You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matiyak ang Gawi At Kabisaan Sa Pagtuturo Ng

Filipino Sa Piling Paaralan Sa Lungsod Ng Santiago. Ang pananaliksik na ito ay

gumamit ng metodong kwantitatib at deskriptib-korelasyunal. Gumamit ng talatanungan

ang mga mananaliksik nadumaan sa masusing pagsusuri ng mga balideytor upang sukatin

ang bigat na nakakapit sa bawat aytem. Ang mga talatanungan ay ipinasagot sa tatlong

daan pitompu’t isa (371) na mag-aaral at tatlumpu’t lima na mga respondent na guro sa

Northeastern College , University of La Salette, Santiago City National High School at

Rizal National High School mula ika 7 baitang hanggang 12. Batay sa resultang

natuklasan, Napatunayan sa pag-aaral na may makabuluhan at positibong relasyon ang

kasarian, baitang, edukasyon ng ina at ama, paaralang pinapasukan at marka sa Filipino

ng mga mag-aaral sa kanilang pananaw sa halos lahat ng pahayag ukol gawi ng pagtuturo

ng Filipino at Kabisaan ng pagtuturo ng kani-kanilang mga guro.

Keywords
Gawi sa Pagtuturo, Kabisaan ng Pagtuturo,kwantitatib at deskribtib- korelasyunal.

You might also like