You are on page 1of 15

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

MATEMATIKA 1
Unang Markahan, Ika-2 Linggo
Pagkilala sa Bilang na Labis o Kulang ng Isa sa Nakasaad na Bilang

I. Pamantayang Pangnilalaman:
• Naipakikita ang pang-unawa sa mga bilang hanggang 100, ordinal na bilang hanggang ika-10,
pananalapi hanggang Php 100 at praksiyon na ½ at ¼.

II. Pamantayan sa Pagganap:


• Nakikilala, naipakikita at napagsusunod-sunod ang mga bilang hanggang 100 at pananalapi hanggang
Php 100 sa ibat-ibang anyo at konteksto.
• nakikilala at naipapakita ang ordinal na bilang hanggang ika-10 sa ibat-ibang anyo at konteksto.

III. Susing Konsepto


Halina mga bata at ating alamin ang mga gawaing napapaloob sa gawaing pampagkatutong ito.
Mapapalawak at mahahasa nito ang inyong kaisipan sa pagbibilang at pagkilala sa mga bilang na labis o
kulang ng isa sa nakasaad na bilang. Ginamitan ito ng iba’t–ibang paraan upang lubos ninyong
maunawaan ang araling ito.

IV. Mga Gawain:

Gawain 1

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Bilangin ang mga larawan sa bawat pangkat at iguhit sa
katapat na kahon ang bilang ng mga bagay na labis ng isa.

Halimbawa:
Ipakita ang labis ng isa

Ipakita ang labis ng isa


1.

2.

3.

4.

Gawain 2

Panuto: Bilugan ang bilang sa loob ng panaklong na nagpapakita ng labis ng isa sa nakasaad na
bilang.
Halimbawa:
11 ( 1 12 10 9 )

1. 8 (7 9 10 )
2. 30 ( 29 32 31)
3. 49 ( 50 48 51 )
4. 65 ( 63 64 66 )
5. 75 ( 77 76 74 )
Gawain 3

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot


.
Halimbawa:
Labis ng isa sa 7 ay __8___
1. Labis ng isa sa 5 ay ________
2. Labis ng isa sa 18 ay ________
3. Labis ng isa sa 35 ay ________
4. Labis ng isa sa 80 ay ________
5. Labis ng isa sa 98 ay ________

Gawain 4

A. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.


Halimbawa:
Kulang ng isa sa 20 ay 19.

1. Kulang ng isa sa 9 ay _____


2. Kulang ng isa sa 30 ay _____
3. Kulang ng isa sa 46 ay _____
4. Kulang ng isa sa 78 ay _____
5. Kulang ng isa sa 90 ay _____

V. Pampinid na Gawain o Repleksyon:


Nagagamit sa tunay na buhay ang kulang at labis ng isa na mga
bagay upang mapadali ang pagbibilang.

VI. Sanggunian:
Padilla, Danilo S., Pascua, Rodrigo V., Dacuba, Lolita
P., Calelao, Marivic M., Silvania, Dahlia L., Garlejo, Maybellene A. (2017) Mathematics 1,
Kagamitan ng Magaaral, Binagong Edisyon, Kagawaran ng Edukasyon

Mga Gawaing Pampagkatuto


ARALING PANLIPUNAN 1
Unang Markahan, ika – 2 Linggo
Pansariling Pangangailangan
I. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa
sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago.

II.Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasalaysay ng kwento sa sariling katangian at
pagkakakilanlan bilang Pilipino sa malikhaing pamamaraan.

III.Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nailalarawan ang pansariling pangangailangan: pagkain, kasuotan at iba pa at mithiin para sa Pilipinas.
AP1NAT-Ib-4

IV. Layunin
Naipamamalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto
ng pagpapatuloy at pagbabago.

V. Mahalagang Konsepto
Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga pansariling pangangailangan. Ito ay mga bagay na kailangan mo
sa araw-araw at hindi dapat mawala.

VI. Mga Gawain

Gawain 1
Alin sa mga nasa larawan ang iyong pangunahing kailangan? Isulat ang tsek (/) o ekis (X) sa iyong
sagutang papel.

____ 1. ____ 2. ____ 3.


____ 4. ____ 5.

Gawain 2
Panuto. Basahin ang pangangailangang hindi natugunan sa bawat sitwasyon. Piliin sa kahon at isulat sa linya
ang titik ng tamang sagot.

a. tirahan
b. pagkain
c. kuryente
d. sasakyan
e. kasuotan

______1. Si Lena ay natutulog sa kariton sa may gilid ng kalsada.


______2. Ang magkapatid ay gutom na gutom.

______3. Si Ben ay giniginaw wala siyang damit o jacket.

______4.Ang Pamilya ni Mang Jose ay natutulog sa lansangan.


______5. Ang palubi ay namamalimos sa tindera ng kakanin .

Gawain 3
Isulat sa iyong sagutang papel kung Tama o Mali ang sinasabi sa bawat pangungusap.

_______________1. Ang tao ay may pangunahing pangangailangan.

_______________2. Ang pagkain ay kailangan ng tao para mabuhay.

________________3. Mamahaling damit lamang ang kailangan nating isuot araw-araw.

________________4. Kumain ng masustansiyang pagkain upang lumusog at humaba ang buhay.

_________________5. Ang kubo ay isang uri ng tirahan.

Gawain 4

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa patlang.
gamit sa pag-aaral mabuhay

tirahan pagkain kasuotan

1. Ano ang bagay na kailangan mo para hindi ka magutom?


_________________________________________

2. Ano ang isinusuot mong bagay pagkatapos maligo?


_________________________________________

3. Ano ang tawag sa bahay na iyong inuuwian? __________________________________________

4. Ano ang gamit ng aklat, notbuk, lapis at papel?


____________________________________________

5. Bakit kailangan mo ng pagkain, kasuotan, at tirahan?


____________________________________________

VII. Repleksyon

Mahalagang malaman ang pansariling pangangailangan katulad ng pagkain, tirahan at kasuotan. Ang
mga ito ay kailangan mo habang buhay.

VIII. Mga Sanggunian

Oyzon M. P and Agcaoli C.B,2012 Araling Panlipunan- Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral :
Unang edisyon 2012 DepEd-IMCS , Pasay City.

Mga Gawaing Pampagkatuto


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Unang Markahan, ika – 1 Linggo
SARILI KO: KIKILALANIN KO

I. Kasanayang Pampagkatuto

Nakikilala ang sariling: gusto, interes, potensyal, kahinaan, at damdamin/emosyon. (EsP1PKP-


1a-b-1)
II. Layunin
1. Natutukoy ang interes o hilig bilang isang bata.
2. Naiguguhit ang sarili habang ginagawa ang interes o hilig gawin.

3. Naipapakita ang talento o hilig na gawin.

III. Konsepto ng Pagpapahalaga


Ang pagkilala sa sariling gusto o hindi gusto, sa hilig o interes, at sa kakayahan at kahinaan ng isang
batang katulad mo ay kailangan upang ito ay iyong mapaunlad at maibahagi sa iba.
Mahalalagang makilala mo ang iyong talento at kakayahan sapagkat ito ay nagbibigay din ng kasiyahan
sa iba kung ito ay iyong ibinabahagi sa kanila. Makabubuti din na alam mo ang iyong mga kahinaan upang
hindi ito maging hadlang sa pagpapaunlad mo ng iyong talento at kakayahan at upang magkaroon ka ng tiwala
sa iyong sarili.
Ang iyong interes, talento at kakayahan ay biyayang galing sa Panginoon. Hindi ito dapat ikahiya kundi
dapat ibahagi at ipamalas sa iba upang malinang at lalo pang umunlad. Sa iyong paglaki ay maaari mong
magamit ito sa pagtupad ng iyong mga pangarap.
Katulad ng iyong mga hinahangaang artista, sila din ay nagsumikap na pag-ibayuhin ang kanilang mga
talento at potensyal na naging daan upang magkaroon sila ng tiwala sa kanilang sarili hanggang sa makamit nila
ang tagumpay.

Kaya tandaan na ang iyong talento at kakayahan ay dapat na ibahagi sa iba upang lalo pa itong umunlad.

IV. Mga Gawain:

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang gawain na nabanggit ay katulad ng iyong kakayahan at
malungkot na mukha naman kung hindi:

1. Magsayaw sa harap ng klase.

2. Magsulat at bumasa sa bahay at paaralan

3. Umawit sa harap ng maraming tao.

4. Magbisikleta.
5. Magluto ng pagkain.

Gawain 2
Panuto: Sa patnubay ng iyong magulang o nakakatandang kapatid. Isulat ang Tama kung nagpapahayag ng
tamang pagpapayaman ng interes o hilig at Mali kung nagpapakita ng kahinaan.

______________1. Huwag mahihiyang ipakita o ibahagi ang talento sa ibang tao.

______________2. Laging sabihin na hindi kaya ang gawain kahit kaya naman ito.

______________3. Mag-ensayo palagi upang mapabuti ang sariling kakayahan o talentong taglay.

______________4. Mahalin at pahalagahan ang kakayahang taglay.

______________5.Laging isipin na kaya mo! Subukan muna bago sabihin na hindi mo ito kayang gawin.

Gawain 3
Panuto:Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Ano ang natatanging galing ng bata na nasa larawan?

1. A.magbasa B. kumanta

2. A. sumayaw B. sumulat

3. Binilhan ka ni Mama ng bagong damit. Ano ang maramdaman mo?


A. B.

4. Nasira ang bago mong laruan.


A. B.

5. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na ibinigay ng inyong guro, Ano ang gagawin mo?

A. Mangopya na lang ako sa aking kaklase.


B. Magpapatulong ako kay mama o kaya kay ate o kuya.

Gawain 4
Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at M naman kung mali.

________ 1. Magsanay sa pag awit at pagsayaw para lalong gumaling.


________ 2. Mahiyang ipakita ang talento dahil madaming nanonood.
________ 3. Humingi ng tulong sa mga matatanda upang lalong maturuan at gumaling.
________ 4. Itago na lamang ang talento dahil baka may masabi ang ibang tao ng di maganda.
________ 5. Sumali sa mga patimpalak upang maipakita ang talento.

V. Repleksyon

Panuto: Kailangan matutunan ang pagkilala sa iyong talent o sariling kakayahan upang magamit mo sa
pagtatagumpay ang iyong mga interes at hilig.

VI. SANGGUNIAN

Abac, F.E., et.al. (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 1. Kagamitan ng Mag- aaral sa Tagalog. Pag-aari ng
Kagawaran ng Edukasyon

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


MTB-MLE 1
Unang Markahan, Ika-1 Linggo
Pagpapahayag Tungkol sa Sarili at sa mga Sariling Karanasan

I. Pamantayang Pangnilalaman:
Nakapagpapakita ng panimulang kakayahan sa pabigkas na wika (oral language)
upang makapagpahayag sa iba’t ibang konteksto o sitwasyon

II. Pamantayan sa Pagganap:


Nagagamit ang kasanayan sa panimulang kakayahan sa pabigkas na wika (oral language) upang
maipahayag ang mga sariling karanasan, ideya, nararamdaman sa iba’t ibang konteksto o sitwasyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto


Nakapagsasabi ng tungkol sa iyong sarili at sa iyong sariling karanansan sa pamamagitan ng wastong
pagpapahayag (pamilya, alagang hayop, paboritong pagkain, sariling karanasan, kaibigan, paboritong laruan
at iba pa. (MT1OL-Iai-1.1)

III. Lagumang Pagsusulit

Gawain 1

Panuto: Ibigay ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa iyong sarili. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.

1. Ako ay si __________________________________________________________________ .

2. Ako ay taong gulang.

3. Ako ay isinilang noong ___________________________________________________.

4. Ako ay isang _______________________________. (Isulat kung lalaki o babae.)

5. Ako ay nakatira sa .

Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay nabanggit sa tula at Mali naman kung hindi.

Ang Pangarap ni Lito


ni Rhea M. Padiernos

Ako si Lito, pangarap kong maging isang kusinero.


Nilagang baka ang aking paborito.
Ginisang ampalaya ay di ko gusto, dahil mapait ang lasa nito.
Ngunit sabi ni Nanay dapat akong matutong kumain nito,
upang maging malakas at maging listo.

________________1. Pangarap ni Lito na maging isang kusinero.

________________2. Ang paboritong ulam ni Lito ay nilagang baka.

________________3. Gustong-gusto ni Lito ang lasa ng ginisang ampalaya.

________________4. Binawalan si Lito ng kaniyang nanay na kumain ng gulay.

________________5. Ang pagkain ng gulay ay nakapagpapalakas ng katawan at isipan.


Gawain 3

Panuto: Tingan ang mga larawan. Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag ay tumutugma ayon

sa larawan at malungkot na mukha naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ito ang aking tatay, siya ay isang magsasaka. Siya ay lalaki.

2. Ito si Bantay, ang aking paboritong alaga. Ito ay isang pusa.

3. Ito ang aking nanay. Kulot ang mahaba niyang buhok.

4. Ito ang kapatid kong si Miko, siya ay mahilig gumuhit at magkulay.

________5.Ito ang aking matalik na kaibigang si Wanda, siya ay mahilig maglaro ng bola.

IV. Pagtataya ng Inaasahang Produkto / Pagganap:

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa iyong sarili.

1. paboritong laruan

2. paboritong damit

3. paboritong pagkain

4. paboritong hayop
5. paboritong prutas

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


MAPEH 1
Unang Markahan, Ika-1 Linggo

I. KasanayangPampagkatuto

Ang araling ito ay may kinalaman sa mga bahagi ng mga katawan(PE), kaibahan ng tunog at
katahimikan (Musika), sining na gawa ng tao at sining na gawa ng ibang nilalang (Sining), at mga
pagkain na masustansiya sa ating katawan at hindi masustansiya(Health).

II. Layunin
1. Natutukoy ang bahagi ng katawan ng tao.
2. Nakikilala nang wasto ang kaibahan ng tunog at katahimikan.
3. Natutukoy ang sining na gawa ng tao at sining na gawa ng ibang nilalang.
4. Natutukoy ang pagkain na masustansiya sa ating katawan at hindi masustansiya para maiwasan ang
pagkakaroon ng sakit ng katawan.

III. Konsepto ng Pagpapahalaga


Ang gawaing pagkatutong ito ay naihanda upang makilala ang mga bagay sa paligid natin na
may tunog at walang tunog.(PE)
Ang bawat bahagi ng ating katawan ay katangi- tangi na may kanya- kanyang tungkulin
na ginagampanan upang nakakikilos at nakagagawa ng iba’t ibang gawain.(MUSIKA)
Ang sining na makikita sa mga lugar na ito ay maaaring gawa ng tao, hayop o halaman tulad
ng bahay, sapot, at dahon. (SINING)
Ang mga bata ay nangangailangan ng mga masustansyang pagkain para sila’y maging
malusog at matalino. Makakamtan lamang nila ang mga ito kung alam nilang piliin ang mga
masustansyang pagkain (HEALTH)

IV.Mga Gawain:

Gawain 1 – MUSIKA
Tingnan ang mga larawan. Iguhit ang bilog kung ang larawan ay may tunog.
Iguhit ang parisukat kung katahimikan . Iguhit ang sagot sa unahan ng bawat bilang.

_________ 1. _______ 2. ___________3.

_______ 4. __________ 5.

Gawain 2 – ARTS / SINING

Pangkatin ang mga sumunod na sining kung gawa ng tao o di-gawa ng tao. Gamit ang krayola o
lapis, gumuhit ng linya mula sa larawan patungo sa tamang pangkat na kinabibilangan nito.
Gawain 3 – P.E.
Itambal ang salita sa bahagi ng katawan sa pamamagitan ng paggamit ng
linya.

daliri

balikat

leeg

tuhod

paa

Gawain 4 – HEALTH
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Isa itong masustansiyang pagkain na nagpapalinaw ng mata.


a. kalabasa b. bayabas c. pakwan
___________2. Alin sa mga ito ang magandang inumin ng mga batang katulad nyo?
a. kape b. gatas c. coke
___________3. Alin sa mga susmusunod na pagkain ang hindi maganda sa katawan?
a. isda b. itlog c. softdrinks
____________4. Si Liza ay mahilig kumain ng mga junk foods. Ayaw niyang kumain ng mga
gulay at prutas. Ano ang pwedeng mangyari sa kanya?
a. Maging maliksi b. Magkasakit c. Malusog
____________5. Alin dito sa mga pagkain ang hindi mainam kainin ng isang batang katulad
nyo?
a.sitsiriya b. tinapay c. nilagang saging

You might also like