dahil sila ay
nagtitinda ng bulok na produkto.
C. Gagawa ng complaint letter at isumbong sa kinauukulang ahensya
ng pamahalaan upang mabigyan ng aksyon at nang sa ganun sila rin ang
magbabayad sa pagpapagamot.
D. Manahimik at makipag-areglo na lamang. Palitan nalang ito ng
panibagong manok upang maiwasan ang problema.

9. Ang wrappers ng kendi, pambalot na cellophane sa mga produktong ating


binibili ay madalas makikita natin na nakakalat sa iba’t ibang parteng
lugar. Alin sa mga pananagutan ng isang mamimili ang nararapat na isagawa
bilang tugon sa sitwasyon?
A. pagkilos C. pagkakaisa
B. manapuring kamalayan D. kamalayan sa kapaligiran

10. Si Sheena ay nakabili ng alahas sa Online Shop. Nakita niya ito hanggang
sa larawan lamang. May kasabihan na “Reality versus Expectation”. Paano
niya mapapatunayan na ang alahas ay hindi huwad o peke?
A. Dapat bigyan siya ng resibo kung natatanggap na ang produkto.
B. Isangguni sa mga kaibigan na may hilig sa pagkilatis ng mga alahas.
C. Maaaring pumunta sa bahay-sanglaan o pawnshop at ipakilatis ito upang
maseguro ang katiyakan ng produkto.
D. Alamin ang timbang, hugis, disenyo kung ito ba akma sa nakasaad sa
deskripsyon ng alahas batay sa nakapaskil sa larawan ng online.

20
11. Bilang isang mamimili, dapat bang maniwala agad sa mga patalastas mula
sa tv, radio, pahayagan, at internet o iba pang social media sa pagbili ng
ating mga produkto at serbisyo?
A. Oo, dahil ang mga nag-eendorso ng mga produkto at serbisyo ay kilala o sikat.
B. Oo, dahil ang lahat na mga patalastas ay regulado o may pahintulot mula sa
kinauukulang ahensya ng gobyerno.
C. Hindi, dahil ang matalinong mamimili ay dapat mausisa, mapanuri,
mapagmasid at hindi nagpapadaya.
D. Hindi, dahil di lahat ng produkto at serbisyo na ini-endorso ng mga artista ay
epektibo at totoo.

12. Si Toby ay nagpabunot ng ngipin sa isang dentista subalit sa kasamaang


palad aksidenteng nasugutan ang kanyang gilagid sa bibig na naging
sanhi sa matinding pagka-impeksyon nito. Aling ahensya dapat siya
magreklamo sa pagpababaya ng tungkulin ng dentista?
A. Dep’t.of Trade and Industry C. Professional Regulation Commission
B. Bureau of Internal Revenue D. Securities and Exchange Commission

13. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na naitaguyod mo


ang iyong karapatan sa kaligtasan bilang isang mamimili?
A. Inaalam ko ang nutritional facts, expiration date, at manufacturer sa isang
produkto.
B. Dapat tumbasan ang ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na
binibili ko.
C. Karapatan kong kumilos laban sa mandaraya at mapagsamantalang
negosyante.
D. Tungkulin ko isumbong sa pamahalaan ang maling gawain ng ilang
negosyante para maseguro ko ang aking kaligtasan.

14. Nararapat bang kumilos ang mga mamimili laban sa mga mandaraya at
mapanlinlang na mga negosyante?
A. Oo, para matiyak na sapat ang kabayaran ng mga produkto at serbisyong
binibili.
B. Oo, dahil kung magsasawalang-bahala tayo, patuloy na pagsasamanta-
lahan tayo ng mga iilang negosyante sa kanilang mga maling gawain.
C. Hindi, dahil tungkulin ng pamahalaan na dakpin at ikulong sila sa
kanilang maling ginagawa.
D. Hindi, dahil maaari lamang silang magpyansa sa kinauukulang ahensya
kung may nalabag na regulasyon man ito.

15. Bilang isang mamimili, nararapat bang magtanong-tanong muna sa presyo


at lugar kung saan dapat mamili ng mga produkto at serbisyo?
A. Oo, upang matiyak at maikumpara ko ang presyo at kalidad ng produkto
at serbisyo at mapagkasya ang aking badyet.
B. Oo, para maseguro ang kalidad sa produkto at serbisyong bibilhin.
C. Hindi, dahil may sapat akong pera para bilhin ang nais ko.
D. Hindi, dahil may kalayaan akong magdesisyon sa ano mang gusto kong
bilhin na ayon sa aking panlasa.

21
Karagdagang Gawain

Gawain 5- SANAYSAY
Gumawa ng isang sanaysay na may temang “Ang aking mga Karapatan at
Pananagutan Bilang Isang Mamimili Tungo sa Pambansang Kaunlaran.”

___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
RUBRIK

Krayteria 5 4 3 2 1
Nilalaman Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Naipaliwanag Hindi
ng may ng may ng may ng may naipaliwanag
kaangkupan, kaangkupan, kaangkupan saysay ang ang tanong
kritikal, makabuluhan ang opinyon opinyon subalit
makabuluhan ang opinyon hinggil sa hinggil sa nagbigay
ang opinyon hinggil sa tanong. tanong. kaunti ng
hinggil sa tanong. opinyon ukol
tanong. sa tanong.

Organisasyon Nailahad Nailahad Nailahad Nailahad ang Hindi


ng Ideya nang buong nang maayos nang ideya hinggil gaanong
husay ang ang ideya makabuluhan sa tanong at nailahad ang
ideya hinggil hinggil sa ang ideya nagsasaad ng ideya hinggil
sa tanong at tanong at hinggil sa kaugnayan at sa tanong at
nagsasaad ng nagsasaad ng tanong at implikasyon nagsasaad ng
kaugnayan at kaugnayan at nagsasaad ng sa realidad ng kaugnayan at
implikasyon implikasyon kaugnayan at buhay. implikasyon
sa realidad ng sa realidad ng implikasyon sa realidad ng
buhay. buhay. sa realidad ng buhay.
buhay.

22
23
Gawain 1.
Tayahin Subukin
1.D 11.C 1.C 11.B
2.D 12.C 2.B 12.C
3.C 13.A 3.C 13.C
4.D 14.B 4.D 14.C
5.B 15.A 5.D 15.B
6.D 6.D
7.C 7.C
8.C 8.C
9.D 9.B
10.C 10.B
Susi sa Pagwawasto
24
Gawain 2
Mga Mali /Di -kaaya-ayang Gawain Paraan Upang Maiiwasan o Maaksyunan
1, Paggamit ng mga pekeng cd sa bangketa. Bumili ng orihinal na cd.
2. Pag-aaksaya sa paggamit ng tubig at Magkonserba sa paggamit ng tubig at
kuryente kuryente.
3.Pagkahilig sa mga produktong Tangkilin ang sariling atin na mga produkto.
dayuhan/colonial mentality
4.pagwawaldas ng baon/allowan/impulsive Maging masinop, wais, at mapanuri sa pagbili
buying ng mga produkto.
5.Hindi mausisa sa pagbili ng mga produkto Maging manapuri sa pagbili. Alamin ang
at serbisyo. kalidad ng isang produkto.
Sagot para sa tanong
1. * Oo, dahil ako responsableng mamimili.
* Oo, dahil ako ay isang mapanagutang mamimili.
* Oo, dahil ako ay tumatangkilik sa mga produktong sariling atin.
2. * Makinig sa mga payo ng mga nakatatanda.
* Maging mabuting mag-aaral sa lahat ng panahon.
* Ilapat ang mga mahahalagang natutunang kaalaman o impormasyon.
Gawain 3
1 karapatan sa kaligtasan, karapatan sa mapanuring kamalayan, pagkilos
pangunahing pangangailangan
2 karapatang Bayaran sa ano mang kapinsalaan pagmamalasakit na panlipunan,
mapanuring kamalayan
3 karapatang dinggin, karapatang pumili mapanuring kamalayan
4 Karapatang patalastasan, karapatang dinggin Pagkilos
5 karapatan sa kaligtasan, karapatan sa mapanuring kamalayan
pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong
mamimili
Sanggunian
Imperial C.M, ED, Antonio, M.B. Samson, E.M., Dallo, C.D. Soriano. 2002.Pagbabago
IV.,Unang Edisyon.856 Nicanor Reyes St.Sampaloc, Maynila,Philippines.
Rex Book Store
Nolasco, L.I, Ponsaran, J.N., Ong, J.A, Rillo, J.D, Cervantes, M., Balitao, B.R. 2012.
Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon.Bagong Edisyon... 1253 G. Araneta
Ave.,Quezon City. Vibal Publishing House
Balitao, B.R, Buising, M.D, Garcia, E.D.J, De Guzman, A.D, Lumibao, Jr., J.L,
Mateo, A.P, Mondejar, I.J.2015.Ekonomiks:Araling panlipunan-Modyul para
sa Mag-aaral.Unang Edisyon.5th Floor, Mabini Bldg. Deped Complex, Meralco
Ave., Pasig City

Mga sanggunian ng mga logo:

Retrieved from https://bit.ly/2EE9aQS on June 7, 2020


Retrieved from https://bit.ly/3jY5F7W on June 7, 2020

Retrieved from https://bit.ly/30gKWUW on June 7, 2020


Retrieved from https://bit.ly/2Xc4Iz6 on June 7, 2020
Retrieved from https://bit.ly/314Wz0B on June 7, 2020

Retrieved from https://bit.ly/30et7WK on June 7, 2020

Retrieved from https://bit.ly/313WcU8 on June 7, 2020


Retrieved from https://bit.ly/3fhET73 on June 7, 2020

Retrieved from https://bit.ly/3giakj1 on June 7, 2020

Retrieved from https://bit.ly/3hYh9X4 on June 7, 2020


Retrieved from https://bit.ly/310ZOpO on June 7, 2020

Retrieved from https://bit.ly/3k9SXDk. on June 7, 2020

25
Sa mga kagalang-galang na mga magulang at tagapag-alaga,

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telephone:(082) 224 0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like