You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Division of Bulacan
Hagonoy East District
SAN PABLO ELEMENTARY SCHOOL
Hagonoy ,Bulacan

IKALAWANG LAgumang pagsusulit


M.T.B. III

Talaan ng Espisipikasyon

Content Area Knowledge Process Understanding Item Placement


Items
%

 Pagbibigay ng hinuha 3 1-3 12%

 Pagsagot sa tanong batay sa 5 4-8 20%


graph.

 Natutukoy ang pang-abay sa


pangungusap at kung anong 48%
uri ito ng pang-abay. 12 9-20

 Nasasagot ang tanong batay


sa binasang seleksiyon 20%
5 21-25

5 12 8 20 100%
KABUUAN

Prepared by:

REGINA T. MENDOZA
SPES- Gr. III Teacher

IKA-APAT NA MARKAHAN
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSUSLIT

M.T.B III
Pangalan:_____________________________ Grade & Sec. _________ Marka:________

I. Ibigay ang iyong hinuha sa sumusunod na sitwasyon.


1. Sa mesa ay may nakabukas na aklat na ang ilang pahina ay may tekstong may marka. Ang
mga papel ay may sulat. Ang lampara ay may ilaw. Ano ang ginagawa ng tao?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Tumutulo ang pawis ni Emma sa kaniyang noo. Tanghaling tapat na ngunit marami pa ring
ballot ng kakanin sa kaniyang basket. Malakas ang kaniyang sigaw, “Suman, suman, masarap
na suman!” Ano sa palagay mo ang trabaho ni Emma?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Nagulat si Allan dahil ang perang ibinigay sa kaniya ng ina ay wala sa kaniyang bulsa. Nang
tingnan niyang muli may nakapa siyang butas sa kaniyang bulsa. Ano sa palagay mo ang
nangyari sap era ni Allan?
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

II. Pag-aralan ang grap. Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula rito.

Dami ng Mag-aaral na Nahuhuli sa klase


90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

4. Anong araw ang may pinakamaraming naitalang bilang ng mga nag-aaral na nahuhuli sa
klase? ___________________________________________________
5. Anong araw ang may pinakakaunting naitalang bilang ng mga-mag-aaral na nahuhuli sa
klase? ___________________________________________________
6. Anong mga araw ang magsingdami ang naitalang bilang ng mag-aaral na nahuhuli sa klase?
_________________________________________________________
7. Anong araw ang maaaring maraming mag-aaral ang hindi nakakalahok sa flag ceremony?
Bakit kaya? _______________________________________________
__________________________________________________________________________
8. Sa anong araw mas magandang gawin ang maagang programang pampaaralan? Bakit?
_____________________________________________________
________________________________________________________________________

III. Kahunan ang pang-abay sa pangungusap at ibigay ang uri nito. (Panlunan, Pamaraan, at
Pamanahon)

___________ 9-10. Mamaya mag-uusap ang magkapatid.


___________ 11-12. Dadalawin kita sa Miyerkules.
___________ 13-14. Ang kuya ko ay nagtatrabaho sa malayo.
___________ 15-16. Ang sanggol ay umiiyak ng malakas.
___________17-18. Ang sanggol ay natutulog sa duyan.
___________19-20. Ang babae ay taimtim na nagdarasal.
IV. Basahin ang maikling seleksiyon at sagutin ang mga tanong mula rito.

Si Aj ay mahilig manghuli ng tutubi sa parang araw-araw.. Tuwang – tuwa siya kapag may
nahuhuli siya na tutubi, lalo na kapag lumilipad ito sa pinaglagyan niya na plastik na bote.

Minsan, nanaginip siya na kinuha siya ng higanteng tutubi at itinali siya. Isang haring tutubi ang
humarap sa kanya. Iniutos nito sa mga tutubi na ipasok siya sa plastik na bote ,pinatakpan ito na
mabuti. Takot na takot si Aj, kaya wala itong nagawa kundi humingi ng tawad sa mga ito. Nangako
ito na hindi na siya muling manghuhuli ng tutubi para ikulong sa loob ng bote. Dahil sa bukal sa loob
na paghingi ng tawad ni Aj ay lumambot ang puso ng haring tutubi at pinatawad, pero sinabi ng
haring tutubi na hindi na siya puwedeng pumunta sa lugar ng mga tutubi. Nangako naman si Aj na
hindi na ito gagambalain ang kanilang tirahan kaya pinakawalan na ito. Nagising si Aj ng tahimik at
nagisip ng malalim.

21. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento ?


a. Aj b. Mga tutubi c. wala d. A at b
22. Ano ang kasingkahulugang salita ng itinali?
a. pinaalis b. Ikinulong c. iginapos d. Hinuli
23. Ano ang ginagawa ni Aj araw-araw?
a. nanghuhuli ng tutubi c. naglalaro
b. natutulog d. Wala sa tatlo
24. Ano ang aral na maaring mapulot sa kuwento?
a. igalang ang anumang nilalang na nilikha ng Diyos
b. huwag pakialaman ang hindi sa iyo
c. huwag pupunta kung saan-saan
d. huwag maglalaro sa parang
25. Ano ang maaaring maging wakas ng kuwento?
a. nanghuhuli pa rin ng tutubi si aj
b. paru-paro na ang kanyang hinuhuli
c. hindi na siya lumabas ng bahay
d. nagkaroon siya ng paggalang at pagpapahalaga sa mga tutubi

You might also like