You are on page 1of 23

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan–Modyul 5
Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa Pagpili ng
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo

Pamayanan
Paaralan
Bahay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan –Modyul 5
Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa Pagpili ng
Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig
sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal-
Bokasyonal o Negosyo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Author/s: Fedila V. Quiano,
Virginia M. Cajan
Jessyl T. Garcia
Reviewer/Evaluators: Grace O.Gipulao
Lydia D. Malabas
Jocelyn B. Sumabat
Jhonrill L. Bulaga
Illustrator and Layout Artist: Marife Q. Bartolaba
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Unang Markahan – Modyul 5: Ang
Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng Hilig sa Pagpili ng Kursong
Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo.

Tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa


iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo
rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 5 ---------------- 3

Balikan ---------------- 3

Tuklasin ---------------- 4

Suriin ---------------- 5

Pagyamanin ---------------- 6

Isaisip ---------------- 7

Isagawa ---------------- 8

Tayahin ---------------- 9

Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - 12

Susi sa Pagwawasto ----------- 13

Sanggunian ---------------- 14
Alamin

Marahil, narinig mo na mula sa ibang tao ang pahayag na: “Mahalin mo


ang iyong ginagawa at gawin ang mga bagay na iyong minamahal”.
Naniniwala ka ba sa mensaheng ito? Kaya mo bang gumawa ng isang bagay
sa loob ng isang maghapon na kakaunti lamang ang pahinga ngunit hindi
gaanong nakaramdam ng pagod? Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang
malalim na kahulugan ng mga naunang pahayag.

Sa modyul na ito, matutunan mo ang mga sumusunod:

1. Natutukoy ang kaugnayan sa pagpapaunlad ng hilig sa pagpili


ng kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay. (EsP7PS-Ie-3.1); at

2. Nasusuri ang sariling hilig ayon sa larangan at tuon nito.


(EsP7PS-Ie-3.2).

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang titik
K kung ang pahayag ay kanais-nais at DK kung di-kanais-nais. Isulat
ang sagot sa iyong kwaderno sa EsP:

1. Nakaaapekto ang kakayahan sa pagkamit ng minimithi sa buhay.


2. Hindi hadlang ang kahinaan sa pagkamit ng pinapangarap.
3. Nakatutulong ang kaalaman sa pagpapahalaga ng iyong interes sa buhay.
4. Ang pansariling kakayahan ay isa sa mga kailangan sa pagkamit ng
minimithi sa buhay.
5. Ang kahinaan ay di dapat mangingibabaw sa isang tao.
6. Ang pamumuhay ng mga magulang ay nakaaapekto rin sa pagkamit ng
minimithi sa buhay ng isang anak.
7. Ang paglalaro ng gadgets ay nakahahadlang sa pagkamit ng minimithi sa
buhay.
8. Mas magiging maayos ang buhay kung nakatapos ng kurso.
9. Ang kursong teknikal o bokasyonal ay hindi makapagbibigay ng
magandang kapalaran.
10. Mas magiging angat ang iyong buhay kapag ikaw ay nakapagtapos ng
pag-aaral.
11. Ang pagpasok nang maaga sa klase at paghanda sa mga gawaing
pampaaralan ay hindi nakatutulong sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
12. Ang pakikisama sa mga barkada ay magtutulak sa iyo sa kapahamakan.
13. Ang kasipagan sa pag-aaral at pagsali sa iba’t ibang organisasyon sa
paaralan ay nakatutulong sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
14. Ang kahinaan mo sa isang larangan sa iyong pag-aaral ay magbubunga
ng kabiguan sa iyong mga pangarap.
15. Magulang ang sisisihin kapag ang kanyang anak ay hindi nagtatagumpay
sa kanyang pag-aaral.

2
Aralin Ang Kaugnayan sa Pagpapaunlad ng

5 Hilig sa Pagpili ng Kursong Akademiko


o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo

Balikan

Gawain1

Panuto: Sa iyong kwaderno sa EsP, maglista ng limang hilig na palagi mong


ginagawa at sa tapat nito, isulat ang kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay na may kaugnayan sa iyong hilig. Ang
nasa unang bilang ang pinakagugusto mo.

Halimbawa: 1. mahilig magturo sa mga bata – titser


2. maglaro ng basketbol – isports
3. mahilig magkumpuni ng mga sirang gamit – karpintero
4. mahilig magluto – chef
5. mahilig gumuhit – magdedesinyo/artist

Mula sa iyong ginawa, sagutin mo rin ang mga tanong sa iyong kwaderno.
1. Bakit ito ang pinili mo?
2. Ano-ano ang ang nag-uudyok sa iyo sa pagpili mo nito?

3
Tuklasin

Gawain 2

Panuto: Mula sa mga titik na iyong makikita sa puzzle, buuin ang


kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, at negosyo o
hanapbuhay ayon sa paglalarawan sa taong tinutukoy sa bawat
bilang at isulat ang sagot sa kwaderno sa EsP.

1. nagbibigay kasiguruhan na matibay ang itinatayong gusali


2. nagpapayabong ng mga pangunahing pagkain ng mga tao
3. nagkukumpuni ng mga sirang sasakyan
4. gumagawa ng plano ng isang inhenyero
5. nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng lipunan
6. nanggagamot ng may sakit
7. nagkukumpuni ng tubo
8. nagtuturo sa mga mag-aaral
9. nagbibinta ng iba’t ibang produkto
10. nagtatanggol ng mga taong inihahabla at isinasakdal

S E B I N H E N Y E R O Y O N O
G K I L N M A G S A S A K A R M
R U N M E T S I T A R Y O K O S
A M R T B N L M K S A R R T U T
D E G H T U T I T G D R E S R I
T K A R P I N T E R O R B I T G
I A R U T E T V B U K E U T S N
N N E S D T I T N U T I T S E R
O I W I T N G U K S O T D I R S
B K I P E T N M K O R D E S T U
K O E M A N G A N G A L A K A L
L I P O N O O D A G O B A L E Y

4
Suriin

Ngayon, nabuo mo ns ang mga hinihinging kasagutan sa puzzle, tingnan mo


ang mga larawan at basahin ang kanilang pag-uusap ukol sa mga kurso o
bokasyon na gusto nila.

Ako ay magiging pulis!


Ako ay mekaniko Magsisilbi ako sa bayan at
balang araw! poprotektahan ko ang mga
Tapos magtatayo mamamayan.
ako ng talyer.
Hilig ko talaga Ako ay titser!
ang lahat ng Gusto ko talagang
bagay tungkol sa magturo sa mga
sasakyan. kabataan.

Ako naman ay
Ako ay magtatayo animation artist!
ng restaurant! ‘Yan ang
Magaling yata ako demand ngayon.
sa pagluluto.

Sa pagtatakda ng mithiin mahalagang isaalang -alang ang mga


pamantayan sa pagbuo ng mahusay na mithiin.

1. Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o


pagkilos na gagawin. Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihing “Nais
kong maging isang doktor”, kundi, “Tatapusin ko ang mga
pangangailangan sa pag-aaral para sa kursong medisina”.

2. Kung masusukat ang mithiin, masubaybayan natin ang ating


pagsulong sa pagkakamit ng mithiin at matutukoy kung kailan ito
makakamit.

5
Halimbawa: Kung alam natin ang mga pangangailangan sa kursong
medisina, malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo at ang
kailangan pang tapusin.
3. Ang pagkuha sa kursong medisina ay mahirap kung kapos sa pera ang
pamilya kaya kinakailangang maghanapbuhay upang suportahan ang
sariling pag-aaral.
4. Dapat mangingibabaw ang sariling kakayahan at interes sa pagpili ng
kurso na hindi naiimpluwensyahan ng iba.
5. Maglaan ng sapat na oras sa pag-aaral upang makamit ang mithiin sa
buhay.

Pagyamanin

Gawain 3
Panuto: Kopyahin mo ang iginuhit na paa sa iyong kwaderno sa EsP.
Isulat ang iyong sagot batay sa mga bilang na nakalaan sa
bawat tanong.
Mga tanong:
1. Anong kurso ang nais mong kunin?
2. Sa palagay mo, angkop ba ang kursong ito sa iyo?
3. Sapat ba ang kakayahan mo upang mapagtagumpayan ang kursong ito?
4. Sino-sino ang mga taong nakaimpluwensya sa iyo sa pagpili ng kursong ito?

1 4 4 4
4
2

3
6
Isaisip

Gawain 4
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang at piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno ng EsP.

panahon damdamin Maykapal


pangangailangan kinabukasan hilig
isasagawa pag-aaral kakayahan
mithiin magulang barkada

1. Ang ________ ay ang pinakamahalagang batayan upang marating ang


pangarap.
2. Ang bawat mithiin ay may __________ na dapat mong isaalang-alang.
3. Ang pagkamit ng mga pangarap ay hindi lamang puro salita kundi ito’y
_________.
4. Kinakailangan ang suporta ng __________ upang maisakatuparan ang
minimithi.
5. Ang iyong _________ ay isang salik sa pagtamo ng iyong pangarap.
6. May mga pagkakataon na ang iyong ________ ay nadadala sa mga
tukso sa paligid.
7. Ang masamang impluwensiya ng mga __________ ay isang malaking
hamon sa pagkamit ng iyong tagumpay.
8. Dapat na maglaan ng takdang __________ upang maging maayos ang
pag-abot ng iyong minimithi.
9. Iisipin lagi ang iyong ____________ upang hindi kayo magsisisi sa
huli.
10. Sa pagkamit ng iyong mga pangarap, kailangang idalangin ito sa
__________.

7
Isagawa

Gawain 5: “Mini Me Doll”


Panuto: Iguhit sa iyong kwaderno sa EsP ang “Mini Me Doll” na angkop sa
iyong kasarian. Damitan ang napili mong larawan ayon sa kursong
gusto mo. Iguhit ang larawan sa kursong gusto mo kung wala sa
mga pinagpipiliang larawan.

Mga Pagpipiliang Larawan

8
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa kwaderno ng EsP.
1. Ang mahusay na mithiin ay nangangailangan ng ___.
a. ibabatay sa hilig mo
b. tiyak na hakbang na gagawin
c. mahabang panahong ilalaan upang makamit ito
d. tamang panahon upang ito’y maisasakatuparan
2. Kung nais mong makamit ang minimithi sa buhay, hindi sapat na sasabihin
mong gusto kong maging isang doktor kundi ___.
a. mag-aaral akong mabuti
b. makikiisa ako sa mga gawaing pampaaralan
c. tatapusin ko ang mga pangangailangan sa pag-aaral
d. iiwas ako sa mga barkada upang mapagtuonan ng pansin ang pag-aaral

9
3. Kung nasusukat lamang ang mithiin sana ay ___.
a. makatapos tayong lahat sa pag-aaral
b. walang naghihirap sa kasalukuyan
c. hindi tayo naiimpluwensiyahan ng ating barkada
d. nasusubaybayan natin ang ating pagtamo sa pangarap
4. Bawat kurso o propesyon na gusto mo ay may mga pangangailangan kaya
kailangang ___.
a. handa ka sa pag-aaral
b. mapera ang mga magulang
c. mag-aaral at magsisikap kang mabuti
d. malalaman mo kung ano-ano ang natapos mo na at kailangan pang
tapusin
5. Ang pagtamo ng mithiin ay magiging makabuluhan kung ___.
a. ito’y naisasakatuparan
b. pinagsisikapang marating
c. hindi nararating ang pinapangarap
d. nangangailangan ito ng pinakamatayog na kakayahan
6. Ang mga sumusunod ay kinakailangan sa pagtatapos ng kurso maliban sa
___.
a. suporta ng magulang
b. pag-aaral nang mabuti
c. pagtitiwala sa sarili na makakaya ang pag-aaral
d. pagsasama sa barkada at pagwawaldas ng pera
7. Ang mithiing iyong inakalang makapagbigay ng kasiyahan ay hindi
maisakatuparan kung ___.
a. madalas lumiban sa klase
b. hindi ka nakapag-aral ng iyong leksyon
c. naiimpluwensyahan ka ng mga barkadang hindi nag-aaral
d. lahat ng nabanggit
8. Kinakailangang maglaan kayo ng takdang panahon sa pagkamit ng minimithi
sa buhay upang ___.
a. makamit ang pangarap
b. hindi magagalit ang mga magulang
c. hindi masasayang ang iyong pagsusumikap
d. lahat ng nabanggit

10
9. Sa pagpili ng kursong iyong kukunin kailangang ___.
a. ikaw ang magdedesisyon
b. ibang tao ang masusunod
c. magulang ang magdedesisyon
d. pagkasunduan ng anak at magulang
10. Kung mahina ka sa larangan ng Matematika, ang nararapat gawin ay ___
a. hihinto sa pag-aaral
b. pagtitiyagaan ang asignatura
c. pababayaan ang asignaturang Matematika
d. magpapatulong sa kamag-aral na bihasa sa Matematika
11. Sa pagpili ng kursong kukunin, kailangang isaalang-alang din ang ___.
a. sariling kakayahan
b. naging hiling mo sa iyong buhay
c. katayuan sa buhay ng mga magulang
d. lahat ng nabanggit
12. Ang mga sumusunod ay kinakailangan sa pagpapaunlad at pagkamit ng
mithiin maliban sa ___.
a. pagtitiyaga
b. pagpupunyagi
c. kababaang-loob
d. pagwawalang-bahala
13. Hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng iyong pangarap sa buhay,
nararapat lamang na ___.
a. magpabaya sa pag-aaral
b. magsisikap at magtitiyaga sa pag-aaral
c. magdepende sa sasabihin ng magulang
d. magtatrabaho upang makatulong sa mga magulang
14. Sa pagpili ng kursong kukunin, titiyaking ____.
a. nababatay ito sa iyong kagustuhan
b. kakayanin mo ang mga pangangailangan
c. ang iyong pinili ay magdudulot sa inyo ng kaligayahan
d. lahat ng nabanggit.
15. Sa mga pagkakataong naiimpluwensiyahan ka ng iyong barkada at napahinto
sa pag-aaral kailangan lamang na ____.
A. hihinto na sa pag-aaral
B. mag-aasawa nang maaga
C. tuluyan nang magpapadala sa barkada
D. bumangon at ipagpapatuloy ang pag-aaral

11
Karagdagang Gawain

Gawain 7
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa iyong napiling kurso, teknikal o
bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. Isulat mo ito sa iyong kwaderno
ng EsP.

Gabay na mga tanong:


1. Ano ang iyong pangarap sa buhay?
2. Bakit ito ang pinili mo?
3. Ano – ano ang iyong gagawin upang makamit ang iyong pangarap?
4. Sino – sino ang makatutulong sa iyo sa pagkamit nito?
5. Paano mo malalampasan ang mga hadlang sa pagkamit nito?

Ang Pangarap Ko Sa Buhay

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik: Nilalaman
5 – Maayos at may kaisahan ang ideya, madaling maintindihan ang nilalaman
4 – Maayos at may kaisahan ang ideya, may kaunting kamalian ngunit madaling
maintindihan ng nilalaman
3 – Maayos ngunit walang masyado kaisahan sa ngunit may kaunti ideya sa
nilalaman
2 – Hindi masyadong maayos at walang kaisahan ngunit may kaunting ideya
1- Hindi maayos at walang kaisahan ang ideya

12
13
Mga sagot sa bahaging Tayahin: Mga sagot sa bahaging Isaisip
1. A
2. C 1. pag-aaral
3. B 2. pangangailangan
4. D 3. isasagawa
5. C 4. magulang
6. C 5. kakayahan
7. A 6. damdamin
8. D 7. barkada
9. C 8. panahon
10. C 9. kinabukasan
11. D 10. Maykapal
12. D
13. A
Mga sagot sa bahaging Subukin
14. D
1. K
15. A 2. K
3. K
4. K
Mga sagot sa bahaging Tuklasin: 5. DK
1. Inhenyero 6. K
2. Magsasaka 7. K
3. Mekaniko 8. K
4. Karpintero 9. DK
5. Pulis 10. DK
6. Doktor 11. DK
7. Tubero 12. DK
8. Titser 13. K
9. Mangangalakal 14. DK
10. Abogado 15. K
Susi ng mga Sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Electronics

https://www.google.com/search?q=clipart+electrician+cartoon&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjavufVtpnqAhVIb5QKHUV2CI8Q2cCegQIABAA&oq=clipart+electrician+cartoon
&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBAeOggIABAIEAcQHjoGCAAQBxAeOgIIAFCtjAZ
Y4LgGYKWBmgAcAB4AYABjQaIAbs0kgEOMC44LjEyLjMuMC4xLjGYAQCgAQGqA
Qtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=ab3yXprmOcje0QTF7KH4CA&bih=669&biw=1
263&hl=enUS#imgrc=D2S5vnnL1VYbRM
https://www.google.com/search?q=picture+of+existentalist+intelligence&tbm=isch&v
ed=2ahUKEwje2crp2NXpAhUGAKYKHZywCjIQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+exist
entalist+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQDFAAWABgPWgAcAB4AIABAIgBAJIBAJg
BAKoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=bDrPXt5zhoCYBZzhqpAD#imgrc=wlZN
mOGfQlEtAM&imgdii=HGbDUSaZXhCmvM
https://www.google.com/search?q=pictuure+of+naturalist+intelligence&tbm=isch&ve
d=2ahUKEwiu5MPU19XpAhVN35QKHVzwBpwQ2cCegQIABAA&oq=pictuure+of+na
turalist+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dl0hFYo50SYNm1EmgAcAB4AoABmiCI
AbCvAZIBBzctMi4xLjaYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=MznPXu
7-Gc2-0wTc4JvgCQ#imgrc=0yxoUOV5RUYaQM
https://www.google.com/search?q=pictuure+of+interpersonal+intelligence&tbm=isch
&ved=2ahUKEwj78oOV1tXpAhWFy4sBHeZKARAQ2cCegQIABAA&oq=pictuure+of+
interpersonal+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Cp0RdYndwXYP3iF2gAcAB4AIAB
AIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=oTfPXrueMoWXr7w
P5pWFgAE
https://www.google.com/search?q=pictuure+of+intrapersonal+intelligence&tbm=isch
&ved=2ahUKEwjL1JKU1NXpAhWZwIsBHYcUAyQQ2cCegQIABAA&oq=pictuure+of
+intrapersonal+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1CSox9Y1_MfYMb2H2gAcAB4AIA
BAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=hzXPXov1BZmBr7
wPh6mMoAI#imgrc=JN2z4zAmOoOcmM
https://www.google.com/search?q=picture+of+musical+rhythmic+intelligence&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwjukLiF1NXpAhXFI6YKHeDqBhcQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+
musical+rhythmic+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1DvNFjsWGDqX2gAcAB4AIAB
AIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=aDXPXu68D8XHm
AXg1Zu4AQ#imgrc=KoHnYgGpiHRFPM&imgdii=KmDsR4BSKOdvkM
https://www.google.com/search?q=picture+of+bodily+kinesthetic&tbm=isch&source=i
u&ictx=1&fir=3Yhd3nJnlrlliM%253A%252CgaUjWd0H2zalzM%252C_&vet=1&usg=A
I4_kT0szS1UWqvBpQEla3nPf0FDRRURA&sa=X&ved=2ahUKEwiP7Or_0tXpAhWby
osBHREOAx0Q9QEwBXoECAoQHA#imgrc=O7zXYLWVM5Rr3M
https://www.google.com/search?q=picture+of+mathematical%2Flogical+intelligence&
tbm=isch&ved=2ahUKEwi4xvO3z9XpAhUZKqYKHcrIAbEQ2cCegQIABAA&oq=pictu
re+of+mathematical%2Flogical+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Ci2gZY7rsHYK3

14
CB2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=kz
DPXviwN5nUmAXKkYeICw&bih=652&biw=1215#imgrc=6asTKW22as_8-M
https://www.google.com/search?q=picture+of+verballnguisticl+intelligence&tbm=isch
&ved=2ahUKEwiCreuCztXpAhXRzIsBHSWgCqMQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+v
erballnguisticl+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQA1Dk9xVYhLkWYMjAFmgAcAB4AIA
BAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=GC_PXoLBC9GZr
7wPpcCqmAo&bih=652&biw=1215#imgrc=cH80D5N9urJsvM
https://www.google.com/search?q=picture+of+visual%2Fspatial+intelligence&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwjk9Z34y9XpAhVJdJQKHbssCvUQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+
visual%2Fspatial+intelligence&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgYIABAIEB46B
AgAEBg6BggAEAoQGDoECAAQHlC9liFYiekhYLvuIWgAcAB4AIABpAWIAfVPkgEN
MC4xMS4xNS40LjIuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=6SzPXq
TdBMno0QS72aioDw&bih=652&biw=1215#imgrc=GwJnyhRaMq1bPM
https://www.google.com/search?source=univ&tbm=isch&q=cartoon+icon+for+deepe
ning&sa=X&ved=2ahUKEwjktJaIx9XpAhUtyIsBHSkB_kQsAR6BAgJEAE&biw=1215
&bih=652#imgrc=ch_kv9cHUWQRwM&imgdii=poFJSTMGNi3r4M
https://phsedukasyonsapagpapakataogr7.weebly.com/modyul-2.html
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+different+types+of+designing
+work&tbm=isch&ved=2ahUKEwjToOOXk9HpAhUXAaYKHWDbCn4Q2-
cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+different+types+of+designing+work&gs_lcp=
CgNpbWcQA1CjsRlYhM4ZYLbUGWgAcAB4AoABqgaIAbQvkgENMC4xLjQuMS4xLj
MuM5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=h9jMXpPBG5eCmAXgtqv
wBw&bih=510&biw=1199&hl=en-US
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+different+types+of+writers+w
ork&tbm=isch&ved=2ahUKEwinOaKktHpAhVnzYsBHZ2EBFIQ2cCegQIABAA&oq=pi
cture+cartoon+of+different&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgIIKTICCCkyAggpOgIIAFDG
lxFYzbwRYMTaEWgAcAB4AIAB6gGIAe0akgEGMC4xNy4zmAEAoAEBqgELZ3dzLX
dpei1pbWc&sclient=img&ei=X9fMXufMMeear7wPnYmSkAU&bih=510&biw=1199&hl
=en-US
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+office+work&tbm=isch&ved=2
ahUKEwiPg9XhkdHpAhUBbJQKHdCAD8UQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of
+office+work&gs_lcp=CgNpbWcQA1CBiwRYqrgEYJq6BGgAcAB4AIABAIgBAJIBAJ
gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=CdfMXs_aIIHY0QTQgb6oDA&bi
h=510&biw=1199&hl=en-US
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+social+services&tbm=isch
&ved=2ahUKEwj4rfW8jdHpAhUYx5QKHVIIAtkQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon
+of+a+social+services&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQ7bBFWM7jRWDa50VoAHAA
eAGAAfwCiAGTNJIBCDAuMTguNy42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=i
mg&ei=itLMXvjALJiO0wTSkIjIDQ&bih=510&biw=1199&hl=en-
US#imgrc=urXezrdVFvfE2M
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+soldier&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjIyq7h_tDpAhUN15QKHSXBE0Q2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+s
oldier&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgQIABBDOgYIABAIEB5Q7qquAVjZpK
8BYLimrwFoAHAAeASAAZ8RiAHwmwGSAREwLjEuNC4zLjIuOC41LjktNJgBAKABA

15
aoBC2d3cy13aXotaW1nsAFM&sclient=img&ei=HMPMXsjMJo2u0wSvrpLoBA&bih=5
10&biw=1199&hl=en-US#imgrc=Evt5Xd-g0SxkKM
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+policeman&tbm=isch&ved
=2ahUKEwiQmZq9idHpAhXBI6YKHUe8AH8Q2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+o
f+a+policeman&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQ8JAKWIrBCmCMxwpoAXAAeACAAb
UEiAHeH5IBDDAuMTAuMS4yLjEuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=im
g&ei=Wc7MXtCIJMHHmAXH-IL4Bw&bih=510&biw=1199&hl=en-
US#imgrc=jpEAc1cH0r0KWM
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+teacher&tbm=isch&ved=2a
hUKEwin7aSTitHpAhVE1ZQKHbKIBIcQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+t
eacher&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQl_gGWKiWB2CMnAdoAHAAeACAAYoEiAHjL
pIBCjItMS4xMC40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=Ds_MXq
euB8Sq0wSykZK4CA&bih=510&biw=1199&hl=en-US#imgrc=2UWgsD6NAuhEkM

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+doctor&tbm=isch&ved=2ah
UKEwjvuoXOitHpAhVCApQKHWl5D04Q2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+
doctor&gs_lcp=CgNpbWcQA1CpsRNY8ccTYJjNE2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKA
BAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=ic_MXq_SFMKE0ATp8r3wBA&bih=510
&biw=1199&hl=en-US#imgrc=se6FBKorQ23crM

https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+firemen&tbm=isch&ved=2a
hUKEwiClbHsi9HpAhVNEKYKHb1jCxMQ2cCegQIABAA&oq=picture+cartoon+of+a+
firemen&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQ6AKWNv5CmC
https://www.google.com/search?q=clipart+chef+cartoon&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjlnpPrspnqAhVK6JQKHUA2CGMQ2-
cCegQIABAA&oq=clipart+chef+cartoon&gs_lcp=CgNpbWcQA1CW4wJY-
YQDYIOKA2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&scl
ient=img&ei=ZLnyXuXcOsrQ0wTA7KCYBg&bih=669&biw=1263&hl=en-US
https://www.google.com/search?q=picture+cartoon+of+a+computer+technician&tbm
=isch&ved=2ahUKEwiNv9XEjNHpAhUUhJQKHUd1ClcQ2cCegQIABAA&oq=picture+
cartoon+of+a+computer+technician&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCClQrs8OWM2CD2C
RiA9oAHAAeACAAeMDiAHCMpIBCjAuOC4xMi40LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6L
WltZw&sclient=img&ei=jtHMXo3AIZSI0gTH6qm4BQ&bih=510&biw=1199&hl=en-
US#imgrc=xKXwmrCAiVkM5M
https://www.google.com/search?q=clipart+engineer+cartoon&tbm=isch&hl=en-
US&ved=2ahUKEwjghPPZsJnqAhVrEqYKHWFNBZgQrNwCKAB6BQgBEOsB&biw=
1263&bih=669#imgrc=U3rRRZOQOPcoWM&imgdii=LSgopnP4iWz-GM

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.gov.ph

You might also like