You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: _________________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 10
Ikaapat na Markahan – Unang Linggo
Pamayanan Ko Tutulungan Ko

I. Panimula
Ang pagtulong ay hindi lamang limitado sa ating pamilya at kaibigan.
Maaari din nating itong gawin sa ating pamayanan. Sabi nga ni Aesop, “No
act of kindness, no matter how small is ever wasted”. Ang pagiging mag-
aaral ay hindi hadlang upang ikaw ay makatulong sa inyong pamayanan.
Halimbawa ngayong pandemya ang hindi mo paglabas ng bahay ay
maituturing na pagtulong dahil maiiwasan ang pagkalat at pagkakaroon ng
virus.
Sa araling ito, ipakikita ang mga pamamaraan kung paano
makatutulong sa inyong pamayanan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Naipapahayag ang pagkukusa sa pagtulong sa pamayanan.
Koda: HGJA-IVb-3

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga pamamaraan sa pagtulong sa pamayanan; at
2. makagagawa ng poster na nagpapakita ng mga pamamaraan sa
pagtulong sa pamayanan.
IV. Pagtalakay
Ang pagtulong sa pamayanan ay walang hinihintay na kapalit. Ito ay
ginagawa dahil sa pagnanasa na makatulong sa ibang tao sa pamayanan.
Sa pagtulong nagiging isa kang aktibong mamamayan ng inyong lugar.
Dahil dito ay maaaring mahasa ang iyong kakayahan sa pamumuno,
pagtugon sa mga suliranin, pakikipagtulungan sa iba, pamamahala ng oras
at pakikipagkomunikasyon.
Narito ang mga sumusunod na pamamaraan na makatutulong sa
inyong pamayanan.
1. Paglilinis ng Pamayanan.
Ayon sa salawikain “Cleanliness is next to Godliness”. Ang
pagpapahalaga sa kalinisan at kapaligiran ay dapat maisapuso ng bawat
isa. Ang pagkakaroon ng malinis na pamayanan ay nakatutulong upang
mapanatili ang maganda at ligtas na kapaligiran.
2. Pagtulong sa iyong Kapwa Tao.
Ang pagtulong sa kapwa tao ito man ay sa pinansiyal, pisikal o
sikolohikal na pamamaraan ay pagpapakita ng tulong sa pamayanan. Ang
pagtulong mo sa iyong kapwa tao ay pagpapakita ng pagmamahal.
3. Pagbibigay ng donasyon.
Ang pagbibigay ng mga bagay na hindi ginagamit sa mga mas
nangagailangan ay isa ring paraan ng pagtulong sa pamayanan. Sabi ni
Anne Frank “No one has ever become poor by giving” maari mo itong ibigay
sa mga organisayon na tumutulong sa mga kapus-palad.
4. Pagboboluntaryo.
Ang pagboboluntaryo sa iba’t ibang mga gawain katulad ng
pagbibigay ng mga relief goods tuwing may kalamidad o di kaya naman ay
ang pagboboluntaryo na magturo sa mga kabataan sa inyong lugar ay
isang paraan ng pagtulong sa pamayanan. Hindi lamang nakabase sa mga
materyal o pinansiyal na bagay ang pagtulong.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Ilagay ang tsek (✓) kung ang sitwasyon ay naglalarawan ng
paraan sa pagtulong ng pamayanan at ekis (X) naman kung hindi.
__________1. Naglunsad ng cleaning drive campaign ang Sangguniang
Kabataan sa barangay nina Marko, inalok siyang sumali ngunit tinanggihan
niya ito.

2
__________2. Kumain ng chicken barbecue sina Alicia at mga kaibigan nito,
pagkatapos itinapon lamang nila sa daanan ang kanilang pinagkainan.
___________3. Nasira ng malakas na lindol ang maraming kabahayan sa lugar
nina Erika, pinangunahan niya ang pamamahagi ng mga relief goods.
___________4. Namahagi ng libreng pagkain ang pamilya ni Pablo sa lahat ng
nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar.

___________5. Bukal sa puso ni Rica na sa tuwina ay mamahagi ng tulong sa

mga kapus-palad.
A.2 Panuto: Magtala ng limang sariling paraan sa pagtulong sa pamayanan.
1._________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________
5._________________________________________________________________________

Gawain 2. Gawaing Pagganap

B.1 Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng paraan sa pagtulong
sa pamayanan. Ilagay ito sa malinis na papel.
RUBRIK PARA SA GAWAIN
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS
Kaangkupan ng Angkop at 35
Nilalaman makabuluhan
ang mensahe
Kahusayan sa Paggawa Mapanghikayat 15
at makapukaw
pansin ang
ginawa
Kabuuang Puntos 50
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos
para sa gawain.)

3
B.2 Panuto: Sumulat ng sanaysay tungkol sa kung paano ka makatutulong sa
inyong pamayanan.

Ang Plano Ko sa Aking Pamayanan!

__________________________________________________________________________

PAMANTAYAN PUNTOS ISKOR
Sapat at akma ang nilalaman. 10
Maayos ang organisasyon ng mga
10
ideya at kalinisan sa pagkasulat.
Nakahihikayat ang paglalahad 10
Kabuuang Puntos 30
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos
para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
MALI kung ito ay di-wasto.
__________1. Ang pagtulong sa kapwa tao ito man ay sa pisikal, pinansiyal o
sikolohikal na pamamaraan ay pagpapakita ng pagmamahal sa
pamayanan.
__________2. Ang pagboboluntaryo sa pagtuturo sa mga kabataan sa inyong
lugar ay paraan ng pagtulong sa inyong pamayanan.
__________3. Ang pagbibigay ng relief goods sa mga nangangailangan ay
isang paraan ng pagtulong sa pamayanan.
__________4. Ang pagtatapon ng basura kahit saan ay pagpapakita ng
pagtulong sa pamayanan.
__________5. Ang pagpanatili ng kalinisan sa pamayanan ay pagpapakita ng
kawalan ng disiplina.

4
VII. Pangwakas
Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba.
Ano ang iyong natutunan at paano mo ito maisasabuhay?

Mga Natutunan Ko Isasabuhay Ko

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK PARA SA GAWAIN

PAMANTAYAN PUNTOS ISKOR
Sapat at akma ang nilalaman. 10
Maayos ang organisasyon ng mga
10
ideya at kalinisan sa pagkasulat.
Nakahihikayat ang paglalahad 10
Kabuuang Puntos 30
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos
para sa gawain.)

5
VIII. Sanggunian
Department of Education, (2020), k to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding GC Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instructional Strand
University of the People “Ways to Help Your Community”.Retrieved from
https://www.uopeople.edu/blog/helping-the-community/access on
February 19, 2022

IX. Susi sa Pagwawasto

Gawain A.1 Gawain A.2; Gawain B.1; Gawain B.2; Repleksyon

Pagsusulit

6
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Ann Trixie A. Bangayan

Lina M. Olonan
Patnugot: Jessie M. Policarpio, PhD
Tagapagsuri ng Nilalaman: Noribel R. Dela Pasion
Jane E. Mones
Patnugot ng Wika: Roselyn G. Lomboy
Tagapaglinang: Yolanda M. Gonzales, EdD

You might also like