You are on page 1of 24

Edukasyon

sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4-
Modyul 5
Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya
sa Likas na Batas-Moral

Orihinal na guhit ni: Mary Glydel P. Florin

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 3 at 4-
Modyul 5
Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya
sa Likas na Batas-Moral

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior


High School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
depedmisocc@yahoo.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan– Modyul 5: Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas-


Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo ng Modyul
Mga Manunulat: Mark Jason Dungog, Maricel E. Lagunay
Tagasuri: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso, Rochelle J. Anino
Ilustrador at Tagadisenyo: Mary Glydel P. Florin,Jangrace P. Otchia, Samuel D. Bugahod,
Sunnyboy L. Ibarra
Lupon ng Tagapangasiwa:

Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Regional Director
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Mga Miyembro: Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District
Tagapamahala:
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 5: Ang kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas-Moral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Balikan ---------------- 4

Tuklasin ---------------- 4

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 10

Isaisip ---------------- 10

Isagawa ---------------- 11

Buod ---------------- 13

Tayahin ---------------- 13

Susi sa Pagwawasto ---------------- 16

Sanggunian ---------------- 17
Modyul Ang Kaugayan ng Konsiyensiya
sa Likas na Batas-Moral
5
Anoman ang gagawin ay dapat makapitumpung beses iisipin.
-Salawikaing Pilipino

Alamin

Maligayang pagsisimula sa isang panibagong modyul para sa iyong pag-


aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Sa linggong ito ay pag-aaralan mo ang
tungkol sa paggawa ng tamang desisyon na naaayon sa Likas na Batas-moral.
Ang buong mundo ngayon ay nakarararanas ng krisis sa kalusugan, dala ng
pandemyang COVID 19. Ito ay panahon upang ang lahat ay magtulungan at
gumawa ng mga tamang desisyon upang malutas ang problemang ito.
Sa yugto ng buhay mo ngayon, dapat ka ring gumawa ng mga desisyon na
makatutulong sa iyong pamilya. Marahil hindi mo ito napapansin pero halos lahat ng
iyong ginagawa ay bunga ng iyong mga desisyon o pasiya araw-araw.
Gayunpaman, sa iyong pagpili, may kailangan kang pag-ukulan ng pansin sa kung
alin ang tama at mali. Paano nga ba nasasabing tama ang isang kilos samantalang
mali ang isa? Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat, paano mo ito pipiliing gawin?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
6.1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa
tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. (EsP7PS-IId-6.3)
6.2 Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasiya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral(EsP7PS-IId-6.4)
6.3. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na
itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao(EsP7PS-IIc-6.1)
6.4 Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang
magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw(EsP7PS-IIc-6.2)

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 122.
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Suriin itong maigi at alamin ang
pinakaangkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng sagot sa
kuwaderno.
1. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsiyensiya sa
paghusga ng mabuti at masama?
A. Batas Sibil B. Mga payo ng magulang
C. Likas na Batas Moral D. Sampung Utos ng Diyos

2. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral nakikilala ng tao ang mabuti at


masama. Ngunit mayroon din malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang
piliin ang mabuti o masama. Anong mabubuo mong kahulugan sa mga katagang
ito?
A. Hindi kailan man pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama.
B. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsiyensiya ang tamang gawin.
C. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam ito ng konsiyensiya niya batay sa
Likas na Batas Moral.
D. May Likas na Batas Moral sa puso at isip ng tao pero dahil malaya siya,
maaari pa rin niyang piliin ang masama.

3. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?


A. Ito ay batas na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
B. Ito ang konsiyensiya na naghuhusga kung tama at mali ang pasiya at kilos.
C. Ito ay batas sibil upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging
mabuti.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsiyensiya na kilalanin ang mabuti at
masama.

4. Ano ang magandang epekto sa iyo kung gagamitin mong batayan ng iyong
konsiyensiya ang Likas na Batas Moral?
A. Matutukoy ng konsiyensiya ang mabuti o masama na gabay sa mga pasiya
at kilos.
B. Magiging handa tayo sa mga problema na darating sa ating buhay.
C. Magkakaroon tayo ng mga kaalaman sa hangarin natin sa buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali.

5. Ang konsiyensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ano ang ibig
sabihin ng pahayag na ito?
A. Ang konsiyensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
B. Ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
C. Ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
D. Ang konsiyensiya ang kumikilala sa tama at mali.
6. Wala kang Performance Task at nakita mo ang iyong matalik na kaibigan sa
klase na kumokopya nito sa kaniyang katabi. Binulungan ka niyang kumopya ka
na rin. Sinasabi sa iyo ng konsiyensiya mo na dapat maging tapat ka sa mga
gawain sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at kokopya ka na rin.
B. Makikinig ka sa iyong konsiyensiya at hindi na gagawa ng Performance
Task.
C. Susundin mo ang iyong konsiyensiya at matapat mong gawin ang
Performance Task
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang Performane Task at tapat kang
mag-aaral.

7. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Alin ang angkop na paliwanag
sa pahayag na ito?
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao.
C. Tama, dahil maging manhid ang konsiyensiya kung palagi nating sinusunod
ang hatol nito.
D. Tama, dahil kung patuloy nating balewalain ang hatol ng ating konsiyensiya
hindi na ito makilala sa tama.

8. Sa paanong paraan mo nailalapat ang Likas na Batas Moral?


A. Ipinagagawa sa kaibigan B. Iniisip ko ito
C. Sinusunod ang Konsiyensiya D. Nakikinig sa mga magulang

9. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang hubugin ang konsiyensya
maliban sa
A. Upang darating ang panahon na maging manhid ang konsiyensiya sa
pagkilala kung ano ang tama.
B. Upang maiwasan ang paghusga ng kilos batay sa maling prinsipyo.
C. Upang mahusgahan ang tama bilang tama at ang mali bilang mali.
D. Upang hindi mailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.

10. Nauunawaan mo na ang pagsunod sa Likas na Batas Moral ay tunay na


nagpapaunlad ng iyong pagkatao. Paano mo ito isasabuhay?
A. Seguraduhin na may Likas na Batas Moral.
B. Hayaan mo na iiral sa iyo ang Likas na Batas Moral.
C. Sabihin mo sa iba na sundin nila ang Likas na Batas Moral.
D. Bantayan ang iyong kilos at pasya kung naaayon ba ito sa Likas na Batas
Moral.
Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” September 17, 2018, 1.
Balikan

Sa naunang Modyul, naging malinaw sa iyo na ang isip at kilos-loob ang


nagpapabukod-tangi sa iyo bilang tao, kaya ang iyong mga pagpapasya ay dapat
patungo sa katotohanan at kabutihan. Mahalaga ang pagkaunawa mo sa
konseptong ito upang mas lalo mong matahak ang tamang direksiyon sa buhay
bilang tao. Sa tulong ng kasalukuyang modyul, lalo mong mapatitingkad ang iyong
pagpapakatao. Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo upang magkaroon ng matibay
na batayan ng iyong mga pipiliing pasiya at kilos sa tulong ng iyong konsiyensiya.
Sa modyul na ito masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:
Bakit mahalaga ang Likas na Batas Moral ang pinagbabatayan ng paghuhusga
ng konsiyensiya?
Handa ka na bang simulan ang Ikatlong Linggo ng iyong pag-aaral para sa mga
Kasanayang Pampagkatuto 6.1 hanggang 6.2 na nakikita mo sa ibaba ng bahaging
Alamin? Tayo na!

Tuklasin

Gawain 1:
Panuto: Matanong ka nga, “Kumusta ka ba bilang isang mag-aaral lalo na nasa
bahay ka lamang nag-aaral dahil sa pandemya? Narito ang isang awit para
sa iyo. Kantahin mo ‘to ha!
1. Awitin ang “Estudyante O Istambay” ni Manuel Q. Lapingcao gamit ang video
nito mula sa Youtube: https://www.youtube.com/results?
search_query=estudyante+kaba+o+istambay+ lyrics
2. Sumabay sa pagkanta habang pinakikinggan mo ito. Habang kumakanta ka,
hayaan mo ang kantang ito na tanungin ka at hayaan mo rin ang iyong sarili na
sagutin nang buong tapat ang tanong.

Estudyante o Istambay

Higala, ayaw intawon pagbinuang sa imo karong pag-eskwela.


Pinatuan og singot, ang kuwartang imong gigasto,
hinaguan sa mga ginikanan mo. Oh.. oooo…
Apan barkada ang imong giatubang, imbis libro ug uban pang tun-
anan
Wala mo hunahunaa ang tatay’g nanay mo sa inyoha
hapit na lang intawon mamatay sa pagpanguwarta.
Pagkawa mo’y kaikog.
Koro: Estudyante ka ba o istambay?
Estudyante ka ba o istambay?
Hain niana, hain niana, ikaw?
Estudyambay…

Lalalalalalalalalala lalalala lalalala...


Lalalalalalalalalala lalalala lalalala.

Nganong di man nimo sugdan ang pagbag-o samtang di pa ulahi ang


tanan?
Lipaya bisan gamay ang imong tatay ug nanay
Paninguha sa imong pagtuon, higala ko.
Biyai ang bisyo…..

Koro: Estudyante ka ba o istambay?


Estudyante ka ba o istambay?
Biyai ang bisyo, wa kay asenso, higala ko.

Estudyante ka ba o istambay?
Estudyante ka ba o istambay?
Hain niana, hain niana, ikaw?

3. Pagkatapos, sagutin mo ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang tanong ng awit sa iyo bilang mag-aaral? Ano ang matapat na sagot mo?
2. Anong naramdaman mo sa iyong naging sagot? Sa anong dahilan?
3. Ano ang kaloob o bigay ng Panginoon sa iyo bilang tao ang pinukaw sa tanong
ng awit na “Estudyante ka ba o istambay?
4. Ano-ano ang mga saknong (stanza) ng awit ang pumukaw sa iyong
konsiyensiya? Bakit?
5. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng konsiyensiya?
6. Ayon sa konsiyensiya, mabuti ba o masama ang mga nagawa mong pasiya at
kilos sa iyong pag-aaral? Ipaliwanag.
7. Sa palagay mo, nararapat bang nakababatay ang konsiyensiya sa prinsipyo ng
Likas na Batas Moral na “Gawin ang mabuti at iwasan ang masama”? Bakit?
8. Samakatwid, bakit mahalagang sundin ng tao ang konsiyensiya na nakabatay sa
Likas na batas moral? Ipaliwanag.
9. Sa lahat ng nilikha, bakit tanging ang tao lamang ang may Likas na batas Moral?
Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” October 23-25, 2019, 2-3.
Linangin

Gawain 2
Panuto: Paano ka nga ba nagpapasiya at kumikilos bilang isang mag-aaral?
Hayaan mong tutulungan ka uli ng awiting “Estudyante o Istambay” na suriin
ang iyong sarili.
1. Awitin uli ang “Estudyante o Istambay.” Dahil mas kabisado mo na ang tuno at
lyrics nito ngayon, lagyan mo ng buhay ang iyong pag-awit.
2. Maaari mo ring samahan ito ng pagyugyog ng iyong katawan. O, ano pang
hinihintay mo? Hataw na!
3. Kung gusto mo pa bang kumanta at yumugyog uli, gawin mo ito ng isa pang
beses.
4. Pagkatapos kumanta’t yumugyog, sagutin sa iyong kuwaderno ang mga tanong.
5. Gamiting mong gabay ang pormat sa ibaba ng mga tanong para sa iyong mga
sagot.
a. Ayon sa iyong konsiyensiya, alin sa mga pasiya at kilos mo sa iyong pag-aaral
ang mabuti at alinsunod sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral? Isa-isang itala
ang mga ito.
b. Ngayon, alin naman ang mga pasiya at kilos mo sa iyong pag-aaral ang alam
mong masama at taliwas sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral? Isa-isa ring
itala ang mga ito.
c. Ano-anong wastong paraan ang ilalapat mo upang maipagpatuloy mo ang mga
mabuti mong pasiya at kilos sa iyong pag-aaral?
d. Ano-anong wastong paraan naman ang ilalapat mo upang baguhin ang iyong
mga pasiya at kilos sa iyong pag-aaral na masama at taliwas sa prinsipyo ng
Likas na Batas Moral?

Ayon sa Aking Konsiyensiya


Mga pasiya at Mga wastong Mga pasiya at kilos Mga wastong
kilos ko sa aking paraang ilalapat ko ko sa aking pag- paraang ilalapat
pag-aaral na upang ipagpatuloy aaral na masama ko
mabuti at ang mga ito at taliwas sa Likas upang baguhin
alinsunod sa na Batas Moral ang mga ito
Likas na Batas
Moral
Halimbawa: Halimbawa: May ilang beses Pigilin at
Pinag-aaralan ko Gagawa ako ng din akong disiplinahin ko
ang mga aralin iskedyul sa nagpatukso na ang aking sarili sa
sa takdang pagkasunod-sunod maglaro muna ng paglalaro ng
iskedyul ng mga ng mga aralin na gadget kay sa gadget. Unahin
ito. dapat pag-aaralan mag-aral ng aking ko muna ang pag-
ko alinsunod sa mga aralin. aaral bago
ipinapayo ng mga maglaro nito.
guro ko.

Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” October 23-25, 2019, 4-5.

Ngayon, handa ka na sa Ikaapat na Linggo ng iyong pag-aaral sa Ikalawang


Markahan para sa mga Kasanayang Pampagkatuto 6.3 at 6.4 na nakikita mo sa
ibaba ng bahaging Alamin. O, ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa Pagyamanin.

Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas Moral

Kahulugan ng Konsiyensiya
Ang Konsiyensiya ay ang kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti o ng
masama. Ito ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at
scientia, na ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman. Samakatwid, ang konsiyensiya
ay nangangahulugang “with knowledge” o may kaalaman.

Mga maaaring paraan ng paglalapat (apply) ng kaalaman ayon kay Santo


Tomas de Aquino:
1. Sa tulong ng konsiyensiya, nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi
ginawa. Halimbawa nito, ikaw ang pinaaalaga ng iyong nakababatang kapatid
dahil umalis ang iyong ina. Ngunit sinabayan mo ang pag-aalaga ng panonood
ng telebisyon. Dahil dito, nahulog ang kapatid mo. Pagdating ng iyong ina, hindi
lang pala gasgas ang tinamo ng iyong kapatid, nakita ng nanay mo may bukol din
ito sa noo. Nang tanungin ka, sinabi mong napadikit lang sa dingding kaya’t
nagkaroon ng gasgas, subali’t di mo alam kung bakit may bukol ito. Hindi mo man
aminin ang iyong ginawa at itanggi ang katotohanan, at makumbinsi mo man ang
iyong ina, ang iyong konsiyensiya ay nakaaalam ng tunay na nangyari. Ang
konsiyensiya ay tumatayong testigo sa pagkakataong ito sapagkat nagpapatunay
ito sa kilos na ginawa o hindi ginawa ng tao.
2. Sa pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na
dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa
subalit ginawa. Sa pagpapatuloy ng halimbawa sa itaas, sa iyong pag-iisa hindi
ka mapakali, nararamdaman mong dapat mong sabihin sa iyong ina ang tunay na
nangyari sa iyong kapatid. Ang konsiyensiya sa sitwasyong ito ay pumupukaw sa
tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.

3. Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa


nang maayos at tama o nagawa nang di maayos o mali. Halimbawang binale-
wala mo ang bulong ng konsiyensiya na sabihin sa iyong ina ang tunay na
pangyayari, hindi na natahimik ang iyong kalooban. Mas tumindi pa ang
pagkabagabag nito lalo na nang nilagnat ang kapatid mo. Kaya’t sinabi mo ang
totoong nangyari sa iyong ina. Napagalitan ka man subali’t nawala ang iyong
pag-aalala at nakadama ka ng kapayapaan ng kalooban. Sa kalagayang ito, ang
konsiyensiya ay mararamdamang nagpapahintulot, nagpaparatang o maaaring
nagpapahirap sa tao. Ang konsiyensiya ang bumabagabag sa tao kapag gumawa
siya ng masama. Ito ang tinutukoy ng katagang “hindi ako matahimik, inuusig ako
ng aking konsiyensiya”. Ipinakikita dito na ang konsiyensiya ay nakakabit sa isip
ng tao; kaya’t ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng mabuti at masama. Ang
konsiyensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali.

Ibinabatay ng konsiyensya ang pagsukat o paghusga sa kilos kung ito ay


tama o mali sa obhetibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.

Likas na Batas Moral


Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil siya ay nilikha na kawangis
ng Diyos. At dahil kawangis siya ng Diyos nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang
makilala ang mabuti at masama. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal, kaya
likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o ng


masama. Nakaugat ito sa kanyang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa
kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.

Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa


Diyos. Ito ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa
pamamagitan ng tamang paggamit ng kanyang kalayaan at kilos-loob.
Layunin ng Likas na Batas Moral ang kabutihan ng tao. Maiiwasang gawin ng
tao ang masama kung susundin niya ang batas na ito.

Mga katangian ng Likas na Batas Moral


1. Obhektibo – ang Likas na Batas Moral ay nakababatay sa katotohanan at
nagmumula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi
nililikha; kaya hindi ito imbensiyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao.
Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon. Naaayon sa
reyalidad ito at hindi nakabatay (nakadepende) sa tao. Palagi itong umiiral dahil
hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.

2. Pangkalahatan(unibersal) – sinasaklaw ng Likas na Batas Moral ang lahat ng tao


dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao bilang tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng
lahi, kultura, lugar at pagkakataon at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao.

3. Walang hanggan(Eternal) – mananatiling iiral ang Likas na Batas Moral dahil itoy
walang hanggan/katapusan at permanente at totoo kahit kailan at kahit saan.

4. Di nagbabago – hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi


nagbabago ang pagkatao ng tao na nilikhang kawangis ng Diyos. Sa kabila ng
pagkakaiba-iba ng kultura ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng
tao.

Mga Uri ng Konsiyensiya ayon sa Pagkahubog nito sa Tao:


1. Tamang Konsiyensiya – hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali
ang mali.

2. Maling konsiyensiya-naghuhusga batay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang


tamang prinsipyo sa maling paraan. Hinuhusgahan ang mali bilang tama at ang
tama bilang mali.

Kailangang hubugin at sanayin ang konsiyensiya upang makilala nito ang


tunay na mabuti ayon kay Santo Tomas De Aquino. Dahil kung babaliwalain ng tao
ang kanyang konsiyensiya, darating ang pagkakataon na ito ay magiging manhid sa
pagkilala kung ano ang tama. Ang epekto nito ay maaaring maging katulad ng
hayop sa kanyang pagpapasiya at pagkilos ang tao.

Ibinabatay ng konsiyensiya ang paghusga sa kilos sa obhektibong


pamantayan ng Likas na Batas Moral. Itinuturing ang konsiyensiya bilang batas
moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. Sa paghuhusga sa moralidad ng
kilos, ginagamit ng konsiyensiya ang katotohanang nauunawaan ng tao.
Pagyamanin

Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin tungkol sa


Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas Moral sa itaas.
Panuto: Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng
iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong
kuwaderno:
1. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasiya at pagkilos?
Pangatwiranan?
2. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas-Moral?
3. Saan dapat nakabatay ang pagkahubog ng konsiyensiya? Ipaliwanag.
4. Paano nauugnay ang Likas na Batas-Moral sa konsiyensiya ng tao? May tao
bang walang konsiyensiya? Ipaliwanag ang ibig sabihin nito?
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa PagpapakataoBaitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012.), 130-135.

Gawain 3b: Paghihinuha ng Batayang Konsepto


Panuto:
1. Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin tungkol sa Kaugnayan ng
Pagpapahalaga at Birtud, punan ng mga angkop na salita ang pangungusap sa
ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.
2. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.
konsiyensiya tao masama Likas-Diyos sitwasiyon puso

Nalalaman agad ng tao ang mabuti at ___________sa kongkretong batay sa


sinasabi ng _____________. Ito ang ________ na Batas Moral na itinanim ng
________ sa isip at ________ ng _____ .

Isaisip

Gawain 4: Pagninilay
Panuto: Nais mo bang mapatatag mo ang natutuhan mo sa modyul na ito? Halika
na,
mag-journal na!
1. Isulat sa journal ang iyong pagninilay sa mga natutuhan mo sa aralin.
2. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.

Ang Aking Pagninilay


Pangalan: Petsa:
A. Mga mahalagang konsepto o ideya na aking natutuhan tungkol sa
Kaugnayan ng Konsiyensya sa Likas na Batas Moral:
1.

2.

B. Mga natuklasan ko sa aking sarili ukol sa aking sarili kaugnay sa


Konsiyensiya at Likas na Batas Moral

C. Paano ko maisasabuhay ang aking mga natutuhan mula sa aralin:

D. Ang aking komitment sa pagsunod sa aking konsiyensiya na


nakababatay sa Likas na Batas Moral:

Narito ang Rubric para sa Pagsusuri ng Pagninilay sa Gawain 4:


5- Malinaw at maayos ang mensahe ng pagninilay at mayroong pagpapalalim.
4- Malinaw at maayos ang mensahe ng pagninilay.
3- Maayos ang mensahe ng pagninilay.
2- Hindi gaanong maayos ang mensahe ng pagninilay.
1- Hindi maayos ang mensahe ng pagninilay.

Isagawaa

Gawain 5: Pagganap
Panuto: Ngayon, ganap mo nang naunawaan ang Kaugnayan ng Konsiyensiya sa
Likas na Batas Moral, gawin mo ang sumusunod:
1. Bumuo ng wastong pagpapasiya gamit ang tamang panangatwiran ayon sa hatol
ng konsiyensiya na nakababatay sa Likas na Batas Moral upang magkaroon ng
angkop na kilos sa pagpapakatao araw- araw.
2. Isulat ang mga mabuting kilos na gagawin mo para sa kabutihan ng iyong sarili,
pamilya at kapuwa araw-araw.
3. Isulat din ang iyong mga masamang kilos sa kasalukuyan na iiwasan at ihihinto
mo na mula ngayon.
4. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Ang Pasya Ko Ayon sa Aking Konsiyensiya na Nakababatay


sa Likas na Batas Moral
Sa aking sarili Sa aking pamilya Sa aking kapwa
A. Mga mabuting Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
kilos na gagawin Pagbutihin ang Sundin ang utos ng Pagkipagtulungan
ko aking pag-aaral aking mga sa paglilinis ng
magulang aming lugar upang
malayo ang lahat
sa sakit
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
Sa aking sarili Sa aking pamilya Sa aking kapwa
B. Mga masamang Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
kilos na iiwasan Paglalaro ng online Pagsuway sa utos Hindi pagsuot ng
at ihihinto ko games palagi at at payo ng aking face mask tuwing
naisantabi ang magulang lumabas ng bahay
pag-aaral
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

Narito ang mga kraytirya sa pagtataya ng iyong output sa Gawain 5:


1. Natutukoy ang pasiya sa sa kilos na gagawin at sa kilos na iiwaasan at ihihinto
2. Makatotohanan ang bawat isinulat na kilos sa mga kolum
3. Angkop ang bawat isinulat na kilos
4. Tiyak ang bawat isinulat na kilos
5. Malinaw ang bawat isinulat na kilos

Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto:
1. Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa kaloob na Konsiyensiya at
Likas na Batas Moral na makatutulong upang magiging ganap ang iyong
pagpapakatao.
2. Isulat ito sa isang short bond paper na may desinyo ang margin at ipasa sa iyong
guro pagkatapos ng aralin.
3. Pagkatapos, maibalik ng guro sa iyo ang liham na ito, idikit ito sa lugar ng bahay
kung saan lagi mo itong makikita at mababasa bilang panalangin mo bago ka
matulog sa gabi.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:
1. Nakabubuo ng liham ng pasasalamat sa Diyos sa kaloob na Konsiyensiya at
Likas na Batas Moral
2. Angkop at malinaw ang mensahe at mga salitang ginamit sa liham ng
pasasalamat sa Diyos
3. Tiyak at angkop ang hinihiling na paggabay ng Diyos sa gagawing pagsunod sa
Konsiyensiya na nakababatay sa Likas na Batas Moral
4. Malinis at maayos ang pagkasulat at ang pagkagawa ng desinyo sa margin

Buod
Nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong sitwasyon
batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng
Diyos sa isip at puso ng tao

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Suriin itong maigi at alamin ang
sagot sa bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa dyornal notbuk.
1. Wala kang Performance Task at nakita mo ang iyong matalik na kaibigan sa
klase na kumokopya nito sa kaniyang katabi. Binulungan ka niyang kumopya ka
na rin. Sinasabi sa iyo ng konsiyensiya mo na dapat maging tapat ka sa mga
gawain sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at kokopya ka na rin.
B. Makikinig ka sa iyong konsiyensiya at hindi na gagawa ng Performance
Task.
C. Susundin mo ang iyong konsiyensiya at matapat mong gawin ang
Performance Task
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang Performane Task at tapat kang
mag-aaral.

2. Maaaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Alin ang angkop na paliwanag
sa pahayag na ito?
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao.
C. Tama, dahil maging manhid ang konsiyensiya kung palagi nating sinusunod
ang hatol nito.
D. Tama, dahil kung patuloy nating baliwalain ang hatol ng ating konsiyensiya
hindi na ito makilala sa tama.

3. Sa paanong paraan mo nailalapat ang Likas na Batas Moral?


A. Ipinagagawa sa kaibigan B. Iniisip ko ito
C. Sinusunod ang Konsiyensiya D. Nakikinig sa mga magulang

4. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang hubugin ang


konsiyensiya maliban sa
A. Upang darating ang panahon na maging manhid ang konsiyensiya sa
pagkilala kung ano ang tama.
B. Upang maiwasan ang paghusga ng kilos batay sa maling prinsipyo.
C. Upang mahusgahan ang tama bilang tama at ang mali bilang mali.
D. Upang hindi mailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.

5. Nauunawaan mo na ang pagsunod sa Likas na Batas Moral ay tunay na


nagpapaunlad ng iyong pagkatao. Paano mo ito isasabuhay?
A. Seguraduhin na may Likas na Batas Moral.
B. Hayaan mo na iiral sa iyo ang Likas na Batas Moral.
C. Sabihin mo sa iba na sundin nila ang Likas na Batas Moral.
D. Bantayan ang iyong kilos at pasiya kung naaayon ba ito sa Likas na Batas
Moral.

5. Ano ang mas mataas na pamantayan na pinagbabatayan ng konsiyensiya sa


paghusga ng mabuti at masama?
A. Batas Sibil C. Mga payo ng magulang
B. Likas na Batas Moral D. Sampung Utos ng Diyos

7. Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral nakikilala ng tao ang mabuti at


masama. Ngunit meron din malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang
piliin ang mabuti o masama. Anong mabubuo mong kahulugan sa mga katagang
ito?
A. Hindi kailan man pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama.
B. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsiyensiya ang tamang gawin.
C. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam ito ng konsiyensiya niya batay sa
Likas na Batas Moral.
D. May Likas na Batas Moral sa puso at isip ng tao pero dahil malaya siya,
maaari pa rin niyang piliin ang masama.

8. Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?


A. Ito ay batas na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.
B. Ito ang konsiyensiya na naghuhusga kung tama at mali ang pasiya at kilos.
C. Ito ay batas sibil upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging
mabuti.
D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsiyensiya na kilalanin ang mabuti at
masama.

9. Ano ang magandang epekto sa iyo kung gagamitin mong batayan ng iyong
konsiyensiya ang Likas na Batas Moral?
A. Matutukoy ng konsiyensiya ang mabuti o masama na gabay sa mga pasiya
at kilos.
B. Magiging handa tayo sa mga problema na darating sa ating buhay.
C. Magkakaroon tayo ng mga kaalaman sa hangarin natin sa buhay.
D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali.

10. Ang konsiyensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ano ang ibig
sabihin ng pahayag na ito?
A. Ang konsiyensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.
B. Ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
C. Ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
D. Ang konsiyensiya ang kumikilala sa tama at mali.
Susi sa Pagwawasto

Subukin
Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill
Aytem
1 C Kaalaman/Knowledge
2 D Pag-unawa/Comprehension
3 D Paglalapat/Application
4 A Paglalapat/Application
5 A Pagsusuri/Analysis
6 C Pagtataya/Evaluation
7 D Pagsusuri/Analysis
8 C Pagtataya/Evaluation
9 A Pag-unawa/Comprehension
10 D Pagtataya/Evaluation

Tayahin
Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill
Aytem
1 C Pag-unawa/Comprehension
2 D Paglalapat/Application
3 C Paglalapat/Application
4 A Kaalaman/Knowledge
5 D Pagsusuri/Analysis
6 C Pagtataya/Evaluation
7 D Pagsusuri/Analysis
8 D Pagtataya/Evaluation
9 A Pagtataya/Evaluation
10 A Pang-unawa/Comprehension
Sanggunian

Bontia, Maria Tita B. “Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Ikatlong Markahang


Pagsusulit.” Pagsusulit presented at the Critiquing, Iligan City, September 17,
2018.

Bontia, Maria Tita B. “Modyul 6: Ang Kaugnayan ng Konsiyensiya sa Likas na Batas


Moral Kontekstuwalisadong Gawain 3.” Gawain produced at the Training on
the Development of Contextualized Learning Resources Materials Cum
Evaluation of Learning Resources, Iligan City, October 23-25, 2019.

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.

Kagawaran ng Edukasyon. K to 12Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa


Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,
2016.

Mula sa Internet
Manuel Q. Lapingcao. “Estudyante o Istambay.” Hinango noong Oktubre 25, 2018.
https://www.youtube.com/results?
search_query=estudyante+kaba+o+istambay+lyrics.
Parasa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph

You might also like