You are on page 1of 5

Paarala NEW BATAAN NATIONAL HIGH Baitang /

n: SCHOOL Antas: 11
Pagbasa at Pagsusuri ng ibat
BAITANG 11 Asignatura ibang teksto tungo sa
DAILY LESSON Guro: CHAREN POICE C. ROSELLO : Pananaliksik
PLAN Petsa / April 2-3, 2024 Markahan
Oras: : Ikalawang semestre

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,pamilya,
Pangnilalaman komunidad, bansa at daigdig
B. Pamantayan sa Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
Pagganap panlipunan sa bansa
A. Mga Kasanayan sa  Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto F11WG –
Pagkatuto IIIc – 90

B. Mga Detalyadong 1. Nabatid ang iba’t ibang uri ng cohesive devices,


kasanayang 2. Nakabubuo ng paglalarawan para sa tatlong imahe, at;
Pampagkatuto 3. Natutukoy ang mga Kohesyong gramatikal o cohesive devices sa pangungusap.

II. NILALAMAN PAKSA: Cohesive Device

KAGAMITANG PANTURO
A. MgaSanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
B. Iba pang Kagamitang Laptop,telebisyon, ppt, at iba pang kagamitang biswal
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa  Panalangin
Nakaraang Aralin at/o  Pagbati
Pagsisimula ng  Pagtsek ng atendans
Bagong Aralin  Pananatili ng kalinisan sa kapaligiran silid-aralan.
 Rebyu sa nakaraang talakayan
-Gamit ang mga gabay na tanong para sa pagbabalik-aral
 Paano ang dalawang uri ng paglalarawan? Paano mo masasabi kung ang
paglalarawan ay obhetibo o subhetibo?

1. Pagganyak Bibigyan ng mga sumusunod na pahayag ang mga mag-aaral at tutukuyin ang mga salita
o pariralang iisa lamang ang tinutukoy.

1. Lubhang nabahala ang lahat ng tao sa mundo dahil sa dalang panganib sa kalusugan
ng Covid 19. Ang sakit na ito ay tunay na nakaapekto sa kilos, pamumuhay at
katahimikan ng daigdig.
2. Nararapat nating sundin ang alituntuning ipinapatupad ng pamahalaan upang
maiwasan ang paglaganap ng Covid 19 sa bansa. Ito lamang ang tanging paraan sa
ngayong wala pang nalilikhang bakuna sa naturang sakit.
3. Mga matatanda, bata na may dating iniindang sakit ang higit na kailangang mag-
ingat sa panahong ito. Sila ang nanganganib na madaling mahawaan ng sakit na Covid
19 ngayong pandemic.
4. Lahat ng tao ay nararanasan ngayon ang paghihirap. Paghihirap sa pananalapi,
paghihirap sa pagkilos at paghihirap sa iba’t ibang emosyong umiiral.
5. Ang pagiging disiplinado, pagkamasunurin at pakikiisa ng bawat isa ay
napakahalaga ngayong pandemic. Ito ang mga asal na dapat umiiral sa panahong
ganito.
2. Paglalahad ng Aralin Ilalahad sa klase ang layunin ng aralin.
 Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto F11WG
– IIIc – 90
3. Pagtatalakay sa Ilhahad ng guro ang bawat uri ng cohesive device. At tutukuyin ng mga mag-aaral kung
Aralin ano ang pinagkaiba ng mga ito.

Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal


1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari ito maging
anapora (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o
ano ang tinutukoy kapag pinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
2. Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita.
3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay
higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-ugnay.
5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon.
a. Reiterasyon-
(1) Pag-uulit o repetisyon,
(2) Pag-iisa-isa,
(3) Pagbibigay kahulugan
b. Kolokasyon
4. Paglalahat Pamprosesong tanong:
 Ano-ano ang mga cohesive device? Sa paanong paraan nakakatulong ang mga ito
sa pagsulat ng tekstong deskriptibo?
 Paano mapag-ugnay ang mga kaisipan at mailahad ang pananaw? Sagot:
Gumamit ng mga pang-ugnay (cohesive device) gaya ng mga pangatnig.
5. Paglalapat Gawain ng Gawain:
Ikaw ay isang intern sa isang advertising agency. Ang ahensiyang
ito ay ito ay kinokonsidera ng Department of Tourism upang
bumuo ng travel brochure na nasusulat sa Filipino at naglalayong
umakit ng mga local na turista. Bumuo ng paglalarawan para sa
tatlong magagandang tanawin: isang matatagpuan sa Luzon,
mula sa Visayas at isang mula sa Mindanao. Sa bawat piraso ng
bond paper ay idikit mo ang larawang mapipili mo sa ibaba nito’y
isulat mo ang paglalarawan.
Gawain:
Ikaw ay isang intern sa isang advertising agency. Ang ahensiyang
ito ay ito ay kinokonsidera ng Department of Tourism upang
bumuo ng travel brochure na nasusulat sa Filipino at naglalayong
umakit ng mga local na turista. Bumuo ng paglalarawan para sa
tatlong magagandang tanawin: isang matatagpuan sa Luzon,
mula sa Visayas at isang mula sa Mindanao. Sa bawat piraso ng
bond paper ay idikit mo ang larawang mapipili mo sa ibaba nito’y
isulat mo ang paglalarawan.
Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral para sa pangkatang gawain:
Ikaw ay isang intern sa isang advertising agency. Ang ahensiyang ito ay kinokonsidara ng
Department of Tourism upang bumuo ng travel brochure na nasusulat sa Filipino at
naglalayong umakit ng mga local na turista.

Bumuo ng paglalarawan para sa tatlong magagandang tanawin : isang matatagpuan sa


Barangay Andap, mula sa Cabinuangan, at isang mula sa Bantacan. Sa bawat piraaso
ng bond paper ay idikit mo ang larawang mapipili mo sa ibaba nito ay isulat mo ang
paglalarawan.

6. Pagtataya • Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa pagmamarka:

4: Napakahusay at lubhang nakakaakit ang pagkakagamit ng mga salita sa pagsulat ng


paglalarawan.
3: Nakagamit ng mga salitang mahuhusay at nakakaakit sa pagsulat ng paglalarawan.
2: May kakulangan ang pagkakagamit ng mahuhusay na salita sa pagsulat kaya naman
hindi gaanong nakakaakit ang paglalarawan.
1: Kulang na kulang at hindi angkop ang mga salitang ginagamit sa paglalaraan kaya
hindi ito nakakaakit sa sinumang makakabasa.

7. Karagdagang Gawain Gawain 1. Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na
Bilang aplikasyon o panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na mga pagpipillian sa loob ng panaklong.
Pagpapahusay 1. ___ (Siya’y, Ika’y, kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa
pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Clara dahil sa paniniwalang___ (ako’y, kami’y,
siya’y) maaaring magpositibo sa swab test dahil sa nakasama nila sa loob ng eroplano
ang isa nagpositibo sa Covid19.
3., Kinausap ko si Manolo, sinabi ko sa ___ (kanila, kaniya, amin) na ang kanyang
ginawa ay mahusay.
4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ___(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”
5. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Sapagkat doon aamin
ng nararamdaman ang aking kaibigan sa kaniyang na pupusuan.

Gawain 2. Panuto: Hanapin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamit na


Kohesyong gramatikal o cohesive devices na nagsisilbing pananda, pang-ugnayan at
pagtitipid sa pangungusap.
1. Kahit gaano siya katatag, kailangan pa rin ng isang anak ang gabay ng isang
magulang.
2. Ang mabait na anak ay may disiplina sa sarili kaya siya ay kahanga-hanga.
3. Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga taong tulad nila.
4. Sa luneta tayo nagkita, ditto kita unang nakilala.
5. Ito ang isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan.
Magdala ng isang larawan ng paborito mong tauhan sa pelikula/teleserye

Takdang-
aralin/
Karagdaga
ng
Gawain
Takdang-
aralin/
Karagdaga
ng
Gawain
8. Takdang
Aralin/Karagdagang
Gawain

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni : CHAREN POICE C. ROSELLO


Guro sa Filipino SHS

Iwinasto ni:

ALREY E. CALLAO
Asistant Schools Principal II
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat ibang teksto


Tungo sa Pananaliksik

Pang-apat na Kwarter

Inihanda ni :
CHAREN POICE C. ROSELLO
Guro sa Filipino SHS

You might also like